You are on page 1of 2

1111111111111

Dada: ‘nay, ‘wag na po kayong umalis

Josie: Kailangan, anak eh. Babalik din ang nanay, ha?

Carla: O, bakit biyernes santo mga mukha ninyo? Hindi pa ba kayo sanay? Sanayin niyo na mga sarili niyo
sa mga pangakong napapako at sanayin niyo na rin sarili niyo na wala tayong katulong dito.

Michael: ate, tama na

Carla: tortang talong lang ang ulam? Hindi bale, ‘pag nagpadala uli ng pera, marami na uli tayong ulam.
At hindi lang ulam ah, tshirts, pabango, bag, sapatos

Michael: Ate, tama na sabi eh

Josie: Michael. Michael, dalhin mo na si Daday sa kwarto, sige na. Daday, pasok na sa kwarto, sama na sa
kuya, sige na, anak.

Carla: Pwede ba?! Tigilan mo na ang pagtawag sa kanila ng “anak”, mamiss pa ni Dada ‘yan, mawawala
ka rin naman.

Josie: Ikaw lang naman ang hindi kumikilala sa’king ina eh

Carla: Ows? Isa, dalawa.. lima, anim na linggo.. tingnan natin kung hindi si tita norma uli ang maging
nanay niyan.

Josie: Ano ba talaga gusto mo, Carla ha? Hindi bai to ang gusto mo? Pinagtutulakan mo akong umalis

Carla: Oo, at sana ‘wag ka nang bumalik

Josie: Bastos ka talaga hano, ano? Lalayas ka nanaman? Sige lumayas ka!

Carla: Talagang lalayas ako

Josie: Oo, tuluyan mong sirain ang buhay mo! Magpaka-boang ka sa bisyo mo, Magpakasawa ka sa mga
lalaki mo

Carla: Oo, gagawin ko talaga ‘yon

Josie: Lumayas ka, magpabuntis ka!

Michael: Nay tama na

Josie: Tingnan ko lang kung respetuhin ka ng anak mo kapag asin nalang ang inuulam niyo at nagpapaka-
tanga ka na para may maisaksak ka lang sa sikmura niya. Alam mo, nagpapasalamat ako sa Diyos at hindi
isinilang ang dalawang bat ana galling sa isang babae na iresponsable’t makasarili tulad mo

Carla: Kung magkaka-anak man ako, sisiguraduhin kong magkasama kami sa hirap at ginhawa, hindi ko
siya ipagpapalit dahil lang sa pera.

Josie: Ang kapal ng mukha mo! Tandaan mong ikaw ang sumira ng buhay mo, ikaw ang sumira ng buhay
mo, ang kapal ng mukha mo! Wala kang utang na loob! Ang kapal ng mukha mo! Kung ayaw mo sa akin,
ayaw ko rin sa’yo! Sana hindi nalang ako ang naging ina mo, sana hindi rin kita naging anak. Ngayon,
kung iniisip mong hindi moa ko pinili bilang ina mo, sana maisip mor in na hindi ito ang buhay na pinili ko
para sa inyong mga anak ko! Kung iniisip mo, sana binalik kita sa tiyan ko, sana maisip mo rin na ilang
beses kong ginusto na hindi na kayo pinanganak para hindi niyo maranasan ang hirap dito sa mundo.

Pero nandito na ako, andiyan kayo. Kahit nandito na ako, saan mang lupalop ng mundo, dito dala-dala
ko ang obligasyon ko sa inyo na bigyan kayo ng magandang buhay dahil magulang niyo ako!

Carla: Hindi mo ako naiintindihan, hindi ko hiningi ang lahat-lahat ng binigay mo sa amin. Kayo ang may
gusto nun, hindi ako.

Josie: Dahil mahal ko kayo, mahal ko kayo. Ngayon, sabihin mo sa akin, sinasabi mong hindi kita
naiintindihan? Bakit, Carla? Ako ba inintindi mo kahit minsan? Hindi. Sarili mo lang ang iniintindi mo.
Sana kahit minsan, binigyan mo ng halaga lahat ng paghihirap at sakripisyo ko sa inyo. Sana, tuwing
umiinom ka ng alak, habang hinihithit mo ang sigarilyo mo, habang nilulustay mo ang mga perang
pinadala ko, sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapagpadala
ako ng malaking pera rito. Sana habang nakahiga ka sa kutson mo, natutulog. Maisip mo rin kung ilang
taon kong tiniis ang matulog mag-isa habang nangungulila ako sa mga yakap ng mahal ko sana maisip
mo kahit kaunti kung gaano kasakit sa akin ang mag-alaga ng mga batang hindi ko kaano ano.
Samantalang kayo, kayong mga anak ko, hindi ko man lang kayo maalagaan. Alam mo ba kung gaano
kasakit ‘yun sa isang ina? Alam mob a kung gaano kasakit ‘yon? Kung hindi mo ako kayang ituring bilang
isang ina, respetuhin mo nalang ako bilang isang tao.

You might also like