0% found this document useful (0 votes)
570 views6 pages

PANULUYAN Script

Ang dokumento ay tungkol sa isang OFW na ina na iniwan ang kanyang mga anak sa kanyang tiyahin upang magtrabaho sa ibang bansa. Ang kanyang mga anak ay hindi tinatrato ng mabuti ng kanilang tiyahin at naghihirap. May isang mag-asawang nagnanais tumira sa bahay ngunit hindi sila pinapasok dahil wala silang maiiwan sa bahay. May isang mayamang pamilya na abala sa kanilang trabaho at hindi nakakapagbigay ng oras sa kanilang anak.

Uploaded by

Elad Nozid
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
570 views6 pages

PANULUYAN Script

Ang dokumento ay tungkol sa isang OFW na ina na iniwan ang kanyang mga anak sa kanyang tiyahin upang magtrabaho sa ibang bansa. Ang kanyang mga anak ay hindi tinatrato ng mabuti ng kanilang tiyahin at naghihirap. May isang mag-asawang nagnanais tumira sa bahay ngunit hindi sila pinapasok dahil wala silang maiiwan sa bahay. May isang mayamang pamilya na abala sa kanilang trabaho at hindi nakakapagbigay ng oras sa kanilang anak.

Uploaded by

Elad Nozid
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

CHARACTERS

PHONE
MILENG
CLARENCE
COLENE
CHARLOTTE
CARLO
JOSE
MARIA
CARDO
FELIZA
MARIANO
LIZA
YAYA
FRED
TELAY
CAROL
TAGAPAGSALAYSAY

PANULUYAN

Tagapagsalaysay: Ngayong gabi po ay ating pagninilayan ang panunuluyan nina Jose at Maria na
bibigyang buhay ng mga kabataan ng ating parokya kasabay ng pagdiriwang ng taon ng mga
kabataan. Halina’t saksihan natin kung paano bibigyang diin ng mga kabataan ngayon ang mga
pagsubok na hinaharap nila sa buhay upang maipakita ng ating mga kabataan ang tunay na
malasakitan sakanilang kapwa.

Sa pagbubukas ng ilaw matutunghayan po natin ang kwento ng isang OFW na ina, iniwan
ang kanyang mga anak upang kanyang maibigay ang mga pangangailangan nila at
makapagtapos ng pag aaral ang kanyang mga anak. Dahil dito ay naiwan ang kanyang mga
anak sa pag aaruga ng kanyang mas nakatatandang kapatid na babae na lingid sakanya ay
hindi tinatrato ng wasto, wala ng ibang ginawa kundi pahirapan ang kanyang mga anak at
pagmalupitan ng labis.
1st scene 1st act

* CELLPHONE RINGING *

Phone: ate mileng naipadala ko na po ang pera para sa mga bata.


Mileng: Ah! Para sa mga bata lang ganon? E pano naman ang gastusin ko dito aba e
napakahirap mag-alaga ng mga anak mo ano! Tapus buntis pa itong panganay
mo, aba hoy! Cecilia baka nakakalimutan mo ako ang gumastos para maka
abroad ka.
Phone: ate di ko naman nakakalimutan yan.
Mileng: ay! Nga pala sa susunod na padala mo kung pede sana eh! dagdagan mo
kulang na kulang itong pinadadala mo eh!
Phone: sige ate susubukan ko, kung ako lang ayokong pumunta dito nahihirapan
narin ako.
Mileng: ay nako hirap, hirap kalimutan mo yan ang importante meron kang
pinadadalang
Kwarta dito. O sige na aalis na ako at ng makuha na ang perang pinadala mo.
Baka abutin pa ako ng pagsasara ng lulier.

1st scene 2nd act

Clarence : ate tumawag naba si Mama, kasi wala na tayung pera


Colene: hindi pa nga e pero noong lunes tumawag siya ang sabi niya tatawag siya uli
Charlotte: diba kuya sabi ni mama meron siyang ipapadalang pera.
Clarence: oo nga ate diba sinabi nya yun
Colene: iyun nga rin ang iniisip ko e pero dapat nakatawag na siya.
Carlo : (darating sya galling school) ate may problema ako e
Clarence: Ah! na guidance ka nanaman ano
Carlo: si kuya talaga! Hindi ah!
Charlotte: alam ko na! hindi ka nakasagot sa exam nyo kaya pinatatawag si ate
(sabay magtatawanan ang tatlong magkakapatid)
Carlo: nangaasar naman kayo e! seryoso ito
Colene: Oh! Sige anung problema ba?
Carlo; kailangan kong magbayad sa project ko, ako lang di pa nakakabayad e,
Colene: pagtumawag si mama solve ang problema mo
Darating ang kanilang tiyahin
Mileng: O anu nanaman ang pinaguusapan ninyong tatlo dyan.
Clarence: tiya mileng itatanong ko lang po sana kung tumawag na po ba si mama kasi
sabi nya nung huling tawag nya meron siyang padadalang pera,

Mileng: Hoy! Kayo ha meron man o walang pinadadala ang nanay ninyo sa akin wala
kayong Pakialam unang una nakikitira kayo sa pamamahay ko at ako ang
nagpapalamon Sa inyo,
Colene: pero tiya mileng pera po namin yun padala ni mama
Charlotte: oo nga
Mileng: hoy! Wag kang sumabat dyan at baka madukdukan kita dyan,
Clarence: tiya, kailangan po namin ng pera para sa sa aming pag-aaral
Mileng: Aba edi pauutangin ko kayo
Colene: tiya wag namang ganun pera po namin yon padala ni mama
Mileng: wag mo akong sigawan,
Colene: hinde ko kayo sinisigawan
Mileng: kung ayaw ninyo sa pamamalakad ko sa tahanang ito Magsilayas kayo sa
bahay ko, bukas ang pinto, ako pa ang tatakutin n’yo. Mga buset na ito!
(tatalikod at akdang lalakad palayo)
Colene: tiya maawa naman kayo sa amin lalu na kay mama lumayo siya para sa amin
para matustusan ang pag-aaral namin, ang pangangailangan naming
magkakapatid. Lahat ng iniuutos n’yo sinusunod namin wag lang kayung
magalit sa amin,pls. lang tiya kailangan po naming yun lalu na si Clarence at
carlo kailangan nila yun para sa pambayad nya sa school.
Mileng: Ah kailangan ninyo kaya pala nagpabuntis ka ke batabata pa e lumandi
kakaagad.
Colene: tiya wag mong ibahin ang usapan
Mileng: (magagalit ito at bubunot ng pera sa kanyang bulsa at isasampal sa bibig ni
Colene) O ayan lamunin mo mga buset kayo
Colene: (pupulutin niya ang pera habang umiiyak at yayakapin ng kanyang mga
kapatid.)
(may kakatok sa pinto)
Jose: tao po, tao po
Charlotte: (bubuksan ang pinto) sino po sila
Jose: magandang gabi sayo, kami po sana ay makikipanuluyan sa inyo
Carlo: Charlotte sino yan (lalapitan ang nasa pinto)
Jose: Magandang gabi po ang aking asawa po ngayon ay malapit ng manganak ako
po’y nakikiusap sa inyo na kamiy patuluyin.
Carlo: pasensya napo hindi ko po kayo mapapatuloy gusto ko po sana kayung
matulungan kaya lang hindi po kasi sa amin ang bahay na ito.
Charlote: ay! Pareho po kayo ni ate Colene buntis din po sya e
Carlo: (tatakpan ang bibig ni Charlote) Pasensya na po kayo
Maria: nauunawaan ko kayo pagpalain kayo ng poong may kapal
Jose: paalam na sa inyo;
Maria: Jose wag kang magalala marami pa naman na pwedi nating mahanap para
tayo ay matulungan at patuluyin.
Jose: Sana nga Maria kong Mahal
Maria: Kasama natin ang Diyos

* Jose at Maria aawit ng una at pangalawang verse ng Alipin *zzzzzzzzzzzzzzzzz

2nd scn 1st act


Tagapagsalaysay: Sa ikalawang tagpo ay ipapakita ang isang mayamang pamilya. Ang mag
asawa ay masipag at matiyaga sakanilang hanapbuhay upang maitaguyod ang
mga materyal na pangangailangan ng kanilang ng iisang anak. Sila ay likas na
mabait sa ibang tao ngunit nakakalimutan ang mabuting pakikitungo at
pagbibigay ng wastong oras ng pag aaruga sa sariling anak. Ating saksihan
ang problemang dulot nito sa paglaki ng kanilang anak.

Cardo: O tatawagin ko ang pangalan ha lumapit dito


Feliza: yun iba po dito sa kabila lahat mabibigyan wag maguunahan
(tatawag ng pangalan) Marino Robles
Mariano: ako po yun! Napakabait po ninyo talaga, marami pong salamat!
Feliza: walang anu man,
Cardo: (Tatawag uli ng pangalan) Benita Carrion
(habang abala ang magasawa ay lalapit ang kanilang anak
Liza: Mommy (hahawak sa damit)
Feliza: anu ba nakita mong abala ako dito dun ka sa daddy mo
Liza: daddy (kakalabitin ang ama)
Cardo: anak busy si daddy ha dun ka muna kay yaya, asan ba ang yaya mo (tatawagin
ang kanyang yaya) yaya ang bata kunin mo dito.
(aalis ang magasawa upang harapin ang ibang mga tao maiiwan ang kanilang
anak)
Yaya: (lalapitan ang bata upang kunin ito) halika na marami pang ginagawa ang
mommy at daddy mo e
(aalis ang mag-asawa upang harapin ang ibang mga tao maiiwan ang kanilang
anak)
Liza: lagi nalang sila wala lagi nalang akong naiiwan wala na silang oras sa akin.
Inuuna Pa nila yung ibang tao kaysa sa akin lagi nalang sila sa trabaho nila.
Nakakainis.
Yaya: alam mo anak may mga bagay bagay na hindi mo pa mauunawaan sa ngayun
Daratingdin ang panahon na mauunawaan mo sila.
Liza: diba yaya may anak ka
Yaya : Oo
Liza: Iniiwan mo rin ba sila
Yaya: Oo, kulit ng alaga ko, ok sige, kasi kailangan paanu kami mabubuhay paanu
ang kanilang pagaaral kung nandun lang ako kasama nila kung minsan
kailangan ang malaking sakripisyo. Oo Masaya kasi magkakasama pero hindi
pweding ganun nalamang. Si daddy at mommy mo kaya sila nagtatrabaho ng
ganun ay para din sayo sa kinabukasan mo ikaw narin nagsabi na para sa iyo
yun ginagawa nilang pagtatrabaho. (hahawakan ang baba ng bata upang
tumingin sa kanya) Oh smile naman dyan.

(papasok ang mag-asawang Cardo at Feliza)


Cardo: Feliza halika bilisan mo at nagaantay ang bata
FeLiza: nandito na nga! Ito namang si cardo masyadu namang (lalapit ang batang si
Liza)
Liza: (lalapit sa kanyang mga magulang umiiyak) mommy, Daddy sorry ha
(nakatingin Ang magasawa sa yaya) at (yayakapin ang kanilang anak)
(may kakatok atr tatawag sa pinto si jose at maria)
Jose: Tao po magandang gabi po
Cardo: sino po sila
Jose: ipagpaumanhin po ninyo ang aming paggambala sa inyo, ang akin pong
asawa ay malapit ng manganak kung maaari po sana kami’y inyong
matulungan kahit saang lugar lang po ninyo dito.
Maria: ako po ay nahihirapan n asana po ay mapagbiyan nyo Na po ang Aming
kahilingan.
Cardo: gusto ko po sana kayong matulungan kaya lamang po kami po ngayun ay aalis
ng Bahay upang maipasyal namin ang aking anak at wala pong maiiwan dito
sa bahay. Sana po ay inyong maintindihan.
Jose: Ganun po ba sige po at maraming salamat.( malulungkot at nagiisip)
Maria: Jose kasama natin ang Diyos, (hahawak sa tiyan ni Maria si Jose) kaya ko pa
mahal ko, kaya ko pa.
Jose: (titingin sa malayo si Jose) pumunta tayu sa banda roon magbakasakali tayo
halika.

* Jose at Maria aawit ng pangatlo at pang apat verse ng Alipin *

3rd scene 1st act


(PANGAKO)

Tagapagsalaysay : Sa pagkakataong ito matutunghayan natin ang isang anak na uhaw sa pag
ibig ng kanyang sariling ama. Isang pangako ng
pagmamahal na hindi kayang punuan ng usapin sa
sustento at pananalapi. Mag amang nangangailangan ng
tamang komunikasyon upang malutas ang hindi nila
pagkakaunawaan.

Fred: Sige po aalis na po ako, kayo na pong bahala sa bata, tingin ko naman hindi
na yan Magiging pabigat sa inyo malaki nayan
Telay: Fred, baka naman pweding antayin mo na ang anak mo para naman magkita
kayo.
Fred: nako ate Telay wag na
Telay: eh! Anu ba ang plano mo para sa bata iwan mo nalamang dito
Fred: hindi ko alam, tiya telay alam naman ninyong meron na akong ibang pamilya
alangan namang isama ko yan dun, eh! Di maging dahilan payan ng pagaaway
naming magasawa.
Telay: ewan ko sayo fred Nuon ang sabi mo iiwan mo lang sandali dito at babalikan
agad at ang pangako mo susustentuhan mo habang nasa akin bata oh! meron
bang sustentong dumating mula sayo, wag mo sanang mamasamain ang
sinabi ko, wala namang problema kung sustentuhan mo o hindi ang bata ang
importante nasa poder ko sya.

(Darating si Carol Tatawin ang ama)


Carol: itay (patakbo yayakapin ang ama)
Telay: Oh! Ayan na ang anak mo
Fred: sige na!! sige na!! tama na ka arte
Carol: itay gusto ko lang naman kayung mayakap
Fred: ayan nayakap mo na ako
Carol: Itay matagal ng panahon na iniwan mo ako dito lagi kitang hinahanap
nagtatanong kung kaylan mo ako babalikan kahit na nga sustento na
ipinangako.
Fred: Sustento!, Sustento mukha kang pera.
Telay: anu kaba Fred?
Carol: hindi sustento ang kailangan ko sa inyo…ikaw! yung pagiging ama mo sa akin
iniwan mo ako dito sanggol palang ako. Mabuti pa yung ibang bata may tatay,
May natatawag na magulang ako kahit kaylan wala. Mabuti pa si nanay telay
inaalagaan ako pero sarili kong magulang wala itay ipakita mo naman sa akin
ang pagiging ama mo kahit sandali lang
Fred: Oy! Tumigil ka (duduruin ang anak) (aawatin ni Telay) ate telay sige po aalis
na po ako, kayo napo ang bahala sa kanya, mahal ko po ang anak ko. Ate
telay (aalis)
Carol: Wala kang kwentang Ama…
(may kakatok sa bahay Si Jose at Maria)
Jose: Tao po, tao po
Telay: ano pong kailangan nila
Maria: ipagpaumanhin po ninyo kayo po ay aming nagambala ako po ngayun ay
malapit ng manganak, kami po sana’y makikipanuluyan sa inyong tahanan
kung inyo pong mararapatin.
Jose: ilang tahanan narin po ang aming napuntahan subalit kami’y nabigo
Telay: kami po’y humaharap din sa malaking pagsubok pasensya na po hindi ko po
kayo
matutulungan, kami man po ay nangangailangan din. Pasensya na po.
Jose : (Malulungkot)
Maria: kahit ilan pang pagsubok ang ating pagdaanan kakayanin at kakayanin natin
dahil kasama natin ang Diyos hinding hindi nya tayo pababayaan kaylan man.

* Jose at Maria aawit ng pangalawa at pangatlo verse ng Alipin, CHORUS *


* IYAK NG SANGGOL NA SI HESUS *

You might also like