You are on page 1of 57

aANG JUAN TAMBAN Ni Malou Jacob Isang paghalaw ni Guelan Varela nang batay sa estilo ng Epic Theater

Luarca

[FIRST DRAFT]

The poverty of a production need not imply a poverty of the imagination. Salvador Bernal

Ha, ha, ha ?

MGA TAUHAN Juan Tamban Marina Ina ni Juan, isang pigura mula sa nakaraan Koro: Barker, na siya ring magiging Huwes Dr. de Leon Patrolman Gomez Mr. Torres Mrs. Torres Mike Gina Mr. Velasquez Mga Taong-lungsod Mga Batang-kalye Mga Pulis Isang Ale Isang Pang Ale Kagawad ng Barangay Doktor Mga Intern sa Isang Ospital

Mga Kaibigan ni Marina Mga Taga-slums Isang Alalay ni Mr. Velasquez Mga Mamimili at Maglalako sa Palengke Kuya ni Juan Bata 1 Bata 2 Dalawang Magnanakaw na Bata Abogado ng Depense Abogado ng Prosekusyon Klerk TAGPUAN Ang entablado ay isang nyutral na lugar na maaaring maging kalye, ospital, slums , korte, atbp. Sa palibot ng entablado ay mga upuan o bangko kung saan maaaring pumuwesto ang K oro sa kadiliman o bahagyang liwanag. Halos wala talagang lalabas ng tanghalan. N.B. Kapag ang linya y naka-bold, ibig sabihin, ito y pakanta. UNANG BAHAGI Ang batang kumakain ng ipis, daga, at butiki Hangad ng isang dalubhasang babaeng masuri I ANG ISPEKTAKEL NG KARALITAAN

Sa gitna ng Quiapo. Papasok ang Koro ng mga Taong-lungsod. Iba y kagagaling lang sa misa, ang iba y mga pulis, ang iba y mga manlalako, etc. etc. May dalawang batang nasa gitna ng daan. Isa ay ang Barker, at isa ay si Juan Tam ban. Biglang aakyat ang Barker sa itaas ng isang kahon, saka sisigaw upang akitin ang madla. BARKER Panoorin! Panoorin! Ang pinakasikat na salamangkero sa buong Sta. Ana! Halina kayo! Panoorin n yo na! Kumagat na kayo, parang awa n yo na! Siya y galing sa kahirapan, nais magpasikat Upang makahita Ng kakaunting barya! Salamangkero siya! Salamangkero! Ngunit higit pa ro n, siya y maralita! Batang-kalyeng nagnenegosyo! Panoorin! Panoorin! PANOORIN! Magkukumpulan upang makiusyoso ang Koro. Bababa ang Barker mula sa kahon, at papalit sa kanyang puesto si Juan Tamban. Si ya y gusgusin, siyempre. Parang mahirap na tao. Lahat ng taong mahirap, gusgusin, pakatandaan.

Habang nangungupit at naniningil ang Barker sa mga manonood, sila y magpapako ng t ingin sa salamangkerong si Juan. Magba-bow si Juan sa mga manonood. Pagkuwan, maglalabas siya ng isang lata. Mula ro y may ilalabas siyang butiki. Mamamangha ang lahat. Bigla kakainin niya ang butiki. Mapapahugot ng hininga ang madla sa gulat. May i bang magtatakbuhan dahil sa pandidiri, samantalang ang iba, magpapalakpakan at m agtatawanan sa tuwa. Ang susunod na routine ni Juan: dadampot uli siya mula sa lata, ngunit ngayon a nang daga. At ito y kanya ring kakagatin. May isang Aleng sisigaw, at saka lalabas ng entablado. Reaksiyon ng madla: KORO Hesusmaryosep! Nakakadiri! Sira ang ulo ng batang yan! May ilang mga batang-kalyeng dudumog kay Juan, at pagpapasa-pasahan siya kahit n a nandidiri sa kanya. MGA BATANG-KALYE Bwahahahaha! Juan Tamban! Juan Tamban! Bulok ang tiyan! Bulok ang tiyan! Muling papasok ang Ale, may kasamang Kagawad ng Barangay. KAGAWAD Hoy! Punyetang bata ka! Kain ka na naman nang kain Ng mga butiki at daga! Pagkakita ni Juan sa Kagawad ng Barangay, dali itong pipiglas mula sa mga batang -kalye. JUAN TAMBAN Lagot, pulis! Bitawan n yo ko! is

Agad siyang tatakbo papalayo. ALE Mam! Habulin n yo! Dalhin n yo sa ospital! Habulan sa buong kalye si Juan Tamban ang daga, buong Kamaynilaan ang pusa.

Ang Barker, na sasali sa Koro, ay biglang lilitaw at kakausap sa mga manonood. P agkasalita niya, titigil ang habulan tableau. BARKER Mga kabagang! Bago tuluyang mapikot si Juan Tamban Pakasuriin muna ang inyong nasasaksihan Ang batang nagpapakitang-gilas sa katuwaan Yamang ang kumain ng butiki t daga y hindi kasalanan Gusto nang ipatapon sa kulungan!

Sasabad bigla ang Ale. ALE Hindi sa kulungan! Wag mong pinalalabo ang usapan! Sa ospital siya ipadadala! BARKER Ke ospital, ke kulungan Tuloy ang habulan. Mahuhuli si Juan ng isang pulis at ng Kagawad. Magpapalakpakan ang mga tao. KORO Nahuli rin ang buang sa wakas! Ipadala sa ospital! Ipasok sa institusiyon! Kaawaan ang bata! Biglang ang dating masigla at maharot na habulan, nang mahuli si Juan, ay magigi ng singlagim ng isang mabagal na prosesiyong pamponebre. KORO [Juan Tamban, Bakit Ka Nagkaganyan?] Juan Tamban Bakit ka nagkaganyan Nanay, tatay mo, nasaan Ano itong iyong napasukan Ikaw ba y may patutunguhan Ipis, butiki, daga ang yong inuulam Wala na kasing ibang mapasok sa tiyan Juan Tamban Bakit ka nagkaganyan Pa no ka nagkaganyan Makikita nating mamimilipit ang tiyan ni Juan Tamban. Siya y dadalhin sa isang sul ok at ipahihiga sa isang kamang pang-ospital na de-gulong. BARKER Pero teka! Bago kayo maawa sa bata! Kilalanin n yo muna kung sino siya! walang pinagkaiba!

II

PROPAYL NG ISANG MARALITA

Ang ilan sa mga Koro y magpapalit ng damit upang maging mga Intern sa isang Ospita l. Ang Kaninang Kagawad ay maaaring lumabas bilang Doktor. May isang intern na itutulak ang kamang pang-ospital ni Juan upang ito y mapadpad sa gitna ng entablado. Paiikutan siya ng mga Intern at ng Doktor, lahat sila y may hawak na mga klipbord. DOKTOR

Unang tanong: Sino ang pasyente? Mag-uunahan sa pagtaas ng kamay ang mga Intern, wari y mga sabik na estudyante sa isang klasrum. Tatawag ng isang Intern ang Doktor upang sumagot. INTERN 1 Juan Tamban. Lalaki. Dose anyos. Anak ni Justino Tamban at Lucia Bernabe Ng Kalye Kapalaran, Sta. Ana. Sa likuran ng entablado, sa isang screen, lilitaw ang projection ng isang retrat o ng Sta. Ana. Marusing, matao, pook ng karalitaan.Maaaring ang Barker ang magma maniobra sa projector. DOKTOR Ayon sa pagsusuri, ano ang mga lumabas na sakit ng pasyente? Taasan ng mga kamay. Kung sumagot ang mga Intern, akala mo y sa isang game show. S a bawat karamdamang mababanggit, magpapalit ang larawan sa projector upang ipaki ta ang mga imahe ng mga naturang sakit, hal. Retrato ng mga virus o mikrobyo sa ilalim ng mikroskopyo; o mga sikat na sintomas ng mga sakit na iyon. INTERN 2 Malaria! INTERN 3 Amoebiasis! INTERN 4 Pinaghihinalaang may epilepsy! DOKTOR AT INTERN [Ako Ang Gagamot] Juan Tamban Dose anyos Taga-Kalye Kapalaran Sta. Ana May Amoebiasis May Epilepsy At Malaria Ako ang gagamot sa kanyang ameobiasis Ako ang gagamot sa kanyang epilepsy Ako ang gagamot sa kanyang malaria Ako ang gagamot Ako ang gagamot Kulang kasi sa pagkain Walang nag-aalaga Kulang kasi sa nutrisyon Wala kasing pamilya Kulang kasi sa pagmamahal DOKTOR Aba teka, teka

Kung pagmamahal ang usapan Atras ang studyante ng medesina Sampung taon sa kolehiyo Utak lang ang pinagagana Kung puso y isasali Baka di na mabubuhay Yamang araw-araw sa pagamutan May pasyenteng mamamatay Kung malaria at amoebiasis Anemia man o epilepsy Lahat ng virus at mikrobyo Aming mawawaksi KORO Ako ang gagamot Ako ang Ako ang Ako ang Ako ang Pero Kung pagmamahal ang usapan Atras ang studyante ng medesina Sampung taon sa kolehiyo Utak lang ang pinagagana Dahil Kung puso y isasali Baka di na mabubuhay Yamang araw-araw sa pagamutan May pasyenteng mamamatay Kung anu-ano ang gagawin ng mga Intern kay Juan g sa manghina at mapagod si Juan. iniksiyon, check-up, etc.hanggan sa kanyang ameobiasis gagamot sa kanyang epilepsy gagamot sa kanyang malaria gagamot gagamot

Maiiwan mag-isa si Juan sa entablado habang ang Koro ay pupuwesto sa labas ng pa ngunahing pook ng tanghalan. Papasok sa isang sulok si Marina at haharap sa mga manonood, may bitbit na folder. Mula sa Koro, tatayo ang isa siya si Dr. De Leon. Maiilawan siya. May maliit sil ang eksenang magaganap nang lingid. MARINA Basing it on his profile, Dr. de Leon, mahirap ang kasong ina-assign n yo sa kin. yan, ibinigay ko na sa iba. DR. DE LEON Marina, kung madali MARINA Marami siyang sakit. DR. DE LEON Oo, halo-halo ang sakit niya. May physical, psychological, emotional, at spiritual.

MARINA And so, what s left of him? DR. DE LEON Halos wala na nga. MARINA Mahirap paniwalaan na ang batang walang-wala, siya ring batang may hawak ng pinakamahalagang bagay sa akin. DR. DE LEON Your master s degree. Nakakabigla nga kung minsan. Pero kung tutuusin, lahat ay may kani-kanya ng halaga. Ang unggoy at daga, importante para sa mga siyentipikong nag-eeksperimento. All for human progress. Pa no pa kaya ang taong kumakain ng daga, butiki, at ipis? At kung humihirap ang imbestigasyon, lalong sumasarap ang labanan, di ba? MARINA Malaria. Epilepsy. Amoebiasis. Magagamot nga DR. DE LEON Pero ang psychological trauma? MARINA That s where I come in. yon ng doktor.

III

KILALANIN ANG MARALITA

Papasok si Marina sa gawi ng entablado kung saan mag-isang nakaupo si Juan, nagp apahinga. MARINA Juan, Juan? Kamusta ka? Walang tugon si Juan. Ano ng nararamdaman mo? Gano n pa rin. Isa akong kaibigan. Gusto lang kitang makausap. JUAN Ayoko mag-usap. Pagod ako. MARINA Gusto ko lang makipagkaibigan sa JUAN Ayokong makipagkaibigan! MARINA yo.

Ba t, marami ka na bang kaibigan? JUAN Wala! Basta, ayoko sabing mag-usap! Tanong ka naman nang tanong! Wala na kayong ginawa kundi magtanong! Naiinis na ako! Tatakbo si Juan at lalabas, makaalpas siya mula kay Marina. Papasok muli si Dr. de Leon. DR. DE LEON That was the first meeting, Marina. The FIRST one! MARINA Hindi pa ko naggi-give up. DR. DE LEON Tama yan. Kailan ma y huwag kang susuko sa iyong kaso. It s such an interesti ng case, masasabing pambihira t di pangkaraniwan. Naaalala mo ba yung diskusyon natin once sa class? Biglang tatayo ang mga Koro at papasok ng entablado. DR. DE LEON [Awit ng Estatistika / Malulutas Kita] Ilan, ilan ang mga batang mahihirap Na pakalat-kalat dito sa may siyudad KORO Siyam na milyon at dalawang daang libong Bata sa ilalim ng edad na labinlima DR. DE LEON Cite your sources KORO Philippine Institute for Development Studies at UNICEF DR. DE LEON Pasalamat kang iisa lamang sa KORO Siyam na milyon at dalawang daang libong bata DR. DE LEON Ang sinusuri mo ngayon, Marina. Isa lamang sa KORO Siyam na milyon at dalawang daang libong bata DR. DE LEON Ang may kasong tututukan ng isang propesyunal Isipin ang progresong maidudulot Ng pag-aaral mong nakayayamot Kung tayong nakapag-aral ay walang gagawin

Upang maibsan ang KORO Siyam na milyon at dalawang daang libong DR. DE LEON Suliranin Ang iisang batang butiki, daga at ipis ang kinakain Baka maging KORO Siyam na milyon at dalawang daang DR. DE LEON Kasong dapat problemahin Wag kang susuko, Marina Lahat na wag lang yon At baka madagdagan pa ang estatistika Nang daan-daang milyon Ganito kaimportante ang kasong hawak mo Ikamamatay, o ikabubuhay ng KORO Siyam na milyon at dalawang daang libong katao DR. DE LEON Siyam Na milyon Dalawang daang Libo Ang nakasalalay rito MARINA At ang master s degree ko DR. DE LEON at KORO At ang master s degree mo KORO Nakatapat ka, Marina Ngayo y hindi mo na puwedeng talikuran Kailangan, kailangang sugurin mo si Juan Tamban Sino kaya sa inyo ang uuwing sugatan O, ano ba itong misteryo ni Juan MARINA Malulutas kita, Juan Tamban Malulutas kita, di mo lang alam Pilit kong bubuksan ang iyong mundo Bibiyakin ko ang iyong puso Hihimaymayin ko ang iyong diwa Ang iyong katauhan, sa akin susuko Malulutas kita

IV

KILALANIN ANG HINDI MARALITA

Mula sa Koro, lilitaw ang ilang tauhan: sina Mr. at Mrs. Torres, Mike, Gina, at iba pang Mga Kaibigan ni Marina. MIKE Gina, anong oras daw ba uuwi si Marina? GINA Ewan. Napa-overtime na naman siguro kay Sir de Leon. MR. TORRES Sa n ba punta natin after the surprise, Mike? MIKE I don t know pa, Tito. MRS. TORRES Ikaw na lang mag-isip, Dad. MR. TORRES Yeah. I want somewhere high end. I m in the mood e. ISA PANG KAIBIGAN (mula sa labas, papasok) Parating na yata siya! MIKE Oh gosh! Let s all hide na. Magtatago silang lahat sa likod ng iba-ibang muwebles sa entablado. Gina, turn off the light! GINA (sa tech booth) Guys, yung ilaw daw, pa-dim muna! Lalamlam ang ilaw. Shhh! Quiet, everyone! Papasok si Marina sa entabladong madilim. Pagkatuntong niya roon, biglang maglil itawan ang lahat nang nagtatago, at biglang bubukas ang ilaw. Mga party popper, mga lobo, mga torotot. LAHAT LIBAN KAY MARINA Happy birthday!!! Tableau. Lilitaw bigla ang Barker, tutuntong sa isang kahon, harap sa mga manono od. BARKER Ito ang daigdig ni Marina. Mahilig sa sorpresa. Pawang nakangiti, Pawang nakatawa. Dito, laging umaga. Pero, abangan ang tensiyon maya-maya. Lalabas ang Barker MIKE Kanina ka pa namin hinihintay! balik sa normal ang eksena.

MARINA Thanks, love! Si Sir de Leon kasi e. Daming pina-research. ISA PANG KAIBIGAN Ay, hindi ka ba nagseselos, Mike? GINA Naku, pakasal na kayo, bago ka pa masingitan! MIKE Talagang kasal na GINA Wow! Engagement ring! Ilang K n? MIKE Pagkatapos ng M.A. ni Marina. GINA Nako lagot Tawanan. Wait, Marina, halika tingnan mo gift ko. yan, ha? Totohanan na pala ito. Pero, kaila pakita mo nga, Marina, yung daliri mo.

Hahatakin ni Gina si Marina sa gawi niya. O. (Iaabot ang regalo kay Marina.) Bale, kamusta na pala ng thesis mo? MARINA Ito. Hindi siya madali a. GINA Ako nga rin pinahihirapan ni Sir de Leon. Pinapupunta pa naman ako sa Be nguet! May kaso kasi ro n, interesting. May batang sumasaksak ng kalabaw, kasi gusto niyang malaman kun g makapal talaga ng kutis ng kalabaw. MIKE Marina, check out your dad s gift! Hahatakin si Marina sa kanya. By the way, where do you want to have dinner tonight? MARINA Sa malapit lang coz Hahatakin ulit si Marina ni Gina. GINA I heard about your case, complicated daw. But I hope you do well, becaus e diyan nakasalalay master s mo. Hahatakin ulit si Marina ni Mike. MIKE

Marina, I was thinking somewhere near nga. But your dad insists on somew here grand. MR. TORRES I m in the mood, e. Hahatakin ulit si Marina ni Gina. GINA Besides, focusing on your M.A. will buy you and Mike the time na makapag -ipon for the wedding. Hahatakin ulit si Marina ni Mike. MIKE Don t worry muna about the money, Marina. Your dad was telling me somethin g. MR. TORRES I was telling Mike, if you want fast buck go to construction. Sand and g ravel, trucks, steel, cement. May kumpadre ako, ilang taon lang sa trucks, may bahay na ngayong walong milyon. The economy s good! Bigla magiging wari y ballet ang porma ng lahat (liban kay Marina) sasayaw ang mga tao ng ballet sa saliw ng isang report ng Bloomberg hinggil sa economic boom ng Pilipinas ? tingnan ang report sa URL na ito: http://www.youtube.com/watch?v=nC bfRjnIMC0. (pamagat ng bidyo: Breaking News: Philippines Beats Global Stocks ) Mapo-project sa likod ng entablado ang naturang bidyo. Ang biglang pagsayaw ng m ga tao y dapat nakabibigla, at ang kapinuhan ng kanilang koryograpiya, taliwas na taliwas sa hindi-naman-musikang ingay ng naturang report sa bidyo. Pagkuwan, balik sa dati. GINA Napunta na naman sa business ang usapan. Dudumugin nila si Marina. May kani-kaniyang paksa, pagpapasa-pasahan si Marina. Don t get distracted, Marina MIKE Madali lang pala kumita GINA Damayan tayo kay Sir de Leon! MIKE My treat! MRS. TORRES Tara, kain na tayo, Dad! MR. TORRES Manila Hotel na! MIKE anyway, Marina, kain na tayo! Saan mo gusto? focus tayong dalawa sa M.A. natin!

Wag, tito! Too far! MR. TORRES Okay lang GINA You think I should take the Benguet case? MR. TORRES I m in the mood for fine dining! Patong-patong ang mga daing MARINA Wait!!! Katahimikan. I m formally starting on my case tomorrow so I can t stay too long tonight. Puwede bang diyan lang? I really have to continue working after dinner. MIKE I agree! Sa malapit lang! Wag sa hotel. My treat! MR. TORRES My treat na nga! Sa Manila Hotel tayo! Kakaladkarin nila si Marina palabas ng entablado, pasayaw, parang ballet ulit, h abang tumutugtog ang audio ng clip kanina. hanggang mapuno si Marina. sabi ko sa yo, my treat na e.

ANG IKINABUBUHAY NG MARALITA

Habang patuloy na tumutugtog ang naturang audio, magpapalit ang eksena sa slums. Sta. Ana. Kung saan lumaki si Juan Tamban. Papasok ang Koro mga Taga-slums. Papasok si Mang Tino, may tulak na kariton, nag kakalkal ng basura. Aawit ang Koro. Mabilis sana ang tiyempo ng awiting ito, operatiko, at hihingi n g mabilis at masiyahing pagkanta ngunit ang Koro, sana y hindi sakyan ang sigla ng musika. Wag sana nilang malimutan, na ang papel nila sa bahaging ito ng dula ay mga nakakaawang mahihirap. Mahirap maawa sa kumakanta nang masaya. [Maharap Ko Kaya Ang Bukas / Ka-shing! Ka-shing!] KORO Sa bawat hakbang na papalapit sa iyo Nag-uunahan ang tibok ng puso ko Ang sagot sa tanong ko y hawak mo Kami ba y kakain sa araw na ito MANG TINO (hindi umaawit, tumutula lamang; wari y natutuwa tuwing nakagagawa ng tu gmaan) Ako y pabayang ama, ama ni Juan Tamban Justino ang pangalan

Hanapbuhay ay sa basurahan Papasok ang isang naka-cellphone, si Mr. Velasquez. KORO Mr. Velasquez, ano ng kita natin ngayon MR. VELASQUEZ (may kausap sa cellphone) Tig-sampung trak na itong mga lata ko t lumang dyaryo Sinabi ko na sa inyo ang presyo ko Baka maunahan kayo ng ibang nagnenegosyo Gusto kong pakyawin n yo na ng lata t dyaryo Marami pa kasing paparating sa bodega ko KORO Mang Tino, ano ba ng atin ngayon MANG TINO Ito pa rin! Tulad ng dati! Mag-aabot si Mang Tino ng kalkal sa Barker, na magsisilbing puno ng koro. BARKER Pitong pera pa rin per kilo MANG TINO Oo! Tulad pa rin ng dati. BARKER (iaabot ang kalkal kay Mr. Velasquez) Mr. Velasquez, katulad daw ng dati. Dyis. Kukunin ng isang Alalay ni Mr. Velasquez ang kalkal. MR. VELASQUEZ Binili ko ng dyis. Ipagbili ng beinte. KORO (ginagaya ang ingay ng lumang kaha ng pera) Ka-shing! May iaabot uli si Mang Tino. MANG TINO Treinta. BARKER Kuwarenta y otso Kukunin uli ng Alalay. MR. VELASQUEZ Ipagbili ng singkuwenta y singko KORO Ka-shing! Mag-aabot uli si Mang Tino. MANG TINO Ito kinse per kilo.

BARKER Desiseis Kukunin uli ng Alalay. MR. VELASQUEZ Gawing beinte-singko Mag-aabot ng pera ang Barker kay Mang Tino. BARKER Kuwarenta pesos MANG TINO Katulad ng dati. MR. VELASQUEZ Tatlong libong gross sa araw na ito Hindi rin masamang pagkakitaan ang basyo (Sa Alalay) Bigyan ng tig-dyi-dyis ang mga bata Sabihing bukas, magsimula nang maaga Marami pang gawaing natitira Bukas itutuloy ang ating kita KORO Ka-shing! Ka-shing! Ka-shing! Lalabas si Mr. Velasquez. MANG TINO Ser, ser! BARKER Mang Tino, bakit ho? MANG TINO Ser, baka puwede hong bumale? BARKER O, babale na naman kayo. MANG TINO E nagsara na ho ang sabungan, di na ako makakapagristro, paekstra-ekstra na lang ako sa mga konstruksiyon. BARKER Naku, e Talagang ganyan ang buhay MANG TINO Ser, alam n yo namang sa basura ko lang binubuhay pamilya ko. BARKER Maghintay ka kasi sa magandang presyo

MANG TINO Ser, alam n yo namang hindi nagbabago ang presyo ng bote-diyaryo. BARKER O sige, ito, dalawang piso. MANG TINIO Baka puwede n yong dagdagan. BARKER Wala na kong mabibigay sa yo Kahit wag mo nang bayaran yan Ito y aking balato Paalam na, Mang Tino Lalabas na rin si Mang Tino, tulak-tulak ang kanyang kariton. KORO [Reprise: Maharap Ko Kaya Ang Bukas ] Maharap ko kaya ang bukas Maharap ko kaya ang bukas Ang gawaing pampalipas oras Ang gawaing pampalipas buhay

VI

KILALANIN MULI ANG MARALITA

Nakaupo si Juan sa isang bangko, nakatalikod sa mga manonood. Papasok si Marina. MARINA Hi! Hindi siya lilingunin ni Juan, kaya haharapin niya ito. Aba, may bubble gum ka. Sino ng nagbigay sa iyo? Hindi sasagot si Juan. Naaalala mo ko? Ako si Marina. Sabi ng mga nars at atendants, napakabait mo raw na bata. Papuputukin ni Juan ang kanyang bubble gum. Taga-saan kayo? Hoy, ipasyal mo naman ako sa inyo. A, mahilig ka ba sa adobo? Kase maghaling mag-adobo ang nanay ko. Pasyal ka sa amin, gusto mo? Ikaw, may nanay at tatay ka pa ba? Mabilis at maingay na ngunguya si Juan. May iaalok na tsokolate si Marina kay Juan. Sige na, Nestle Uuga-uga si Juan. yan. Bigay sa kin ni Mike, boypren ko.

Bubuksan ko, ha? Hati tayo. (Bubuksan ang tsokolate. Hahatiin at kakaini n ang kabiyak.) O, ayaw mo? Imported yan, mamahalin. Ayaw mo? Hindi ka kumakain nito? Uubusin ko na? Sige. (Isusubo ang parte ni Juan.) Bakit ka ganyan? Talaga bang ayaw mo sa kin? Ayaw mong makipagkaibigan? Ayaw mong tumanggap ng bigay ko sa iyo. E ano gusto mo? Wow, pare, bigat mo. Bakit, nakakatakot ba ako? (Ilalapit ang kanyang mukha kay Juan.) Nakakatakot ba ako? (Ididilat ang mga mata at ngingiwi.) Haha! Siguro muk ha akong asawang ano? Ahahahaha! Lilipat si Juan ng bangko. Juan, pagod na ko, ha. (Titindig at tatabi kay Juan.) Maglalabas ng isang lastiko at holen si Juan. Holen. Lastiko. Tara, laro tayo. Hahawakan ni Marina ang lastiko rina. galit na hahablutin ito ni Juan. Mabibigla si Ma

Ang damot mo naman. Hindi ko naman nanakawin sa

yo

yan. Relaks ka lang.

Titirahin ni Juan ng lastiko sa paa si Marina. Tatawa si Juan. Aray! Akala mo kung sino ka! Masasaktan si Juan. Tatayo at akmang aalis. Sige, gusto mong umalis? Sige, alis, alis. Ayaw mong makipagkaibigan? Hu wag. Marami naman akong kaibigan, a. Wala namang mawawala sa kin kung hindi tayo magkaibigan. Ayaw mong magsalita? Pinakamalaki at pinakamalakas na putok ng bubble gum ang isasagot ni Juan, sabay lalabas. Papasok mula sa gawi ng koro si Mr. de Leon. Habang nagbu-boo ang koro. MARINA But Mr. de Leon! Ang sutil-sutil ng batang yon kasi! MR. DE LEON Marina, kauumpisa mo pa lang. Kayong mga babae, oo. Kailangang pursigido ka. Maton ang kaharap mo. Ano ng gusto mo? Ma m, yes, Ma am? Kailangang maipakita mo munang mapagkakatiwalaan ka. Konting tiyaga. MARINA Para akong nag-aaksaya ng panahon. Kung ayaw niya ng tulong, huwag. MR. DE LEON Pa no mo nalamang ayaw niya ng tulong!? Ang kaengkuwentro mo ay bata. Wala ng pinag-

aralan, taga-slum wala pang alam yan kung ano ang gusto niya o hindi. Ikaw, M.A. student, malamang magpi-Ph.D. pa. Hindi mo masakyan ang bata? Hindi mo malaman a ng gagawin mo? MARINA Alam ko, pero kung ayaw, wag pilitin. MR. DE LEON Bakit, talaga bang ayaw niya? Inaplay mo na ba lahat ng natutuhan mo sa kin? Ang lahat ng nabasa mo? Sayang lang ang sangkatutak na librong binasa mong hindi nam an maiaplay. Nasaan ang mga teyorya mo? Narito na ang isang praktikal na situwas iyon. Nabisita mo na ba ang pamilya ni Juan? MARINA Pupuntahan ko nga. MR. DE LEON Dapat lang! Marina, you haven t even scratched the surface of your investigation! MARINA I know that! Pero ang tanong ko: Is it worth knowing it!? MR. DE LEON Batang kumakain ng butiki, ipis, at daga Master s degree mo is it worth it!? is it worth it!?

You know what s your problem? You re attacking the subject head-on. You might be see ing symptoms, you might know the disorders. Pero hindi mo pa kilala ang bata. Yo u don t know his whole story, his context. Isn t that the first step? Tatayo si Marina, wari y pinagsaulan ng gana. O saan ka pupunta? MARINA Tama kayo, sir. I have to know his story. Pupunta ako kina Juan, sa Sta. Ana. I have to make a character study. (Biglang hihinto sa paglakad.) Squatters area yon

MR. DE LEON Alangan namang village! Tuluyang lalabas si Marina magpapalit ang tagpuan.

Habang nagpapalit ang tagpo papunta ulit sa slums ng Sta. Ana, umaawit ang Koro at si Marina. [REPRISE: Juan Tamban, Bakit Ka Nagkaganyan? / Malulutas Kita] KORO Juan Tamban Bakit ka nagkaganyan MARINA Malulutas kita, Juan Tamban Malulutas kita, di mo la

ng alam Nanay, tatay mo, nasaan ndo Ano itong iyong napasukan Ikaw ba y may patutunguhan g diwa Ipis, butiki, daga ang yong inuulam kin susuko Wala na kasing ibang mapasok sa tiyan Juan Tamban Bakit ka nagkaganyan Pa no ka nagkaganyan Pilit kong bubuksan ang iyong mu Bibiyakin ko ang iyong puso Hihimaymayin ko ang iyon Ang iyong katauhan, sa a Juan Tamban Bakit ka nagkaganyan Malulutas kita

IKALAWANG BAHAGI Dahil ang bata y nanlalaban at ayaw bumigay Aalamin ni Marina ang nakaraan nang tuluyan s yang mahimay VII THE JUAN TAMBAN STORY, PART 1

Isang pihit lamang ni Marina, at nasa may Sta. Ana na siya. Si Mang Tino, nakalukmo sa ibabaw ng isang kahon, kumakain ng tuyo. Lalapit si M arina, hindi niya mamamalayang naroon. MANG TINO Putsa! Tuyo, tuyo, tuyo! Wala na bang ibang pagkaing mura? Ang lakas maka-skwater nitong tuyo! Awang-awa ako sa sarili ko! (Tatawag sa kapitbahay, sa isang korong kumakain din.) Nando! Ano ng ulam n yo diyan? YUNG KORONG KAUSAP Tuyo! MANG TINO Sabi ko na e. (Sa kabilang kapitbahay.) Ateng, ano ng ulam n yo? YUNG KAPITBAHAY Tuyo! MANG TINO Putsa! (Sa isa pang kapitbahay.) Nelson, sa yo!? Ano ng tanghalian mo?! YUNG ISA PANG KAPITBAHAY Sandwich! MANG TINO (mabibigla) Ayos a! Ano ng palaman? YUNG ISA PANG KAPITBAHAY Tuyo!

MANG TINO Putang inang MARINA

yan! Pauso ka, a

mabulunan ka sana! Buwiset!

Aaah magandang tanghali po. Mang Justino? Mapapahinto sa pagkain si Mang Tino. MANG TINO Inaaaraw-araw n yo kami, a. Inyo na ang Sapang Palay, pati yung Carmona! Pero hindi n yo kami mapapaalis dito! (Sa mga kapitbahay.) Mga kapitbahay, paglaban n yo ang inyong tirahan! Lahat ng Koro y biglang tatayo at maglalabas ng mga panangga at mga karatula. MANG TINO at KORO Kapitalista! Ganid sa lupa! Kapitalista! Ganid sa lupa! MARINA Wala po akong kinalaman sa mga sinasabi ninyo! MANG TINO Hindi ka ba taga-demolisyon!? MARINA Hindi ho. Bumibisita lang ho Babaling si Mang Tino sa mga kapitbahay. MANG TINO (Sa mga kapitbahay) E hindi naman pala taga-demolisyon! Sige, tuloy kayo sa kain! May bisita ako, o! May bisita ako! (Kay Marina.) Tuloy, tuloy. Bihirang mapadpad dito ang bisita. May isa p ang ulo rito ng tuyong natitira, kain ho, kain. Pasensya ka na sa ulam namin, ito may kanin pa, o. MARINA Naku, hindi na ho, Mang Justino. Tapos na ho ako. MANG TINO A, gano n ba? Mang Tino na lang itawag mo sa MARINA A pinapaalis na ho kayo rito? MANG TINO Oo. Pagkatapos ng walong taon, basta na lamang kami paaalisin. Masakit d aw kami sa mata. Baka magka-sore eyes daw yung mga turista. Putang inang mga turista yan, magtatay o raw dito ng supermarket. Mas mahalaga ba supermarket kesa sa min? Ha ha! Ano ho ba ng sadya n yo? MARINA Social Work Student ho ako sa PGH. May balita ho ako tungkol kay Juan kin.

MANG TINO Kamusta si Juan? May sakit ba?! MARINA Mabuti-buti na ho. MANG TINO Ano ba ng sakit!? MARINA Nilagnat ho, nilamig, nagkombulsiyon. Naospital ho kasi, dahil tapos na po ba kayo kumain? MANG TINO Tapos na. Gusto n yo ba? MARINA Ay hindi ho. Ano ho kasi si Juan, naospital, kasi kumain ho ng ipis, daga, t saka butiki. Mahabang katahimikan habang litung-lito si Mang Tino sa balita. MANG TINO Di ko maintindihan ba t kakain ng ipis, daga, tsaka butiki may tuyo naman, mur ang-mura lang sinasandwits nga yan ng ay, ewan ko MARINA Naging trabaho ho kasi ni Juan nlilimos. Parang sa perya ba. yun kumain ng kung anu-ano sa may Quiapo habang na

Parang napatulala ulit si Mang Tino. Mang Tino, puwede ko ho po ba malaman kung pa no napadpad si Juan sa gano ng trabaho? MANG TINO Ewan ko ba kung sino dapat sisihin. Yung nanay ba niya, o ako, o si Juan . Sabi ko naman sa nanay niyan, Hoy, Lucia, mali ang palakad mo kay Juan. Tuluyang lumayas yang si Juan dahil sa sama ng loob sa akin. Isang araw kasi, nal ugi ako sa kita. Wala kaming pangkain n un. Kaya sinama ko si Juan sa may palengke. Tatayo si Mang Tino, at mumuwestra ng pagkuwento. Tuluyan nang papasok si Juan, at magpapalit ang tagpuan upang kumatawan sa isang pagbabalik-tanaw. Mananatili si Marina sa entablado, inirerekord sa isang tablet ang pagbabalik-tanaw ni Mang Tino. Ngunit, papasok muna ang Barker upang tumuntong muli sa kanyang kahon, at magtan ghal sa mga manonood ng ilang karatula, kung saan nakasulat ang mga sumusunod: THE JUAN TAMBAN STORY PART 1 Juan, bakit hindi mo madyikin ang mga isda at bigas sa palengke?

Papasok ang ilang Koro bilang mga Mamimili at Maglalako sa Palengke. MANG TINO

Juan, minalas tayo ngayong araw na ito. Babale sana ako kay Mang Johnny, pero na una hiya ko. Kababale lang kase natin ng pamburol sa nanay mo. Kaw kase, wala sa loob mo ang pagtatrabaho. Pati tuloy ako nawalan ng gana. Konti namang sigla! An g laki-laki mo na, wala pa ring pakinabang sa yo. Sige magdilehensya ka. JUAN TAMBAN Pero tay MANG TINO Sige Maraming taong namimili, hindi ka mapapansin ng mga tindera. Hindi lalakad si Juan. Ano ba? Akala ko ba mabilis ang mga kamay mo? Pamadyik-madyik ka sa mga kapitbah ay, bakit hindi mo madyikin ang mga isda t bigas sa palengke. Sige, hintayin kita rito. Sisikapin ni Juan magnakaw nang ilang beses sa isang Maglalako, pero hindi niya maituloy ito. Babalik si Juan kay Mang Tino na walang dala. MANG TINO O ano? JUAN TAMBAN Tay, bayaran na lang natin. MANG TINO Lintik na bata ito! Akala mo kung sino kang mayaman. JUAN TAMBAN Ang bilin ni nanay, wag daw magnakaw.

Papaluin ni Mang Tino si Juan. MANG TINO Yang magaling mong nanay, puro mali ang ipinamana sa yo! Dapat ba may pera tayo, oo o hindi? JUAN TAMBAN Oo. MANG TINO E bakit wala? JUAN TAMBAN Wala kayo kinita. MANG TINO Bakit wala? JUAN TAMBAN Mahirap maghanapbuhay. MANG TINO Ang mayaman ba nahihirapan? JUAN TAMBAN Hindi.

MANG TINO Bakit sila mayaman, tayo hindi? JUAN TAMBAN Kasi kasi gano n. MANG TINO Hindi patas? JUAN TAMBAN Hindi. MANG TINO Nagkakalkal ba ng basura ang mayaman? JUAN TAMBAN Hindi. MANG TINO Magkaiba ba ang mayaman sa mahirap? JUAN TAMBAN Magkaiba. MANG TINO Bawal ba sa mayaman ang magnakaw? JUAN TAMBAN Bawal. MANG TINO Bakit? JUAN TAMBAN Dahil sa batas. MANG TINO Bawal ba sa mahirap ang magnakaw? JUAN TAMBAN Bawal din. MANG TINO Bakit? JUAN TAMBAN Dahil sa batas. MANG TINO Kung magkaiba ang mayaman sa mahirap, dapat magkaiba rin ang batas sa mayaman at mahirap. Kaya sa totoo lang, bawal ang magnakaw sa mayaman. Pero sa mahirap, da pat puwede. Ang mayaman may pera. Ang mahirap wala. Kaya gano n. Pues nakaw na! JUAN TAMBAN Pero dapat patas ang batas sa lahat. MANG TINO Mayamang tao lang nagsabi n un. Sige na! Madyikin mo na yan!

Susubukan ulit ni Juang magnakaw. Makakakupit siya. Akma siyang maglalakad papun

ta sa kanyang ama, pero bigla siyang titigil. Mumuwestra si Mang Tino kay Juan n g halika na! tara na! pero nakatayo lang si Juan. Iiling si Juan. Tsaka maluluha. Dali-dali siyang tatakbo pabalik sa tindera at isasauli sa mesa ang ninakaw niya . Tatakbo siya paalis. Hahabulin siya ni Mang Tino. Hoy Juan! Sa n ka pupunta! Balik ka rito! JUAN TAMBAN Ayoko na sa yo! Pinapanakaw mo Tuluyang tatakbo paalis si Juan Tamban. Babalik ang tagpo sa kasalukuyan. Tulala si Mang Tino, habang patuloy sa pagrekord si Marina. MANG TINO Ayun. Lumayas anak ko. Katahimikan. Papatayin ni Marina ang pangrekord niya. Kausap na halos ni Mang Ti no ang kanyang sarili. Kumain ng butiki, ipis at daga kesa magnakaw. Tama ba yun? ko! Lagi mo kong pinapalo! Lalayas na ko!

Katahimikan. MARINA Mang Tino e mauuna na ho ako. Maraming salamat. Tatango si Mang Tino. Akmang aalis si Marina ngunit:

MANG TINO Ma am. Sana sana hindi ho ako demonyong-demonyo sa pagtingin niya. Aalis si Marina. Magpapalit ang eksena.

VIII

THE JUAN TAMBAN STORY, PART 2

[REPRISE: Malulutas Kita] KORO Nakatapat ka, Marina Ngayo y hindi mo na puwedeng talikuran Kailangan, kailangang sugurin mo si Juan Tamban Sino kaya sa inyo ang uuwing sugatan O, ano ba itong misteryo ni Juan MARINA Malulutas kita Juan Tamban Nalaman ko na ang kuwento ng iyong ama Ngayon nama y huhukayin ang kuwento ng iyong ina

Sino siya, at sino ka Juan Tamban Kausapin mo ko, Juan Tamban KORO Nakatapat ka, Marina MARINA Kausapin mo ko, Juan Tamban Papasok si Juan, nakaupo sa silya. Nasa Ospital ang tagpo. MARINA Hi, Juan. Nagdala ako ng tsokolate. Paborito mo tong tsokolate di ba? Tatango si Juan. Gusto mo? Tatango si Juan. Pag binigay ko to sa yo, kakaibiginan mo na ba ko?

Mag-iisip si Juan. Pagkuwan, tatango rin siya. Iaabot ni Marina ang tsokolate. JUAN TAMBAN Tenk yu, welkam. Magkano MARINA Bakit mo tinatanong? JUAN TAMBAN Sana binili mo yung tagsingko, diyes o kinse lang. MARINA E bakit mo naman gusto yung mumurahin? JUAN TAMBAN Kasi baka maubusan ka ng pera. MARINA Basta binili ko yan para sa yo. JUAN TAMBAN Ikaw na unang kumagat. MARINA Bakit? JUAN TAMBAN Kasi baka sabihin mo, suwapang ako e. MARINA (matatawa) Hindi, sige, tikman mo na. Kakagat si Juan ng tsokolate. JUAN TAMBAN to?

Masarap. Itatago ni Juan yung natirang tsokolate. MARINA O bakit mo itatago? Ubusin mo. JUAN TAMBAN Para meron akong makain mamaya. MARINA Bakit, hindi ka ba pinapakain dito sa ospital? JUAN TAMBAN Naku, oo, hindi nila ako pinapakain dito, tatlong araw na. At saka alam mo kung ano ang pinapakain inla sa akin dito? Yung tira-tira ng ibang tao diyan. Yung mga kanin-b aboy. MARINA Niloloko mo naman ako, e. JUAN TAMBAN Hindi. Tsaka pag umaga, meron d yan mamang palaging may tinutusok sa kin. Di yan o (ipapakita ang braso niya) ang sakit, yung ano bang tawag d on? MARINA Yung iniksiyon. JUAN TAMBAN Oo, yun nga.

Huy, may kotse ka ba? MARINA Meron. Bakit? JUAN TAMBAN Huwag mo lang basta iaprada d yan kasi meron d yan mga tarantado na kinukuha a gulong, ano ba yon? MARINA Alin? JUAN TAMBAN Yung nasa gulong. MARINA A, yung hubcub. JUAN TAMBAN Oo, yung hapkab. Paano mo nalaman? Kasi pag nakuha nila yon, ipagbibili ni la at magkakaroon sila ng pera. Kawawa ka naman, kaya huwag mo lang basta iparada diyan, ha. MARINA O sige, babantayan ko maigi kotse ko. JUAN TAMBAN yong nas

Alam mo pumunta sa Kiyapo? MARINA Oo, paglabas mo ng gate dito, tuloy-tuloy ka hanggang makarating ka ng t ulay. Pagbaba mo sa tulay, Kiyapo na yon. JUAN TAMBAN Isama mo na hala sa sarili ko. ko. Sige na. Maski ibaba mo na lang ako sa Kiyapo, ako na ng ba

MARINA At bakit kita ibababa sa Kiyapo? E kung hanapin ka ng mga doktor dito, ano ng sasa bihin nila sa kin: Ikaw Marina Torres, kasabwat ka ni Juan. JUAN TAMBAN Hindi. Kase, gusto ko nang umalis dito. MARINA E sa n ka naman pupunta? JUAN TAMBAN Sa Cagayan. MARINA Hoy, alam mo ba kung ga no kalayo ang Cagayan? JUAN TAMBAN Oo, malayung-malayo. Doon kami nanggaling ng tatay at nanay ko MARINA Talaga? Kaya nga ako napadaan, gusto sana kita kausapin tungkol sa nanay at tatay mo. Sandaling katahimikan. Pakuya-kuyakoy ng paa si Juan sa kanyang silya. Hindi ba taga-Kapalaran kayo, sa Sta. Ana? Walang tugon. Nagkakilala kami ng tatay mo. Walang tugon. Bibilis ang pagkuyakoy ni Juan ng paa. Sabi ko sa tatay mo, narito ka. Kinukumusta ka niya JUAN TAMBAN BAKIT MO SINABI!? Mabibigla si Marina sa lakas ng boses ni Juan. Katahimikan. Titigil sa pagkuyako y si Juan. MARINA Alalang-alala tatay mo sa yo JUAN TAMBAN (mag-aalboroto, magtatatadyak) Bakit mo sinabi bakit mo sinabi bakit mo sinabi!!! MARINA Juan ! Ano ka ba !?

JUAN TAMBAY Lumayas ako sa min! Lumayas ako sa mo sa kanya nandito ako! Tutulakin ni Juan si Marina. MARINA Aray, Juan, a! Masakit!

min! Nagtago ako sa tatay

tapos

tapos sasabihin

JUAN TAMBAN Bakit mo sinabi! Sabi mo, sabi mo, magkaibigan tayo MARINA Nag-aalala sa yo ang tatay mo JUAN TAMBAN Hindi siya nag-aalala! MARINA Hinahanap ka niya JUAN TAMBAN Hindi niya MARINA Mahal ka niya ko hinahanap!

Bakit mo sinabi!?

JUAN TAMBAN Hindi niya ko mahal! Lagi niya kong pinapalo. Lagi niya kong pinagnanakaw! Lagi niy a kaming pinagagalitan ni nanay, tapos sasabihin mo ! Mapapagod si Juan sa pag-aalboroto. Sa isang sulok ng silid, siya y mapapalukmo. P abulong-bulong sa kanyang sarili, pasinghot-singhot, nagpipigil ng pag-iyak, ngu nit susuko rin. Bubuhos ang mga luha. Hindi niya ko mahal Si Nanay lang Si Nanay lang may mahal sa

kin

Unti-unti ring lalaho ang pag-iiyak ni Juan. Katahimikan. Pagkuwan, nananantiya, lalapit sa kanya si Marina. MARINA Juan ? Juan Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa nanay mo. Puwang. JUAN TAMBAN si mama? Mabait yon, si Mama

Maglalabas ng rekorder si Marina. Parang ikaw, laging may dalang pasalubong. Mula sa dilim ay papasok ang Ina ni Juan malapanaginip; parang Nuestra Senyora n g Walang Mag-ampon ganito siya karingal at kamala-diwata sa alaala ni Juan. Lilitaw ulit ang barker at may dalang karatula; tatayo sa kanyang kahon, saka ib ibida ang karatula sa mga manonood, kung saan ay nakasulat: THE JUAN TAMBAN STORY PART 2 Magiging doktor ang anak ko.

Aalis si Juan sa sulok at tutungo sa gitna ng entablado, kung saan siya y matatang lawan at magaganap ang kontinuwasiyon ng kanyang kuwento magtatagpo sila ro n ng k anyang Ina. Sila y nasa bahay nina Juan. JUAN TAMBAN Nay! Pasalubong ko? Hahalik ang Ina kay Juan. INA Eto anak, hindi ko nalimutan ang bilin mong palitaw. Tutungo ang Ina sa hugasan. Aba, tingnan mo t hindi pa umiigib ang kuya mo. Jaime! Bangon na riyan at wala nan g tubig! Nakahilata ka pa rin diyan! Mula sa koro y papasok ang Kuya ni Juan. KUYA Ano yan? JUAN TAMBAN Palitaw. KUYA Enge. JUAN TAMBAN Ayoko. KUYA Ang damot nito. Utol ba kita? JUAN TAMBAN Sabi mo yayariin mo si Kardo. KUYA Bakit, pinaiyak na naman ba? (Makakakuha ng pirasong palitaw. Kakainin.) JUAN TAMBAN Kaya ako inaaway ng mga bata rito, palider-lider kasi siya. KUYA (kukunin ang balisong sa bulsa) O, hete, pahihirap ko sa iyo yan. Pag-ingatan mo. Pag inaway ka ulit, ipakita o la ng yan. Ganito. (Bubuksan ang balisong.) O! Hindi ba t karipas ng takbo ang mga lok

ong

yan.

Aalis ang Kuya, dala ang balde. INA Hoy, hoy. Amin na yan! Amin na! Isusurender ni Juan ang balisong sa nanay. Wag kang nagpapaniwala d yan sa kuya mo, ha. Panay mga loko ng kasama niyang kuya mo. JUAN TAMBAN Mabait naman ho si kuya, a. Lalapitan ng Ina si Juan. Aaluin ito. INA Naku, asim-asim mo naman. Buong umaga ka na naman naglaro, ano? (Kukunin ang tuw alya at pupunas-punasan si Juan.) Ang ibig kong sabihin e, hindi ka magiging ist ambay katulad ng kuya mo. Kikili-kilitiin ng Ina si Juan, at hahalik-halikan ito sa leeg, kili-kili, pusod at singit. Hagikgik na mapapagulong si Juan. JUAN TAMBAN (tawa nang tawa) Tama na tama na tama na tama na ayoko na, nay, nay, nay

ayoko na! Ha ha ha

INA (hindi pa rin tumitigil sa pagkiliti) Sino ng mahal ni nanay? JUAN TAMBAN (tawa pa rin nang tawa) Si Juan si Juan si Juan INA Sino ng mahal ni Juan? JUAN TAMBAN Ang nanay INA Sino ng pag-aaralin ng nanay? JUAN TAMBAN Si Juaaaaaaaaaan! INA Sino ng ibibili ng mga magagandang damit at pagkain ni Juan? JUAN TAMBAN Si nanaaaaaaaaaay! Papasok si Mang Tino. Parang bakulaw, humpak ang mga pisngi, garalgal ang boses ganito siya sa alaala ni Juan. INA Sino ang magiging doktor ni nanay? JUAN TAMBAN Si Juaaaaaaaaan! ang nanay ang nanay! si Juan !

MANG TINO Hoy! Titigil ang mag-ina sa kanilang lambingan. Umarya na naman kayong mag-ina! Kailan mo titigilan malambot yan! INA Sinasabi ko lang namang mag-aaral na si Juan. MANG TINO Anong mag-aaral INA Mag-aaral muna, pagkatapos, magtatrabaho. Magiging doktor ang anak ko. MANG TINO Ha ha ha! Makikitawa ang koro. Hoy Lucia, mangilabot ka sa mga sinasabi mo! INA Mag-uumpisa akong mag-ipon. At kung maging bodegero ka na MANG TINO Anong bodegero!? Ha ha ha! Makikitawa ang koro tawa ng mga tauhan sa isang nagiging masamang panaginip ng canned laughter ng isang comedy show. Ayan at ang kaisa-isa kong kariton, kinuha pa! Tawanan ulit. INA Di bale Tatawa ang koro. MANG TINO (dumaragundong ang tinig) WALANG AWA ANG DIYOS! Matitigilan sa pagtawa ang koro. Dasal kayo nang dasal, may nangyari na ba? (Kay Juan) Ikaw, ano pa bang hinaharana mo diyan? Magdelihensiya ka sa p alengke. Nagugutom na ko. INA (aparte kay Mang Tino) Gusto mo bang matulad si Juan kay Jaime? MANG TINO Aba si Jaime, tinitingala rito makakaraos din tayo. May-awa ang Diyos. para maghanap-buhay muna! yan, Lucia! Lalaking

INA Nanggaling kasi sa preso. Tawanan ng koro. (Hihilutin ang likod ni Mang Tino.) Bakit mo ba pinagdidiskitahan si Juan? MANG TINO (masasarapan) Diyan d yan Kamutin mo nga likod ko. Sa gilid. Nagugutom ako. Tawanan ng koro. INA May kanin pa r yan. Tsaka tuyo. Tawanan ng koro. MANG TINO Na naman! Lintik na buhay ito! INA Ikaw naman, hindi ka na nasanay. MANG TINO Hindi na ba maaaring dumaing? INA Inaaraw-araw mo naman, e. MANG TINO S ya, s ya ikaw na lang ang papapakin ko Tawanan ng koro. INA Ano ba, Tino! Wag sa harap ng bata. (Lalayo.) MANG TINO Hay, buwisit na bahay ito! Diyeta sa lahat ng bagay! Tawanan ng koro. Lalabas si Mang Tino. Katahimikan, habang ipapatuloy ng Ina ang kanyang gawain sa bahay. JUAN TAMBAN Nay. Babaling ang Ina kay Juan. Bakit hindi ako mahal ni Tatay? Tawanan ng koro. Galit na idadabog ng Ina ang kanyang mga dalahin, kakalampag it o halatang nagagalit siya sa koro. Mapapatahimik ang koro. Babalik ang hinahon ng Ina pagkaharap kay Juan. INA Yan

Ano? Mahal na mahal ka n un. Uupo ang Ina at kakandungin si Juan. Wag na wag mong isiping hindi ka mahal ni Tatay. yo bago matulog?

Di ba yan nga ng kanta ko sa [Uyayi ni Nanay] Meme na mahay Mahay ng tatay Meme na mahay Mahay ng nanay Meme na bulilit Magaling at mabait Kailanma y di ka ipagpapalit Meme na mahay Mahay ng tatay Meme na mahay Mahay ng nanay Meme na bulilit Magaling at mabait Kailanma y di ka ipagpapalit KORO Meme na mahay Mahay ng tatay Meme na mahay Mahay ng nanay Meme na bulilit Magaling at mabait Kailanma y di ka ipagpapalit Meme na mahay Mahay ng tatay Meme na mahay Mahay ng nanay Meme na bulilit Magaling at mabait Kailanma y di ka ipagpapalit

Pag koro na ang kumanta, tila didilim ang himig, habang unti-unting maglalaho sa dilim ang Ina. Hangga t tuluyang si Marina at si Juan na lamang muli ang matira sa eksena. JUAN TAMBAN Mali si nanay. Hindi talaga ako mahal ni tatay. Si nanay lang may mahal sa kin. Si nanay lang. Papasok mula sa koro si Mr. de Leon. Papatayin ni Marina ang rekorder. Mamamatay ang ilaw sa gawi ni Juan. Babaling si Marina kay Mr. de Leon. Maglalabas ng isang bungkos ng mga dokumento ng nakalagay sa isang folder.

MARINA (kay Mr. de Leon; tuwang-tuwa) AND THAT S HIS STORY! Prelimenary parts of my researche

DONE!

Waring katatapos lang basahin ni Mr. de Leon ang dokumentong iniabot sa kanya ni Marina. MR. DE LEON Wow, Marina I must say this is good this is a good start. Palakpakan ang mga koro. In fact, this case is so interesting, I think I d want to submit your thesis to th e coming national social services convention three months from now! MARINA Oh my God Sir MR. DE LEON I know. This is gonna be big. So carry on with this case, dig deeper st bring you to places, Marina. MARINA Thank you so much, Sir de Leon! MR. DE LEON Draft a report for all this info, write it well, we ll submit it to the co nvention committee. I just feel there s still a missing piece, though. MARINA Ano po yon? MR. DE LEON You still haven t investigated how he got to eating butiki, ipis, and daga in the first place. Zero-in on that yan ang hook mo sa darating na convention! That s at t he heart of this boy s story! MARINA You re right, sir. . MR. DE LEON Onti na lang, Marina. Onti na lang. [REPRISE: Malulutas Kita] KORO Onti na lang Malulutas mo na Juan Tamban Malulutas mo na Di lang n ya alam Alam mo na ng ama Alam mo na ng ina Ngayon alamin na lang Yun na lang ang di ko pa na-co-cover sa investigation ko this story might ju

Ba t siya kumakain ng Ipis Butiki Daga Malulutas mo na Malulutas mo na

IX

THE JUAN TAMBAN STORY, PART 3

Kakaripas palabas ng entablado si Marina upang kumuha ng upuan. Ilalagay niya it o sa gitna ng entablado. Tapos, lalabas ulit siya, nagmamadali pa rin, upang hat akin si Juan. Pauupuin niya ito sa upuang iyon. Lalabas ulit siya upang kunin an g Barker na may karatula, susulatan ang karatula, at lalabas ulit upang kumuha n g kahon, na kanyang ilalapag malapit si Barker. Paaakyatin niya ang Barker sa ka hon, at uutusan itong ipakita sa mga manonood ang karatula. Nakatitik dito ay: THE JUAN TAMBAN STORY PART 3 Sa lahat ng puwedeng kainin, bakit BUTIKI, IPIS, at DAGA pa!?!?! May tuyo naman, a! Itutulak palabas ng entablado ni Marina ang Barker. Lalabas ulit siya, humahango s pa rin, at muling papasok nam ay dalang malaking bag na puno ng mga tsokolate. Itatambak ito sa harap ni Juan, na mukhang nasisiyahan, at darampot ng tsokolat e t sisimulang kainin. Maglalabas ng rekorder si Marina, hingal na hingal. MARINA Juan usap uli tayo, a? Pa no nagsimula? Pa no nagsimula ang pagkain mo ng butiki, ipis, at daga? Tsaka, sa lahat ng puwedeng kainin, bakit butiki, ipis, at daga pa? KORO May tuyo naman a! Ngumunguya si Juan. Ilang saglit. Naiinip na si Marinang sabik na sabik makuha ang kuwento. Lulunok si Juan, kakaubos lang ng isang bar ng tsokolate. Tila handa na siyang m agkuwento. JUAN TAMBAN Hindi ba, lumayas ako sa amin? MARINA O? JUAN TAMBAN Nagpalimos ako, pagkatapos, nagwats yor kar boy ako Tatayo si Juan, at mula sa koro ay lilitaw ang mga Batang-kalye. Aawit sila ng i sang napakamadramang awitin. [Palimos Po]

KORO at JUAN TAMBAN Palimos po, palimos po Kahit singko Palimos po Mauudlot ang madramang awitin. MARINA (sa Koro) Teka! Mamaya na kantahan! Kuwento muna! Aalis ang mga Batang-kalye, nagbu- boo kay Marina.

JUAN TAMBAN Siyempre nakakapagod at halos wala akong kita. Pagkatapos nang ilang buwan, wala pa rin akong naiipon, kaya minsan, imbis na sabihin kong palimos po o bantay, ser! , ang sinasabi ko: Ampunin ninyo naman ako. Pero hindi pa rin ako pinapansin. Pero isang araw, may nakita akong ale Mula sa koro, papasok ang isang Ale, at sa kalayuan, isang Pulis na umaali-aligi d, nagmamanman. Mukha siyang mabait at mayaman Lalapitan ni Juan ang Ale. Ale, ale, ampunin mo na ako. Ikaw na lang nanay ko. Mahalin mo ako. ALE Ay, naku anak Hindi puwede, e. Kawawa ka naman. Marami na kong anak, e. Ampunin san a kita pero hindi ko na kaya, e. Lalapit ang Pulis at biglang sasabad. PULIS Misis ALE Ay, hindi naman po, mamang pulis. PULIS Hoy bata! Wag kang manggulo rito! Tatakbo palayo si Juan. ALE Naku, mamang pulis walang ginagawa ang bata! Maghahabulan ang Pulis at si Juan sa buong entablado, maging sa area ng mga koro . Sa wakas mahuhuli si Juan. Ibabalik siya ng Pulis sa entablado, malapit kay Ma rina. MARINA Kaya ka ba napasok sa detention center? JUAN TAMBAN Oo. Matagal ako sa senter. Hintay ako nang hintay. Hindi ko alam kung mapepreso ako. Ang tagal-tagal. MARINA nanggugulo ba ang batang to?

Kaya ka tumakas? JUAN TAMBAN Oo kase tinutukso nila ako. Lagi akong inaaway ng mga bata sa loob. Papasok ang ilang mga Batang-kalye. BATA 1 Hoy bagito! Halika. Ano ng ginagawa mo rito? BATA 2 Ano ng kasalanan mo? JUAN TAMBAN Magnanakaw raw ako. Pero wala akong kasalanan. BATA 1 Wala kang kasalanan? Iiling si Juan. BATA 2 Ba t ka narito? JUAN TAMBAN Pinagkamalan lang ako. Sabi ko, sabi ko, wala akong kasalanan. Sabi nila , kasalanan ko. BATA 1 Walang kasalanan si ano ng pangalan mo? JUAN TAMBAN Juan Tamban. BATA 1 Si Juan Tambaaaaaaaan! Walang kasalanan! Magtatawanan ang mga bata, pati ang koro. BATA 2 (gagayahin si Juan) Sabi ko, sabi ko, wala akong kasalanan. Sabi nila, sabi nila, ako me kas alanan. Tawanan. BATA 1 E ano siya ngayon? Walang kasalanan o meron? Tagalabas o tagaloob? MGA BATA at KORO Ano ka ngayon? JUAN TAMBAN Wala. BATA 1 Hindi puwede. Hindi puwedeng hindi dito, hindi roon. BATA 2 Kailangan dito, o doon.

JUAN TAMBAN Wala, dito lang ako. BATA 2 Hindi nga puwede! Kailangan mo ng proteksiyon. JUAN TAMBAN Sabi ng nanay ko, wag daw pumasok sa gulo. Tawanan ang mga bata. MGA BATA Hu hu hu! Sabi ng nanay ko! Wag daw pumasok sa gulo! Hu hu hu! Sabi ng nanay ko! Magdasal daw ako! Hu hu hu! Tawanan. BATA 1 Isabak na yan si Juan sa pagsubok! Pagsubok! MGA BATA PAG SU BOK! PAG SU BOK! Kukuha ng lata si BATA 1. Paliligiran si Juan. Hindi makikita ng mga manonood si Juan. MGA BATA Butiki muna! Butiki muna! Pilit nilang pakakainin si Juan ng butiki. Ipis naman! Ipis naman! Gayon ulit. Yaaaaaaaaaak!!! Lalayuan nilang lahat si Juan. Makikita natin si Juan, ngumunguya, diring-diri. UTO-UTO! UTO-UTO SI JUAN!!! Lalaho ang lahat Si Juan MARINA naiiyak. matitira sina Marina at Juan.

Doon ka unang kumain ? Tatango si Juan. JUAN TAMBAN Tumakas ako nagpalimos, nagpalabuy-laboy Kung minsan, gutom na gutom ako. Wala na talagang makain nanghuhuli ako ng mga k ung anu-ano. Pagkatapos, naisip ko, bakit hindi na lang magpalabas, katulad noon g mga mamang kumakain ng apoy. Hindi na ako magpapalimos at magkakaroon pa ako n g maraming pera Pero walang nangyari. Nagkasakit lang ako. Dito ako sa ospital nap unta. Isasara ni Marina ang rekorder. Lalapit siya kay Juan isasandal nito sa kanyang dibdib ang kanyang ulo.

[MEDLEY/REPRISE: Awit ng Awa / Ako ang Gagamot /Malulutas Kita ] KORO Ang bata ay dapat akayin Siya ay walang malay Sa mapagsamantalang lipunan Dapat siyang akayin Wala siyang kalaban-laban BARKER (biglang lilitaw mula sa koro) Ngunit, Marina Kung pagmamahal ang usapan Atras ang studyante di ba Sampung taon sa kolehiyo Utak lang ang pinagagana Dahil Kung puso y paandarin Baka di na mabubuhay Yamang araw-araw sa mundo natin May batang nauulila MR. DE LEON (lilitaw rin mula sa koro) Ang master s degree mo Pag-aaral lang ito Ang master s degree mo Wag kang padadala Ang master s degree mo Marina, o Marina MARINA (biglang kakalas mula sa pagkakanlong kay Juan) Malulutas kita Juan Tamban Nalaman ko na ang kuwento ng iyong ama Alam na rin ang kuwento ng iyong ina Sino siya, at sino ka Juan Tamban Salamat at kinausap mo ko, Juan Tamban Malulutas kita Magbabago ang eksena paulit-ulit na aawitin ng Koro ang linyang, MALULUTAS KITA! h

abang mumuwestra si Marina na wari y tinatapos ang kanyang report kay Mr. de Leon, na tuwang-tuwa.

saka ipapasa ito

Si Juan, sa itaas na bahagi ng entablado, naglalaro mag-isa. Kumakain ng tsokola te. Bigla Aakyat ang Barker sa kanyang kahon, at sisigaw: BARKER Tekaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! MAgbubukas ang ilaw ng tanghalan. MAkikita ng mga manonood ang isa t isa. Lahat ng aktor ay nasa entablado. Si Juan Tamban, nananatiling naglalaro sa itaas na bah agi ng entablado, kumakain ng tsokolate. Mga kaibigan, ngayo y nasaksihan Kung pa nong ganap na naimbestigahan Ni Marina ang batang si Juan Tamban! Ang kanyang ama, ang kanyang ina, Pati ang dahil ng pagkain niya ng mga butiki, ipis, at daga, Alam na alam na ng bida nating si Marina! Alam na alam n yo na rin ang pinagdaanang buhay Ni Juang Tambang batang palaboy na lumayas sa kanyang bahay! Pues, ito ang aking tanong: Awang-awa na ba kayo sa buhay ng pulubing si Juan Tamban?! Awang-awa na ba kayo sa buhay ng pobreng si Juan Tamban!? Hintayin, at hikayatin, ang mga manonood na sumagot. Hikayatin silang sumagot ng Oo o Hindi. Ad lib upang makuha ang kasagutan ng madla. Kung ang sagot ay Oo, ito ang sunod na mangyayari: Oo!? OO!? Awang-awa na kayo? Pues maghanda kayong maawa pang lalo! O kung ang sagot ay Hindi, ito naman ang mangyayari: Hindi? Hindi pa rin!? Aba y mga masokista pala kayo! Pues yang si Juan Tamban pahirapan pa nating lalo! Ngayong akala n yong ang lahat ay areglado na Masdan, may papasok na Mamang Pulis na kontrabida! Papasok ang isang Pulis PULIS Magandang araw po. Kayo raw ho ang pagtanungan ko tungkol kay Juan Tamba n. Titingin lahat sa Pulis. Kahit si Juan Tamban, matitigilan sa paglaro, maiiwang buka ang bibig na puno ng tsokolate. Ako po si Patrolman Gomez ng Quezon City Police. tutungo kina Mr. de Leon at Marina.

Inasayn ho ako sa Juvenile Detention Center. Si Juan Tamban ho Isang buwan na naming hinahanap. Sangkot ho siya sa snatching. Paggaling ho niya sa ospital, kailangan ho namin siyang ibalik sa aming custody. KORO dun Dun DUN!!! Kadiliman. Maaaring dito isingit ang sampu, o limampung minutong pagitan.

IKATLONG BAHAGI Maraming suliranin ang magkakapatong-patong ngayon, Pero gaya sa tunay na buhay, di iisa ang sagot, walang iisang solusyon. X ANG TALAGANG NANGYARI SA BATANG MARALITA

Si Juan, mag-isa.Wala pa ang koro. Biglang papasok si Marina. Magtatago bigla si Juan sa ilalim ng mesa. MARINA Juan, kailangang sabihin mo sa kin ang totoo. Lumabas ka diyan . Magtapat ka sa kin. Alam kong hindi ka sinungaling. Kuwento mo sa kin napagkamalan ka lang na magnanakaw. Pero sabi ng Pulis at nung Aleng kinausap mo, isnatser k a raw talaga. Totoo ba yon? Iiling si Juan. Hindi pala e, di lumabas ka diyan. Bakit hindi ka makaharap sa kin ngayon? Siguro nagsisinungaling ka sa kin no? Kunwari mabait ka, yun pala salbahe ka naman. Inuto mo talaga ako ano? Ang daling pabilugin ng ulo ni Marina, ano? Nawaysan ni Juan . Walang imikan. Diyan ka na nga! Akmang aalis si Marina, ngunit lalabas si Juan JUAN TAMBAN Wala naman akong kasalanan, a. MARINA Ano ba talaga nangyari? JUAN TAMBAN Yung aleng tinanong ko kung p wede n ya kong ampunin. Di talaga siya mabait. luhaan.

Papasok ulit ang Ale, ang Pulis na nagpapatrolya, at Dalawang Magnanakaw na Bata , nag-abaang sa may dilim.

Lalapit si Juan sa Ale. Ale, ale, ampunin mo na ako. Ikaw na lang nanay ko. Mahalin mo ako. ALE Ano ba?! Aalis. Lalapit ulit si Juan. JUAN TAMBAN (hahawakan ang Ale) Ale, ale, ikaw na lang nanay ko. Ampunin mo na ko

Iiwas uli ang ale. Bigla, may Dalawang Batang lalapit sa Ale, at sabay hahabluti n ang kanyang bag, saka lalabas. ALE Ay! MAGNANAKAW! PULIS! PULIS! Kakapit ang Ale kay Juan, hindi ito bibitawan. Lalapit ang Pulis. Ninakaw bag ko! Wala na PULIS Sa n na ng mga kasama mo, ha!? Nasaan!? Iiling si Juan, litong-lito. Kakaladkarin siya pabalik kay Marina. Matatapos ang alaala. JUAN TAMBAN Wala naman talaga ako kasalanan, e! Sabi ni Nanay wag daw magnanakaw! Hindi ako! Sila! Wala akong ginawa! Kaya nga ako kumakain ng ipis, butiki, at daga! Kasi wa la akong pera! HINDI AKO MAGNANAKAW! Tuluyang iiyak si Juan. Kakanlungin muli ni Marina. Medyo hihinahon si Juan. Huh uni-huni si Marina. Biglang lalayo si Marina. Titingnan si Juan, nakatingala sa kanya. Aalis si Marina. Katahimikan. yung mga batang kasama nito!

XI

MAY MGA PROBLEMA RIN ANG HINDI MARALITA

Papasok ang mga koro, tutungo sa kanilang area, at maglalabas ng mga diyaryo. KORO This is sensational! Parang believe it or not! My, how disgusting! Please don t go into details! Not during brunch! Pare, aba, si Juan ito a, yong anak ni Tino! Lintik din naman si Juan, nadyaryo pa! Nakakahiya ito! May iba namang koro na tatayo, pinamumunuan ni Mang Tino, na nagwewelga. KORO at MANG TINO Kapitalista! Ganid sa lupa!

Kapitalista! Ganid sa lupa! Wag n yo kaming palayasin! Kapitalista! Ganid sa lupa! Kapitalista! Ganid sa lupa! Skwater man, tao pa rin kami! Kapitalista! Ganid sa lupa! Kapitalista! Ganid sa lupa! Matagal na kaming nakatira rito! Biglang mag-so-slow motion ang mga nagwewelga, at lalamlam ang ilaw sa koro hang gang maging mga silhouette na lamang sila ng mga kamaong nakataas sa ere, at mga karatulang tumataas-baba. May tatlong magkakalayong bahagi ng entablado ang maiilawan una, si Mr. de Leon, nakikipag-usap sa cellphone; ikalawa, si Marina, nakikipag-usap sa cellphone; i katlo, si Mike, naghihintay, napapanghal sa isang upuan, patingin-tingin sa kany ang relo. Sina Marina at Mr. de Leon ay nag-uusap sa cellphone. MARINA First ide-demolish na ang tirahan nina Mang Tino. And now, this! MR. DE LEON This? You mean the newspaper articles ? This is good publicity for him. Somebody or some institution attending the convention might just be interested enough to do something about him! MARINA But the articles turn him into something like a freak! Hindi isang batan g nangangailangan ng tulong at unawa. No observation, no investigation, no analysis! And that case of snatching, hindi pa nga proven sa korte yun pa ang mas na-se-sensationalize! MR. DE LEON Sandali! Ano ba ng nangyayari sa yo, Marina? Noong isang buwan lang, halos isauli mo na sa kin tong kaso ngayon, tagapagtanggol ka na ni Juan. Ano ba ng pinapakain sa yo ng bat ang yan!? MARINA Ano ng ibig n yong sabihin?! MR. DE LEON Nagtataka lang ako t nagiging tau-tauhan ka ni Juan, gayong dapat siya ang maging tau-tauhan mo! MARINA With all due respect, Sir, can you actually hear yourself talking? Walang dapat maging tau-tauhan sa aming dalawa. I m just doing my best to help Juan s case. I ve go tten to know the child very well, Sir. He has no mother, no decent father, no fr iends, no one to turn to. And now lalong mapapalayo siya at lalayuan! We ought t o protest as an institution. Juan s well-being must be prioritized. MR. DE LEON Marina, you re getting too involved. Ni ang pamilya n ya hindi umaangal di b a?

MARINA Anong pamilya!? MR. DE LEON You re reacting too subjectively. This media coverage will help him. Every one s just trying his best to help him, right? MARINA Help at his expense! MR. DE LEON Marina, you don t have to be hysterical. Where s your sense of proportion? MARINA Ano kaya ang mararamdam mo, Sir de Leon, kung ang kaisa-isang anak ninyo, sungi, duling o komang? Ipapaperyodiko n yo kaya ito ? MR. DE LEON Marina, Juan is a case! MARINA Juan is a child! Ibababa ni Marina ang telepono. MR. DE LEON Hello..? Hel Hello!?

Lalabas si Mr. de Leon. Tutungo si Marina sa areang naiilawan ni Mike. MIKE Hi. Long time no see. MARINA (yayakapin agad si Mike) Oh this life, Mike! (Magbebeso sila.) I miss you so much. MIKE Really? Akala ko nalimutan mo na You look tired. MARINA Sorry, I was just talking to de Leon. Ugh! Nakaka-frustrate! And to add to that, yung bahay ni Juan, sa Sta. Ana, idedemolish na. MIKE Ganyan talaga ang buhay squatter. MARINA You know, next time, sumama ka sa kin dumalaw ro n. Ang liliit ng bahay nil a. Diyan lahat: lutuan, kainain, tulugan, sala. Hay nako, kahit ba naman yun, kukunin pa sa kanil a. MIKE Relax ka lang. At saka, bakit ba naman napunta diyan ang usapan. Ang dami nating dapat pagkuwentuhan. ko.

MARINA Paano kaya kung mahirap din tayo? MIKE E hindi nga e. So, your question is moot and academic. Ano ba? Gilting-g ilti ka na ba sa mga kahirapang nakikita mo? Hindi naman natin kasalanan yan. KORO (biglang magsisitayuan) BOOM! Mag-fi-freeze sina Marina at Mike. BARKER (lilitaw sa ibabaw ng kanyang kahon, may dalang remote control) Elitistang Hirit Instant Replay! Gagayahin nina Marina at Mike ang tape na ni-ri-rewind. Sa pagpindot ng Barker s a remote control, uulitin nila ang ilang bahagi ng naunang linya, saktong-sakto dapat ang delivery. MARINA Paano kaya kung mahirap din tayo? MIKE E hindi nga e. So, your question is moot and academic. Ano ba? Gilting-gilti ka na ba sa mga kahirapang nakikita mo? Hindi naman natin kasalanan yan. Palakpakan ang koro. Babalik ang Barker sa area ng koro. Balik sa eksena. MARINA Nakita mo ba yung mga mahirap na mahirap? MIKE Marina, isang oras lang lunch break ko squatters? Palakpakan at tawanan ng mga koro. MARINA Okay. Puwang. MIKE Sa Hong Kong na ba tayo maghahanimun? Nagtitiis ng tawa ang mga koro. MARINA Well you said you wanted it there. MIKE (aabutin ang kamay ni Marina) Sana habang buhay ganito. (Pipikit.) Ayaw ko nang bumalik sa opisina. Bakit ba k ailangang mag-upisina? Sana may flying carpet sa ilalim natin ngayon at nang ili pad tayo nang malayung-malayo, nang matagal na matagal Gusto kong matulog habang-b uhay. Hindi na makatiis ang koro tuluyan na silang magtatawanan. can we not spend it talking about

Magri-ring ang cellphone ni Marina. Magkakatingin sila ni Mike. Susuko si Mike. Sasagutin ni Marina ang telepono. Mula sa koro, lilitaw ang isang Intern MARINA Hello? INTERN Miss Torres? MARINA Yes, speaking. INTERN Miss Torres MARINA Bakit?! INTERN Ewan po namin. Pero kanina nang dumaan ako sa ward niya, nakita ko siyang nagmum ura. Akala ko minumura niya sarili niya, yun pala, nagpapatay siya ng mga butiki at ipis. Kaya dumiretso ako sa aming station. Hindi ko naman akalain bna may bal ak siyang kainin ang mga ito. MARINA Okay sige. Thanks. Papunta na ko diyan. Ibababa ni Marina ang cellphone. Babalik ang Intern sa koro. I m so sorry, Mike. Kailangan kong bumalik agad. Masama ang lagay ni Juan, at saka kailangang magbigay ako ng report kay Mr. de Leon at sa committee ng doctors at interns. MIKE (masama ang loob) Fine let s just see each other tonight. MARINA I might have to do an all-nighter, Mike. I need to finalize my report tion s coming and Juan s relapse MIKE Yeah MARINA Party? MIKE Yeah kay Gina. She s going to Benguet for her thesis remember? MARINA I m sorry I have to finish this in time for tomorrow morning. Is it okay kung ikaw na lang pumunta mag-isa? Sorry. (Bebeso ng paalam kay Mike at akmang aalis.) MIKE (biglang tatayo) No, it s not okay. Magpa-party tayo tonight. Magtatawanan na dapat ang koro la. Katahimikan. Awkward. pero ibabato ni Marina ang cellphone niya sa kani you mean after our party. Right? the conven si Juan po! Nagkarelaps! siya ang kausap ni Marina sa telepono.

MARINA Mike! What s wrong with you? MIKE What s wrong with me? MARINA Bakit ka ganyan? MIKE Anong ganyan? MARINA Tense ka, e. MIKE Hindi ako tense MARINA I m sorry MIKE Bullshit. MARINA Ako ba ang binu-bullshit mo? MIKE May iba bang tao rito? Bibirahan ng alis ni Marina, pipigilan ni Mike. Ano ba ng nangyayari sa MARINA Ano ng nangyayari sa MIKE Tinalikuran mo ko, a! MARINA At ako, binullshit mo! MIKE Kasi tinalikuran mo Saglit. MARINA Mike, ano ba itong pinag-aawayan natin. Sa mga sandaling ito ng ating pettiness, may mga tao d yang MIKE I DON T GIVE A FUCK ABOUT THEM! Ang hilig mong mangsermon. Akala mo kung sino ka n a! Saglit. MARINA (tahimik; pilit na hinahon) ko! kin? Ano ng nangyayari sa yo!? yo? I m just so tired. I have to go. relax na relax ako.

Sana, wag mo na ko inaaway, Mike. Ang bigat talaga ng loob ko ngayon. Si Juan, nag relapse, ikaw galit, may deadline ako, I just fought with that de Leon I need yo ur moral support and encouragement. My whole life depends on this case do you re alize that? I feel like everything I know everything I ve read, everything I belie ve in nawawalan ng meaning. The other day I was unwinding in a coffee shop, then suddenly I saw Juan and Mang Tino I saw the slums I looked around and I asked m yself: where the hell am I? What the hell am I doing here? Mike, si Juan na lang yung kinakapitan ko. Siya na lang ang nagbibigay ng meaning sa lahat ng ginagaw a ko. MIKE If you re so freakin MARINA Hindi kita binabalewala! Nakipagkita nga ako di ba? MIKE Wow! Salamat! MARINA I was expecting kasi na maiintindihan mo priorities ko. Pagkatapos kong matulungan si Juan MIKE Juan! Juan! JUAN! Wala na kong ibang naririnig kundi MARINA Nagseselos ka!? Juan needs me right now MIKE At ako!? MARINA Wala naman tayong problema, a. MIKE Hindi ba nagkakaro n tayo ngayon? MARINA Problema na ito!? MIKE Bakit? Petty ba? Does it bore you!? MARINA Yes! Ang petty-petty! Ang boring-boring! MIKE I DON T CARE! There s gonna be a party tonight y or else! MARINA OR ELSE WHAT?! MIKE Or else! We ll call it quits! Lalabas si Mike. and we are going to that fucking part yang pangalang yan! sensitive bakit mo ko binabalewala ngayon?

Magtutugtog ang isang cheesy love song yung tipong pang-Star Cinema film, mabaga l, madrama, nakakalungkot in a kilig way (e.g. The Gift , version ni Piolo Pascual) . Samantalang patuloy ang koro sa slow-motion nilang pagwewelga.

XII

ANG PAGBABAGO NI MANG TINO, ULIRANG AMA

Balik sa Sta. Ana ang eksena. Puno ng kalat ang buong lugar pagkatapos kasi ng demolisyon.

Naro n ang mga Kapitbahay, at si Mang Tino, nagsasalansan ng mga sirang yero at ka hoy. Papasok si Marina. MARINA Magandang araw ho. Titingnan siya ni Mang Tino. Magpapatuloy si Mang Tino sa ginagawa niya. Tinuloy nila ang demolisyon. MANG TINO Oo. Hindi ko malaman kung ibebenta ko tong mga yero, o itatayong muli. Katahimikan. MARINA Mang Tino, hindi n yo pa ho dinadalaw si Juan. MANG TINO Galit pa ko kay Juan.

Lalong-lalo na sa yo. MARINA Nabasa n yo rin pala sa dyaryo. MANG TINO Nabasa ko? Nabasa ng BUONG STA. ANA! Kilala na ko ng lahat: Mang Tino, ama ni Juang magnanakaw na kumakain ng butiki, ipis, at daga. MARINA Isang pagkakamali ang pagkakaperyodiko ni Juan. MANG TINO E ba t mo pinabayaan!? Tang ina! Kaya pala mausisa ka n ung pumunta rito. Nagtataka nga ako kung ba t ang bait-bait mo, yon pala may kailangan ka. MARINA Wala hong kinalaman sa peryodiko yon. LAhat kami sa ospital, nagulat noong araw n a yon. Magrereklamo nga ho sana ako MANG TINO Ngayon pa.

MARINA Puwede kayong maghabla MANG TINO Ano pambayad kong abogado? MARINA Kapag nanalo kayo, ang peryodiko ng magbabayad sa MANG TINO Manalo, matalo, pareho rin MARINA Naiintindihan ko ho, MAng Tino. Alam ko ang nararamdaman mo. MANG TINO Alam. Hu! Katahimikan. MARINA MAng Tino, kailangan ho kayo ng anak ninyo. MANG TINO Si Juan ? Ano ng nangyari!? MARINA Bumalik ho sa pagkain ng butiki at ipis. MANG TINO Lintik! Ginugutom n yo ba ro n! MARINA Hindi ho. Ang diagnosis ko, nagka-relapse ibig sabihin, gusto n yang magkasakit ul it kasi ayaw niya hong maalis sa ospital. Takot siyang mabalik sa detention cent er. MANG TINO Detention center!? Bakit? MARINA May kaso ho siya ngayon. Pinagbibintangang snatcher. MANG TINO Snatcher!? Anak ko!? Malaking milagro. MARINA Hindi rin ako naniniwala, pero kailangan tayo ni Juan para patunayan sa korte na hindi ito totoo. MANG TINO Kukunin ko na sa inyo anak ko. Tinatapos ko lang itong problema ko rito. MARINA Hindi ho kailanga MANG TINO Bakit, hindi pa kayo tapos sa kanya? yon. Napahiya na kami. Tao rin kami.

MARINA Hindi pa ho siya gumagaling. Nagka-relapse nga MANG TINO Hindi naman gagaling ang batang anya. Mapapatahimik si Marina. MARINA Mang Tino maaaring tama kayo pero saka na yon. Ang importante, kailangan kayo ng anak ninyo. Makakabuti kung pumunta kayo sa ospital. Mag-iisip si Mang Tino. MANG TINO (sa isang Kapitbahay) Nando paayos muna nitong mga yero Sasama siya kay Marina. Isang baling lang nilang dalawa y nasa Ospital na sila. Naroon si Juan sa kama, gising, ngunit nakakabit ang mga kamay sa dextrose. Unang lalapit si Marina. Ngingiti si Juan. Ngingiti si Marina. Biglang lalapit s i Mang Tino. Mawawala ang ngiti ni Juan. Lalapit si Mang Tino sa tabi ng kama. Walang masabi. Biglang maluluha. Yayakapin niya si Juan. Sa una, si Juan ay pipiglas, pero paglaon, bibigay rin. Katahimikan. Pagkuwan, huhuni si Mang Tino Papasok ang Barker. BARKER Laging nakalalambot, maging ng pusong bato, Ang muling-pagsasama ng mag-aamang nagkalayo. Pero kung sa una pa y si Mang Tino y di nagpabaya, Kakailanganin pa rin ba n yang magpabuhos-buhos ng luha? Kung iisiping maigi, itong dramang nasasaksihan, May kurot man sa puso ngayon, paglao y nakauuyam. O s ya! Ibalik ang tuon sa napipintong kaso ni Juan! tono ng Uyayi ni Nanay . itatayo ko ulit mamaya. yan sa inyo kayo lang ang gumagaling sa k

XIII

DA MANILENYO PULUBI IN A JUDGE S LAW COURT

Mag-uusap-usap sina Marina, Mang Tino, Mr. de Leon, at si Juan. MR. DE LEON (Kay Mang Tino; mabagal upang maintindihan siya) Marami na akong kasong napapunta sa korte. Guilty man o hindi ang bata, ang payo ng abogado ay laging guilty. Pag guilty, namimitigate ang crime ibig sabihin, ga gaan ang krimen at ibababa ang parusa. Madalas, ang nangyayari lamang ay ilalaga y sa custody ng mga magulang ang bata at pareport-report na lamang sa korte. Per o, kung plea ay not guilty (Tuluyan nang kakausapin ang mga manonood parang infom ersyal. Sikapin sana ng artistang gaganap na Mr. de Leon, na sabihan ang mga sum usunod na linya sa isang breathing lamang.) Kukuha pa ng abogado o mag-aasayn an

g korte ng de officio isang abogado na babayaran ng korte. Pero ang mahalagang k westyon ay sino ang paniniwalaan ng korte? Si Juan, si Mang Tino, o yung pulis at yung ale? Natural lamang na magiging kapani-paniwala ang may sinasabi. Wala tayo ng magagawa riyan. Ganyan talaga ang panahon ngayon. Kapag umamin ang isang meno r de edad sa isang hindi naman kabigatan na kasalanan, karaniwan na sinususpinde ang hatol at ibinabalik na lamang ang bata sa mga magulang nito para masubaybay an. (Huhugot ng hininga. Normal na ulit. Haharap ulit kay Mang Tino) Hindi ko si nisiraan ang loob ninyo, Mang Tino. Ako y nagsasalita lamang buhat sa aking eksper iyensya. Siguradong talo ito. MANG TINO Sandali lang ho. Ang anak ko y pinagbibintangang snatser. Wala siyang kasalanan. P ero kailangang aminin niya ito para makalaya siya? MARINA Oho, para di na kukuha ng abogado. MANG TINO Ang dami pang pasikut-sikot. Ayoko! Kung sinabi ni Juan kay Miss Torres na hindi totoo ang paratang di hindi! Panindigan natin yon! Pupunta sa itaas na bahagi ng entablado si Mang Tino, kasama si Juan. Magkakatin ginan sina Marina at Mr. de Leon. Sa likuran, makikita ang Barker na magdadamit bilang Huwes at aakyat sa kanyang puwesto. Sa isang gawi, ang Abogado ng Prosekusyon, kasama ang Ale at si Patrolman Gomez. Sa isang gawi naman, sina Juan, Mang Tino, Mr. de Leon, at Marina, kasama ang Ab ogado ng Depensa. Magpupukpok ng gavel ang Barker/Huwes. May isang korong magsisilbing Klerk. KLERK Criminal Case No. JC 19354. People of the Philippines vs. Juan Tamban. BARKER/HUWES Is da representeysiyon op depens and prosekyusiyon present? ABOGADO NG PROSEKUSYON Here, your honor. Ang Abogado ng Depensa, may ipinaliliwanag kay Mang Tino, na litong-lito. BARKER/HUWES Depens? ABOGADO NG DEPENSA Ay! Teka, Mang Tino! BARKER/HUWES Pli op da depens? ABOGADO NG DEPENSA Not guilty, your honor! BARKER/HUWES Present your honor! Present po!

Olrayt. Wel den. PAYT! Papasok ang Koro sa harap ng entablado. Sila y aawit, habang ang mga tao sa korte y slow motion na parang nagbabaka. [Objeksiyon! Sustain d! Oberrul d!] KORO Ako ay nangangako Na magsasabi ng totoo Buong katotohanan At katotohanan lamang Kaya Diyos ko Tulungan mo pa ako Juan Tamban Juan Tamban Bidang-bida ka na naman Depensa at prosekusyon Pinagtatalunan ang kaso mo Sino ng magwawagi, sino ng matatalo Juan Tamban Juan Tamban Pa no ka mahahatulan Objeksiyon yor onor Oberrul d Susteyn d Wala ka namang maintindihan Adyorn Akwit Kontemp op Kort Sabpina Apil Ambot sa imo Juan Tamban Juan Tamban Bidang-bida ka na naman Tiyak na mahirap ang kaso mong yan Kaya ayaw na naming ipakita sa tanghalan Baka lang antukin ang madlang bayan Ako ay nangangako Na magsasabi ng totoo Buong katotohanan At katotohanan lamang Kaya Diyos ko Tulungan mo pa ako Juan Tamban Juan Tamban Bidang-bida ka na naman Depensa at prosekusyon Pinagtatalunan ang kaso mo Sino ng magwawagi, sino ng matatalo BARKER/HUWES Order! ORDER!

Katahimikan. Napakinggan na ng korte ang magkabilang panig ng kasong ito. Bagaman mabigat ang katibayan laban kay Juan Tamban, ipinapasya ng korte na wag munang magbigay ng h atol hanggang hindi pa nahuhuli ang dalawang batang utak ng krimen. Habang naghi hintay, si Juan Tamban ay mananatili sa pangangalaga ng Detention Center. PROSEKUSIYON Your honor, ibig pong hilingin ng ama ng nasasakdal na sa kanya ipaubaya ang bata. BARKER/HUWES Baka lalong makasama kay Juan ang manatili sa labas. MARINA Your honor, si Juan ay napakabait na bata. Kahit sa n siya ilagay, mananat ili siyang mabait. BARKER/HUWEBES Awt op order! PROSEKUSYON Your honor, ang mag-ama y ngayon lang nagkita pagkatapos ng ilang buwan. BARKER/HUWES May trabaho ka ba, G. Justino Tamban? MANG TINO Mayro n po. BARKER/HUWES Ano? MANG TINO Basurero po. BARKER/HUWES Ibig kong sabihin, tunay mong trabaho. MANG TINO Basurero nga ho. BARKER/HUWES Anong oras ka nagtatrabaho? MANG TINO Alas singko ng umaga hanggang alas onse ng tanghali. Alas sais ng hapon hanggang alas dose ng gabi. BARKER/HUWES Ay! Sino ng mag-aalaga kay Juan? Makasasama kay Juan ang sumama sa inyong trabaho. Mapupuyat siya, gagalisin, lalangawin, papayat at magkakasakit. Walang mag-aala ga sa kanya. D un siya sa Detention Center. Doon, may tulugan gabi-gabi, kakain si ya ng tatlong beses sa isang araw, magkakaroon ng pagkakataong matuto ng iba t iba ng gawain. Lalabas siyang isang kapaki-pakinabang na mamamayan. MARINA Para hong pinaparusahan si Juan. Alam n yo ng nangyayari sa mga Detention C enter!

BARKER/HUWES Awt op order! Sa korte ko, nat ayni wan ken tok, ha! Ar yu relatib? MARINA Hindi po. Social worker po ako. Mabuti pong magsama ang mag-ama, para magkaro n si la ng pagkakataong magsikap na magbagong-buhay. BARKER/HUWES Pa no magbabagong-buhay MANG TINO May trabaho ho ako! BARKER/HUWES Basurero! Disente bang trabaho mo sa isang araw? MANG TINO Mapapakain ko pamilya ko. BARKER/HUWES May inuuwian ba kayo? Hindi ba giniba ang slums sa Sta. Ana? MANG TINO Oo giniba ninyo. E di itatayo namin ulit BARKER/HUWES Walang pakelam ang korte sa pagtayo at paggiba ng bahay. Pero may pakelam ito sa paggiba ng buhay ng mga bata. MANG TINO ITatayo ko buhay ng anak ko! BARKER/HUWES Pa no?! Sa pagtalikod sa tungkulin mo bilang ama? MANG TINO Hindi ako tumalikod! Siya ang lumayas! BARKER/HUWES Pero hindi mo hinanap! MANG TINO Narito siya at narito ako ngayon. Magkasama na kami. BARKER/HUWES E nasangkot sa krimen yan dahil sa kapabayaan mo! Inap op dis kolokwi! yon! At awt op order ka rin! Magkano kita wala ngang trabaho ang ama

MANG TINO May karapatan ako sa kanya! Walang kukuha sa karapatan ko sa aking anak! BARKER/HUWES Kontemp of kort! Kontemp op kort! Dis keys is dismis d! Dalhin ang bata sa Detention Center! Aarestuhin si Mang Tino na nagwawala. Kukunin ni Patrolman Gomez si Juan. Kadiliman.

XIV

JUAN TAMBAN, CASE STUDY

Bubukas ang liwanag. Nasa ibabaw ng kahon si Marina. Maririnig ang kalingking ng mga baso, mga plato, hushus-balungos ng isang assembly. Nakamikropono si Marina . Ang koro y nakabalot sa dilim, nakikinig sa talumpati ni Marina. MARINA The consumption of cockroaches, lizards, and mice, pests which inhabit places fu ll of filth such as disposal areas of human refuse and garbage, exposes the subj ect to harmful microbes detrimental to human health. Such animals are frequent c arriers of germs that cause abdominal pains, dehydration, and diarrhea, to name a few: E. coli, Salmonella, and Leptospira. Such viruses and microbes cause symp toms of meningitis, extreme fatigue, hearing loss, respiratory distress, azotemi a, and renal interstitial tubular necrosis, which result in renal failure and oc casional liver failure... This psychological impulse of consuming cockroaches, lizards, and mice indicates that the subject may be suffering from the idiosyncratic developmental disabili ty called "Pica", a term which comes from the Latin word for magpie, a bird famo us for its undiscriminating appetite Magpapatuloy sa pagsalita si Marina, ngunit naka-mute habang papasok si Juan Tam ban sa isang sulok, at haharap sa mga manonood sa ilalim ng isang puti at nakasi silaw na ilaw. Huhuni siya ng tono ng Uyayi ni Nanay . Mapapapikit siya sa tindi ng puting liwanag. Tila tapos na si Marina. Siya y magba-bow, at lalapitan ng koro, kakamayan, papala kpakan ngunti tahimik, walang tunog, liban sa paghuni ni Juan Tamban. Aalis ang koro. Kakamayan ni Mr. de Leon si Marina. Saka aalis. Sunod na lalapit kay Marina si Mike. Hahalikan siya ni Mike sa pisngi. MIKE I m so proud of you, Marina! So proud! At last ne hell of a case, no? But that s done tapos ka na! That Juan Tamban was o

Kukunin ni Mike ang kamay ni Marina, at iaangat ang daliring may singsing. Titingnan ni Marina si Mike, saka waring titingin kay Juan Tamban na nabubulag s a ilaw, at patuloy sa paghuni. Titingin si Marina kay Mike, at dahan-dahang ihuh ubad ang singsing. Lalabas si Mike, gulilat. Titingala si Marina sa itaas niya ing bubulag sa kanya. Papasok ang Barker. Magbubukas ang ilaw ng tanghalan. BARKER Mga kabagang Itong kuwento ni Juan Tamban At ni Marina Sa wakas, sa wakas, Natapos na Naimbestigahan na ni Marina ang kaso ni Juan may puting liwanag d

Tapos na nga ang lahat, wala nang dapat pagkaabalahan Nasa detention center na si Juan Tamban Aba, e, dapat lang Alam naman nating lahat na di siya kayang alagaan Ng kanyang amang hamak na basurero lamang Si Marina at si Mike Aywan kung nagkatuluyan Di na mahalaga yon, wala nang kuwentang pag-usapan Yung paghubad niya ng singsing, wag n yo ga nong isipin Mas marami pang bagay na nararapat tuunan ng pansin Mapapatay ulit ang ilaw ng tanghalan ina. natitira na lamang ang ilaw kay Juan at Mar

Sa labas ng tanghalan naming padilim nang padilim. Lalamlam maging ang dalawang liwanag na iyon Hanggang tuluyang mabalot ng dilim ang buong entablado.

WAKAS Vista Valley, Marikina Oktubre a-31, taong 2013

You might also like