You are on page 1of 26

Panitikang

Bisaya
Awiting-Bayan
Waray
Lawiswis Kawayan Lawiswis Kawayan
(Awiting-Bayan mula sa Samar-Leyte) (Saling Tagalog na inawit ng Mabuhay Singers)

Ako magtatanom lawiswis kawayan Sabi ng binata halina O hirang


Akon la kan pikoy palataylatayan Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Salbahis nga pikoy ka-waray batasan Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Sinmulod ha kwarto, kan Inday higdaan. Ang mga puso ay pilit magmahalan.

An panyo, an panyo nga may sigarilyo, Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Ginpiksi ni Inday kay may sentimiento Sasabihin pa kay Inang ng malaman
An nasisinahan, an iya nabibidu-an Binata’y nagtampo at ang wika ikaw pala’y
Tungod la han gugma nga waray katuman. ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal.
Ilonggo
Dandansoy Dandansoy
(Awiting-Bayan mula sa Negros Occidental) (Saling Tagalog)

Dandansoy, bayaan ta ikaw Dandansoy, iiwan na kita


Pauli ako sa payaw Babalik ako sa payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon Kung sakaling ika’y mangulila
Ang payaw imo lang lantawon. Sa payaw, ikaw ay tumanaw.

Dandansoy, kung imo apason Dandansoy, kung ako ay iyong


Bisan tubig di magbalon susundan
Ugaling kung ikaw uhawon Kahit tubig, huwag ka nang
Sa dalan magbubon-bubon magbaon
Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Sa daan, gumawa ka ng
munting balon.
Ilonggo
Ili-Ili Tulog Anay Ili-Ili Tulog Anay
(Oyayi ng mga Ilonggo) (Salin sa Tagalog)

Ili-ili Batang munti, batang munti,


tulog anay, matulog ka na,
Wala diri Wala rito ang iyong ina,
imong nanay. Siya ay bumili ng tinapay
Kadto tienda Batang munti, batang munti,
bakal papay. matulog ka na
Ili-ili
tulog anay.
Sugbuwanon
Si Pilemon Si Pilemon
(Awiting-Bayan Cebuano) (Saling Tagalog)

Si Pilemon, Si Pilemon Si Pilemon, si Pilemon


namasol sa kadagatan nangisda sa karagatan
Nakakuha, nakakuha Nakahuli, nakahuli
Ug isda’ng tambasakan ng isdang tambasakan
Guibaligya, guibaligya Pinagbili, pinagbili
sa merkado’ng guba sa isang munting palengke
Ang halin puros kura, ang halin Ang kanyang pinagbilhan, ang
puros kura kanyang pinagbilhan,
igo ra i panuba. Pinambili ng tuba.
Bulong
Isa pang yaman ng ating katutubong
panitikang pasalindila.
Ginagamit sa pagpapasintabi kapag
dumaraan sa tapat ng isang nuno sa
punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog, at
iba pang lugar na pinaniniwalaang
tirahan ng mga engkanto, lamang-lupa,
at maligno.
Binibigkas ito para
mabigyang-babala ang mga
“nilalang na hindi nakikita” na
may daraan para maiwasang
sila’y matapakan o masaktan.
Ginagamit din ito ng mga
albularyo sa kanilang panggagamot.
Binibigkas ito sa pagtatawas para
gumaling ang isang nausog, sumakit
ang tiyan, at iba pa.
Ginagamit din ang bulong
para sa isang taong maaaring
nakulam, namaligno, o
napaglaruan ng lamang-lupa.
Halimbawa:
Sa Ilonggo Salin sa Tagalog

“Tabi-tabi…” “Tabi-tabi…”
Maagi lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay Kung kayo’y masagi
namon.” namin.”
Panitikang
Bisaya
 DULA
Isang uri ng panitikan.
Nahahati sa ilang yugto na
maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal
ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado.
TAGPO –
paglabas-masok sa
tanghalan ng mga
tauhan
MANDUDULA/
DRAMATISTA – ang mga
taong dalubhasa sa larangan
ng pagsusulat ng mga dulang
itinatanghal
MGA SANGKAP SA DULA

1. SIMULA – mamamalas
dito ang tagpuan, tauhan,
at sulyap sa suliranin.
2. GITNA – matatagpuan
ang saglit na kasiglahan,
ang tunggalian, at ang
kasukdulan.
3. WAKAS –
matatagpuan naman dito
ang kakalasan at ang
kalutasan.
Dolying
ni Pio A. Kabahar
(Dulang Cebuano)
Unang Yugto
Umaga sa isang silid pagamutan. Sa
gitna ng silid ay may anim na maliit
na kama para sa mga pasyente. Sa
kanan ay nakatayo ang lamesa ni Bb.
Dolying at sa kaliwa, isang lamesang
punong-puno ng botelya na may ibat
ibang uri ng gamot.
Unang Tagpo
•Bb. Dolying at Victor
Sa pagbubukas ng tabing, si Bb.
Dolying ay nakaupo sa kanyang
lamesa at pinapanood si Victor na
nakadapa at nagsisigaw habang
sinisindihan ang mga pira-pirasong
papel, isa isa.
Victor: (habang sinusunog ang
papel) Ha! Ha! Ha! Nasunog na
ang sulat ko sa aking kasintahan
(Babangon at iiyak) Ang aking
kasintahan ay maganda! Walang
hiya! Masamang ugali! Sinunog
niya ang aking puso.
Dolying: (Lalapit sa kanya at iiling-iling)
Kawawa naman! Victor, kilala mo ba ako?
Victor: Ha! Ha! Ha! (Aabutin ang
kanyang kamay.) kilala kita! (hahalikan
ang kanyang kanang kamay) Ikaw ang
aking kasintahan. Ikaw ay maganda,
ikaw ay isang nars, ikaw ang aking
mahal. Hehehe! Ano, hindi ba?
Sinungaling. Iiyak ako! Sinungaling ka.
Dolying: Kawawang nilalang. Tuluyan
nang nasira ang kanyang isipan. Ayon sa
doctor ay nabaliw siya dahil sa isang
babae. Sa kanyang mga isinisigaw,
maaaring siya‘y naloko sa pag-ibig.
Wala siyang nabanggit kundi ang
tungkol sa kaniyang kasintahan.
Nagtataka ako kung sino ang babaing
naging dahilan ng kanyang pagkabaliw.
Victor: (Tatayo, parang takot)
Nakikita ba ninyo? (nanginginig at
parang may itinuturo) Hee! Siya ang
aking kasintahan. Nahuhumaling siya
sa akin. Ngunit (iiyak) siya ang
nagsunog ng sulat ko. Nanginginig
ang aking kamay. Sinunog niya ang
sulat ko.
Dolying: Siya! Siya! Magpahinga
ka na. Maupo ka upang hindi
sumakit ang ulo mo.

*Excerpt mula sa dula na Ms. Dolying

You might also like