You are on page 1of 14

ARALING PANLIPUNAN

MODYUL 5 POLITIKAL NA PAMUMUHAY NG MGA


SINAUNANG PILIPINO
LAYUNIN:
Nasusuri ang sistema ng pamamahala ng sinaunang Pilipino
1.1 Nailalarawan ang pamahalaang barangay
1.2 Nailalarawan ang pamahalaang sultanato
1.3 Naihahambing ang sistema ng pamahalaan noon at ngayon SISTEMA NG
PAMAMAHALA NG SINAUNANG PILIPINO
SISTEMA NG PAMAMAHALA NG SINAUNANG PILIPINO

Ang Sistema ng Pamamahala ng


Sinaunang Pilipino Bago paman dumating
ang mga Espanyol , may sarili nang kultura
at tradisyon ang mga Pilipino.Sa
pakikipagkalakalan nila sa mga karatig-
bansa tulad ng China, Indonesia at mga
bansang Arabe , nabuo ang mga unang
pamayanang Pilipino.Unti-unti silang
nagkaroon ng isang pamahalaan . Ang
pamahalaang ito ang gumagabay sa pang-
araw - araw na pamumuhay .
BALANGHAY

• Halaw sa salitang balanghai o balanghay ang salitang barangay, na ang


kahulugan sa salitang Malay ay isang malaking bangka . Ito ay binubuo
ng humigit-kumulang sa 30 hanggang 100 pamilya . Datu ang tawag
sa pinuno ng barangay noon. Siya ay kabilang sa mga pamilya na
maginoo at pinakamataas sa lipunan . Ang kanyang katungkulan ay
namamana o naisalin sa panganay na anak na lalaki na kabilang sa
kanyang angkan .
BARANGAY

• ginagawa ng datu sa tulong ng lupon ng matatandang tagapayo niya .


Saklaw nmg batas na ito ang mga paksang may kinalaman sa mga
relasyong pampamilya , mga karapatan sa mana at ari-arian , pautang
, kalakalan , at iba’t-ibang pagkakasala.
HUKUMAN SA BARANGAY


Hindi pormal
Dinadaan sa pampublikong paglilitis
Binibigyan ng mga pagsubok ang mga nagkasala
SULTANATO

• Ang sistema ng pamamahala na ipinakikilala ng mga Muslim sa


bansa
Ito ay bahagi ng kultura at tradisyong Muslim
Ang pinuno ay sumasakop sa isang malawak na teritoryo
Pinamumunuan ito ng SULTAN na siyang nagpapasya at
nagtatakda ng mga tuntuning susundin sa buong sultanato
Sharif ul - Hashim
– unang sultan na nagtatag ng pamahalaang sultanato sa Sulu .
Adat o customary law at Sharia (Qur’anic law )
Ang batas na ito ay batay sa tradisyong katutubo , at sa koran ( Qur’an
Pag-usapan naman natin:
Ano ang Sultanato ?

Paano pinamahalaan ang sultanato ?

Ano ang kinalaman ng paglaganap ng Islam sa pagtatag


ng sultanato ?

Ilarawan ang pamahalaang barangay.


Sino ang pinuno ng barangay noon?
Mga katanungan
• Sino ang pwedeng maging Datu?
-ang katungkulan ay namamana o isinasalin sa panganay na anak na
lalaki
-kung di kaya sa sinumang lalaking nakagawa ng kabayanihan sa
barangay
Anu-ano ang mga kapangyarihan at tungkulin ng isang Datu?
-tagagawa ng batas
-tagapagpatupad ng mga batas
-tagahatol sa mga lumalabag sa batas
Mga katanungan
• Bakit kailangan ng Datu ang maraming kapangyarihan?
Upang maipatupad ang kanyang pangunahing tungkulin - ang
PANGASIWAAN at PANGALAGAAN ang KAPAKANAN ng buong
barangay

Ang dalawang uri ng batas sa barangay


Hindi Nakasulat
-Batas na batay sa mga KAUGALIAN, TRADISYON, at PANINIWALA ng mga tao.
-nagpasalin-salin ito sa pamamagitan ng mga kuwento at talakayan
Nakasulat na batas
-Batas na ginagawa ng Datu sa tulong ng Lupon ng matatandang Tagapayo
Mga katanungan
• Anu-ano ang mga saklaw sa Nakasulat na Batas?
ang mga paksang may kinalaman sa
* mga relasyong pampamilya
* mga karapatan sa mana at ari-arian
* pautang
* kalakalan
* iba't ibang pagkakasala

Sino ang Umalohokan


-tagapagbalita
-naghahayag sa mga nakasulat na batas sa mga nasasakupan sa barangay
Mga katanungan
• Saan nakasulat ang mga batas sa barangay?
-balat ng kahoy
-biyas ng kawayan

Paano nililitis ang mga hinihinalaang maysala?


Sa pamamagitan ng pagsailalim ng pagsubok gaya ng:
-pagsisid nang matagal sa ilalim ng ilog (ang unang umahon ang nakasala)
-pagkuha ng bato sa loob ng sisidlang may lamang kumukulong tubig (ang hindi gaanong napaso ang kamay
ang pinapawalang-sala)

Paano nakikipag-ugnayan ang bawat barangay sa ibang barangay?


Sanduguan
-Tinatawag ding 'Kasi-kasi'
-ang mga kalahok ay naghihiwa nang bahagya sa kanilang bisig at pinatutulo ang kanilang dugo sa isang
kopita ng alak at iniinom ito ng mga kalahok.
-sumasagisag ito ng kanilang pagkakaugnay sa dugo
Sagutan at ipasa sa DRCI ASSIGNMENT ACTIVITIES
PAMAHALAAN NOON PAMAHALAAN NGAYON

Ano-ano ang paraan ng pamamahala noon? Ano-ano ang paraan ng pamamahala ngayon?

Mga bagay na magkapareho

You might also like