You are on page 1of 18

Ang Pilipinas

bilang Isang
Bansa
Araling Panlipunan 4
Aralin 1

Layunin:
Malalaman ng mga mag-aaral na…
 Bansa ang tawag sa isang lugar o teritoryo na mayroong sariling
Pamahalaan.

Magagawa ng mga mag-aaral na…


 Matalakay ang konsepto ng isang bansa
 Maisa-isa ang mga katangian ng isang bansa

Araling Panlipunan 4
Aralin 1

Paano masasabing
ang isang lugar ay
isang bansa?

Bakit tinawag na
bansa ang Pilipinas?

Ano ba ang
kahulugan ng bansa?
Araling Panlipunan 4
Aralin 1

• Bansa
Ang bansa ay lugar o teritoryo
na may naninirahang mga grupo
ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggagalingan kung
kaya makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon
at lahi.
Aralin 1

• Ang isang bansa ay maituturing na


bansa kung ito ay binubuo ng
apat na elemento ng pagkabansa
–Tao
–Teritoryo
–Pamahalaan
–Kalayaan o soberanya
Araling Panlipunan 4
Aralin 1

• Tao
Ang tao ay tumutukoy sa
grupong naninirahan sa
loob ng isang teritoryo na
bumubuo ng populasyon
ng bansa
Araling Panlipunan 4
Aralin 1

• Teritoryo
Ang teritoryo ay
tumutukoy sa lawak ng
lupain at katubigan kasama
na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito
• Ito rin ang tinitirhan ng tao
at pinamumunuan ng
pamahalaan.
Aralin 1

• Pamahalaan
Ang pamahalaan ay isang
samahan o organisasyong
politikal na itinataguyod ng
mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng
isang sibilisadong lipunan.
Araling Panlipunan 4
Aralin 1

• Soberanya
Ang soberanya o ganap na
kalayaan ay kapangyarihan ng
pamahalaang mamahala sa
kanyang nasasakupan.
• Tumutukoy rin ito sa kalayaang
magpatupad ng mga
programa nang hindi
pinakikialaman ng ibang
bansa.
Araling Panlipunan 4
Aralin 1

Sagutin ang mga katanungan:


• Ano ang kahulugan ng bansa?
• Anu-ano ang katangian ng isang lugar
para masabing isa itong bansa?
• Bakit maituturing na isang bansa
ang Pilipinas?
Araling Panlipunan 4
Aralin 1

Gawain A:
Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin
kung Tama o Mali ang ipinapahiwatig. Isulat
ang sagot sa inyong kuwaderno.
1. May mahigit sa 100 milyong tao ang
naninirahan sa Pilipinas.
2. Ang Pilipinas ay hindi maaaring
pakialam ng ibang bansa.
Aralin 1

3.Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na


binubuo ng mahigit sa 7,100 isla.
4.May pamahalaan ang Pilipinas na
tumutugon sa mga pangangailangan ng
mga mamamayan.
5.Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iba’t
ibang wika.
Araling Panlipunan 4
Aralin 1
Gawain B:
Basahin ang maikling tula. Isulat ang mga salita na
nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa.
Pilipinas, Isang Bansa
Ni Ynnos Azaban

Pilipinas, isang bansa


Tao’y tunay na malaya
Mayroong namamahala
May sariling teritoryo
Para talaga sa tao.

Araling Panlipunan 4
Aralin 1

TANDAAN MO

• Ang bansa ay lugar o teritoryo na may


naninirahang mga grupo ng tao na
may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung saan makikita
ang iisa o pareparehong wika,
pamana, relihiyon, at lahi.
Araling Panlipunan 4
Aralin 1

TANDAAN MO

• Ang isang bansa ay maituturing na


bansa kung ito ay binubuo ng apat
na elemento ng pagkabansa— tao,
teritoryo, pamahalaan, at ganap na
kalayaan o soberanya.

Araling Panlipunan 4
Aralin 1

TANDAAN MO

• Ang Pilipinas ay isang bansa


dahil may mga naninirahan ditong
tao, may sariling teritoryo, may
pamahalaan, at may na
ganap kalayaan.
Araling Panlipunan 4
Aralin 1

Takdang Aralin:
Ihanda ng mga sumusunod:
1.Mapa ng Asya
2.Mapa ng mundo

Araling Panlipunan 4

You might also like