You are on page 1of 4

Sangay ng mga Paaralang Panglungsod ng Paranaque

Araling Panlipunan 4
Ikaapat na Kwarter
Ika-limang Linggo
AKO’Y KABAHAGI SA PAG-UNLAD NG BANSA

Kasanayang Pampagkatuto (Most Esssential Competency)

Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa


pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa

Layunin
1. Naipaliliwanag kung paano itinataguyod ng mga mamamayan ang kaunlaran ng bansa
2. Natutukoy ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtaguyod ng
kaunlaran ng bansa.
3. Naipaliliwanag kung paano makatutulong sa pagunlad at pagsulong ng
bansa ang pagpapaunlad sa sariling kakayahan at kasanayan
4. Nauunawaan ang mabuting aral ng pakikilahok pansibiko sa pag-unlad ng bansa
Balikan Natin (Review)

Tukuyin kung anong katangian ng isang produktibong mamamayan ang pinapakita sa mga
larawan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel ang letra ng sagot.

A. Pagiging malusog.
B. Matalinong mamimili.
C. Tinatangkilik ang sariling produkto.
D. Muling ginagamit ang mga patapong bagay.

Unawain Natin

AKO’Y KABAHAGI SA PAG-UNLAD NG BANSA

Ang pambansang kaunlaran ay nakabatay sa kasaganaan ng mga mamamayang bumubuo nito.


Itinuturing na maunlad ang isang bansa kung pantay-pantay ang pagturing sa mamamayan at
maayos ang pagpapatakbo ng lipunan. Katuwang ng pamahalaan ang iba’t-
ibang ahensyang tumutugon sa pangangailangan ng bansa sa sector ng edukas yon,
transportasyon, kalusugan, pabahay, seguridad, komunikasyon, imprastraktura at kalikasan.
Bilang tugon sa pamahalaan, maipapakita din ang pagtaguyod ng mamamayan sa
pagpapaunlad ng lipunan sa pamamagitan ng iba-ibang
gawain:
 Paglinang ng sariling katalinuhan at kakanyahan. Ang isang bansa ay binubuo ng
iba’t ibang klase ng taong may iba’t-ibang kakayahan. Makabubuting linangin ng bawat
isa ang sariling galing at talento hindi lamang para sa sarili kundi para sa bayan.
 Pagiging produktibo. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging malikhain. Dapat tayong
maging malikhain at maabilidad upang matustusan ang sariling pangangailangan at
makatulong sa iba.
 Pagmamahal sa bansa at kapuwa Pilipino. Likas na sa ating mga Pilipino ang
pagiging matulungin sa kapuwa. Ang pagtutulungan ay susi sa kaunlaran. Ang
pagtangkilik sa gawa, likha o produkto ng ating kapuwa Pilipino ay malaking tulong para
mapaunlad natin ito. Ang pagmamahal sa sariling atin ay nakapagbibigay kita at
trabaho para sa ating mga kababayan.
 Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling gawain sa pamahalaan. Ang
matalinong pagboto ay isang paraan upang makasiguro tayong nararapat ang mga
mamamahala sa ating pamahalaan.
 Pagsunod sa mga batas. Mahalagang pag-aralan at sumunod sa mga batas upang
mapangalagaan ang ating kapakanan, buhay, at ari-arian. Kung hindi igagalang ang
batas, magugulo ang kaayusan sa ating bayan.
 Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi. Hitik sa likas na yaman ang ating
bansa. Gayunpaman, marapat lamang na pangalagaan ito sa pamamagitan ng
pagtitipid, pagpigil sa polusyon, paghihiwalay ng basura, at pagre-recycle.
 Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar. Ang mga pampublikong gamit,
pasilidad, gusali at imprastraktura na makikita sa mga pampublikong lugar ay nararapat
nating pag-ingatan dahil naglaan ang pamahalaan ng pondo para mapagawa at
mapaganda ito. Responsibilidad natin bilang isang mabuting mamamayan na pag-
ingatan ang paggamit ng mga ito.

Ilapat Natin
Iguhit ang kung ang larawan ay nagpapakita ng bahaging ginagampanan ng
mamamayan sa pagtaguyod ng kaunlaran ng bansa at iguhit naman ang
kung hindi.

1. 2. 3.

Suriin Natin

Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagtaguyod sa


kaunlaran ng bansa at malungkot na mukha naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_________1. Sinisiguro ni Marian na malinis ang palikuran ng kanilang paaralan pagkatapos


niyang gamitin ito.
_________2. Taon-taon nagtatahi si Aling Rosa ng magagandang terno, barong tagalog at
baro’t saya para sa mga magsisipagdalo sa taunang Sunduan Festival sa Lungsod ng
Paranaque.

2│
__________3. Nahirapan makapangisda sa Coastal ang tatay ni Rica, kaya naisipan na
lamang niyang gumamit ng dinamita at gumamit ng lambat na may maliit na butas para
makarami ng huli.

Tayain Natin (Evaluation)


Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod na pangungusap ay mga katangian ng isang maunlad na bansa
maliban sa isa, ano ito?
A. Libreng edukasyon sa pampublikong paaralan para sa lahat.
B. Maunlad ang bansang inuuna ang mayayaman kaysa sa mga mahihirap.
C. Maunlad ang bansang pantay ang turing sa lahat, walang aabuso sa karapatan at
kapangyarihan.
D. Ang kaunlaran ng bansa ay maibabatay sa kakayahan nitong guminhawa ang
pamumuhay mula sa kahirapan tungo sa kasarinlan ng bawat isa.
2. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pag-iingat sa pampublikong gamit at
lugar?
A. Iniiwang bukas ni Mark ang gripo sa palikuran.
B. Pinipitas ni Iza ang mga bulaklak sa parke tuwing umaga.
C. Isinasauli ni Miguel ang mga aklat na hiniram sa pampublikong aklatan pagkatapos
niyang basahin ang mga ito.
D. Magaling gumuhit si Zary, kaya naman tuwing pupunta siya sa palikuran ng kanilang
paaralan ay ginuguhitan niya ang pader nito.
3. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod na gawain ang pinakamainam mong gawin
para makatulong sa pag-unlad ng bansa?
A. Paghahanap ng trabaho.
B. Pamamasyal sa pampublikong lugar.
C. Paglinang sa mga talento, kasanayan at pag-aaral nang mabuti.
D. Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling gawain sa pamahalaan.
4. Ano-ano ang ginagampanan ng mamamayan bilang bahagi ng isang maunlad na bansa?
I. Pagsunod sa mga batas
II. Pagmamahal sa bansa at kapuwa Pilipino.
III. Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi.
IV. Pagtangkilik sa mga imported na produkto dahil mas nakakaangat ito sa produktong
pinoy.
A. I, II, IV C. I, III, IV
B. I, II, III D. II,II,IV
5.Alin s a mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng pagiging maunlad ng isang
bansa?
I. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao
II. Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan.
III. Masaya ang nakararaming mamamayan sa mga nanunungkulan sa pamahalaan
IV. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang manilbihan sa ibang
bansa
A. I, II, III C. II, III, IV
B. I, III, IV D. I,IV,II
Likhain Natin
Bilang mag-aaral, paano ka makikilahok sa mga pang-sibikong gawain para sa
pagpapaunlad ng bansa? Gumawa ng isang poster na may temang, “AKO’Y
KABAHAGI SA PAG-UNLAD NG BANSA

LAYUNIN Makagagawa ng isang poster na nagpapakita ng pakikilahok sa mga pang-


sibikong gawain para sa pagpapaunlad ng komunidad sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga relief goods sa mga nasalanta ng sunog.

3│
GAMPANIN Malikhaing artist.
MGA MANUNUOD Mga mag-aaral sa Ika-Apat na baitang, guro at kapamilya (gamit ang class
group chat sa FB Messenger)
SITWASYON Hikayatin ang mga mag-aaral na makilahok sa pang-sibikong gawain
sa komunidad sa pamamagitan ng pagguhit ng isang POSTER
PRODUKTO Isang POSTER na nagpapakita ng pakikibahagi ng mag-aaral sa pagtulong sa
komunidad na kanilang kinabibilangan.
PAMANTAYAN Nilalaman, pagkamalikhain at kawastuhan ng diwang nais ipahayag
Sundin ang mga Hakbangin sa Paggawa ng POSTER:
1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit gaya ng papel, lapis, pambura at pangkulay
(krayola).
2. Masusing iguhit ang poster sa isang malinis na papel.
3. Kulayan.
4. Sa ibaba ng poster, sumulat ng 5 na pangungusap na nagpapaliwanag ng kahalagahan ng
pang- sibikong gawain para sa pagpapaunlad ng komunidad.
5. Kunan ng larawan ang ginawang poster at ipadala sa class group chat.
PAALALA:
 Kung walang bond paper, maaaring gamitin ang likuran ng patapong kalendaryo o
anumang papel na mayroon sa inyong tahanan. Siguraduhin lamang na sapat ang laki
para maiguhit ng maayos ang poster.
 Maaari ring gumamit ng water color o anumang pangkulay na mayroon sa inyong
tahanan.
 Maging malikhain sa paggawa.
 Mamarkahan ang iyong ginawang POSTER gamit ang rubrik:
RUBRIK SA PAGGAWA NG POSTER
PAMANTAYAN Mahusay Katamtaman (3) Kailangan pa ng Marka
(5) Dagdag na
Pagsasanay (1)
Nilalaman Naiguhit at nakulayan Naiguhit at Naiguhit at
nang tama nakulayan nang nakulayan
ang 5-6 na tama nang tama
mga bagay na nais ang 3-4 na ang 1-2 na
iparating ng poster mga bagay na mga bagay na
nais iparating nais iparating ng
ng poster poster
Pagkamalikhain May angkop at kawili- May 1-2 guhit na Hindi angkop ang
wiling larawang na hindi angkop sa mga larawang
ipinakita sa poster. hinihinging iginuhit sa poster.
poster.
Kawastuhan ng Nagsulat ng 5 o higit Nagsulat ng 4-3 na Nagsulat ng 2-1 na
Diwang Nais pang pangungusap na pangungusap na pangungusap na may
Ipahayag may malinaw na may malinaw na malinaw na mensahe
mensahe tungkol sa mensahe tungkol tungkol sa
kahalagahan ng sa kahalagahan ng kahalagahan ng
pakikibahagi sa pag- pakikibahagi sa pakikibahagi sa pag-
unlad ng bansa pag- unlad ng unlad ng bansa
bansa

4│

You might also like