Professional Documents
Culture Documents
W7-8
Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Bahaging Ginagampanan ng mga Mamamayan sa Pagtataguyod ng Kaunlaran
ng Bansa
II. MGA
PINAKAMAHALAGANG Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtataguyod
KASANAYANG ng kaunlaran ng bansa
PAMPAGKATUTO (MELCs)
III. PANGUNAHING Bahaging Ginagampanan ng mga Mamamayan sa Pagtataguyod ng Kaunlaran
NILALAMAN ng Bansa
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: _____________)
Natunghayan mo ang kabuuang konsepto ng kagalingang pansibiko. Nalaman mo na napakahalaga nito
sa mas nakararaming mamamayan sa lipunan. Pag-aralan mo naman ngayon ang ambag nito sa kaunlaran ng
ating bayan. Binubuo ang isang lipunan ng bawat tao o indibiduwal. Inaasahan siyang maging mabuting
mamamayan – pumapaloob sa mga institusyon sa lipunan, sumusunod sa mga batas na ipinatutupad, at nag-
aambag para sa higit na pag-unlad ng lipunan.
Sa araling ito ay iyong malalaman ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtataguyod
ng kaunlaran ng bansa. Kaya bilang isang mag-aaral inaasahang:
a. Naiisa-isa ang mga gawain sa pagtataguyod ng mga mamamayan sa kaunlaran ng bansa
b. Naipaliliwanag kung paano itinataguyod ng mga mamamayan ang kaunlaran ng bansa
c. Nabibigyang halaga ang bahaging ginagampanan ng tagapagtaguyod ng kaunlaran ng bansa
Ngayon, bago mo simulan ang bagong aralin, sagutan ang tsart sa ibaba.
Panuto: Isulat ang P kung palagi, M kung minsan at H kung hindi sa iyong sagutan papel ng naaayon
sa iyong gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mga Gawaing Pansibiko Palagi Minsan Hindi
1. Pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
2. Pagiging magalang sa pakikipag-usap sa matatanda.
3. Pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran.
4. Pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad.
Kung palagi mo itong ginagawa, ikaw ay nakatutulong sa pag-unlad ng iyong komunidad o pamayanan. Sa
pamamagitan ng gawaing pansibiko napaglilingkuran lalo na ang mga nangangailangan sa lipunan.
Ngayon suriin mo ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Larawan ng guro at mga Larawan ng open pit Larawan ng Metro Rail Borja, Ramir. Lundayang
mag-aaral sa loob ng silid- mining. TNT Abante. April Transit 3 (MRT3). Philstar. Ortigas sa gabi.
aralan. Rappler. April 28, 28, 2021. https://tnt.abante.com.ph/open- April 28, 2021. Wikipedia. April 28, 2021
https://tl.wikipedia.org/wiki/Lundayang_Ortigas
2021. https://www.rappler.com/nation/guro- pit-mining-sunod-na-ipasasara-ni-duterte/ https://www.philstar.com/headlines/2020/11/12/205
6406/ulysses-forces-lrt-mrt-3-pnr-suspend-service
maging-malikhain-pagtuturo-filipino
Tanong:
1. Alin sa mga larawan sa itaas ang nagpapakita ng kaunlaran?
2. Ano ang kahulugan ng kaunlaran ayon sa iyong kaalaman?
Ngayon ay iyong alamin ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran
ng bansa. Basahin ang teksto sa susunod na pahina.
Bahaging Ginagampanan ng mga Mamamayan sa Pagtataguyod ng Kaunlaran ng Bansa
Ang kaunlaran ng bansa ay nakabatay sa kasaganaan ng mga mamamayang bumubuo nito o naninirahan
dito. Itinuturing na maunlad ang isang bansa kung pantay-pantay ang pagturing sa mamamayan at maayos ang
pagpapatakbo ng lipunan. Kung pantay ang turing sa lahat, walang aabuso sa karapatan at kapangyarihan.
Wala ring mapag-iiwanan ng mga yaman at benepisyo na kadalasang sanhi ng krimen na malaking hadlang sa
pagbabago at pag-unlad. Kaalinsabay nito, ang kaunlaran ng bansa ay maibabatay sa kakanyahan nitong
guminhawa ang pamumuhay mula sa kahirapan tungo sa kasarinlan ng bawat isa. Isa pang katangian ng
maunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng angkop at sapat na serbisyong panlipunan. Liban sa edukasyon,
pabahay, kalusugan, segurIdad, komunikasyon, at transportasyon, mahusay na rin na makapagtalaga ang
pamahalaan ng mga ahensiyang tutugon sa pangmabilisan at natatanging pangangailangan ng mga
mamamayan sa isang takdang panahon. Maunlad ang bansa kung ang mga serbisyong ito ay naipatutupad at
naipaaabot sa nakararaming bilang ng mamamayan.
Gawain ng mga Mamamayan sa Pagtataguyod ng Maunlad na Lipunan
Itinataguyod ng mga mamamayan ang maunlad na lipunan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain gaya ng:
➢ Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan
Binubuo ang lipunan ng mga indibidwal. Makabubuting linangin ng bawat isa ang sariling kakayahan at talento
hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa bayan.
➢ Pagiging produktibo
Maging malikhain at maabilidad upang matustusan ang sariling pangangailangan at makatulong sa iba. Hindi
kailangang umamot palagi ng awa, mamalimos, o umasa sa iba upang makamit ang kasaganahan. Kung ang
bawat isa ay marunong humanap ng sariling pagkakakitaan, magiging madali ang pag-unlad ng bayan. Ang
mga mamamayan na nakatutulong o kapaki-pakinabang sa kaniyang tahanan, pamayanan, at sa bansa ay
tinatawag na produktibong mamamayan. Ang mga sumusunod ay katangian ng produktibong mamamayan:
• May tamang saloobin sa paggawa
Ang wastong saloobin sa paggawa ay dapat itanim sa isipan habang bata pa. Naipamamalas ito sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan, pagkamalikhain, kaayusan, katapatan,
pagpasok sa tamang oras, at pakikiisa at pakikipagkapuwa-tao.
• May pinag-aralan at kasanayan sa paggawa
Upang ang isang tao ay makagawa nang mahusay, napakahalaga na siya ay nakapag-aral at nagkaroon
ng ibayong pagsasanay at mga pagsubok sa kaniyang napiling gawain.
• Pagiging malusog
Upang maging kapaki-pakinabang, mahalagang magkaroon ng magandang pananaw sa buhay at
malusog na pangangatawan. Bunga nito, madali kang makapag-iisip ng mga ideya at makagagawa nang
maayos at may kagalingan.
• Matalinong mamimili
Ang matalinong mamimili ay nagpaplano ng mga bibilhin nang sa gayon ay makatipid sa oras. Uunahin niya
yaong mga mahahalagang kailangan bago ang luho. Siya rin ay mapanuri sa kalidad at kondisyon ng
produktong kanyang bibilhin. Isinasagawa niya ang pagiging matipid. Inaalam niya kung kailan ang
panahong mababa ang presyo ng bilihin at pumipilli ng mura at may kalidad na produkto.
• Tinatangkilik ang sariling produkto
Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay malaking tulong upang umangat ang ating kapuwa Pilipino at buong
bansa.
• Ginagamit nang wasto ang mga kalakal at paglilingkod
Dapat ingatan at gamitin ng mga mamamayan sa wastong paraan ang lahat ng mga produkto at
serbisyong kanilang tinatamasa upang ito ay tumagal at mapakinabangan nang maayos.
• Nagtitipid sa enerhiya
Tiyakin na laging nakapatay ang mga ilaw at de-kuryenteng kagamitan kung hindi ginagamit. At gumamit
ng energy saving na mga ilaw gaya ng compact fluorescent lamps (CFL) o light emitting diodes (LED).
• Muling ginagamit ang mga patapong bagay
Ang pagre-recyle ay isang paraan upang magamit na muli ang mga bagay na patapon ngunit maaari pang
mapakinabangan.
➢ Pagmamahal sa bansa at sa kapwa Pilipino
Ang pagtutulungan ay susi sa kaunlaran, kung ang bawat Plipino ay magtutulungan at hindi maglalamangan,
magiging masagana ang ating bayan.
➢ Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling gawain ng pamahalaan
Pinamamahalaan at pinamumunuan ng mga kabilang sa pamahalaan ang kabang bayan, polisiya, at iba
pang mga benepisyo para sa bayan. Marapat lang na tiyaking tapat at mahusay ang ating mga pinuno nang
sa gayon ay maging maayos ang takbo ng ating lipunan.
➢ Pagsunod sa mga batas
Binuo ang mga batas upang pangalagaan ang ating kapakanan, buhay at ari-arian. Marapat na sundin ito
sa ikatatahimik, sagana, at maayos na paninirahan sa ating bayan.
➢ Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi
Marapat na pangalagaan ang kapaligiran dahil inihahandog nito ang lahat ng batayang pangangailangan
upang mabuhay ang tao. Ang ating pamanang lahi ay ating pagkakakilanlan at tayo ay tagataguyod ng
pambansang dangal at kasaysayan.
➢ Pag-iingat sa pampublikong gamit at lugar
Pangalagaan ang mga gusali at imprastruktura tulad ng mga kalsada at tulay, paliparan, at ospital na galing
sa pagsisikap sa trabaho at pagpupunyagi sa kabuhayan ng mga Pilipino. Bilang mga paraan sa pag-unlad
ng ekonomiya at kabuhayan, pag-ingatan ang mga ito at iwasan ang maling paggamit at kapabayaan.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: _____________)
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa pag-unlad ng isang bansa?
2. Ano ang mga katangian ng isang maunlad na bansa?
3. Ano-ano ang ginagampanan ng mamamayan bilang bahagi ng isang bansa?
4. Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran ng bansa?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga gampanin sa pagtataguyod ng kaunlaran
ng bansa?
Ngayon natutunan mo ang iba’t ibang gawain ng bawat mamamayan sa pagtataguyod ng maunlad na
lipunan. Upang lubos na maunawaan, gawin ang mga sumusunod
Panuto: Mula sa mga nabasang teksto, suriin ang mga gawain ng mga mamamayan na nagpapaunlad ng
lipunan. Gumawa ng Graphic Organizer sa inyong sagutan papel katulad ng nasa baba nito at itala ang mga
Gawain na nagpapaunlad ng lipunan
VII. SANGGUNIAN Adriano, Ma. Corazon, Caampued, Marian, et. al.,. Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Kagamitang ng Mag-aaral. Philippines: Vibal Group, Inc., 2015.
Adriano, Ma. Corazon, Caampued, Marian, et. al.,. Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Patnubay ng Guro. Philippines: Vibal Group, Inc., 2015.
Larawan ng guro at mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Rappler. April 28, 2021.
https://www.rapple r.com/nation/guro-maging-malikhain-pagtuturo-filipino
Larawan ng open pit mining. TNT Abante. April 28, 2021. https://tnt.abante.com.ph/open-
pit-mining-sunod-na-ipasasara-ni-duterte/
Larawan ng Metro Rail Transit 3 (MRT3). Philstar. April 28,
2021.https://www.philstar.com/headlines/2020 /11/12/2056406/ulysses-forces-lrt-mrt-3-pnr-
suspend-service
Borja, Ramir. Lundayang Ortigas sa gabi. Wikipedia. April 28, 2021.
https://tl.wikipedia.org/wiki/ Lundayang_Ortigas
Inihanda ni: JOSEPHINE V. GARCIA Sinuri nina: JEAN DANGA, JESUSA L. PARTOSA, MA. TERESA P.
BARCELO, MARIA THERESA O. SUMARAGO, ROSANITO S.
PARAS