You are on page 1of 4

Asignatura Araling Panlipunan Baitang IV

W1
Markahan Ikaapat na Markahan Petsa Abril 28, 2021

I. PAMAGAT NG ARALIN Ang Mamamayang Pilipino


II. MGA PINAKAMAHALAGANG Natatalakay ang konsepto at prinsipyo ng pagkamamamayan.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AP4KPB-IVa-b-1
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Ang Pagkamamayang Pilipino
IV. YUGTO N PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: Unang araw sa unang Linggo)
Sa huling aralin, natutuhan mo ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang pangalagaan ang
katiwasayan at itaguyod ang ang mga pangangailangan at karapatan ng mga mamamayan.
Sa araling ito tatalakayin natin ang isa sa pinakamahalagang yaman ng ating bansa – IKAW bilang isang
mamamayan Pilipino.
Kaya bilang mag- aaral ikaw ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga batayang ng pagkamamamayang Pilipino.
b. Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkamamamayang Pilipino.
c. Napahahalagahan ang pagkamamamayang Pilipino.
Ngayon ay sukatin mo ang iyong kaalaman sa pagsagot sa gawain sa ibaba.
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang ahensyang nangangasiwa sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.
A. Department of Labor and Employment, (DOLE)
B. Department of National Defense, (DND)
C. Department of the Interior and Local Government (DILG)
D. Department of Trade and Industry, (DTI)
E. Department of Environment and Natural Resources , (DENR)
1. Namamahala ang ahensiyang ito sa pangasiwaan ng seguridad ng ating bansa.
2. Ang ahensiyang ito ay nangangasiwa sa pangangalaga ng kapakanan ng mga manggagawa sa loob o
labas ng bansa.
3. Ito ay ang namamahala naman sa usaping may kinalaman sa mga lokal na pamahalaan.
4. Ang ahensiyang ito ay tumitiyak sa pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.
5. Nangangasiwa sa tamang presyo ng mga bilihin ang ahensiyang ito.
Gamit ang concept map. Itala ang iyong mga nalalaman tungkol sa pagiging isang mamamayang Pilipino.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
Pagkamamamayang
Pilipino

Ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na sadyang inihanda
upang madagdagan ang iyong kaalaman.
Ang Mamamayang PIlipino
Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas.Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito. Dahil may mga dayuhang
nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito. Madalas na ang pagkamamamayan ng isang tao ay naihahalintulad
sa kaniyang nasyonalidad. Marami ang nag-aakala na ang dalawang salita ay magkasingkahulugan. Iba ang
pagkakamamamayan ng isang tao sa kaniyang nasyonalidad.
Ang isang taong ipinanganak sa Pilipinas ay nagtataglay ng Pilipinong nasyonalidad at walang maaaring
makapagbago noon. Ngunit maari naman siyang magkaroon ng ibang pagkakamamamayan sa bansa ayon sa
batas ng naturalisasyon. Samakatuwid ang nasyonalidad ng isang tao ay hindi napapalitan. Ang tanging
nababago ay ang pagkakamamamayan.
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987,maituturing na mamamayang Pilipino ang sumusunod:
1. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987
2. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino
3. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang
pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang
4. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon
Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng
isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang
pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa.
Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Setyembre 17, 2003,
ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay
maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual
citizenship). Kailangan lamang na aplayan niya ito at patunayan sa pamamagitan ng kaniyang sertipiko ng
kapanganakan mula sa Philippine Statistics Authority (National Statistics Office) na ang kaniyang mga magulang o isa
man sa kanila ay mamamayang Pilipino saan man siya ipinanganak.
Paraan sa Pagkakamit ng Pagkamamamayan
May dalawang kinikilalang pangkahalahatang paraan sa pagkamit ng pagkamamamayang una sa pamamagitan ng
kapanganakan at ikalawa ay sa pamamagitan ng naturalisasyon.
Pagkamamamayan sa Pamamagitan ng Kapanganakan
Sa pamamagitan ng kapanganakan, ang isang bata ay nagkakaroon ng tiyak na pagkamamamayan sa ilalim ng
dalawang prinsipyo ang Jus sanguinis at Jus soli.
Jus sanguinis ang pagkamamamayan kung naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa
kanila. Sinusunod ng mga anak ang pagkamamamayan ng kanilang mga magulang saan mang bansa sila ipinanganak.
Ito ang prinsipyong sinusunod ng Pilipinas dahil ito ay nakasaad sa Konstitusyon ng 1987.
Ang pagkamamamayang Jus soli itinatadhana ng prinsipyong ito ang pagkamamamayan ng isang bata ay naaayon
sa bansa kung saan siya ipinanganak kahit pa iba ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang. Dahil dito, ang
isang bata na ipinanganak sa Amerika ngunit kapwa Pilipino ang mga magulang ay magiging mamamayan ng Amerika
dahil ito ang nakasaad sa Konstitusyon ng Amerika.
Uri ng Mamamayang Pilipino
May dalawang uri ng mamamayang Pilipino. Ito ay ang likas o katutubo at naturalisado.
Likas o Katutubong Mamamayan. Ang likas na mamamayan ay anak ng isang Pilipino. Maaaring isa lamang sa kaniyang
mga magulang o pareho ang Pilipino.
Naturalisadong Mamamayan. Ang naturalisadong Pilipino ay mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino
dahil sa proseso ng naturalisasyon.Ayon sa Commonwealth Act No. 475, ang isang dayuhan ay maaaring maging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.
Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa
ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman. Kapag nabigyan na pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan,
kailangan niyang sumunod sa mga batas at kultura ng bansa. Matatamasa rin niya ang mga karapatan ng isang
mamamayang Pilipino maliban sa mahalal siya sa matataas na posisyon sa pamahalaan ng bansa. Ang pagbibigay ng
pagkamamamayan ay isang pribilehiyong ipinagkakaloob ng ating bansa sa isang dayuhan kaya masusi itong pinag-
aaralan ng korte bago igawad.
Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala, kusang-loob man ito o sapilitan. Ayon sa ating batas, maaaring
mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng mga ito:
1.Naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa.
2.Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa.
3.Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit niya ng 21 taong gulang.
4.Nagpawalang-bisa siya ng naturalisadong pagkama- mamayang Pilipino
5.Napatunayan siyang tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa at kumampi sa kaaway sa panahon ng digmaan
6.Itinakwil niya ang kaniyang pagkamamamayan at nag-angkin ng pagkamamamayan ng ibang bansa (expatriation)
Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino
Ang isang Pilipino na nagdesisyong maging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa ay maaaring maging Pilipino
muli sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan:
1.Muling naturalisasyon
2.Aksiyon ng Kongreso
3.Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang Lakas
Ang mga malalaking pangkat ng etniko tulad ng mga Tagalog, Ilokano, Bikolano, Kapampangan, Cebuano, Ilonggo
at Waray kasama ang mga maliliit na pangkat etniko na matatagpuan sa ibat-ibang panig ng bansa ay pawang mga
lehitimong mamamayan ng Pilipinas.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Ikalawang araw sa unang Linggo )


Ngayon ikaw ay nagkaroon ng kaalaman tungkol sa pagiging isang mamamayang Pilipino. Sukatin ang iyong
kaalaman sa pamamagitan sa pagsagot sa mga katanungan sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng pagkamamamayan?
2. Ano-ano ang dalawang uri ng mamamayang Pilipino?
3. Sa anong mga paraan makakamit ang isang pagkamamamayan?
4. Kailan nawawala ang pagkamamamayang Pilipino?
5. Bilang isang, mag-aaral paano mo pahahalagahan ang pagiging isang mamamayang Pilipino?
Matapos mong masagutan ang mga katanungan ngayon naman ay iyong sukatin ang iyong mga natutunan sa
pamamagitan sa pagsagot sa mga sumusunod na gawain
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Iguhit ang bandila kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagka Pilipino ayon sa isinasaad ng
Saligang Batas ng 1987 at araw kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
______ 1. Ang batayan ng pagiging isang Pilipino ay ang Saligang Batas ng 1987 Art. IV Sek.1
______ 2. Sa Amerika ipinanganak si Jose. Ang kaniyang mga magulang ay pinanganak sa Amerika.
______ 3. Anak ng isang Mangyan at isang Ilokano si Pablo. Naninirahan sila sa Pampanga.
______ 4. May magulang na parehong Pilipino.
______ 5. Si Letecia ay isang Tsino at nakapag-asawa ng Amerikano.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: Ikatlong araw sa unang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Gamit ang Graphic Organizer sa ibaba talakayin ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan ayon sa
kapanganakan at ang batayan nito. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Pagkamamayang Pagkamamamayan
Pilipino ayon sa Pagsilang

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Talakayin at ipaliwanag sa maikli ,ngunit makabuluhang pangungusap ang iyong pang-unawa sa mga
sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Bakit nagiging mamamayan ng Pilipinas ang mga Amerikanong ipinanganak dito?
___________________________________________________________________________________________
2. Kailan hindi dapat pagbatayan ang panlabas na anyo ng isang tao para matukoy ang kaniyang
pagkamamamayan?
____________________________________________________________________________________________________________
3. Bakit nananatiling mamamayan ng Pilipinas ang isang Pilipino na nakapag-asawa ng dayuhan.?
____________________________________________________________________________________________________________
4. Bakit hindi dapat pagkalooban ng pagkamamayang Pilipino ang lahat ng mga dayuhang nagnanais maging
mamamayan ng Pilipinas?
____________________________________________________________________________________________________________
5. Bakit kaya may mga dayuhang nagnanais maging isang mamamayang Pilipino?
____________________________________________________________________________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, Talakayin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawang uri ng
mamamayang Pilipino. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Likas o Katutubong Mamamayan Naturalisadong Mamamayan


(Pagkakaiba) Pagkakapareho (Pagkakaiba )

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Kailan nawawala ang pagiging mamamayang Pilipino? Sumulat ng 3 hanggang 5 pangungusap na tumatalakay
dito. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6 (Performance Tasks )


Pagsulat ng Sanaysay
Ang samahan ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan ay maglulunsad ng isang paligsahan sa pagsulat ng
sanaysay. Kailangan masagot ng komprehensibo ng mga kalahok ang tanong na Paano maipakikita ng mga
kabataan ang pagmamahal at pagpapahalaga sa pagkamamamayang Pilipino? Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Sanaysay
Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang Puntos
Nilalaman Malinaw ang paglalahad ng mensahe at mahusay ang 40
pagpili ng mga angkop na salita tungkol sa
pagpapaliwanag tungkol sa pagmamahal at
pagpapahalaga sa pagkamamamayang Pilipino.
Kaugnayan sa Paksa Angkop sa paksa ang nilalaman ng sanaysay. 20

Kasinupan o Kalinisan Masinop at malinis ang pagkakasulat ng sanaysay. 20

Husay sa Pagbaybay o Ortograpiya at Paggamit ng Wasto ang pagbaybay, ortograpiya at pagagmit g 20


Wastong Balarila. balarila.
Kabuuan 100

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: Ikaaapat na araw sa isang linggo)


Nalaman mo na ang pagkamamamayang Pilipino ay nakasaad ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang
Batas ng 1987. Natutuhan mo rin ang mga kwalipikasyon ng pagkamamamayang Pilipino sa araling ito. Bilang
batang Pilipino , sa paanong paraan mo mapahahalagahan ang iyong pagkamamamayan?
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: Ikalimang araw sa isang linggo)
(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo.
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: Ikalimang araw sa isang linggo)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Ikaapat na Baitang. Unang Edisyon.
Quezon City: Vibal Group Inc, c2015.
DepEd-Learning Resource Portal. “Pagkamamamayang Pilipino Natamo, Nawala at
Muling Natamo.” https://lrmds.deped.gov.ph/detail/1170. Published August 5, 2015.
Inihanda ni: EDNA J. CACHUELA Sinuri nina: JEAN L. DANGA JESUSA L. PARTOSA
RENANTE G, TAMAYO MA. TERESA P. BARCELO
MARIA THERESA O SUMARAGO
ROSANITO S. PARAS PRISCILLA V. SALO

You might also like