You are on page 1of 23

 

 
Suriin ang mga larawang nasa susunod
na pahina. Matapos nito, sagutin ang
katanungan sa mga pamprosesong
tanong.
 1. Tungkol saan ang mga larawan na ipinakita sa
itaas?
 2. Pare-pareho ba ang mga negosyo ayon sa laki ng
puhunan?
 3. Kung pagbabatayan ang bilang ng nagmamay-
ari, pare-pareho rin ba ito?
 4. May kilala ka bang nagmamay-ari ng negosyo?
Ilan ang nagmamay-ari nito?
Ang negosyo ay tumutukoy sa
anumang gawaing pang-ekonomiya na
may layuning kumita o tumubo. May
apat na pangkalahatang uri ng
organisasyon ng negosyo. Ang mga ito
ay ang (1) sole proprietorship, (2)
partnership, at (3) corporation (4)
cooperative.
 Ang sole proprietorship ay negosyo na pag-aari at
pinamamahalaan ng isang tao. Ang nagmamay-ari ay
tinatawag na sole proprietor o sole trader. Siya ang may
kabuuang kapangyarihan at responsibilidad sa negosyo.
Pag-aari niya ang lahat ng mga bagay na nauukol sa
negosyo at lahat ng kapital ay nagmumula sa kaniya. Siya
ang nakikipagsapalaran at humaharap sa lahat ng
pagsubok o hamon. Ang lahat ng kita at pagkalugi ay
tanging sa kaniya lamang. Siya ang nangangasiwa sa lahat
ng gawain na ang layunin ay kumita. Wala o mas kaunti
ang mga nauukol na mahihigpit na usaping legal sa mga
ganitong uri ng organisasyon.
 Ang kakayahan ng maliliit na negosyo na
umuunlad ay nakadepende sa kakayahan ng sole
proprietor. Kung mangangailangan siya ng
maraming pondo, maaaring kumuha siya ng
karagdagang pondo mula sa kaibigan, bangko, o
kita ng negosyo. Bilang kabahagi sa pagsulong
ng ekonomiya, naging papel ng sole proprietor
ang magbigay ng hanapbuhay sa mga
mamamayan sa pamamagitan ng maliliit na
negosyo na matatagpuan sa mga pamayanan.
 Ang partnership ay isang organisasyong binubuo ng dalawa o
higit pang indibidwal na nagkasundo at sumasang-ayong
paghatian ang mga kita at pagkalugi sa pagtatayo ng isang
negosyo. Ang mga kasapi ng isang partnership ay tinatawag na
partners. Ang mga kasapi ng ganitong uri ng samahan ay
maaaring tawaging general partners o limited partners. Sa
unang uri, ang mga partner ay pantay-pantay na
pinangangasiwaan ang isang negosyo samantalang ang mga
kasapi ay mayroon ding pantay-pantay na pananagutan sa mga
maaaring maging pagkakautang at pagkalugi. Samantala, sa
ikalawang uri, ang mga partner ay maaaring mamuhunan
subalit wala silang tuwirang pakikilahok sa pangangasiwa.
 Corporation o korporasyon ang pinakamasalimuot na
organisasyon ng negosyo. Kadalasan, ito ang may
pinakamaraming bilang ng mga nagmamay-ari. Ito rin
ay may mga legal na katauhan na hiwalay sa katauhan
ng mga taong nagmamay-ari, kumokontrol, at
nagpapatakbo ng korporasyon. Ang korporasyon ay
maaaring bumili at magbenta ng mga ari-arian, pumasok
sa mga kontrata, magsampa ng kaso, at nararapat na
magbayad ng buwis. Katangian din nito ang limitadong
pananagutan ng mga may-ari at ang pagbibigay ng mga
bahagi o shares sa anyo ng mga stocks, at ang pananatili
nito ay isang mahalagang bagay.
 Ang proseso ng pagiging isang korporasyon ay
tinatawag na incorporation. Ito ay nagbibigay sa
kompanya ng katayuang legal na hiwalay sa mga
nagmamay-ari. Dahil dito, nabibigyang proteksiyon ang
mga nagmamay-ari mula sa mga pananagutan,
halimbawang ang kompanya ay mahabla. Ang
kondisyong ito ay tinatawag na limitadong pananagutan
(limited liability).Sa pamamagitan ng incorporation, ang
mga may-ari ng korporasyon ay walang pananagutan sa
utang ng kompanya. Kung ang kompanya ay malugi,
ang tanging mawawala sa may-ari ay ang salapi na
kanilang pinuhunan bilang common stock.
 Mayroon pang ibang uri ng samahan ng negosyante. Ito ang
kooperatiba na binubuo ng mga kasapi na karaniwan ay hindi
bababa sa 15 miyembro na kabahagi sa puhunan at tubo.
Pangunahing layunin ng kooperatiba ang makapagbili o
makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa
pinakamababang halaga.
 Sa isang kooperatiba, kabahagi ang mga kasapi sa
pagtatatag at pamamalakad ng samahan kaya interesado
silang magtulong-tulong sa ikatatagumpay ng kanilang
samahan. Nagaganyak din silang magtipon ng karagdagang
puhunan sa pagnanais na lumago ang negosyo. Higit sa
lahat, hinahati-hati ng pantay ang kapakinabangan ng
 Sa kabilang dako, maliit ang tubong
natatanggap ng mga kasapi sa saping-puhunang
ipinasok sa kooperatiba dahil na rin sa hindi
pangunahing layunin nito ang magkaroon ng
malaking tubo. Gayundin, kulang sa kapital ang
isang kooperatiba. Maliit lamang ang saping
puhunan na inilalagay rito kung ihahambing sa
isang korporasyon.
Tukuyin at lagyan ng tsek kung anong
uri ng organisasyon ng negosyo ang
inilalarawan sa bawat bilang.
KATANGIAN

Proprietorship

Cooperative
Corporation
Partnership
Sole
1. Isang organisasyon na binubuo ng dalawa o
higit pang indibidwal na sumasang-ayon na
paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng
negosyo.
2. Layunin nito na makapagbigay ng mga
produkto at serbisyo sa mga kasapi sa
pinakamababang halaga.
3. Pag-aari at pinamamahalaan ng iisang tao.
4. Bahagi ng tubo ng organisasyong ito ay
ipinamamahagi sa mga stockholder.
5. Binubuo ng hindi bababa sa 15 tao at
pinagtitipon- tipon ang kanilang pondo upang
makapagsimula ng negosyo.
Makibahagi sa inyong pangkat. Bumuo ng isang mini
business plan gamit ang natutuhan sa Technology
and Livelihood Education para sa binabalak na
negosyo ng grupo. Punan ng kaukulang tugon at
impormasyon ang chart base sa mga nakapaloob sa
business plan.
MGA NAKAPALOOB NA BUSINESS PLAN TUGON/IMPORMASYON

1. Hangarin o misyon ng negosyo


2. Ang pagkakaiba ng iyong negosyo sa ibang
negosyo

3. Magiging mga kliyente (Target Market)


4. Magiging mga karibal o kakompitensiya
5. Uri ng produkto o serbisyo na ibebenta
6. Mga pamamaraan o estratehiyang
gagamitin sa pagbebenta

7. Panggagalingan ng puhunan at
papaano ito gagamitin

8. Inaasahang kikitain sa loob ng 1 hanggang

You might also like