You are on page 1of 4

L.C.

17: Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng


paggamit ng pamantayan sa pamimili
AP9MKE-Ih-17
PANIMULA:

Natanong mo na ba sa iyong sarili kong tama ang iyong pagkonsumo sa


mga produkto at serbisyo? Sa nakalipas na mga aralin natalakay natin ang
kahulugan ng pagkonsumo at ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo
ng tao.

Sa ating bagong aralin, malalaman nating kung gaano kahalagang


maging matalino ang isang mamimili upang masabi nating tama ang ating
pagkonsumo.
Pagkatapos ng aralin inaasahang ang mga mag-aaral na....
1. Naiisa-isa ang mga pamantayan isang matalinong mamimili.
2. Nakapagsasadula ng mga katangian ng isang matalinong mamimili.

3. Nabibigyang halaga ang mga katangian ng pagiging matalinong


mamimili
GAWAIN: (Activity) BIDYU-Suri!

1. Hahatiin ang sa klase pito na pangkat.

2. Bawat pangkat ay magkakaroon ng isang lider isang taga sulat at isang


taga pagsalita.
3. Susuruin ng bawat pangkat ang isang bidyu.

4. Pagkatapos panoorin sasagutin ng bawat pangkat ang mga gabay na


tanong at kanila itong iprepresinta sa klase.
Panonood ng Bidyu: https://www.youtube.com/watch?v=qb8Cfn9vb_E&t=325s
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang nais ipahayag ng pinanood na bidyu?
2. Bakit mahalaga ang pagsuri sa mga produktong ating binibili?

3. Sa inyong palagay, paano natin maipapakita ang pagiging matalinong


mamimili?
Presentasyon ng Bawat Pangkat:

1. Inaasahan ang bawat pangkat ang disiplina at pakikinig habang may


nagaganap na presentasyon.
PAGSUSURI: (Analysis) PAGSASADULA

1. Ang paksa ng bawat pangkat na kanilang isasadula ay naibigay na


bilang isang takdang - aralin.

2. Binibigyan lamang ang bawat pangkat na magsadula ng hindi lalagpas


sa 3 minuto.
PAGSUSURI: (Analysis) PAGSASADULA
PAMANTAYAN SA MATALINONG PAMIMILI:
 Mapanuri
 May Alternatibo o Pamalit
 Hindi Nagpapadaya
 Makatwiran
 Sumusunod sa Badyet
 Hindi Nagpapanic-buying
 Hindi Nagpapadala ng Anunsiyo

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY GRADO SA PANGKATANG PAG-UULAT (Rubrics)

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang mga katangian ng matalinong mamimili na natalakay ng bawat


pangkat sa kanilang dula?

2. Alin sa mga naisadula na katangian ng matalinong mamimili ang iyong


nagagawa at hindi nagagawa? Bakit?

3. Makakatulong ba ang mga katangiang ito sa pagkonsumo ng isang tao?


Papano?
PAGHAHALAW:(Abstraction)

1. Pagpapahalaga:
Gagawa ang bawat pangkat ng “hugot lines” tungkol sa katangian ng
mamimili na kanilang naisadula.
Ilalagay ng bawat pangkat ang kanilang hugot lines sa isang long bond paper.
PAGHAHALAW:(Abstraction)
1.Pagbubuod:

Gagabayan ang mga mag-aaral na makabuo ng mga kaisipan at


paglalahat tungkol sa paksang natalakay.
PAGHAHALAW:(Abstraction)

1.Pagbubuod:
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa na maaaring ibigay ng mga
mag-aaral.

Kahalagahan ng pitong katangian ng matalinong mamimili sa kanilang pang-


araw araw na pamumuhay.
APPLICATION: (Paglalapat)

Tukuyin kung anong katangian ng matalinong mamimili ang tinutukoy sa


bawat sitwasyon.

1. Nagkulang ang badyet ni Aling Minda sa kanilang ulam na tinolang


manok. Dahil mahal ang papaya bumili na lamang ito ng sayote bilang
pamalit sa papaya.
APPLICATION: (Paglalapat)

2. Bago bilhin ni Jose ang gusto nitong damit ay tinignan muna nito ang
presyo at kung sira ang damit.

3. Kinaugalian ni Aling Tess na isulat lahat ng kanyang bibilhin bago pa


lamang ito pumunta sa palengke. Sinisigurado niya na kung ano lamang
ang nasa listahan ang dapat niyang bilhin.
APPLICATION: (Paglalapat)

4. Mahilig gumamit si Kate ng mga sabong pampaputi. Pero hindi


kailanman siya gumamit ng sabong pampaputi dahil sa ginagamit ito ng
kanyang paboritong artista.

5. Bago bilhin ni Mang Tonyo ang kanyang gustong bilhin ay sinisigurado


nitong tama ang timbang ng kaniyang pinamili.
APPLICATION: (Paglalapat)

6. Ayon sa mga nababalita sa pahayagan at telebisyon, sa mga susunod


na buwan ay magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas. Ngunit
minarapat ni Mary na maging kalmado at huwag agarang bumili ng
kanilang suplay na bigas.
APPLICATION: (Paglalapat)

7. Parehong kailangang bumili ng bigas at selpon ni Diane. Dahil sa


kakulangan ng pera mas inuna nitong bilhin ang bigas kaysa sa selpon.
TAKDANG - ARALIN:

1. Pangkatang Gawain: Gumawa ng infomercial tungkol sa mga katangian


ng matalinong mamimili.
2. Anu - ano ang mga karapatan ng isang mamimili?
MGA SANGGUNIAN:
1. https://www.youtube.com/watch?v=qb8Cfn9vb_E&t=325s
2. https://www.scribd.com/doc/256986375/Rubric-Sa-Pag-uulat

DOMINGO M.CESARIO
Teacher I
Pacpaco Integrated School
San Manuel District

You might also like