You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHAN

SUMMATIVE TEST 2

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan


Mga Layunin CODE
n Aytem ng Bilang

Maiisa-isa ang mga programang AP4PAB-


50% 10 1-10
pangkalusugan. IIIa-3

Masasabi ang mga pamamaraan sa AP4PAB-


pagpapaunlad ng 50% 10 11-120
IIIa-3.2
edukasyon sa bansa.

Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE IV – AP

ANSWER KEY:

1. C 6. A 11. C 16. D
2. A 7. B 12. C 17. B
3. D 8. A 13. C 18. A
4. B 9. A 14. C 19. C
5. D 10. A 15. B 20. C

LAGUMANG PAGSUSULIT NO.2


GRADE IV – AP

Pangalan:_____________________________________ Grade and Section:_________

I. Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong activity notebook.

_____1. Anong serbisyong pangkalusugan na ang layunin nito ay ang marating ang pinakamahirap
na mamamayan at mabigyan ng kumpletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit sa bansa.
A. Pagbabakuna B. Philhealth
C. DOH Complete Treatment Pack D. Programa sa mga ina at kababihan
_____2. Ano ang pambansang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa mga serbisyong
pangkalusugan ng mamamayan?
A. Department of Health (DOH)
B. Department of Justice (DOJ)
C. Department of Education (DepEd)
D. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
_____3. Saan maaaring pumunta para sa pangangailangang medikal?
A. Sa pribadong opisina
B. Sa pambublikong palengke
C. Sa parke at sa mga pook- pasyalan
D. Sa sentrong pangkalusugan o barangay health center
_____4. Isang serbisyong pangkalusugan na itinataguyod at pinalawak ng pamahalaan laban sa
mga sakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas at trangkaso?
A. Philhealth C. Complete Treatment Pack
B. Pagbabakuna D. Programa sa mga ina at kababaihan
_____5. Bakit itinatag ang National Health Insurance Program (NHIP)?
A. Upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa Luzon.
B. Pagpapalaganap ng impormasyon sa pag-iwas sa tamang pagsugpo at paggamot sa
AIDS.
C. Nababawasan ang malubhang sakit ng mga bata na kung minsan naging sanhi rin ng
pagliban nila sa paaralan.
D. Upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan at mapagkalooban ng may
kalidad at serbisyong pangkalusugan at pagkakamit ng pangkalahatang kalusugan.
_____6. Ano ang benepisyong makukuha ng mamamayan mula sa National Health Insurance
Program ng Kagawaran ng Kalusugan?
A. Philhealth C. Complete Treatment Pack
B. Pagbabakuna D. Programa sa mga ina at kababaihan
_____7. Sinu-sino ang katulong ng mamamayan sa mga serbisyong pangkalusugan?
A. Enhinyero C. Negosyante
B. Doktor, nars, at midwife D. Pulis at Sundalo
_____8. Si Gina ay limang buwan ng buntis at gustong magpatingin ng libre. Anong programa ang
pwedeng makatulong kay Gina?
A. Ang programa para sa ina at kababaihan B. Ang Kagawaran ng lakas- tao
C. Ang Programang pagbabakuna D. Ang kagawaran ng mga guro
_____9. Si Jasmine ay kakapanganak lamang ng kanyang unang anak. Sinabi ng doktor na
kailangan ng bata ng kumpletong bakuna o imunisasyon at ang barangay ay may libreng
programa sa pagbabakuna. Bakit kaya nagbibigay ang ating gobyerno ng libreng programa?
A. Para maging malusog ang lahat ng bata at nakakatulong pa ito sa mga ina dahil libre ito
at walang babayaran.
B. Para makita ang proyekto ng gobyerno ng mga tao.
C. Dahil ito ang Programa para sa mga ina at kababaihan
D. Para maging sikat ang barangay na nagbibigay ng ganitong programa.
_____10. Si Tatay Jose ay may sakit at kailangan siyang dalhin sa ospital. Dahil sa hirap ng
kanyang buhay sa bahay na lang siya nagpapagaling. Anong programa ng gobyerno ang
pwedeng makatulong kay tatay Jose para madala siya sa ospital na walang babayaran?
A. Philhealth B. Pagbabakuna
C. Programa laban sa kababaihan D. Programa sa barangay na may libreng gamot.
_____11. Nag-anunsiyo ang Kapitan sa inyong barangay na maaari nang magpalista sa inyong
paaralan ng mga nais pumasok sa kinder. may kapatid kang anim na taong gulang.
A. Sasabihin sa magulang ang anunsiyo.
B. Ipagpatuloy ang ginawa na parang walang narinig.
C. Hihikayatin ang magulang na ipalista na ang kapatid.
D. Hindi papansinin ang sinabi total bata pa naman ang kapatid.
_____12. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutunan mo sa paaralan na may programa sa
edukasyon para sa mga nahinto ng pag-aaral.
A. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito.
B. Hayaan na lamang ang iyong kuya dahil matanda na siya.
C. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong interesado ang iyong kuya.
D. Hindi na sasabihin sa kuya total namamasukan na siya sa karinderya.
_____13. Nangangailangan ng mga boluntaryo para sa pagpapakain sa mga bata sa inyong day care
center sa araw ng Sabado.
A. Hindi ako pupunta dahil mapapagod ako.
B. Ipagpatuloy ko na lamang ang paglalaro ko.
C. Tutulong ako kung ano man ang kaya kong gawin.
D. Hindi na ako pupunta dahil hindi rin siguro ako bibigyan ng gagawin.
_____14. Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang tungkol sa kanilang mga
paniniwala na natutunan niya sa kaniyang pagaaral.
A. Magkukunyari akong nakikinig.
B. Sasabihin kong maglaro na lamang kami.
C. Makikinig ako para may matutunan din ako.
D. Sasabihin ko kung ano ang mga ayaw ko sa mga gawi nila.
_____15. Para makarating sa paaralan, naglalakad si Lolit at ang kaniyang dalawang kapitbahay
nang isang oras. Kung ikaw si Lolit, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginagawa?
A. Tutulong na lamang ako sa mga gawain sa bahay.
B. Gagawin ko dahil nais kong makapagtapos ng pag-aaral.
C. Yayayain ko ang aking mga kaklase na lumiban sa klase.
D. Maaaring tamarin akong pumasok dahil mahirap maglakad.
____16. Ang programa na naglalayong makamit ng mag-aaral ang mga kasanayang kailangan niya
sa pag-aaral , pagpasok sa kolehiyo at pag- eempleyo.
A. DSWD C. Out-of-School Youth
B. Indigeneous People D. K-12 Basic Education Program
_____17. Para kanino ang programa sa edukasyon na maliban sa literasi, layunin ding
mapangalagaan at mapagyamanin ang kultura ng mga IP?
A. Day Care C. Out-of-school-Youth
B. Indigeneous People D. K-12 Basic Education Program
_____18. Isa sa mga programang edukasyon ng pamahalaan sa bawat barangay na mangangalaga
sa mga batang nag-uumpisa pa lamang matuto.
A. Day Care C. Out-of-school Youth
B. Indigeneous People D. Alternative Learning System
_____19. Bakit itinataguyod ng Pilipinas ang Edukasyon para sa Lahat (Education for All)?
A.Upang mayroon silang programang naitaguyod
B. Upang ipagmayabang na ang lahat na Pilipino ay nakapag-aral
C. Upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata o matanda.
D. Upang ipakita na matalino at magaling ang mga Pilpino pagdating sa edukasyon.
____20. Saan binibigyan ng pagkakaton na makapag-aral muli ang mga Out-of-School Youth sa
mga oras at araw na libre sila o di naghahanapbuhay?
A. Day Care C. Alternative Learning System
B. TESDA D. K-12 Basic Education Program

You might also like