You are on page 1of 28

Araling Panlipunan 5

Quarter 1 Week 8
Natatalakay ang paglaganap ng katuruan
Layunin ng Islam sa Pilipinas
AP5PLP-Ii-10
Day 1
1. Sino-sino ang nakikita mo sa
larawan?
2. Ano kaya ang kanilang
relihiyon?
3. Bakit mo nasabing Islam ang
relihiyon nila?
4. Saang bahagi ng Pilipinas
nakatira ang karamihan sa kanila?
5. Sila ba ay mga mamamayang
Pilipino tulad mo?
Suriin ang timeline sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa
paglaganap ng Relihiyong Islam sa bansa.
1210 Pagdating ng mga Arabong mangangalakal sa katimugang bahagi ng kapuluan
1280 Ang pagdating sa Sulu ni Tuan Masha’ika, itinuturing na kauna-unahang
nagpakilala ng Islam sa Pilipinas
1380 Ang pagdating ni Karim Ul-Makdum mula sa Malacca at nangaral ng Islam sa
Sulu.
1390 Matagumpay na nahikayat ni Raja Baginda ang mga katutubo sa Sulu na sumapi
sa Relihiyong Islam.
1450 Dumating mula sa Palembang si Abu Bakr o Sharif ul-Hashim at nagpalaganap
ng Islam sa Sulu. Siya ang kauna-unahang sultan ng itatag ang Sultanato sa
Sulu.Si Abu Bakr ang nagpalaganap ng Islam sa Sulu. Pinagkalooban siya ng
pangalang Sharif ul- Hashim nang maging kauna-unahang sultan ng itinatag
niyang pamahalaang batay sa Sultanato ng Arabia.
Sa panahon niya ay mabilis na lumaganap ang Islam
sa Sulu. Mula sa Mindanao ay mabilis na lumaganap
ang Islam sa Luzon at Visayas.
Gayunpaman, mabilis ding natuldukan ang paglaganap
na ito pagdating ng mga
Espanyol. Nagtungo ang mga Pilipinong Muslim sa
katimugang bahagi ng Pilipinas upang
mapanatili ang kanilang pagsasarili kaya patuloy pa
ring pangunahing paniniwala ang
Relihiyong Islam sa rehiyon ng Mindanao. Sa ngayon,
karamihan sa mga naniniwala ng
Relihiyong Islam ay matatagpuan sa Mindanao
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1.Ano-ano ang tatlong malalaking pulo kung saan lumaganap ang
2. Relihiyong Islam?
3. Saang pulo ng Pilipinas unang lumaganap ang Relihiyong Islam?
4. Paano lumaganap ang Relihiyong Islam sa ating bansa?
Pumili ng salita sa loob ng kahon para mabuo ang bawat
pahayag.
Mindanao mangangalakal Sulu
Tuan Masha’ika Paramisuli Pilipino
1. Ang mga ______________ay mayroon ng sistema ng
pananampalataya noon bago
paman dumating ang mga Muslim.
2. Ang Relihiyong Islam ay dala ng mga ________________ na
Arabong Muslim.
3. Mula sa ________ sa Mindanao, ang Relihiyong Islam ay
mabilis na lumaganap sa
Visayas at Luzon.
4. Ang Islam ay paniniwalaan ng karamihan sa lugar ng
_____________.
5. Itinuturing si _____________ ang kauna-unahang
nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung
wasto ang pangungusap at MALI
kung hindi.
_____ 1. Dala ng mga mangangalakal na Espanyol ang
Relihiyong Islam kaya ito
nakarating sa Pilipinas.

_____ 2. Si Abu Bakr ay tinatawag ding Sharif ul-Hashim nang


maging kauna-unahang
sultan sa Sulu.
_____ 3. Ang Rehiliyong Islam ay isang mahalagang
impluwensiyang umambag sa
kultura ng mga Pilipino.
_____ 4. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtungo ang
mga katutubong
Muslim sa katimugang bahagi ng Pilipinas upang mapanatili
ang kanilang
pagsasarili.
_____ 5. Unang lumaganap ang Relihiyong Islam sa Luzon
Day 2
Islam – galing sa salitang Arabic na ang ibig
sabihin ay “Pagsuko o dedikasyon kay Allah”.
Pag-usbong at
Paglaganap ng Islam ay isang relihiyong may paniniwala sa
Islam sa iisang diyos na si Allah na itinatag ng
Pilipinas propetang si Muhammad noong 600 C.E.

Muslim – tawag sa mga taong


sumasampalataya sa Islam at isinusuko ang
sarili kay Allah.
Ang Simula at Ilang Paniniwalang Islam
• Muhammad – ang kinikilalang propeta o sugo ng
Diyos ng mga Muslim, siya ay
ipinanganak noong 570 CE sa Mecca kanlurang
Pag-usbong at Arabia at dito niya itinatag ang Islam.
Paglaganap ng • Sharif Kabungsuan – nagpalaganap ng relihiyong
Islam sa Islam noong ika 15 siglo mula sa
Pilipinas Johor, Malaysia at naging unang sultan ng
pamahalaang itinatag niya sa Mindanao.
Qur’an – nakasulat ang mga utos at salita ng Diyos
at tawag sa banal na aklat
ng Islam.
Allah – kinikilalang diyos ng mga Muslim

Mosque – banal na simbahan ng Islam.

Pag-usbong at Sheik Karimol Makhdum Mosque –


Paglaganap ng pinakamatandang Mosque sa Pilipinas
Islam sa na matatagpuan sa Barangay Tubig Indangan,
Pilipinas Simunul, Tawi-Tawi.

Quba Mosque (Masjid Quba) – kauna-unahang


Mosque na naitayo sa kasaysayan ng Islam at
matatagpuan sa Medina (Madinah), Western Saudi
Arabia na ipinatayo pa ni Propeta Muhammad.
Pagtapat-tapatin ang mga magkakaugnay na salita. Isulat ang
titik ng wastong sagot sa patlang.
HANAY A HANAY B
_____1. paraan ng pagpapakilala ng Islam ng mga sinaunang
Arabe. A. Mosque
___2. unang Propetang Muslim na nagtungo sa Pilipinas B.
Tuan Mashai’ka
_____3. banal na simbahan ng Islam. C. Karim ul Makdum
_____4. mula Malacca at dumating sa Sulu at nangaral ng
Islam. D. Hajj
_____5. nagpalaganp ng relihiyong Islam noong ika-15 siglo at
E. Sharif Kabungsuan
nagtatag ng Sultanato sa Maguindanao. F. Pakikipagkalakalan
Panuto: Piliin at isulat ang TITIK ng tamang sagot.
1. Ang nagpalaganap ng relihiyong Islam noong ika-15 siglo at
naging unang sultan ng Maguindanao.
A. Karim-ul Makdum B. Sharif Muhammad Kabungsuan
C. Rajah Baginda D. Tuan Mashaika
2. Tawag sa isang relihiyong may paniniwala sa iisang Diyos
na si Allah.
A. Muhammad B. Qur’an C. Mecca D. Islam
3. Ang pagdating ng mga Arabong mangangalakal mula sa
katimugang bahagi ng kapuluan.
A. 1210 B. 1280 C. 1380 D. 1310
4. Dumating si AbuBakr at itinatag ang Sultanato sa Sulu.
A. 1390 B. 1380 C. 1450 D. 1475
5. Tawag sa mga taong nananampalataya ng relihiyong Islam.
A. Propeta B. Muslim C. Mosque D. Allah
Day 3
• Koran – nakapaloob ang banal na kasulatan ng mga
Muslim.
• Sunnah – nakasulat ang mga tradisyon ni
Mohammad na kinabibilangan ng limang haligi ng
Mga Haligi ng katotohanan ng Islam.
Islam Sa Limang Haligi ng Islam
Pilipinas 1. Shahadah o ang pagpapahayag ng paniniwala
2. Salat o dasal
3. Zakat o pagkakawanggawa
4. Sawm o pag-aayuno (abstinence) sa buwan ng
Ramadan
5. Hajj o paglalakbay sa Banal na Lungsod ng Mecca
1. Shahadah o ang pagpapahayag ng
paniniwala – “Walang ibang Diyos maliban kay
Allah at si Muhammad ang sugo Niya.”
2. Salat o dasal – kailangang limang ulit ang
pagdarasalsa isang araw na nakaharap sa
Ka’aba na matatagpuan sa Mecca ang banal
na lungsod ng Islam.
Muezzin – ang nananawagan sa mga Muslim
sa oras ng pagdarasal sa Mosque.
-Kailangan malinis ang kanilang pananamit at sarili.
- Iniiwan ang sapin sa paa sa pinto ng Mosque.
- Nakahanay nang tuwid sa likod ng Imam ang pinuno ng
Muslim sa pagdarasal.
-Sabay- sabay ang pagyuko, pag-upo at pagpapatirapa.
-Nakahiwalay ang mga babae sa mga lalaki.

3. Zakat o pagkakawanggawa – minsan sa loob ng isang


taon kailangan magbigay ng tulong
ang mga Muslim sa mga nangangailangan tulad ng pulubi,
nasalanta ng bagyo, lindol at iba pang sakuna, sa mga may
sakit, at naulila sa halagang 2.5% ng kayamanan ng bawat
Muslim.
4. Sawm o pag-aayuno (abstinence) sa buwan ng Ramadan –
isang buwan ang pag-aayuno ng mga Muslim kung Ramadan na
naayon sa Islamic lunar calendar.
Sawm o Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan ay isinasagawa
upang:
 Madama ang hirap na dinaranas ng mga maralita at maging
maawain at matulungin sa
kanila.
 Maituwid ang landas na tinatahak at mailayo ang sarili sa labis
na pagnanasa sa
makamundong bagay.
 Makabayad sa mga kasalanan.
 Magbagong ispiritwal at pisikal.
 Magunita ang mahalagang pangyayari sa Islam.
Ang pag-aayuno ay sinisimulan sa pagsikat ng
araw at nagtatapos sa paglubog nito.
Ipinagbabawal ang pagkain, pag-inom,
paninigarilyo, mga kasiyahan, at ang paggawa ng
mga
gawaing mabibigat. Paglubog ng araw, maaari
nang gawin ang mga ito. Ang Hariraya Puasa
o Eid’ul-Fitr ang pagwawakas ng pag-aayuno. Ito
ang pinakapista at sagana ang pagkain sa
araw na ito.
5. Hajj o paglalakbay sa Banal na Lungsod ng Mecca - ang Banal na Lungsod ng Mecca
ang sentro ng pananampalatayang Muslim. Dinarayo nila ang Ka’aba, isang pahabang
batong
marmol na nakatayong bantayog sa isang liwasan sa Mecca na itinuturing na sagrado ng
mga Muslim.
Inaatasan ang bawat Muslim na may sapat na kakayahang pinansiyal at malusog na
pangangatawan ang makarating sa Mecca sa Saudi Arabia kahit minsan lamang sa kanyang
buhay.
Ang sinumang Muslim na nakapaglakbay at sumamba sa Banal na Lungsod ay
pinapayagang maidugtong sa kanyang pangalan ang salitang Hadji.
Pinagkalooban siya ng pangalang Sharif Ul-Hashim nang maging kauna-unahang
sultan, sa itinatag niyang pamahalaan batay sa Sultanato ng Arabia. Sa panahon ni Abu
Bakr, mabilis na lumaganap ang Islam sa Sulu.
Mula sa Sulu at Mindanao mabilis na lumaganap ang Islam sa Luzon at Visayas ngunit
mabilis din itong natuldukan ng dumating ang mga Espanyol noong ika-16 na siglo.
I - Ayusin ang pinaghalong titik upang mabuo ang tamang
sagot.
1. Siya ang nagtatag ng relihiyong Islam.
HUDMAMAM __________
2. Nakapaloob ang banal na kasulatan ng mga Muslim
NAROK ___________
3. Siya ang nananawagan sa mga Muslim sa oras ng pagdarasal
sa Mosque.
NIZZEUM__________
4. “Walang ibang Diyos maliban kay Allah at si Muhammad ang
sugo niya.”
HADAHSHA _________
5. Tawag sa itim na bato sa Mecca.
BAKA’A______________
II – Isulat ang FACT kung ang pangungusap ay tama. At BLUFF
naman kung mali.
_____1. Isang buwan ang pag-aayuno ng mga Muslim.
_____2. Ang lungsod ng Mecca ay matatagpuan sa Italya.
_____3. Ang pag-aayuno ay sinisimulan sa paglubog ng araw.
_____4. Eid’ul-Fitr ang tawag sa pagwawakas ng pag-aayuno
_____5. Ang Hariraya Puasa ay isang katawagang pang Eid’ul-
Fitr
Ipaliwanag.
Paano nakatutulong ang ating relihiyon sa ating pamumuhay
lalo na sa ngayon na dumaranas
tayo ng pandemya?
Tandaan:
Itala sa patlang ang hinihinging impormasyon.
1. Ang pananampalatayang __________ ay naniniwala sa mga
aral ng Koran at ni Allah.
2. Ang bawat Muslim ay taimtim na sumusunod sa mga utos ni
_________ at mga turo ni
________________, kasama sa kanilang sinusunod ay ang
________________ ng
Islam.
3. Ang mga aral na ito ay nagsisilbing _________ sa
pamumuhay ng mga Muslim
Panuto: Piliin at isulat ang TITIK ng tamang sagot.
1. Pinakamahalagang pagdiriwang ng Islam.
A. Ramadan B. Hajj C. Mecca D. Zakat
2. Nakasulat ang mga tradisyon ni Muhammmad kabilang ang Limang Haligi ng Islam.
A. Sawn B. Salat C. Sunnah D. Shahadah
3. Tawag sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan tulad ng pulubi, maysakit,
at
naghihikahos.
A. Muezzin B. Zakat C. ZamZam D. Sawn
4. Tawag sa pagwawakas ng pag-aayuno, pinakapista at sagana sa pagkain sa araw na
ito?
A. Hariraya Puasa o Eid’ ul- Fitr B. Pasko C. Mahal na araw D. Eid al adha
5. Sa silid aralan, napiling magdasal ang batang Muslim. Ano kaya ang gagawin ni Mark
tanda ng paggalang sa relihiyong Muslim?
A. Tatawa
B. Magkunwaring nagdarasal
C. Idlip sandali upang di marinig ang dasal
D. Ipipikit ang mata at sasabay sa panalangin.

You might also like