You are on page 1of 105

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-A CALABARZON


SANGAY NG RIZAL

BANGHAY- ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


IKAAPAT NA MARKAHAN

MGA PAGBABAGO SA KOLONYA


AT
PAG-USBONG NG PAKIKIBAKA
NG BAYAN
(Ika-18 dantaon hanggang 1815)

Inihanda nina:

Maria Shiela L. Lozada


Rhodora P. Aralar
Bernadette B. Yson

Principal Consultant

Sherwin F. Cruz
BUDGET OF WORK AP5
Quarter 4

IKAAPAT NA MARKAHAN – Mga Pagbabago sa Kolonya at Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan (ika-18 dantaon hanggang 1815)
Pamantayang Pangnilalaman:Naipamamalas ang mapanuring pang-unawa sa bahaging ginampanan ng kolonyalismong Espanyol at
pangdaigdigang konstekto ng reporma sa pag-usbong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang
isang nasyon.
Pamantayang Pagganap:Nakapagpapahayag ng pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga makabayang Pilipino sa gitna ng kolonyalismong
Espanyol at sa mahalagang papel na ginagampanan ko sa pag-usbong ng kamalayang pambansa tungo sa
pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon
Pamantayan sa
Nilalaman Blg. ng Produkto/
Pagkatuto Layunin Gawain Pagtataya
(Content) Araw Pagganap
(Learning Competencies)
A. Konteksto ng 1. Natatalakay ang mga lokal
Reporma na mga pangyayari tungo sa
pag-usbong ng pakikibaka
1. Lokal na ng bayan
pangyayari

1.1 Monopolya 1.1 Reporma sa ekonomiya 1.1.1 Naiisa isa / Nakikilala ang 1 Pangkatang
ng tabako at pagtatatag ng iba’t-ibang repormang Gawain Paggawa
monopolyang tabako pangkabuhayan Pagsusuri ng ng Comic
teksto, strip
Bubble Map
Palaisipan - collage ng
-short quiz mga
1.1.2 Naibibigay ang mga 1 Pagsuri ng aklat - produkto
katangian ng iba’t-ibang Powerpoint pres agree/disag noon at
repormang pangkabuhayan Retrieval Chart ree ngayon or
Pahulaan paraan ng
kalakalan
- 10 items noon at
1.1.3 Naihahambing / 1 Fact or bluff quiz ukol sa ngayon)
nailalarawan ang ang iba’t- pagbasa ng teksto mga
ibang repormang Pagdulang patakarang
pangkabuhayan pagtatanghal pangkabuha
Rubrics yan

1.2 Pag-aalsa sa 1.2 Mga pag-aalsa sa loob ng 1.2.1 Naiisa-isa ang mga pag- Paggamit ng
estadong estadong kolonyal aalsang naganap sa iba’i-ibang 1 larawan
kolonyal bahagi ng bansa Video clips
Graphic organizer
Pagsulat ng liham
lights,camera,
action

1.2.2 Naipaliliwanag ang mga brainstorming


dahilan ng pag-aalsa sa 1 Role Playing
loob ng estadong kolonyal

1.2.3 Nasusuri ang mga dahilan Lights,camera pagsulat/


At bunga ng mga pag-aalsa 1 action paggawa
sa loob ng estadong Graphic organizer ng
kolonyal Poster making reaksyon
1.2.4 Naihahambing ang mga 1 videoclip paggawa
pag- aalsang naganap sa jumbled letters ng poster /
bansa. powerpoint slogan
prespaggamit ng sine mo –
larawan role
data retrieval playing ng
chart isa sa mga
pag-aalsa

1.3 Kilusang 1.3 Kilusang Agraryo ng 1745 1.3.1 Nasasabi ang mga reaksyon 1 powerpoint pres.
Agraryo ng mga Pilipino sa kilusang Pagsusuri ng
Agraryo 1745 teksto
Role playing
Graphic organizer

1.4 Kapatiran 1.4 Pag-aalsa ng Kapatiran ng 1.4.1 Naibibigay ang mga 1 Powerpoint pres.
ng San Jose San Jose pangyayaring naganap sa Role playing
pag-aalsa ng kapatiran ng Pagsusuri ng
San Jose teksto
Graphic organizer

1.5 Okupasyon 1.5 Okupasyon ng Ingles sa 1.5.1 Naiisa-isa ang mga 1 Powerpoint pres.
ng Ingles sa Maynila pangyayaring nagbigay Brainstorming
Maynila daan sa pagdating ng mga Graphic organizer
Ingles sa Maynila Buzz session

1.5.2 Natutukoy ang reaksyon ng 1 Venn diagram


mga Pilipino sa pagsakop Powerpoint pres
ng Ingles sa Maynila Video clips
brainstorming
Buzz session
Panel discussion
2. Pandaigdi- 2. Natatalakay ang mga
gang pandaigdigang pangyayari
pangyayari bilang konteksto ng
malayang kaisipan tungo sa
pag-usbong ng pakikibaka ng
bayan

2.1 Paglipas ng 2.1 Paglipas ng 2.1.1 Nabibigyang kahulugan ang 1 Video clips Short quiz
merkantilis-mo merkantilismo Merkantilismo at ang Buzz session ng mga
bilang ekonomikong katangian nito Web map nag-alsa at
batayan ng kolonyalismo Circular response resulta nito
Role playing

2.1.2 Nasusuri ang epekto ng Powerpoint pres


merkantilismo bilang 1 Pagsusuri sa
ekonomikong batayan ng teksto
kolonyalismo Role playing
Graphic organizer

2.2 Kaisipang 2.2 Paglitaw ng kaisipang “La 2.2.1 Nakikilala ang Kaisipang panel discussion Larawan ng
“La Ilustracion” Ilustracion” “La Ilustracion “ at ang 1 graphic organizer mga
pangkat na bumuo nito. pakikipanayam Ilustrado
pagsasaliksik sa
teksto
graphic organizer
2.2.2 Nakabubuo ng kaisipan ukol 1 Powerpoint
sa naging epekto ng “La presentation
llustracion” sa pag-usbong Role playing
ng pakikibaka ng bayan Graphic organizer
3. Nasusuri ang mga Kwento ni Lola
naunang Basyang
pag-aalsa ng mga panel discussion
makabayang Pilipino

3.1 Natatalakay ang sanhi at 3.1.1 Natutukoy ang sanhi at Semantic web Short quiz
bunga ng mga rebelyon at bunga ng mga rebelyon ng 1 Panel discussion ng sanhi at
iba pang reaksiyon ng mga mga Pilipino sa I-rap mo bunga ng
Pilipino sa kolonyalismo kolonyalismo Pag-uulat rebelyon
(halimbawa: pagtutol ng mga Rubrics
katutubong Pilipino laban sa
Kristyanismo, pagmamalabis paggawa
ng mga Espanyol) 3.1.2 Nakapagbibigay ng Picture clues ng reaction
reaksyon ng mga Pilipino sa 1 Story map Panel paper
kolonyalismo discussion
Graphic organizer
Larawan
3.2 Naipaliliwanag ang 3.2.1 Nakikilala ang Sultanato at Graphic organizer ng mga
pananaw at paniniwala ng ang katangian nito na Panel Discussion Muslim
mga Sultanato nagpanatili ng kanilang 1 Buzz session
(Katutubong Muslim) sa kalayaan Pagsusuri sa
pagpapanatili ng kanilang Teksto
kalayaan
3.2.2 Nasusuri ang pananaw at 1 Video clips
paniniwala ng mga Pagsusuri ng
Sultanato (Katutubong teksto
Muslim) sa pagpapanatili ng Role Playing
kanilang kalayaan Picture Study
Buhay Ko Isadula
Mo
Larawan ng
4. Natataya ang 4.1. Natutukoy ang partisipasyon 1 Awit: Bayan Ko mga
partisipasyon ng iba’t-ibang ng mga katutubo at Powerpoint Summative kababaihan
rehiyon at sektor (katutubo kababaihan sa pakikibaka Presentation Test At
at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan Hagdan ng katutubo
ng bayan kasaysayan
Mapping
Isadula Mo
Kwento ko

4.2 Nasusuri ang epekto ng 1 Buzz session Pagsulat ng


partisipasyon ng iba’t-ibang Graphic organizer Sanaysay
rehiyon at sector sa Pagsusuri ng
pakikibaka ng bayan teksto
Pagtalunton sa
mapa

5. Natatalakay ang 5.1 Nakikilala ang kalakalang 1 video clips


kalakalang galyon at ang galyon at ang naging epekto pagsusuri ng teksto
epekto nito sa bansa nito sa bansa graphic organizer
role playing
picture analysis
Buhay ko Isadula
mo

5.2 Nasusuri ang epekto ng Timeline


kalakalang galyon sa bansa 1 Larawan
Mapa ng Pilipinas
KWL
Concept map

Awit: bayan Ko
6. Nababalangkas ang 6.1 Naibibigay ang mga epekto ng 1 Paglikha ng tula
pagkakaisa o pagkakawatak naunang mga pag-aalsa laban Dula-dulaan
watak ng mga Pilipino sa sa kolonyalismong Espanyol Brainstorming
mga mahahalagang
pangyayari at mga epekto
nito sa naunang mga pag-
aalsa laban sa
kolonyalismong Espanyol
Paggamit ng
7. Nakapagbibigay-katuwiran 7.1 Napapahalagahan ang 1
larawan
sa mga naging epekto ng naunang mga pag-aalsa laban
sa kolonyalismong Espanyol Video clip
mga unang pag-aalsa ng mga
Storyador
makabayang Pilipino sa
Dula-dulaan
pagkamit ng kalayaaan na
Iguhit Mo
tinatamasa ng mga
mamamayan sa
7.2 Nakapagbibigay-katuwiran sa Video clip
kasalukuyang panahon
Larawan
mga naging epekto ng mga
Storyador
unang pag-aalsa ng mga
makabayang Pilipino sa Debate
1
pagkamit ng kalayaaan na Graphic organizer
tinatamasa ng mga
mamamayan sa kasalukuyang
panahon
8. Naipapahayag ang
saloobin sa kahalagahan 8.1 Nakapagbibigay ng saloobin Egg Hunting
ng pagganap ng sariling sa pagganap ng sa pagsulong ng 1 Role Playing
tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa Family Portrait
kamalayang pambansa pagkabuo ng Pilipinas bilang Group discussion
tungo sa pagkabuo ng isang nasyon
Pilipinas bilang isang {Powerpoint
nasyon 8.2 Napapahalagahan ang presentation
pagganap ng sariling tungkulin sa Paggamit ng
pagsulong ng kamalayang larawan
pambansa tungo sa pagkabuo ng Pagsulat ng talata
Pilipinas bilang isang nasyon duladulaan

Bilang ng Layunin 29
ARALIN 1: IBA’T-IBANG REPORMANG PANGKABUHAYAN

Bilang ng Araw: 1 araw

I. Layunin
Naiisa-isa ang iba’t-ibang repormang pangkabuhayan

II. Paksang Aralin


Paksa: Iba’t Ibang Repormang Pangkabuhayan
Sanggunian: AP5PKB-IVa-b-1
Makabayan, Kasaysayang Pilipino 5, pp. 91-95
Makabayan, Kasaysayang Pilipino 5 Manwal ng
Guro, pp. 45-50
Kagamitan: aklat, larawan, meta card, video clip
Pagpapahalaga: Pag-aangkop ng sarili

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa kalagayan ng kabuhayan sa bansa.
2. Balik-aral
Ano ano ang mga patakarang pangkabuhayan ng mga unang
Pilipino?

Patakarang
Pangkabuhayan ng
mga Unang Pilipino

3. Pagganyak

Pagpapakita ng mga larawan ng pinagkukunan ng kabuhayan


ng mga Pilipino.
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain

Video clip presentation- Xiao Time- Patakarang pangkabuhay ng


mga Espanyol
Pangkatang Gawain

I. Paggamit ng Graphic Organizer

Patakarang
Pangkabuhayan

Pangkat 2

a. Pagsusuri sa aklat, Makabayan, Kasaysayang Pilipino


5,
pp. 91-94
b. Sagutin ang sumusunod na tanong:
Ano ano ang mga patakarang pangkabuhayang pinairal
ng mga Espanyol sa bansa?

Pangkat 3

Role Playing - Patakarang Pangkabuhayan na


Ipinatupad ng mga Espanyol
2. Pagsusuri
a. Pag-uulat ng bawat pangkat.
b. Ano ano ang mga patakarang pangkabuhayan ang ipinatupad ng
panahon ng mga Espanyol?
(Gamitin ang bubble map)

Iba't-ibang
reporma/pataka
rang
pangkabuhayan

3. Paghahalaw

Ang iba’t-ibang patakaran/repormang pangkabuhayan


sa panahon ng kolonisasyon ay ang mga:

a. pagbubuwis/tributo
b. bandala
c. polo y servicio
d. encomienda
e. kalakalang galyon
f. Real Compania de Filipinas
g. pagbabangko
h. monopolyo ng tabako
4. Aplikasyon

Ano anong mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng


mga Espanyol ang katulad ng mga patakaran sa ating bansa?
Isulat ang sagot sa strips ng kartolina at ipaliwanag.

Ayusin ang mga titik upang mabuo ang mga salita.

Mga reporma/patakarang pangkabuhayang pinairal ng


mga espanyol:

a. adnneeocim f. ooooylnm
b. yooolpsviiec g. ldaaabn
c. saiparbo h. comdefilirepinaspaalniade
d. bbpaaakggon i. yonkokasnimu
e. biorttu j. aaaaakklllnnggyo

IV. Pagtataya:

Piliin sa mga sumusunod ang titik ng mga repormang


pangkabuhayan ng mga Espanyol.

a. pagbubuwis/tributo
b. barter system
c. bandala
d. polo y servicio
e. encomienda
f. pagtitinda sa bangka
g. kalakalang galyon
h. Real Compania de Filipinas
i. obra pias
j. pagdayo sa sentro ng kalakalan
k. pagbabangko
l. transportasyon at komunikasyon
m. metalurhiya
n. monopolyo ng tabako

V. Gawaing Bahay:

Gumawa ng comic strip tungkol sa patakarang pangkabuhayan


ng Espanya sa Pilipinas.
ARALIN 2: MGA KATANGIAN NG IBA’T IBANG REPORMANG
PANGKABUHAYAN
Bilang ng Araw: 1 araw

I. Layunin

Naibibigay ang mga katangian ng iba’t ibang repormang


pangkabuhayan

II. Paksang Aralin

Paksa: Katangian ng Iba’t Ibang Repormang Pangkabuhayan


Sanggunian: AP5PKB-IVa-b-1
Makabayan, Kasaysayang Pilipino 5, pp. 96-98
http://www.slideshare.net/ maallezza/presentation-
phil-history
Kagamitan: aklat, powerpoint presentation, larawan
Pagpapahalaga: Kasipagan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Balita tungkol sa repormang pangkabuhayan sa kasalukuyang
panahon
2. Balik-aral
Ano ano ang mga patakarang pangkabuhayan noong
panahon ng mga Espanyol?
Hanapin sa palaisipan ang mga reporma/patakarang
pangkabuhayan na pinairal ng mga Espanyol.

m o n o p o l y o n g t a b a k o
a b p o l o y s e r v i c i o s p
g r p e n c o m i e n d a e t t r
s a r e r g b b n k l r e s a r o
a p a g b a b a n g k o r e g i d
s i y l u g h n d e w s a d k b u
a a l h w l i d h i k o l p t u k
k s e b i s g a y r o g r e k t t
a s g n s s a l a p i r t h u o o
s s d d r e h a c i e n d a t y t
k a l a k a l a n g g a l y o n y
3. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan.

Tanong:
Ano ang nakikita nyo sa larawan?
Ano ang kaugnayan nito sa kabuhayan ng mga Pilipino?

B. Panimulang Gawain
1. Gawain

Video clip presentation

Powerpoint Presentation
Pangkatang Gawain
Pasagutan sa mga mag-aaral ang sumusunod na activity
card.

Activity Card

Patakarang Pangkabuhayan Katangian


1.pagbubuwis/tributo buwis sa pagkamamamayan ng
mga Pilipino at sumisimbolo sa
pagiging alipin.

2. Pagsusuri

2. Pagsusuri
a. Pag-uulat ng bawat pangkat
b. Ano ano ang patakarang pangkabuhayan ng mga
Espanyol?
Ibigay ang kanilang katangian.
(Gamitin ang retrieval chart sa pagtatalakayan)

3. Paghahalaw
(Bumuo ng kaisipan batay sa retrieval chart.)

Tributo- (Tawag sa pangkalahatang buwis na ipinapataw ng mga


Español sa mga Pilipino noon) buwis sa pagkamamamayan ng mga
Pilipino at sumisimbolo sa pagiging alipin.

Bandala- ay isang uri ng pagbubuwis na kung saan ang mga produkto


ay sapilitang binibili ng pamahalaang Kastila sa mababang halaga..

Polo y Servicio- isang paraan ng sapilitang paggawa, lahat ng lalaking


naninirahan sa kolonya (Pilipino o mestisong Tsino) na may gulang na 16
hanggang 60 taon ay kailangang magtrabaho nang walang bayad sa
loob ng 40 araw.
Encomienda- isang sistema ng pamamahala ng isang Espanyol sa mga lupain at
ng mga naninirahan dito.

Kalakalang Galyon- pagpapalitan ng produkto sa pagitan ng Maynila at Mexico.


Naglalaman ng milyong pisong halaga ng mga kargamentong pangkalakalan.

Sociedad Economica de Los Amigos del Pais- ito ay samahan ng mga


propesyunal at mga negosyante na hinimok ni Gobernador Jose de Basco y
Vargas upang pasiglahin ang bumababang ekonomiya ng Pilipinas.

Real Compania de Filipinas- itinatag noong 1785, pangunahing layunin nito na


paunlarin ang pakikipagkalakan sa pagitan ng Pilipinas at Spain, Amerika at ibang
bansang Asyano, Ipinakilala ang pagtatanim ng mga produktong panluwas sa
kolonya at magpadala ng mga dayuhang magtuturo ng pagtatanim ng mga
produktong panluwas.

Obra Pias- itinatag upang ang mga prayle ay makalikom ng malaking halaga
mula sa pagbibigay ng mga mayayamang tao sa simbahan bilang tulong sa mga
gawaing pangkawangga sa mga taong nangangailangan. Ang halagang
nalikom ay ipinauutang ng mga prayle sa mga mangangalakal.

Monopolyo ng Tabako- ang pagtatanim, pag-aani at


pangangalakal ng tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga
at kontrol ng pamahalaan – isang pamamaraan upang matiyak
at mapanatiling malaki ang salaping pumapasok

4. Aplikasyon
a. Pahulaan “Ano ito?”
Paggamit ng drill board
1. Sapilitang paggawa
2. Itinatag upang ang mga prayle ay makalikom ng
malaking halaga mula sa pagbibigay ng mga
mayayamang tao sa simbahan
3. Ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng
tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol
ng pamahalaan
4. Ito ay samahan ng mga propesyunal at mga
negosyante upang pasiglahin ang bumababang
ekonomiya ng Pilipinas.
5. Buwis sa pagkamamamayan ng mga Pilipino at
sumisimbolo sa pagiging alipin.
b. Magpangkat-pangkat. Pumili ng isa sa sumusunod na
mungkahing maipakikita ayon sa inyong pagkamalikhain.
Maaaring itanghal ito sa mapapagitan ng pagsasadula,
pantomina, panel discussion, at iba pa.
a. Pagpapatupad ng Kalakalang Galyon
b. Patakarang pangkabuhayan ni Gobernador-Heneral Jose
Basco
(Maaaring ipagawa ang pangkatan kung may oras pa
o mamili na lamang ng gawain)
IV. PAGTATAYA
Isulat sa sagutang papel ang titik ng salita sa Hanay B na inilalarawan
sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
1. Tawag sa pangkalahatang buwis na a. Kalakalang Galyon
ipinapataw ng mga Español sa mga
Pilipino noon.
2. Isang sistema ng pamamahala ng isang b. Tributo
Espanyol sa mga lupain at ng mga
naninirahan dito.
3. Isang paraan ng sapilitang paggawa . c. encomienda
4. Ito ay samahan ng mga propesyunal at d. Sociedad
mga negosyante na hinimok ni Gobernador Economica de
Jose de Basco y Vargas upang pasiglahin ang Los Amigos del Pais
bumababang ekonomiya ng Pilipinas. e. polo y servicio
5. Pagpapalitan ng produkto sa pagitan ng
Maynila at Mexico. Naglalaman ng milyong f. Real Compania de
pisong halaga ng mga kargamentong Filipinas
pangkalakalan .

V. GAWAING BAHAY
Magbasa ng tungkol sa mabuti at di-mabuting epekto ng mga
patakarang pangkabuhayan ng mga Espanyol.

PERFORMANCE OUTPUT

Lumikha Tayo

Ang kalakalang galyon ay itinatag ng Spain sa pagitan ng Maynila at Acapulco,


Mexico. Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit at paglikha ng collage ng galyon at
ang mga produktong galing sa Mexico.

Kagamitan

papel, lapis, water color, mga larawan mula sa magasin ng mga porselana, alahas,
pabango, tunay na mga retaso ng seda

Paraan
1. Gumuhit ng isang larawan ng galyon.
2. Sa inset, gumawa ng isang collage. Gumupit ng mga larawan ng porselana,
alahas, pabango, mga retaso ng tunay na tela.
3. Ayusin ito sa inset. Kapag nasiyahan sa ayos. Idikit ang mga ito ng permanente.

Performance Output

“Ano ang magagawa mo?”

Gumawa ng isang mapang pang-ekonomiya noong panahon ng mga Español.


Gumamit ng mapa. Ilagay sa gagawing mapa ang sumusunod:

1. Mga daungan na binuksan


2. Lalawigang pinagtamnan ng mga produktong panluwas tulad ng tabako,
bulak, indigo at iba pa

Mga lalawig
Aralin 3 : Patakarang Pangkabuhayan

Bilang ng Araw : 1 araw

I. Layunin
Naihahambing / nailalarawan ang iba’t- ibang repormang
pangkabuhayan

II. Paksang Aralin


Paksa : Patakarang Pangkabuhayan
Sanggunian : Lakbay ng Lahing Pilipino V p. 118-129
Makabayan Kasaysayang Pilipino V p. 91-99
Kagamitan : powepoint presentation, mga larawan
ng mga patakarang pangkabuhayan , task kard ,
tsart ng pagsasanay, video clips tungkol sa
patakarang pangkabuhayan ng mga Pilipino
https://www.youtube.com/watch?v=DGwa1i9aYww
Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa sarili

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Tungkol sa mga pangunahing kinabubuhay ng
mga Pilipino
2. Balik – Aral - “ Fact or Bluff “
Ipasagot sa mag-aaral ang mga katanungan tungkol sa
monopolya ng tabako.Itaas ang like sign
kung ang mga pangyayari ay tungkol sa Monopolyo ng
Tabako at unlike sign kung hindi.

______1. Itinatag ni Jose Basco ang Monopolya ng Tabako


noong Marso 1, 1782.
______2. Matatagpuan ang taniman ng tabako sa mga l
lalawigan ng Cagayan, Nueva Ecija, Marinduque,
at Ilocos.
______3. Kahit puro tabako ang itinanim sa lalawigan ng
Ilocos, Cagayan at iba pang lalawigan ay hindi
nagkaroon ng kakulangan sa pagkain ang bansa.
______4. Ang pamahalaan lamang ang may karapatang
bumili ng tabako.
______5. Tumagal ng isandaang taon ang Monopolya ng
Tabako.
3. Pagganyak

1. Magpakita ng ibat ibang larawan na nagpapakita ng mga


patakarang pangkabuhayan ng mga Espanyol.
Halimbawa:

Pagbubuwis o Tributo
Sistemang Kasama,
Polo Y Servicio o Sapilitang Paggawa

Itanong: Sa inyong palagay ano ano ang epekto ng mga patakarang


pangkabuhayan ng mga Espanyol sa mga Pilipino sa kasalukuyan?
(Sa pagsagot ng tanong na ito matutulungan ang mga bata na matuklasan
ang epekto ng Patakarang Pangkabuhayan sa mga Pilipino)

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain 1 “Pagdulang Pagtatanghal”

Pangkatin ang mga mag-aaral sa 2 pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng


sitwasyon na itatanghal ng bawat pangkat. (Ihanda ang rubrics para sa gawaing
ito.)
• Pangkat 1 – Isadula ang mga pangunahing patakarang pangkabuhayan ng mga
espanyol. At ipakita ang epekto nito sa mga Pilipino.
o Ang Pagbubuwis o Tributo at ang Sistemang Kasama
o Polo Y Servicio o Sapilitang Paggawa at ang Bandala
o Kalakalang Galyon
• Pangkat 2 – Isadula ang mga pangunahing patakarang pangkabuhayan ng mga
espanyol. At ipakita ang epekto nito sa mga Pilipino.
o Monopolyo ng Tabako
o Real Compania de Filipinas
2. Pagsusuri

• Batay sa isinadula ng Pangkat 1, anu-ano ang mga naging epekto sa ekonomiya


ng Pilipinas at sa mga tao ng ibat ibang patakarang pangkabuhayan sa mga
Pilipino.
• Suriin naman natin ang isinadula ng Pangkat 2,anu-ano ang mga naging epekto
sa ekonomiya ng Pilipinas at sa mga tao ng ibat ibang patakarang
pangkabuhayan sa mga Pilipino
• Mas nakabuti o nakasama ba ang mga epektong ito sa buhay ng mga Pilipino
noon? Bakit?
• Ilarawan ang malaking pagkakaiba ng ibat ibang epekto ng patakarang
pangkabuhayan ng mga espanyol sa buhay ng mga Pilipino.
• Kung naging makatarungan sana ang pagpapatupad ng mga Espanyol, sa
inyong palagay, ano kaya ang nangyari sa kabuhayan ng bansa at ng mga
Pilipino sa panahong ito.
Para higit na maunawaan ng mag-aaral ang Patakarang
Pangkabuhayan ng mg Espanyol , ipabasa ang teksto sa ibaba.
Ang Pagbubuwis o Tributo

• Ito ang batas na tinupad noong 1571. Ang pagbubuwis ay ang paglikom
ng salaping kakailanganin sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ginagamit
ito sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bansa at sa pagpapatayo ng
paaralan, ospital at iba pang impraistraktura gaya ng mga tulay at daan.

Epekto sa mga Pilipino


• Ang pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino sa paniningil ng
buwis.
• Nagpagalit at nagpahirap lamang sa ating mga ninuno ang pag-aabuso
ng mga mangongolekta ng buwis dahil kadalasang ay sobra itong
maningil at sapilitan.
• Naging instrumento ito ng pang-aapi ng mga Espanyol sa mga Pilipino.

Sistemang Kasama
• Ang mga Pilipino naming may-ari ng mga lupain noon ay naging kasama
o nangungupahan na lamang sa kanilang lupang sakahan.
• Napilitan silang gawin ito para magkaroon ng kita.
• Sapilitang pinauutang ng salaping puhunan ang mga Pilipinong
nagmamay-ari ng lupa.

Epekto sa mga Pilipino


• Lalong nabaon ang mga Pilipino sa pagkakaalipin sa mga Espanyol
• Hindi na natubos ng ibang Pilipino ang kanilang mga lupa sa mga
Espanyol dahil sa Malaki nitong patubo.

Polo Y Servicio o Sapilitang Paggawa


• Ito ang sapilitang paggawa ng mga Pilipino na may taong gulang 16
hanggang 60 taong gulang.
• Sila ay nagtratrabaho ng 40 araw sa pamahalaan.
• Makakaligtas lamang sa polo ang isang Pilipino kung siya ay may
kakayahang magbayad ng falla o multa bilang kapalit ng kanyang hindi
paglilingkod.

Epekto sa mga Pilipino


• Maraming gusali ang naipatayo at gawaing pampubliko.
• Nabigyan ng mga trabaho ang mga kalalakihan na naghudyat upang
malayo sila sa kanilang pamilya.
• Ang natatanggap lamang na sahod ng mga Pilipino ay hindi sapat para
sa kanilang pamilya.
• Nakapagtayo ng mga simbahan at gusaling pampubliko.
• Maraming tulay at mga lansangan ang nagawa.

Kalakalang Galyon
• Ang kalakalang galyon ay kilala rin sa tawag na Manila-Acapulco Trade.
Tinawag itong kalakalang galyon dahil sa sasakyang galyong ginagamit
sa pagdadala ng produkto.

Mga Epekto sa Pilipino

• Hindi nagamit ang likas na yaman ng Pilipinas dahil abala sa


pangangalakal ang mga Opisyales ng Espanyol
• Umunlad ang Maynila dahil naging sentro ito ng kalakalan.
• Nakatulong ang kinikita sa galyon sa pangangailangan ng pamahalaan.
• Napabayaan ang pagsasaka na nagbunga ng kakulangan sa pagkain.
• Bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan dahilan sa walang ginawa ang
mga opisyales kundi mangalakal.
• Napabayaan ang pamamahala sa mga lalawigan sapagkat ang mga
Espanyol ay nagpuntahan sa Maynila.

Monopolyo ng Tabako

• Ang programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani


at pangangalakal ng tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at
kontrol ng pamahalaan – isang pamamaraan upang matiyak at
mapanatiling malaki ang kinikita ng Espanya dito. Kaugnay nito ay hindi
nalinang ang kalayaan sa pagtatanim ng iba pang produktong
agrikultural lalo na sa mga lugar kung saan ito lamang ang ipinapatanim.

Mga Epekto sa mga Pilipino


• Ang pamahalan ay nakapagpagawa ng kalsada, gusali, tulay at
nakapagpalagay ng karagdagang ilaw sa mga bayan.
• Nakilala ang Pilipinas bilang pinakamagaling sa produkto ng tabako.
• Lumaki ang kita ng pamahalaan dahil sa Monopolya ng Tabako.
• Ang pamahalaan lamang ang may karapatang bumili ng mga tabako.
• Nagdulot ito ng kagutuman sa maraming Pilipino dahil nagkaroon ng
kakulangan sa suplay ng pagkain.
• Natuto ring manigarilyo ang mga Pilipino.

Real Compania de Filipinas


• Ito ay itinatag sa bansa noong Marso 10, 1785.
• Layunin nito ang kalakalan sa pagitan ng Espanya at ang Pilipinas at
mapaunlad ang industriya at agrikultura ng bansa.

Mga Epekto sa mga Pilipino


• Naging matagumpay lamang ito sa unang bahagi ng kalakalan ngunit
nalugi rin dahil sa hindi mahusay na pangangasiwa ng mga Pilipino.

Palagyan ng datos na nakalap buhat sa tekstong binasa.

Reaksyon Paglalarawan
Mga Epekto ng Patakarang
Pangkabuhayan ng mga Espanyol

3. Paghahalaw
Gabayan ang mag-aaral sa pagbuo ng konseptong natutunan.

• Malaki ang naging epekto ng mga patakarang pangkabuhayan


ng mga Espanyol sa mga Pilipino noong unang panahon may
iba ditong nakabuti at nakasama.
• Naghirap nang labis sa mga Pilipino ang patakarang
pangkabuhayan ng mga Espanyol.
4. Aplikasyon
Pagkilala sa mga Katawagan

Ayusin ang ginulong mga titik upang mabuo ang wastong salitang binibigyang kahulugan sa
loob ng panaklong. Ang unang titik ay ibinigay na para sa iyo. Isulat ang sagot sa patlang.

_____________ 1. (AFLLA) Multang ibinabayad bilang kapalit ng


sapilitang paggawa.

_____________ 2. (OOPL) Sapilitang paggawa.

_____________ 3. (AOIPLST) Tawag sa mga taong sapilitang


pinaglilingkod sa pamahalaan.

_____________ 4. (AAAKSM) Tawag sa mga magsasakang


nangungupahan sa may-ari ng lupa.

_____________ 5. (AAANDLB) Sapilitang pagbenta ng produkto sa


pamahalaan.

_____________ 6. (IUOTBRT)Buwis ng pagkamamamayan.

______________7. (EARL) iba pang tawag sa pera noon.

______________8. (AGLONY) Sasakyang-pandagat na may lulang


kalakal patungong Maynila-Acapulco.

_____________ 9. (LOBEAT) Patunay na maaring lumahok sa


kalakalang galyon.

____________ 10. (BATAKO) Monopolyo ng pamahalaan ang


produktong ito.

IV. Pagtataya

Pasagutan sa mag-aaral ang pagusulit.


Panuto: Isulat sa patlang kung tama o mali ang mga pahayag.

______1. Tinutulan ng mga katutubo ang paniningil ng buwis ng mga Espanyol dahil sa
malaking halaga nito.

______2. Kailangan kumuha ng cedula personal ang mga may edad na 18 pataas bilang
tanda ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol.

______3. Maganda ang lokasyon ng Maynila para sa kalakalan kaya naging sentro ito ng
kalakalan sa Asya.

______4. Umunlad ang lahat ng mga Pilipino dahil sa malaking tubong nakuha mula sa
paglahok sa kalakalang galyon.

______5. Ang mga pautang ng mga Espanyol sa mga Pilipino noon ay nilagyan ng malaking
patubo na naging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga lupain.

______6. Ang paglawak ng lupa ng mga Espanyol sa bansa ay nakatulong sa pamumuhay


ng mahihirap na Pilipino.
______7. Dahil sa kahirapan at kamangmangan ay napilitang tanggapin ng ilang Pilipino ang
api nilang kalagayan sa kamay ng mga Espanyol.

______8. Kahit puro tabako ang itinatanim sa lalawigan ng Ilocos, Cagayan, at iba pang
lalawigan ay hindi nagkaroon ng kakulangan sa pagkain ang buong bansa.

______9. Magaganda ang mga patakarang ipinatupad ng hari ng Espanya para sa bansa
ngunit naging abusado lamang ang mga nagpatupad nito.

______10.Ang mababang pagtingin sa gawaing manwal ay bunga ng sapilitang paggawa.

V. Kasunduan

Hingin ang mga reaksiyon ng iyong magulang tungkol sa ibat ibang


patakarang pangkabuhayan ng mga Pilipino sa
kasalukuyang panahon. Isulat ito sa iyong kwaderno.
ARALIN 4: MGA PAG-AALSANG NAGANAP SA IBA’T
IBANG BAHAGI NG BANSA

Bilang ng Araw : 1 araw

I. Layunin

1.2.1 Naiisa isa ang mga pag aalsang naganap sa iba’t ibang bahagi
ng bansa
II. Paksang Aralin

Paksa : Mga Pag-aalsang Naganap sa Iba’t Ibang Bahagi


ng Bansa
Sanggunian : Kasaysayan at Pamahalaan Pilipino, pp. 274-278

Kagamitan : mga larawan, tsart

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Kalayaan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

2. Balik- aral

Pagpapakita ng larawan ng mga kastila.

Itanong: Ilang taon sinakop ng mga kastila ang Pilipinas?


Magbigay ng mga nakuha natin sa mga Kastila.(tulad ng
relihiyon…)
Tinanggap ba ng lahat ng Pilipino ang kanilang pananakop?
B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Pangganyak/Paglalahad

Pagpapakita ng larawan o maiksing video clip.

Pag-aalsa

2. Pangkatang Gawain

Pangkat I-(Lights,camera,action!)
Isa-isahin ang mga naging dahilan ng pag-aalsa.

Pangkat II- (Graphic Organizer)

Isa-isahin ang mga rebelyong isinagawa ng mgaPilipino.

Pangkat III- (Iguhit ang mga naramdaman ng mga nag-alsa


bago at pagkatapos nito.)

Nagtagumpay ba ang mga rebelyong isinagawa?


Ano ang dahilan ng pagkabigo ng karamihan sa mga
rebelyong ito?

Pangkat IV- (Kung ikaw ang isa sa mga nag-alsa at sumulat ng


isang liham para sa iyong bayan.)

Napansin ninyo na totoong napakaraming naganap na pag-


aalsa sa buong Pilipinas. Anong kaugalian o katangian ang
ipinakita ng mga Pilipino?

3. Pagsusuri
Isa-isahin ang mga pag-aalsang naganap sa iba’t- ibang bahagi
ng bansa. Ipabasa ang teksto sa ibaba.
Mga Dahilan ng Pag-aalsa

 Pagnanais na maging malaya


 Pagtututol sa mga Patakarang Pangkabuhayan
 Panrelihiyon
 Personal na Dahilan

Pagnanais na Maging Malaya

May mga Pilipino na nais na maging malaya katulad


noong bago dumating ang mga Kastila.

 Magat Salamat (1587:Tondo)


 Lakandula (1574:Tondo)

Pagtutol sa mga Patakarang Pangkabuhayan

Kabilang sa dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino ang labis


na pahirap sa pagbabayad ng tributo, polo, idulto de
comercio, pag- aagaw ng mga lupain at monopolyo.

 Silang (1762-63:Ilocos)
 Matienza (1745-46:Bulcan, Cavite, Rizal at Laguna)

Panrelihiyon

May mga Pilipino na hindi tumanggap sa Katolisismo at


nais balikan ang katutubong relihiyon.

 Bankaw (1622:Leyte)
 Tamblot (1622:Bohol)
 Hermano Pule (1840:Tayabas, Quezon)
♦ pag-aalsa sa Quezon (1840-1841)
♦ nag-alsa dahil tinanggihan siyang maging pari dahil siya ay isang
Pilipino
♦ Itinatag niya ang Confradia de San Jose (samahang panrelihiyon)
♦ Pinatay siya ng mga Espanyol (binaril noong Nobyembre 1841 -
pinugutan pa ng ulo at isinabit sa harap ng kanilang bahay sa
Quezon)
♦ Nabuwag ang Confradia noong 1871
 Jose Rizal

♦ Ang ating bayani na si Jose Rizal ay gumawa ng akdang


“Makamisa” at “Noli Me Tangere” na tumutuligsa sa mga
prayle. Isa rin si Graciano Lopez Jaena na gumawa ng literatura
na tumutuligsa sa mga paring kastila na may halong
katatawanan at pangungutya halimbawa nito ay ang “Fray
Botod” dito niya nilantad ng kabulukan ng mga paring katoliko
na kastila.
Personal na Dahilan

May mga pag-aalsang naganap na ang dahilan ay ang


mga personal na karaingan.

 Malong (1660-61:Pangasinan)
 Dagohoy (1744-1828:Bohol)
♦ Francisco Sendrijas (tunay na pangalan)
♦ “Dagohoy” – mula sa salitang dagon (Cebuano –
♦ agimat) hoyhoy (Cebuano – hangin)
♦ pinakamahabang pag-aalsa sa kasaysayan ng
Pilipinas (85 taon)
♦ tumanggi si Padre Gaspar Morales na bigyan ng
Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na si
Sagarino
♦ Namatay si Dagohoy dahil sa katandaan at sakit,
ngunit ipinagpatuloy ng kanyang mga kasama ang
pag-aalsa

Dahilan ng Pagkakabigo ng Pag-Aalsa.

 Kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.


 Makabagong armas ng mga Kastila.
 Kawalan ng mga pinunong may sapat na istratehiya
at karanasan sa pakikidigma.

4. Paghahalaw

Pagbuo ng Konspeto:

Dahil sa pagmamahal sa kalayaan bumuo ng pag-aalsa


ang mga Pilipino.

5. Aplikasyon

Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga


Kastila, makikilahok ka ba sa mga isinagawang pag-aalsa? Bakit?
IV. PAGTATAYA

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang kahulugan ng salitang pag-aalsa?


2. Ano ang tunay na pangalan ni Francisco Dagohoy?
3. Sino ang tinutuligsa ni Rizal sa kanyang aklat na Noli Me Tangere?
4. Sino ang nag alsa dahil ayaw payagan ng isang pari na bigyan ng
kristyanong libing ang kanyang namatay na kapatid?
5. Anong dahilan ng pag-aalsa ni Hermano Pule laban sa mga Kastila?

V. TAKDANG ARALIN

Gumupit ng limang larawan ng mga Pilipino na nag-alsa sa panahon ng


mga Kastila.
ARALIN 5: MGA DAHILAN NG PAG-AALSA SA LOOB
NG ESTADONG KOLONYAL

Bilang ng Araw : 1 araw


I. Layunin

1.2.2 Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pag-aalsa sa loob ng


estadong kolonyal

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Dahilan ng Pag-aalsa sa Loob ng Estadong
Kolonyal
Sanggunian : Kasaysayan at Pamahalaan Pilipino, pp. 274-278

Kagamitan : mga larawan, tsart

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Kalayaan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

2. Balik- aral

. Magpakita ng larawan ng Gomburza at mga Pilipinong


pinagmalupitan.
Itanong:
Ano ang nakikita sa larawan? Ano ang nagiging damdamin sa
larawang naipakita?
Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral.

Iugnay ang mga ito sa aralin.

B. Panlinang na Gawain

1. Pangganyak/Paglalahad

Magkaroon ng brainstorming kaugnay ng tanong. Tanggapin lahat

ng sagot ng mga mag-aaral.

Ano ang kahulugan ng salitang pag-aalsa?

2. Paglalahad-Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat. Gamit ang role

playing, ipakita ang sumusunod:

Pangkat 1 at 3: Mga posibleng sanhi ng rebelyon

Pangkat 2 at 4: Mga posibleng bunga ng rebelyon


3. Pagsusuri
Dahilan o sanhi ng mga pag-aalsa:

1. Kagustuhang maging malaya sa sariling bansa


o Sa kagustuhang maging malaya ng mga Pilipino laban sa
pananakop ng mga dayuhan sila ay nagaklas dahil sa sobrang pang-
aabuso sa kapangyarihan at pagmamalupit ng mga kastila at fraile
sa mga Pilipino.
o Ang halimbawa nito ay pag-aalsa nina:
 Magat Salamat (1587: Tondo)
 Lakandula (1574: Tondo)

Ang di pagsang-ayon sa mga patakarang pangkabuhayan


na ipinapatupad ng mga kastila
o Ang sobrang pahirap sa pagbabayad ng tributo, polo indulto de
comercio at mga pangangamkam ng lupain at monopolyo.
o Ang halimbawa nito ay pag-aalsa nina:
 Diego Silang (1762-1763: Ilocos)
 Matienza – (1745- 1746: Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna)
2. Mga panrelihiyon na patakaran na ipinaguutos ng mga
prayleng kastila

o May mga katutubong nais maibalik ang kanilang katutubong


relihiyon. Mayroon din na mga Pilipino na hindi tumanggap sa mga
turo ng mga paring kastila sa pagkakaalam na ang mga ito ay
nagpapakita ng mga pangaabuso at mga maling turo at ginagamit
lamang simbahan sa maling gawain upang magawa ang pansariling
hangarin. Nagawa nilang lumaban at tumutol sa mga patakarang
panrelihiyon ng mga kastila.
o Ang ating bayani na si Jose Rizal ay gumawa ng akdang “Makamisa”
at “Noli Me Tangere” na tumutuligsa sa mga prayle. Isa rin si Graciano
Lopez Jaena na gumawa ng literatura na tumutuligsa sa mga paring
kastila na may halong katatawanan at pangungutya halimbawa nito
ay ang “Fray Botod” dito niya nilantad ng kabulukan ng mga paring
katoliko na kastila.
o Ang halimbawa nito ay pag-aalsa nina:
 Bankaw (1622: Leyte)
 Tamblot (1622: Bohol)
 Hermano Pule (1840: Tayabas Quezon) - Nag-alsa si Hermano
Pule dahil tinanggihan siyang maging pari dahil siya ay isang
Pilipino. Naitatag ang Confradia de San Jose ( samahang
panrelihiyon)
3. Mga personal na kadahilanan
o Ang pinakahuli ay ang personal na dahilan, may mga rebelyon na
ang sanhi ay dahil sa mga personal na karaingan. Ito ang naging
rason ni Francisco Sendrijas o mas kilala sa tawag na Francisco
Dagohoy, nag-himagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng pari na
si Gaspar Morales na bigyan ng kristyanong libing ang kanyang
namatay na kapatid dahil dito pinatay ni Dagohoy ang pari at
hinikayat ang mga mamamayan ng Bohol na bumangon. Ang pag-
aalsang ito ay tumagal mula 1744 hanggang 1828.
o Ang halimbawa nito ay pag-aalsa nina:
 Dagohoy (1744-1828: Bohol)
 Malong (1660-1661: Pangasinan)

4. Paghahalaw

Pagbuo ng Konspeto:

Mga dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino.

5. Aplikasyon

Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga

Kastila, makikilahok ka ba sa mga isinagawang pag-aalsa?

Bakit?

IV. Pagtataya:

Sagutin ang mga tanong.

1. Bakit naghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol?


2. Bakit nakatulong ang edukasyon sa pag-usbong ng damdaming
makabayan ng mga Pilipino?
3. Bakit ikinagalit ng mga Pilipino ang sapilitang paggawa?
Bakit nais paalisin ng mga Pilipino ang mga prayleng Espanyol?
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kahigpitan ng mga
Espanyol sa relihiyon at pananampalataya ng mga Pilipino?
5.Paano nakatulong ang impluwensya ng liberalismo sa rebelyon ng
mga Pilipino?

V. Takdang Aralin:

Magiinterbyu ng 5 tao at alamin ang opinyon ng mga ito patungkol sa


rebelyon ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila.
ARALIN 6: MGA KAGANAPAN NG PAG-AALSA
SA LOOB NG ESTADONG KOLONYAL

Bilang ng Araw: 1 araw

I.Layunin

Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng mga pag-aalsa sa loob ng


estadong kolonyal

II. Paksang Aralin

Paksa : Mga Kaganapan ng Pag-aalsa sa Loob ng Estadong


Kolonyal
Sanggunian : Kasaysayan at Pamahalaan Pilipino, pp. 274-278
1.2.2
Kagamitan : mga larawan, tsart

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Kalayaan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik- aral
Sino sino ang mga nag-alsa laban sa pananakop ng mga kastila?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Magpakita ng mga larawan ng mga nag-alsa na nagtagumpay at


sabihin ang naging damdamin dito.

Magpakita ng mga larawan ng mga nag-alsa na nabigo at sabihin


ang naging damdamin dito.

Sa mga nag-alsa laban sa pananakop ng mga kastila, may mga


nagtagumpay ba sa mga ito?

2. Paglalahad- Pangkatang Gawain

Pangkat I-(Lights,camera,action!)
Ipakita ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa pananakop
ng mga kastila.
Pangkat II- (Graphic Organizer)
Isa-isahin ang mga rebelyong isinagawa ng mgaPilipino.

Pangkat III- (Gumawa ng isang poster.)


Ipakita ang kinalabasan ng mga pag-aalsa.

Pangkat IV- Kung kasama ka sa mga nag-alsa noon, ano marahil


ang iyong maiaambag?

Napansin ninyo na totoong napakaraming naganap na pag-


aalsa sa buong Pilipinas. Anong kaugalian o katangian ang
ipinakita ng mga Pilipino?

3. Pagsusuri
Isa-isahin ang mga pag-aalsang naganap sa iba’t- ibang bahagi
ng bansa. Ipabasa ang teksto sa ibaba.

Mga Dahilan ng Pag-aalsa

 Pagnanais na maging malaya


 Pagtututol sa mga Patakarang Pangkabuhayan
 Panrelihiyon
 Personal na Dahilan

Pagnanais na Maging Malaya

May mga Pilipino na nais na maging malaya katulad noong


bago dumating ang mga Kastila.

 Magat Salamat (1587:Tondo)


Isang lihim na pag-aalsa ang binalak ni Magat
Salamat (anak ni Lakan Dula) at Agustin de Legazpi
(pamangkin ni Lakan Dula at manugang ng sultan ng
Brunei). Suportado sila ng mga dating pinuno sa Tondo,
Pandacan, Polo, Navotas, Cuyo, at Calamianes.
Gayundin ang ilang Hapones para tustusan nito ng mga armas
ng magsisipag-alsa. Naatasan si Magat Salamat na kunin ang
suporta ng Brunei.Kung magtatagumpay ang mga rebelde,
magtatayo ng kaharian at si Agustin de Legazpi ang mamumuno.
Sa loob ng 15 buwang paghahanda , hindi nagtagumpay ang
layunin ng mga itong paalisin ang mga Espanyol sa Maynila dahil
sa pagtatraydor ni Antonio Surabao. Bunga nito, ikinulong ang
mga pinuno sa planong paglaban at pinatay sina Magat Salamat
at Augustin de Legazpi.
 Lakandula (1574:Tondo)
Matapos masakop ni Legazpi ang Maynila , nakipaglaban sina
Sulayman at Lakandula, mga na nabanggit sa lungsod, dahil sa
buwis na ipinataw sa kanila ng mga Esanyol.

Pagtututol sa mga Patakarang Pangkabuhayan

Kabilang sa dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino ang labis na


pahirap sa pagbabayad ng tributo, polo, idulto de comercio, pag-
aagaw ng mga lupain at monopolyo.

 Silang (1762-63:Ilocos)
Habang abala ang mga Espanyol sa
pakikipagdigma sa mga Ingles, pinangunahan ni
Diego Silang ang pag – aalsa laban sa mga
Espanyol. May kinalaman ito sa relihiyon at hindi
pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga
Pilipino at Espanyol tulad ng hindi padre- kura ng
maka- Kristiyanong libing sa mga hindi binyagang
Pilipino. Nangyari ito sa libing ng kapatid ni Dagohoy
na namatay sa duwelo at tinanggihan ng
simbahan na bigyan ng huling sakramento.
 Matienza (1745-46:Bulcan, Cavite, Rizal at Laguna)

Panrelihiyon

May mga Pilipino na hindi tumaggap sa Katolisismo at


nais balikan ang katutubong relihiyon.

 Bankaw (1622:Leyte)
Ang Bankaw Alsa ay isang relihiyosong pag-aalsa
laban sa Espanyol kolonyal patakaran
pinangunahan ng Bankaw o Bancao, datu ng
Limasawa, Carigara, Abuyog, Sogod (bahagi
na ngayon ng southern Leyte)

 Tamblot (1622:Bohol)
Nanguna si Tamblot sa pagpapanumbalik ng
katutubong relihiyon sa Bohol. Isa siyang
katutubong pari na nagtuturo ng mga sinaunang
paniniwala mula sa mga ninuno bago pa man
lumaganap ang Katolisismo sa kapuluan. Bunga
nito, isang ekspidisyon mula sa Cebu ang
ipinadala ng mga Espanyol sa Bohol upang pigilin
si Tamblot sa kanyang pangangaral. Agustin
de Legazpi
 Hermano Pule (1840:Tayabas, Quezon)
Si Apolinario de la Cruz , na nakikilala rin bilang
si Hermano Pule ("Kapatid na Lalaking Pule")
o Puli, ay isang Pilipino na namuno ng isang
pangunahing himagsikan laban sa
pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas, na
batay sa isang pakikibaka para sa kalayaang
panrelihiyon at kasarinlan.

 Jose Rizal
Ang ating bayani na si Jose Rizal ay gumawa
ng akdang “Makamisa” at “Noli Me Tangere” na
tumutuligsa sa mga prayle.
Isa rin si Graciano Lopez Jaena na gumawa
ng literatura na tumutuligsa sa mga paring kastila
na may halong katatawanan at pangungutya
halimbawa nito ay ang “Fray Botod” dito niya
nilantad ng kabulukan ng mga paring katoliko
na kastila.

Personal na Dahilan

May mga pag-aalsang naganap na ang


dahilan ay ang mga personal na karaingan.
 Malong (1660-61:Pangasinan)
Si Andres Malonga ay isang maestro de
campo ng Binalatongan (na ngayon ay kilala
bilang Lungsod San Carlos, Pangasinan), noong
1660. Siya ang tumulong sa mga Espanyol, nang
ang mga dayuhan ay magtatag ng
pamahalaan sa Pangasinan. Sa mga Espanyol
niya natutuhang maging malupit at gumamit ng
dahas.
Napagtanto ni Malong na mag-aklas
laban sa mga Espanyol, dahil sa kaniyang mga
naging kaalaman sa mga gawain ng
Espanyol. Napigil lamang ito dahil naunang
mag-aklas si Francisco Maniago sa Pampanga.
At nang nabigo si Maniago, sinimulang ni Malong
ang kaniyang planong mag-aklas laban sa mga
dayuhan. Nagsimula siya
sa barangay Malungeuy, at nabigo. Ang
kabiguang ito ay hindi naging hadlang sa
kaniyang pangarap, ipinagpatuloy niya ang
kaniyang mga balak hanggang sa matagumpay
niyang masakop ang buong Pangasinan. At
idineklara ni Malong, siya ang Hari ng
Pangasinan.
 Dagohoy (1744-1828:Bohol)
♦ Francisco Sendrijas (tunay na pangalan)
♦ “Dagohoy” – mula sa salitang dagon (Cebuano –
agimat) hoyhoy (Cebuano – hangin)
♦ pinakamahabang pag-aalsa sa kasaysayan ng
Pilipinas (85 taon)
♦ tumanggi si Padre Gaspar Morales na bigyan ng
Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na si
Sagarino
♦ Namatay si Dagohoy dahil sa katandaan at sakit,
ngunit ipinagpatuloy ng kanyang mga kasama ang
pag-aalsa

Dahilan ng Pagkakabigo ng Pag-aalsa.

 Kawalan ng pagkakaisa ng mga


Pilipino.
 Makabagong armas ng mga
Kastila.
 Kawalan ng mga pinunong may
sapat na istratehiya at
karanasan sa pakikidigma.

4. Paghahalaw

Dahil sa pagmamahal sa kalayaan bumuo ng pag-aalsa


ang mga Pilipino ngunit lahat ng ito ay nabigo.

5. Aplikasyon
Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga
Kastila, makikilahok ka ba sa mga isinagawang pag-aalsa? Ano-
ano ang iyong gagawin upang kayo ay magtagumpay?

IV. Pagtataya:
Sagutin ang mga tanong.
1. Paano ipinakita na hindi pabor ang mga Pilipino sa pananakop ng
mga kastila?
2. Ano ang kahulugan ng salitang pag-aalsa?
3. Sino ang may pinakamahabang pag-aalsa?
4. Nagtagumpay ba ang mga pag-aalsa?
5. Bakit nabigo ang mga nag-alsa?
V. Takdang Aralin
Gumupit ng limang larawan ng mga Pilipino na nag-alsa sa panahon
ng mga Kastila.
ARALIN 7 : MGA PAG AALSANG NAGANAP
SA BANSA
Bilang ng Araw: 1 araw

IV. Layunin
1.2.4 Naihahambing ang mga pag-aalsang naganap sa bansa.

V. Paksang Aralin

Paksa : Mga Pag-aalsang naganap sa Bansa


Sanggunian : AP5PKP,IV.1.2.4
Pilipina Bansang Malaya 5, p. 82
https://www.youtube.com/watch?v=rW86iy3JyGka
Kagamitan : jumbled letters, mga larawan, task kard ,
tsart ng pagsasanay, video clips, powerpoint
presentation
Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa kapaligiran

VI. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Tungkol sa ibat ibang pangyayari sa loob nga bansa

2. Balik – Aral - “ Jumbled Letters “


Ayusin ang ginulong mga titik upang mabuo ang wastong
salitang binibigyang kahulugan sa loob ng panaklong. Ang
unang titik ay ibinigay na para sa iyo. Isulat ang sagot sa
patlang.

______1. (AFLLA) Multang ibinabayad bilang kapalit ng


sapilitang paggawa.
______2. (OOPL) Sapilitang paggawa.
______3. (AOIPLST) Tawag sa mga taong sapilitang
pinaglilingkod sa pamahalaan.
______4. (AAAKSM) Tawag sa mga magsasakang
nangungupahan sa may-ari ng lupa.
_____ 5. (AAANDLB) Sapilitang pagbenta ng produkto sa
pamahalaan.
3. Pagganyak - “SURIIN MO“
Magpakita ng ibat-ibang larawan na nagpapakita ng kasalukuyang
pag-aalsa na nagaganap sa ating bansa.

Reference: https://www.google.com.ph/search?q=PAG-
AALSA&tbm=isch&imgil=wo3iQQfVl9GxyM%253A%253BcIcfLLFE
UiWNyM%253Bhttp%25253A%25252F%25252Fpinoyweekly.org
%25252Fnew%25252F2011%25252F02%25252Fsuporta-ng-
pilipino-sa-mamamayan-ng-egypt-
patuloy%25252F&source=iu&pf=m&fir=wo3iQQfVl9GxyM%253A%
252CcIcfLLFEUiWNyM%252C_&usg=__eTXEJG2ZxiFABup1gvb-
2_2-
yeU%3D&biw=1244&bih=606&ved=0ahUKEwim0_uo4JXNAhXLlJ
QKHRBmC9EQyjcIOw&ei=AqhWV6bKGcup0gSQzK2IDQ#imgrc=
NyL6VEShVxrfzM%3A

Itanong ang mga sumusunod na tanong:


1. May maganda at masama bang epekto ang mga pag-aalsa na nangyayari sa
ating bansa?
2. Ano ang kinahihinatnan ng mga pag-aalsa na nagaganap sa ating bansa.

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain 1 “Video Clip”

https://www.youtube.com/watch?v=rW86iy3JyGka.

Ipapanood ang video na nagpapakita kung sino sino ang mga utak ng pag-
aalsa noong panahon ng Espanyol.
b. Magsagawa ng malayang talakayan gamit ang

mga sumusunod na tanong:

• Ano ang nilalaman ng video na inyong napanood ?


• Sino ang nagtatag ng mga unang pag-aalsa sa Pilipinas?
• May mabuti bang epekto sa Mga Pilipino noon ang unang pag-aalsa
laban sa mga Espanyol?
• Saan matatagpuan ang ibat ibang pag-aalsa sa ating bansa?
Gawain 2 “Suriin mo ako”

Ipasuri ang larawan at hingin ang ibat-ibang reaksyon ng mga mag-aaral.

2. Pagsusuri - “ Data Retrieval Chart “

• Ano ang mga impormasyong nailalahad ng video sa iyong mag-aaral?


Ilahad ang iyong sagot.
• Saan mga lugar sa Pilipinas ang mga sinaunang pag-aalsa?
• Anu-ano ang naging epekto ng mga sinaunang pag-aalsa sa buhay ng mga
Pilipino noong panahon ng espanyol?
• Kung naging makatarungan sana ang pagpapatupad ng mga Espanyol, sa
inyong palagay, ano kaya ang nangyarimga Pilipino noong panahon ng
Espanyol? Meron kayang sinaunang pag-aalsa o wala?
• Ihambing ang mga nagaganap na pag-aalsa noong panahon ng Espanyol
sa panahon natin ngayong mga Pilipino.
Para higit na maunawaan ng mag-aaral ang mga sinaunang pag-aalsa , ipabasa ang
teksto sa ibaba.

• Hindi lahat ng Pilipino ay sumang- ayon sa pananakop. Maarami sa


kanila ang tumutol at nag-alsa sa laban sa mga Kastila.
• Nagkaroon ng mahigit 100 pag-aalsa laban sa mga Kastila, karamihan ay
naganap sa pagitan ng 1565 – 1600.

Kahulugan ng Salitang Pag-aalsa


• Pagtutol sa mga patakarang ipinatutupad
• Paghingi ng mga pagbabago
• Rebelyon

Mga Dahilan ng Pag-aalsa


• Pagnanais na maging malaya
• Pagtututol sa mga Patakarang Pangkabuhayan
• Panrelihiyon
• Personal na Dahilan

Pagnanais na Maging Malaya


• May mga Pilipino na nais na maging malaya katulad noong bago
dumating ang mga Kastila.
• Magat Salamat (1587:Tondo)
• Lakandula (1574:Tondo)

Pagtututol sa mga Patakarang Pangkabuhayan


• Kabilang sa dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino ang labis na pahirap sa
pagbabayad ng tributo, polo, idulto de comercio, pag-aagaw ng mga lupain
at monopolyo.
• Silang (1762-63:Ilocos)
• Matienza (1745-46:Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna)

Panrelihiyon
• May mga Pilipino na hindi tumanggap sa Katolisismo at nais balikan ang
katutubong relihiyon.
• Bankaw (1622:Leyte)
• Tamblot (1622:Bohol)
• Hermano Pule (1840:Tayabas, Quezon)

Personal na Dahilan
• May mga pag-aalsang naganap na ang dahilan ay ang mga personal na
karaingan.
• Malong (1660-61:Pangasinan)
• Dagohoy (1744-1828:Bohol)

Dahilan ng Pagkabigo ng mga Pag-aalsa


• Kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
• Makabagong armas ng mga Kastila.
• Kawalan ng mga pinunong may sapat na istratehiya at karanasan sa
pakikidigma.

Bunga ng Pag-aalsa
• Maraming mga Pilipino ang nasawi sa pakikipaglaban.
• Namulat ang maraming Pilipino sa mga pang-aabuso at pagmamalupit
ng mga Kastila.
• Naging dahilan ang mga pag-aalsa upang umusbong ang diwang
Nasyonalismo sa mga Pilipino.

http://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/q2-lesson-9-pagaalsa-ng-mga-
pilipino-laban-sa-espanya?from_action=save

Palagyan ng datos na nakalap buhat sa tekstong binasa.

Reaksyon Paghahambing

3. Paghahalaw
Gabayan ang mag-aaral sa pagbuo ng konseptong
natutunan.

• Binigyang diin dito ang ibat-ibang uri ng pag-aalsa na


nagpakita ng ibat-ibang anyo ng Nasyonalismo. Ang mga
anyo ng pag-aalsang ito ay dahil sa pansariling
kadahilanan, pag-ayaw sa pamamahala ng Kastila,
panrelihiyon, at pang-agraryo.

4. Aplikasyon “ Pagbuo ng Diagram “

Ipabuo ang diagram sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng reaksyon


ng mga Pilipino noo at reaksyon ngayon hingil sa Monopolya ng Tababo.

Pag-aalsa ng mga Pilipino sa Espanyol

Reaksyon ng mga Pilipino Noon

Ang aking Reaksyon


IV. Pagtataya

Pasagutan sa mag-aaral ang pagusulit.


Panuto: Isulat sa patlang kung tama o mali ang mga pahayag.

______1. Hindi lahat ng Pilipino ay sumang-ayon sa pananakop.

______2. Ang pag-aalsa ay pagputol sa mga patakarang ipanatutupad.

______3. Ang isa sa dahilan ng pag-aalsa ay ang pagnanais ng mga Pilipino na


maging malaya.

______4. Nagkaroon ng mahigit na 100 na pag-aalsa laban sa mga Espanyol.

______5. Nagana pang pag-aalsa sa pagitan ng mga panahong 1565-1600.

______6. May mga pag-aalsang naganap na ang dahilan ay ang mga personal na
karaingan.

______7. Maraming Pilipino ang nasawi sa mga pag-aalsa.

______8. Isa sa pagkabigo ng pag-aalsa ay ang pagtutulungan ng mga Pilipino.

______9. Namulat ang mga Pilipino sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga


Kastila.

_____10.Naging dahilan ang mga pag-aalsa para umusbong ang diwang


Nasyonalismo ng mga Pilipino.

V. Kasunduan

Gumawa ng album na nagpapakita ng ibat ibang lugar na pinagdausan ng mga unang


pag-aalsa laban sa mga Espanyol.
Aralin 15: EPEKTO NG LA ILUSTRACION SA PAG USBONG
NG PAKIKIBAKA NG BAYAN

Bilang ng Araw : 1 araw

I. Layunin

2.2.2 Nakabubuo ng kaisipan ukol sa naging epekto ng La


Ilustracion sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan

II. Paksang Aralin

Paksa: Epekto ng La Ilustracion sa Pag-usbong ng


Pakikibaka ng Bayan
Sanggunian: CG K-12 AP5PKP, IVA.2.2.2
Kayamanan 5, p. 223
Kagamitan: Larawan, activity card
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa bayan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain;
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa napapanahong isyu sa
bansa.
2. Balik-aral:
a. Ano ang kaisipang La Ilustracion?
b. Ano ano ang tatlong pangkat na bumubuo ng kaisipang La
Ilustracion?
3. Pagganyak
Ano ang epekto sa inyo ng mga nababasa sa
pahayagan o napapanood sa telebisyon tungkol
sa balita sa pamahalaan/ mga pagrerebelyon ng
mga tao?

B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain
(Pangkatin ang mga mag-aaral sa 4 na pangkat
at hayaang basahin ang teksto tungkol sa Epekto
ng Kaisipang La Ilustracion sa pag-usbong ng
pakikibaka ng bayan)

Pangkat 1 Panel discussion


Talakayin ang epekto ng kaisipang La
Ilustracion sa pag usbong ng pakikibaka ng
bayan, at bumubo ng kaisipan ukol dito.

Pangkat 2 Gamit ang Graphic Organizer


Magbigay ng kaisipan tungkol sa
naging epekto ng La illustracion sa
pag-usbong ng pakikibaka ng bayan.

- -
Epekto ng
Kaisipang
La
Ilustracion

-
Pangkat 3 Pakikipanayam
Sa pamamagitan ng pakikipanayam,
bumuo ng kaisipan ukol sa naging epekto
ng La illustracion sa pag usbong ng
pakikibaka ng bayan.

Pangkat 4 Wala Lang Kwentuhan lang!!


Buzz Session
Talakayin sa pakikipag-usap sa bawat
miyembro ng pangkat ang epekto ng La
Ilustracion sa pag usbong ng pakikibaka ng
bayan, bumuo ng kaisipan ukol sa mga
napag usapan. (Batay sa nabasa sa aklat)

2.Analisis

a. Batay sa ipinakita ng bawat pangkat, ano ang naging epekto


ng la Illustracion sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan?
b. Bakit/paano nabuo ang kaisipang ito?
c. Ano ang epekto nito sa bawat mamamayan?

3.Paghahalaw

Namulat ang kaisipan ng mga tao sa kanilang


mga karapatan, pagkakapantay-pantay at
kalayaan. Umusbong ang damdaming makabayan
ng mga Pilipino na naging epekto ng kaisipang La
Ilustracion.

4.Paglalapat:

Bilang isang mag-aaral, ano ang epekto sa inyo


ng kaisipang La Ilustracion? Bakit?
IV. Pagtataya:

Bumuo ng kaisipan sa isang talata na may 6 hanggang 8 pangungusap


na tumatalakay sa naging epekto ng kaisipang la Ilustracion sa pag-usbong ng
pakikibaka ng bayan.

RUBRICS

5 Points - Malinaw at wasto ang nilalaman sa inilahad na


naging epekto ng Kaisipang La Ilustracion na may 6
hanggang 8 pangungusap
4 Points - Malinaw at may kakulangan ang nilalaman sa inilahad
Na naging epekto ng Kaisipang La Ilustracion na may 6
hanggang 8 pangungusap
3 Points - Malinaw at may kaunting kaalaman ang nilalaman sa
inilahad na naging epekto ng kaisipang La Ilustracion na
may 4 hanggang 5 pangungusap
2 Points - Hindi maayos ang nilalaman at kulang ang nilalaman
1 Points - Walang kaugnayan ang isinulat na kaisipan sa naging
epekto ng Kaisipang La Ilustracion

V. Takdang Aralin:

Ihambing ang Epekto ng Kaisipang La Ilustracion sa mga Pilipino sa Kaisipang


Makabansa.

Kalakip na babasahin:

Pagdating ng Kaisipang Kolonyal

May mga kaisipang liberal mula sa Europa at Amerika ang nakarating sa ating
bansa ng buksan ng Espanya ang Pilipinas sa pandaigdigang pangangalakal. Ang mga
malayang kaisipan ng makabagong daigdig na nakasulat sa mga aklat at mga pahayagan
ay nadala ng mga mangangalakal sa Pilipinas. Lumaganap ang impluwensiyang “La
Illustracion “(enlightenment ) o pagkamulat . Namulat ang mga tao sa kanilang karapatan.
Namulat sila na may karapatan ang lahat ng taong isinilang na dapat maging Malaya. May
karapatan silang mabuhay at karapatang magkaroon ng ari-arian. May karapatan silang
makapamili ng pilosopiya at relihiyon. Umunlad ang bagong pilosopiyang pagkapantay-
pantay at kalayaan. Nanghina ang Katolisismo dahil sa pag-unlad ng Protestantismo.
Naging mapanuri ang mga tao at humingi ng pagbabago sa sistema ng kanilang
pamahalaan. Maraming bansa ang nagbigay ng kalayaang makapili ng relihiyon sa kanilang
mga mamamayan. May mga Pilipinong nakapag-aral.

Namulat ang isipan ng mga katutubo sa ideyolohiya ng mga rebolusyong


Amerikano na, mas mabuti pa ang mamatay kung walang kalayaan” at ang rebolusyon ng
mga pranses na nagpapakita ng kanilang pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan,
pagkakapantay-
pantay at kapatiran, o liberty, equality and fraternity. Napag-alaman ng mga katutubo na
may karapatan silang dapat ipaglaban at hindi dapat sila maging alipin ng mga dayuhan sa
sarili nilang bansa. Hindi nagtagal ay humingi sila ng mga repormang makapagpapabago at
makapagpapabuti ng kanilang kalagayan.
Aralin 16: SANHI AT BUNGA NG REBELYO

Bilang ng Araw: 1 araw

I. Layunin

3.1.1 Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga rebelyon ng mga


Pilipino sa kolonyalismo

II. Paksang Aralin

Paksa: Sanhi at Bunga ng mga Rebelyon


Sanggunian: K TO 12, CG AP5PKP.3.1.1
Pilipinas: Bansang Malaya 5, pp. 90-93
Kagamitan: larawan ng mga Pilipinong nag-alsa
Activity cards, tsart, Powerpoint presentation
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa bayan
Pangangalaga sa karapatang pantao

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:

1. Balitaan
Napapanahong balita tungkol sa mga nagaganap na
rally ng mga mag-aral o manggagawa.
2. Balik-Aral
Itanong: 1. Ano ang La Ilustacion?
2.Ano ang naging epekto ng La Illustracion
sa pag-usbong ng pakikibaka ng mga
Pilipino?
3. Paghahawan ng Balakid:
Ipabuo ang jumbled letters sa loob ng kahon na sagot
sa katanungan.
a. Ano ang ibang katawagan sa pag-aalsa o pakikipaglaban?

N O Y L E B E R

b. Pagsakop ng mga banyaga sa isang lugar at


pagpapatupad ng kanilang mga patakaran. Ano
ito?

OM S I L A Y N O L O K
4. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng mga mag-aaral/
manggagawa na nagrarally.

Itanong:Ano ang ipinahihiwatig sa larawan?


Bakit kaya nagaganap ang ganitong
mga pangyayari?
B. Panlinang na Gawain:

1. Gawain
(Maaaring gumamit ng Powerpoint presentation)
Panoorin ang kuwento tungkol sa mga sanhi at naging
bunga ng mga rebelyon ng mga Pilipino.
Pangkatin ang klase sa 4 na pangkat. Ibigay ang mga
activity cards. Bigyan ng 5 minuto para tapusin ang
gawain.

Pangkat 1 Role playing


Isadula ang ginawang rebelyon nina Raja
Lakandula. Raja Sulayman at Magalat, tukuyin ang
sanhi at bunga ng rebelyon nila.

Pangkat 2 Gumamit ng Graphic organizer


Ang rebelyon nina Francisco Maniago, Andres
Malong at Tamblot?
POOK NA SANHI BUNGA NG
TAON PINUNO PINANGYARIHAN NG REBELYON
REBELYON
Pangkat 3 Kwento ni Lola Basyang
gamit ang libro ng kasaysayan
Pakikipaglaban ni Diego at Gabriel Silang at
Pedro Mateo.
Sagutin ang tanong na : Ano ang sanhi at
bunga ng rebelyon nina Diego at Gabriela Silang at
Pedro Mateo sa kolonyalismo?

Pangkat 4 Panel Discussion


Pag-uusap tungkol sa Rebelyon nina
Tamblot, Francisco Dagohoy at Apolinario Dela Cruz,
ano ang sanhi at bunga ng kanilang rebelyon sa
kolonyalismo?

2. Pagsusuri (Analysis)
Pag-uulat ng bawat pangkat
a. Maaring bigyang halaga ng guro ang mga ginawa ng mga mag-
aaral sa pangkatang gawain tulad ng paraan ng pagkuha ng
impormasyon, pakikiisa ng bawat kasapi ng pangkat, at pag-
uulat.
b. Itanong
1. Sino-sino ang mga Pilipino na nag-alsa/
nagrebelyon sa mga Espanyol? 2. Ano
ang sanhi ng pakikipaglaban ni
Lakandula? Magalat? Francisco Maniago? Andres
Malong? Pedro Mateo? Diego at Gabriela Silang?
Francisco Dagohoy? Tamblot? Bankaw? Apolinario Dela
Cruz?
3.Ano ang naging bunga ng kanilang rebelyon
sa kolonyalismo?

3. Paghahalaw ( Abstraction)

Ano ano ang mga sanhi at bunga ng mga


rebelyon ng mga Pilipino sa Kolonyalismo?

Iba’t iba ang mga sanhi at bunga ng mga


rebelyon ng mga Pilipino sa kolonyalismo.

4. Aplikasyon ( Application)

Nabigo ang mga rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Español,


ano ang aral na napulot mo tungkol dito? Tama ba ang ginawa nilang
pakikipaglaban? Bakit?
IV. Pagtataya:

Basahin ang bawat kalagayan. Iugnay ang sanhi ng rebelyon ng


mga Pilipino sa hanay A sa naging bunga sa Hanay B.

A B
____ 1. Pinamunuan ni Dagohoy ang A. pataksil siyang pinatay
pag-aalsa ng tanggihan ng kura ni Miguel Vicos isang
na bigyan ng Kristiyanong libing mestisong Español na
ang kanyang kapatid na yumao inupahan ng arsobispo
subalit siya ay _____________. ng Vigan
____2. Nagrebelyon si Diego Silang laban B. Hindi siya nagapi ng
sa Espanyol dahil ikinulong siya ng mga Espanyol at ang
magpetisyon siya na alisin ang pakikipag laban niya ay
pagpapataw ng buwis sa mga tumagal ng 85 taon
Pilipino ngunit siya ay _________.
____3. Pinamunuan ni Pedro Mateo ang C. natalo ang kaniyang
pag-aalsa ng ipagbawal ng pag-aalsa sa San
Español ang paggawa ng basi. Ildefonso, Ilocos Sur
____4. Namuno sa pag-aalsa si Francisco D. Nadakip siya at binitay
Maniagosa Pampanga sanhi ng sa bayan ng Tayabas.
sistemang polo at bandala ngunit E. Binigyan ng malaking
___________________ halaga ng mga Espanyol
____5. Hindi pantay na pagtingin o bilang kabayaran sa
diskriminasyo ng mga paring Espaňol kanyang paglilingkod at
sa mga paring katutubo ang sanhi pinatawad sa ginawang
ng rebelyon ni Apolinario dela Cruz, pagrerebelde
bunga nito __________. F. Nahuli sa bayan ng
Binalotogan ng mga
Espanyol at pinatay

V. Takdang-Aralin:

Nabigo ang lahat ng rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Español. Ano ang
reaksiyon mo tungkol dito? Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.
KALAKIP NA BABASAHIN

MGA PAGAALSA

Ipinahayag ng mga Pilipino ang pagsalungat sa pamahalaang kolonyal sa


pamamagitan ng pag-aalsa. Si Lakandula, Raja ng Tondo (Navotas) ang namuno sa unang
pag-aalsa. Nag-alsa sila dahil sa pang-aabuso ng mga kawal na Espaňol sa mga Pilipino. {
Nabigo ang pag-aalsang ito. Napahinuhod si Lakandula nina Juan de Salcedo at Padre
Geronimo Martin; (Kayamanan: Kasaysayan ng Pilipinas, p. 136)} Ang pag-aalsang ito ay
umabot sa 100 ulit sa loob ng mahigit na 300 taon ng pananakop ng mga Espaňol sa
Pilipinas.
Mga pangunahing dahilan ng pag-aalsa ang sumusunod:
• Pagwawalang bahala ng mga pinunong Espaňol sa sanduguan;
• Pagtutol sa labis na kinukulektang buwis sa kanila;
• Pagtutol sa polo;
• Pagkamkam sa mga lupa ng mga katutubo;
• Pagtutol sa bagong pananampalataya;
• Pag-abuso ng mga Espaňol Espaňol sa kanilang tungkulin;
• At patatanggol ng mga Pilipino sa kanilang mga karapatan.
Pagtutol sa hindi makatarungang pagbubuwis ang dahilan ng pag-aalsa ni Magalat
sa Cagayan noong 1596. Nasawi sa laban si magalat sa kamay ng mga katutubong
binayaran ng mga Espaňol.
Samantala isang pag-aalsa ang pinamunuan ni Francisco Maniago sa Pampanga
noong 1660-1661. Sanhi ito ng sistemang polo at bandala, gayundin ang labis na
pagpuputol ng mga punongkahoy para sa paggawa ng barkong galyon sa Cavite.
Nagwakas ito sa pamamagitan ng magkahalong pwersang Espaňol at katutubo mula
sa Macabebe, Pampanga. Ginamitan din ng mga Espaňol ng diplomasya si Maniago.
{ Si Maniago at ang kanyang mga kasama ay pinangakuan ng mga Espaňol na
bibigyan ng malaking halaga bilang kabayaran sa kanilang paglilingkod at patatawarin
sa kanilang ginawang pagrerebelde. Idinagdag din na hindi na sila pagtatrabahuhin
hanggat hindi tapos ang kanilang gawaing bahay, kaya’t natigil ang pag-aalsa:
(Kayamanan: Kasaysayang Pilipino, p.137)}

Ipinagpatuloy ng mga taga Pangasinan ang laban ni Maniago sa pamumuno ni


Andres Malong. Lumaganap ito hanggang Ilocos at Cagayan, subalit nabihag at
napatay si Malong.

Ang polo rin ang dahilan ng pag-aalsa ng pangkat ni Sumuroy sa Samar noong
1649-1650. Lumaganap ito hanggang Cebu, Masbate, Albay, hilagang Mindanao at
Zamboanga.

Nabigo ang mga nag-aalsang Pilipino dahil sa wala silang pagkakaisa. Hindi sila
lumaban bilang isang pwersa o bansa. Kulang sila sa kasanayan sa pakikipaglaban
at sa mahuhusay na pinuno.

Noon namang 1762-1763 naganap ang pag-aalsang pinamunuan ng mag-


asawang Diego at Gabriela Silang sa Ilocos. Mga reporma ang hinihiling nila sa mga
Espaňol. Humina noon ang mga pwersang Espaňol dahil sa napataong sakop ng
mga Ingles ang Maynila. Nakipaglaban din ang pangkat ni Diego Silang sa mga
Ingles, ngunit kinakailangang makipag-alyansa sila sa mga ito. Sa kasamaang palad,
pataksil na pinatay ng mestisong si Miguel Vicos at ni Pedro Becbec si Diego.
Ipinagpatuloy ni Gabriela ang pakikipaglaban sa mga Espaňol . Nabihag siya sa
Cabugao at binitay sa Vigan noong ika-20 ng Setyembre, 1763.
Kaugnay naman ng pagtutol sa Kristiyanismo ang pag-aalsa ng mga taga-
Cordillera noong 1601 at ng mga Boholano sa pamumuno ni Tamblot noong 1621-
1622. Nawalan ng saysay ang mga laban nila dahil sa lakas ng magkasanib na
pwersa ng mga Espaňol at Cebuano.
Noon ding 1622, nag-alsa si Bankaw sa Limasawa Espaňol Espaňol. Tulad ng
naganap sa Bohol, nagapi ang pangkat ni Bankaw.
Ang pinakamatagal na pag-aalsa ay yaong pinamunuan ni Francisco Dagohoy sa
Bohol mula 1744 hanggang 1829. Nagalit si Dagohoy sa mga paring heswita na
tumangging magbigay ng isang kristiyanong libing sa kanyang kapatid na yumao.
Pinatay niya ang pari at hinikayat ang mga mamamayan ng Bohol na magrebelde at
lumaban sa mga Español. Ang rebelyong pinamunuan ni Dagohot ang pinakmatagal
na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Si Dagohoy ay namatay sa sakit at
katandaan. Ipinagpatuloy ng kanyang mga anak ang pag-aalsa. Ang pagrerebeldeng
ito ay nagsimula noong 1744 at tumagal hanggang 1829, may kabuuang 85 taon.
Sa Lucban, Tayabas (Quezon ngayon), isang naiibang paghihimagsik ang
naganap noong 1840. Ang dahilan nito ay ang diskriminasyon o hindi pantay na
pagtingin ng mga paring Espaňol sa mga katutubong nais magyari. Ang pinuno ng
pag-aalsa ay si Apolinario dela Cruz o Hermano Pule, na tinanggihan ng mga prayle
na makasapi sa kanilang orden.
Dahilan sa maraming nalalaman si Hermano Pule tungkol sa biblia at mga
gawaing panrelihiyan, itinatag niya ang Cofradia de San jose. Naligalig ang mga
Espaňol nang dumami ang kasapi ng samahang ito hanggang sa Laguna at
batangas. Hindi nila kinilala ang cofradia. Sa halip, ipinadakaip si Hermano Pule at
binitay sa harap ng publiko.

Nagalit ang mga Pilipino ng ipagbawal ng mga Español ang paggawa ng basi.
Ito ay alak ng mga Ilokano. Ikinagalit nila ang patakaran ng pamahalaan na
protektahan ang monopoly ng alak kaya’t nagrebelde sila. Pinamunuan ni Pedro
Mateo ang pag-aalsa noong Setyembre 16, 1807. Naging matagumpay ang unang
pagtutunggali ng mga mamamayan. Natalo nila ang mga Espanyol sa bayan ng
Badoc, Ilocos Norte. Tinangka nilang lusubin ang Vigan subalit isang malakas na
hukbong Espanyol na pinamumunuan ng alkalde mayor ng Ilocos ang sumalubong sa
kanila sa San Ildefonso, Ilocos Sur noong Setyembre 24. Natalo ang pag-aalsa laban
sa monopolyo ng basi.
Sanggunian: Pilipinas; Bansang Malaya nina Estelita B. Capina at Gloria R.
Barrientos, p. 90 - 93 c.2000
Kayamanan ninaEleanor D. Antonio et al. pp.238-241
ARALIN 17: REAKSYON NG MGA PILIPINO SA KOLONYALISMO

Bilang ng Araw: 1 araw

I. Layunin

3.1.2 Nakapagbibigay ng reaksyon ng mga Pilipino sa


Kolonyalismo

II. Paksang Aralin

Paksa: Reaksiyon ng mga Pilipino sa Kolonyalismo


Sanggunian: Pilipinas: Bansang Malaya 5, pp. 96-100
Kayamanan: Kasaysayan ng Pilipinas I, pp. 160-
163, CG, K-12 AP5PKP, IV.A. 3.1.2
Kagamitan: larawan ng bata, larawan ng mga bayaning
Pilipino, graphic organizer, tsart
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa kalayaan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
Mahahalagang kaganapan sa loob ng bansa
2. Balik-aral:
a. Sino sino ang mga Pilipinong nagrebelyon laban s
kolonisasyon ng mga Español?
b. Ano ano ang sanhi ng kanilang rebelyon?
c. Ano ano ang naging bunga ng mga rebelyon?
3. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ang guro ng di makatarungang
pang aapi sa isang kasambahay .
Itanong: Ano ang isinasaad sa larawan?
Bakit kaya nangyayari ito?
B. Panlinang na Gawain;
1. Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bigyan ng Task card
ang bawat pangkat. Magbigay ng limang minuto para sa
pangkatang Gawain.
Pangkat 1
Semantic web gamit ang STAR

REAKSYON NG MGA PILIPINO


SA KOLONYALISMO

Pangkat 2
Panel discussion
Itanong:
a. Ano ano ang reaksyon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismo at pagmamalabis ng mga
Español sa pamamahala

Pangkat 3
I-RAP MO REAKSYON KO
Lumikha ng RAP na naglalaman ng reaksyon ng
mga Pilipino sa kolonyalismo at pag usbong ng
nasyonalismo at pagiging makabansa ng mga Pilipino.

Pangkat 4
Pag-aaral sa Sanaysay/kwento
Sagutin ang mga tanong
Ano ano ang mga naging reaksiyon ng mga Pilipino sa:
a. Pamamahala ng mga Español
b. Pagtanggi ng mga Paring Español na makabilang sa kanila ang
mga paring Pilipino
c. Pamamahala ng mga Paring Español
2. Pagsusuri (analysis)
Pag-uulat ng bawat pangkat
Gabayan ng guro ang mga mag-aaral upang maging
mapanuri sa mga paraan ng pag uulat ng mga mag aaral
at ng mga sagot sa mga katanungan.
Itanong:
a. Paano isinagawa ng bawat pangkat ang pag uulat,
magbigay ng inyong reaksiyon?
b. Ano ang reaksiyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng
mga Español?
c. Paano hinarap ng mga Pilipino ang pagpapalaganap sa
relihiyong Kristiyanismo ng mga Español?
d. Ano ano ang mga reaksiyon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismo?

3. Paghahalaw

Iba’t iba ang reaksiyon ng mga Pilipino sa Kolonyalismo


ng mga Español. Sumibol ang pagiging nasyonalismo at pagiging
makabansa ng mga Pilipino.

4. Aplikasyon:

Bilang isang batang Pilipino, ano ang magiging reaksyon mo,


kung isa ka sa mga Pilipinong nakaranas ng mga pang-aabuso ng mga
Español? Bakit?

IV. Pagtataya:

Sumulat ng isang sanaysay na may 5 hanggang 10 pangungusap na


tumatalakay sa reaksyon ng mga Pilipino sa kolonisasyon.

RUBRICS

5 pts 4 pts 3 pts 2pts 1 pt


Nakapagbigay Nakapagbigay Nakapagbi-gay Nakapagbi- Nakapagbi-gay
ng 9 – 10 ng 7-8 tamang ng 5-6 tamang gay ng 3-4 ng 1-2 tamang
tamang pangungusap pangungusap tamang pangungu-sap
pangungusap tungkol sa tungkol sa pangungu-sap tungkol sa
tungkol sa reaksiyon ng reaksiyon ng tungkol sa reaksiyon ng
reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Pilipino sa reaksiyon ng mga Pilipino sa
mga Pilipino sa Kolonyalismo Kolonyalismo mga Pilipino Kolonyalismo
kolonyalismo sa
Kolonyalismo
V. Takdang aralin

Sumulat ng talata tungkol sa sumusunod na tanong;


Ano ang magiging reaksiyon mo kung isa ka sa mga Pilipino sa panahon ng
kolonisasyon ng mga Español?

KALAKIP NA BABASAHIN: MGA REAKSYON NG MGA PILIPINO

Sa paningin ng ating mga ninuno, ang pamahalaan ay isang negosyo dahil sa


ginawang pagpapayaman ng mga pinunong Español. Hindi nila naibigan ang paniningil ng
mga ito ng labis na tribute na napupunta lamang sa klanilang bulsa. Hindi rin nila naibigan
ang sistemang bandala o pagtutustos ng pagkain sa mga barko at garrison ng mga Español.
Higit na nadama ng mga Pilipino ang pagkapoot nila sa Español nang sapilitan silang
pinagtrabaho sa pagtatayo ng mga simbahan, pagpapagawa ng mga kalsada at ng mga
barko para sa kalakalang galyon. Pinagsilbi rin sila sa mga kampo at 60guni ta ng mga
Español na parang mga alipin. Dahil 60guni napabayaan nila ang pagsasaka at
pangingisda. Nawalan din sila ng ganang magtanim dahil kinukuhang lagi ng mga 60guni
tang60 kanilang ani kaya wala na halos natitira sa kanilang pamilya.

Noong hindi na makatiis ang mga tao, nag-alsa sila. Nag-alsa ang mga taga-Visayas
laban sa polo noong 1649. Sa pangunguna ni Sumuroy, nagreklamo sila laban sa
pagpapadala ng mga polistang Bisaya sa mga barko sa Cavite. Kumalat ang pag-aalsang
ito sa buong Visayas, sa Bicol at pulo ng Camiguin sa hilagang Mindanao. Maraming paring
Heswita at Español ang nasawi.

Noong 1660, nag-aklas din ang mga taga Pampanga laban sa polo. Hindi
nakatatanggap ng sweldo ang mga polista. Bago lumala ang sitwasyon, nakipagkasundo
ang mga pinunong Español sa mga Pilipino.

Naging kontrobersyal ang kalakalang galyon dahil sa pagmamalabis ng gobernador


heneral, alcalde mayor, mga kagawad ng Royal Audiencia at mga prayle. Nagging abala
ang mga ito sa pagpapayaman sa kalakalang galyon kaya napabayaan nila ang kanilang
mga tungkulin.

Samantala maraming Pilipino ang naghirap dahil sa kalakalang galyon. Pinilit silang
magparami ng mga produktong panluwas at magbili ng mga ito sa mababang presyo upang
mapanatili ng mga pinuno ang kita nila sa kalakalan.

Isa ring patakaran ng pamahalaang kolonyal ang pagtustos sa mga gawaing


pangkawanggawa. Ito ang dahilan ng pagtatatag ng Obras Pias noong 1594 mula sa
salaping nalikom ng mga prayle sa mayayamang Español. 60guni tang pondo ay ipinautang
ng mga prayle ng may malaking interes sa mga mangangalakal at ibang Pilipino. Naubos
ang pondo ng obras pias dahil sa hindi pagbabayad ng utang ng mga mangangalakal. Ang
layuning pangkawanggawa ay hindi lubusang natamo.
ARALIN 18: SULTANATO/KATUTUBONG MUSLIM
AT KATANGIAN NITO

Bilang ng Araw : 1 araw


I. Layunin
3.2.1Nakikilala ang sultanato/Katutubong Muslim at ang
katangian nito na nagpanatili ng kanilang kalayaan

II. Paksang Aralin


Paksa: Sultanato/Katutubong Muslim at Katangian
Nito
Sanggunian: CG K-12 AP5PKP, IV.A.3.2.1
Pilipinas; Bansang Malaya 5, p. 24-25
Kagamitan: Larawan ng mga Muslim, graphic organizer,
mapa ng Pilipinas
Pagpapahalaga: Paggalang sa Kapwa
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Balitaan
Balita tungkol sa loob ng bansa
2. Balik-aral
Ano ang katangian ng mga Pilipino na
nagrebelyon laban sa mga Español?
3. Paghahawan ng Balakid:
Buuin ang jumbled letter batay sa isinasaad sa
pangungusap.
Ito ang uri ng pamahalaan ng mga Muslim..

O TA N A T L U S

4. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng mga Muslim
1. Sino ang mga nasa larawan?
2. Sila ba ay mga Pilipino?
3. Saang bahagi ng Pilipinas sila naninirahan?
B. Panlinang na Gawain
1.Gawain:

Hatiin ang mga mag-aaral sa 4 pangkat. Kilalanin ang


sultanato at mga katangian nito na nagpanatili ng kanilang
kalayaan.Sagutin ito sa pamamagitan ng paggawa ng story map,
graphic organizer , panel discussion at pagpuno sa table ng
impormasyon. Bigyan ang mga mag-aaral ng 10 minuto upang kumalap
ng mga datos.

Pangkat 1 Paggawa ng story map batay sa


nabasang kwento
Ang sultanato

Sharif ul-
Sulu tarsila
hashim

Mindanao Islam Muslim

Muhammad Sharif
Raja Baginda
Kabungsuwan
Pangkat 2
Gamit ang graphic organizer, ilarawan ang
sultanato,katutubong Muslim at ang
katangian nito
Sagutin ang mga tanong:
a. Ano ang sultanato?
b. Sino ang namumuno dito?
c. Sino ang tinutukoy na mga katutubong
Muslim?
d. Saan sila matatagpuan?
e. Ano ang katangian ng Katutubong Muslim
na naging dahilan upang mapanatili ang
kanilang kalayaan?

Katutubong
Muslim

Pangkat 3 PANEL Discussion

Gamit ang babasahin tungkol sa sultanato at


katutubong Muslim.
Sagutin ang mga tanong:
a. Ano ang sultanato?
b. Paano natatag ang sultanato?
c. Sino ang nagtatag nito?
d. Saan nababatay ang mga batas na pinaniniwalaan sa
Sultanato?
e. Ano ang relihiyong pinaniniwalaan ng mga Muslim?
f. Paano napanatili ng mga Muslim ang kanilang
kalayaan?
Pangkat 4

Punan ang table ng kaukulang impormasyon


batay sa binasa tungkol sa Sultanato at mga Muslim.

Ang Sultanato at ang Katutubong Muslim

Pinagmulan Saan Pinaniniwalaang Katangian


naninirahan Relihiyon

2.Pagsusuri (Analysis)
Pag-uulat ng bawat pangkat
(Suriin ng mga mag-aaral sa patnubay ng guro ang
isinagawang pag-uulat ng bawat pangkat. Unahin
ang magagandang puntos at sundan ng mga dapat
iimprove.)
Itanong;
a. Ano ang Sultanato?
b. Sino ang nagpasimula ng sultanato?
c. Saan lumaganap ang sultanato? Paano?
d. Ano-ano ang katangian ng sultanato?
e. Paano napanatili ng mga Muslim ang kanilang kalayaan?

3.Paghahalaw (Abstraction)

Ang sultanato ay matatag na pamahalaan ng mga


Muslim.
Ang mga katutubong Muslim ay naniniwala sa
relihiyong Islam. Ipinagtanggol ng mga mandirigmang
Muslim ang kanilang pamayanan na naging dahilan
ng pagpapanatili ng kalayaan nito .

4.Aplikasyon:

Batay sa ating nabasa at pinag-aralan tungkol sa


mga Sultanato/Katutubong Muslim, anong katangian nila
ang naging dahilan upang hindi sila masakop ng mga dayuhan?
Dapat ba silang tularan? Bakit?
IV.Pagtataya

Basahin ang bawat kalagayan. Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa patlang

_____________ 1. Siya ang nagpalaganap ng Sultanato sa Sulu?


_____________ 2. Pinuno sa isang sultanato at namuno sa mga labanan.
____________ 3. Dito higit na nakararami ang mga Muslim.
_____________ 4. Ano ang isa sa mga katangian ng sultanato.
_____________ 5. Batayan ng batas na ipinaiiral sa Sultanato na
nagpapatatag sa kanilang paniniwala.

Sharif Karim-ul Makdum magulo

Sultan Kabungsuwan matatag

Mindanao Koran

6-7. Magbigay ng 2 katangian ng Sultanato na naging dahilan ng


pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

V. Takdang Aralin:

Ano ang katangian ng mga Muslim noon at ngayon? Paghambingin. Isulat


ang sagot sa kwaderno.
ARALIN 19: PANANAW AT PANINIWALA NG
SULTANATO/KATUTUBONG MUSLIM

Bilang ng Araw: 1 araw


I. Layunin

3.2.2 Nasusuri ang pananaw at paniniwala ng mga


Sultanato/Katutubong Muslim sa pagpapanatili ng
kanilang kalayaan

II. Paksang Aralin

Paksa: Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato/


Katutubong Muslim
Sanggunian: CG K-12 AP5PKP, IV.A.3.2.2
Makabayan Kasaysayang Pilipino 5, p. 28-33
Kagamitan: Larawan ng Koran, strips of cartolina, activity
cards graphic organizer
Pagpapahalaga: Paggalang sa Paniniwala ng iba,
Katapangan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Balita sa loob ng bansa partikular sa Mindanao
2. Balik-aral
a. Ano ang sultanato?
b. Ano ang katangian ng sultanato na nagpanatili ng
kalayaan nito?
c. Sino ang tinutukou na Muslim?
3. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng simbahan, mosque.
Ano ang relihiyon at paniniwala ng sumasamba dito?
Ano ang inyong pinaniniwalaan?
B.Panlinang na Gawain:
1. Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral sa 4 na pangkat.
Bigyan ng activity card at 5 minuto para sa
gawain

Pangkat 1 Paggamit ng graphic organizer


Suriin ang mga nilalaman ng talata. Punan ang
graphic organizer batay sa kaalaman na nabasa
tungkol sa mga pananaw at paniniwala ng mga
sultanato sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.
Paniniwala

Pananaw

Pangkat 2 Panel Discussion

Pag-usapan ang pananaw at paniniwala ng


mga Muslim sa pagpapanatili ng kanilang
kalayaan.

Pangkat 3 Buzz Session


Suriin ang mga pananaw at paniniwala ng Muslim
sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan

Pangkat 4
Isulat sa table ang mga paniniwala at pananaw
ng mga Muslim at suriin kung paano nila
napanatili ang kalayaan.

PANINIWALA PANANAW

2. Pagsusuri

(Maaring gawin o hindi: Suriin ang paraan ng pag-uulat


ng bawat pangkat. Bigyang halaga ang magagandang
ginawa at suriin ang mga dapat mapa-unlad o
mapagbuti.)
Itanong:
a. Paano napanatili ng mga Muslim ang kanilang kalayaan?
b. Ano ang paniniwala ng mga Muslim na nakatulong sa
pagpapanatili ng kanilang kalayaan?
c. Anong katangian ang taglay ng Sultanato na nakapagpatibay
ng pagpapanatili ng kalayaan?

3. Paghahalaw

May pananaw at paniniwala ang mga katutubong


Muslim sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan, tulad ng
pagtatanggol sa kanilang karapatan na magmay ari
ng lupain, Aral at Haligi ng Islam at ipahayag ang
layuning maging Malaya laban sa mga
mananakop.

4. Aplikasyon

Kung kayo ay isa sa mga nasa ilalim ng pamahalaang Sultanato


ngayon, paano ninyo mapananatili ang kalayaan ng inyong pook laban
sa mga dayuhan?

IV. Pagtataya:
Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek(/) ang
patlang kung nagsasaad ng paniniwala ng mga Muslim at
ekis (x) kung hindi.
_______ 1. Ang pakikiisa ng mga Muslim sa mga Espanyol at isa sa
kanilang paniniwala.
________2. Pagbibigay ng makakayanan sa mga nangangailangan.
________3. Pinaniniwalaan nilang ang mga lupang minana nila sa
kanilang mga magulang ay kanilang pag aari.
________4. Pagsunod sa kagustuhan ng mga Español na sakupin at
pamahalaan sila.
________5. Ipaglaban ang kanilang kalayaan laban sa mga
dayuhan hanggang sa kanilang kamatayan.

V. Takdang-aralan:
Magsaliksik ng mga ginagawang partisipasyon ng mga Muslim sa
pagpapanatili ng kalayaan ng ating bansa sa kasalukuyan.
Kalakip na babasahin.

Sultan Kudarat

Isang pinunong Muslim, si Sultan Kudarat, ang labis na kinatatakutan ng ng mga


Español. Noong 1656, ipinahayag niya ang isang jihad o pakikipaglaban sa mga Español at
katutubong tumutulong sa sa mga ito. Itinatag niya ang Batas Sharia na hangad ng mga
Español na palitan ng kanilang sariling mga batas. Itinuturing na bayani ng mga Muslim si
Sultan Kudarat. Siya ang nagtanggol sa Maguindanao at iba pang bayan.

Raja Lakandula

Isa si Raja Lakandula sa pinangakuan ni Miguel Lopez de Legaspi na hindi


pagbabayarin ng buwis at mananatili ang pagmamay ari sa mga lupang minana pa nila sa
kanilang mga angkan. Pinangakuan din silang pagbubutihin ang pamumuhay ng mga
Pilipino. Ngunit namatay si Legaspi at pinalitan siya ni Gobernador Heneral Guido de
Lavezares. Inalis ni Lavezares ang karapatang ipinagkaloob ni Legaspi. Ang mga katutubo
ay pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga Español. Kinamkam ng mga Español ang
mga lupain ng mga katutubo. Sumiklab ang damdamin nina Raha lakandula at Raha
Sulayman, kaya’t silay nag-alsa.
ARALIN 20: PARTISIPASYON NG MGA KATUTUBO AT
KABABAIHAN SA PAKIKIBAKA SA BAYAN

Bilang ng Araw: 1 araw


I. Layunin

4.1Natutukoy ang partisipasyon ng mga katutubo at


kababaihan sa pakikibaka ng bayan

II. Nilalaman

Paksa: Partisipasyon ng mga Katutubo at


Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan
Sanggunian: CG K-12 AP5PKP, IV.A. 4.1
Makabayan Kasaysayang Pilipino 5, pp. 77-
78; Kayamanan, Kasaysayan Pilipinas I,
pp. 163-164
Kagamitan: Larawan ng mga Bayaning kababaihan at
mga Katutubo
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa bayan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1.Balitaan
May kaugnayan sa mga Kababaihan sa lipunan
2. Balik-aral
Paano napanatili ng mga katutubong Muslim ang
kanilang kalayaan?
3.Pagganyak:
Pagpapakita ng mga larawan ng mga kababaihang kasapi sa
Katipunan

Gregoria de Jesus
Josefa Rizal

a. Sino sino ang mga babae sa larawan?


b. Kilala ba ninyo sila?
Larawan ng mga katutubo

B.Panlinang na Gawain

1. Gawain

Panonood ng video clips presentation. Pangkatin ang


mga bata sa 4 na pangkat at tukuyin ang partisipasyon ng mga
katutubo at kababaihan sa pakikibaka ng bayan.

Pangkat 1 Role Playing


Isadula ang ginawang partisipasyon ng mga
katutubo at mga kababaihan sa pakikibaka ng
bayan.

Pangkat 2 Paggamit ng larawan


Gamit ang mga larawan, tukuyin ang
ginawang partisipasyon ng mga kababihan sa
pakikibaka ng bayan

Pangkat 3 Buhay ko Isadula mo!!


Isadula ang ginawang partisipasyon ng mga
Kababaihan sa pakikibaka ng bayan

Pangkat 4 Gamit ang Teksto


Basahin ang aklat at tukuyin ang ginawang
partisipasyon ng mga katutubo sa pakikibaka ng
bayan.

2. Analisis
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Itanong:
a. Sino sino ang mga kababaihan na nakiisa sa pakikibaka ng
bayan?
b. Ano ang naging partisipasyon nila sa pakikibaka
ng bayan?
c. Ano ang naging partisipasyon ng mga katutubo sa pakikibaka
ng bayan?
3. Paghahalaw

Nakiisa ang mga katutubo at mga kababaihan


sa pakikibaka/ pakikipaglaban ng bayan laban sa mga
Espanol. Malaki ang bahaging kanilang ginampanan para
sa pakikibaka.

4. Aplikasyon
Sa panahon ngayon, paano nakikilahok ang
mga kababaihan tungkol sa mga usapin sa ating
pamahalaan?
Ang mga katutubo paano sila nakikiisa sa mga
Pakikipaglaban para sa bayan?

IV.Pagtataya:

A. Unawain at basahin ang bawat pangungusap. Kilalanin kung sino ang


kababaihan na tinutukoy na may bahaging ginampanan sa pakikibaka ng
bayan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon

Teresa Magbanua Gabriela Silang

Josefa Rizal Marina Dizon

Gregoria de Jesus Melchora Aquino

1. Ipinagpatuloy ang adhikain ng asawa na labanan ang mga Español


subalit napatay noong Setyembre 20, 163.
2. Lakambini ng Katipunan at tumulong sa pagtatago ng mga dokumento ng
samahan.
3. Kalihim ng sangay ng kababaihan at tumulong sa pag-aaruga a mga
lumaban sa Español.
4. Mula Iloilo ay lumaban sa mga Espanyol gamit ang sandata sa
himagsikan sa Visayas

B.5. Paano nakiisa sa pakikibaka ang mga katutubo.?

V.Takdang Aralin

Kumalap ng inpormasyon tungkol sa


partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa
pakikibaka ng bayan,
ARALIN 21: EPEKTO NG PARTISIPASYON NG IBA’T IBANG
REHIYON AT SEKTOR SA PAKIKIBAKA NG BAYAN

Bilang ng Araw: 1 araw


I. Layunin

4.2Nasusuri ang epekto ng partisipasyon ng iba’t ibang


rehiyon at sector sa pakikibaka ng bayan

II. Paksang Aralin

Paksa: Epekto ng Partisipasyon ng Iba’t Ibang


Rehiyon at Sector sa Pakikibaka ng Bayan

Sangggunian: CG K-12 AP5PKP, IV.A.4.2


Kayamanan5, p. 239
Kagamitan: Mapa ng Pilipinas, LCD, activity cards strips
of Cartolina, Awit; Bayan Ko
Pagpapahalaga: Pakikiisa

III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Balitaan
Mga kaganapan sa loob ng bansa
2. Balik-aral
Ano ang partisipasyon ng mga katutubo sa
pakikibaka para sa bayan?
3. Pagganyak
Awit: Bayan Ko
Talakayin ang nilalaman ng awit

B.Panlinang na Gawain

1.Gawain
(Maaring gumamit ng Powerpoint Presentation
o isulat sa manila paper or strips of cartolina at mapa
ng Pilipinas)
Partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sektor
Pangkatin ang mga mag-aral sa 4 na pangkat
bigyan ng 10 minuto para tapusin ang gawain.

Pangkat 1 Hagdan ng Kasaysayan


Lumikha ng hagdan na naglalaman ng mga
partisipasyon ng mga Pilipino mula sa rehiyon IV sa
pakikibaka ng bayan.
Simulan sa mas nauna patungo sa huli. Talakayin
ang epekto nito sa pakikibaka ng bayan.
Partisipasyon ng Rehiyon IV

Pangkat 2 Gamit ang mapa at strips of cartolina

Isulat s stips of cartolina ang mga rehiyon, taon


ng partisipasyon sa pakikibaka ng bayan at idikit sa
mapa. Sagutin ang tanong. Ano ang epekto ng
partisipasyon ng rehiyon I at Ii sa pakikibaka ng
bayan?

Pangkat 3 Mapping

Hanapin at ituro sa mapa ng mga rehiyon sa


Visayas na nagpakita ng partisipasyon sa
pakikibaka ng bayan. Ano ang epekto nito sa
pakikibaka ng bayan?

Pangkat 4 Isadula mo Kwento Ko


Isadula ang partisipasyon ng mga Pilipino mula
sa Mindanao sa pakikibaka ng bayan. Ano ang
epekto nito?

2.Pagsusuri

Pag-uulat ng bawat pangkat

Itanong:
1. Ano ang naging partisipasyon ng mga taga
Rehiyon IV / Luzon sa pakikibaka ng bayan?
2.Paano ipinakita ng mga Pilipino mula sa Visayan
Region ang pakikiisa sa pakikibaka ng bayan
laban sa Espanyol?

3.Nakatulong ba ang paritisipasyon ng mga


Katutubo ng Mindanao sa pakikibaka ng bayan
laban sa kolonyalismo?
4.Bakit kaya napakaraming pag-aalsa ang
naganap noon sa iba’t ibang rehiyon laban sa
Espanyol?

3.Paghahalaw

Ano ang epekto ng partisipasyon ng iba’t ibang


rehiyon at sector sa pakikibaka ng bayan?

4.Aplikasyon

Sa inyong palagay, bakit nagkaroon ng partisipasyon


ang iba’t ibang rehiyon sa pakikibaka ng bayan? Ano ang
epekto nito sa inyo?

IV. Pagtataya

Pumili ng 3 pag-aalsa sa ibaba, at ibigay ang epekto nito sa pakikibaka ng


bayan.
1. Manila – Pag-aalsa sa Tondo.. pag-aalsa na pinamunuan ni
Samaniego
2. Morong – Pag-aalsa dahil sa pagkamkam ng mga lupaing pang-
agraryo
3. Cavite – Pag-aalsang Agraryo
4. Cavite, Laguna, Batangas - Pag-aalsang nainspira ng
matagumpay na pananakop ng Ingles sa Maynila

5.Laguna , Batangas – Pag-aalsang agraryo laban sa


pangangamkam ng lupa
6.Tayabas – Pagtanggi sa pagbibigay ng polo y servicio at
magbayad ng tribute
V. Takdang Aralin
Gumawa ng timeline na nagpapakita ng partisipasyon ng mga rehiyon sa
pakikibaka sa mga Español.
ARALIN 22: KALAKALANG GALYON AT EPEKTO NITO

Bilang ng araw: 1 araw

I. Layunin
5.1 Natatalakay ang Kalakalang Galyon at ang naging epekto
nito sa bansa

II. Paksang Aralin


Paksa: Kalakalang Galyon at Epekto Nito
Sanggunian: CG K-12 AP 5, 5.1
Pilipinas Bansang Malaya 5, pp. 80 – 81
Kayamanan 5, pp. 233-234
Kagamitan: Larawan ng galyon, graphic organizer , mapa
ng mundo
Pagpapahalaga: Kasipagan at Kaayusan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalita ng may kaugnayan sa kalakalan sa loob at
labas ng bansa.
2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng galyon

Itanong:
a. Ano ang nasa larawan?
b.Saan ginagamit ang sasakyang ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral sa 4 na pangkat. Bigyan
ng activity card at bigyan ng 5 minuto upang tapusin
ang gawain.

Pangkat 1 Pagsusuri sa teksto sa teksto


Sagutin ang mga tanong:
a. Ano ang Kalakalang Galyon?
b. Bakit ito tinawag na Kalakalang Galyon?
c. Ano ang epekto nito sa mga Pilipino?
d. Ano ang epekto nito sa bansa?
e. Sino ang higit na nakinabang dito?
Pangkat 2 Graphic organizer
Gamit ang Graphic organizer isulat ang
mabuti at di mabuting epekto ng Kalakalang
Galyon. Dagdagan ang kahon kung
kinakailangan.

-
mabuting
epekto
Kalakalang --
Galyon
di mabuting
-
epekto

Pangkat 3 Buzz Session


Sagutin ang Issue:

a. .Ano ang Kalakalang Galyon?


b. Ano ang epekto nito sa bansa? Magbigay ng
mabuti at di mabuting epekto nito?
c.Sino sino ang higit na nakinabang sa
kalakalang galyon?

Pangkat 4 Paggamit ng Larawan at mapa

a. Ano ang nasa larawan?


b. Ano anong bansa ang kabilang sa Kalakalang Galyon?
c. Ano ang epekto ng isinasaad sa larawan ng Kalakalang
Galyon sa bansa?
d. Ano ang epekto nito sa buhay ng mga Pilipino?
2.Analisis
Pag-uulat ng bawat pangkat:
Itanong;
1. Ano ang Kalakalang Galyon?
2. Ano anong bansa ang kasali sa Kalakalang
Galyon?
3. Saan nagmumula ang mga produktong dinadala
ng galyon?
4. Sino sino ang nakinabang dito?
5. Ano ano ang mabuti at di mabuting epekto ng
Kalakalang Galyon sa bansa?

3.Paghahalaw

Malaki ang naging epekto sa pamumuhay ng ating mga ninuno ng


kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ng Mehiko na nagtagal mula 1565
hanggang 1815 . ito ang tinatawag na Kalakalang Galyon o kalakalang
Maynila -Acapulco.
Nagkaroon ng palitan ng produkto sa pagitan ng Asya, Mexico at
Amerika.

4.Paglalapat

Nais mong makiisa sa Kalakalang Galyon? Paano


ka makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng
bansa?

IV. Pagtataya

Basahin ang bawat kalagayan. Piliin at isulat ang titik ng


wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel (1/4).
1. Ano ano ang mga laman ng galyon sa Kalakalang
Galyon?
A. Kagamitang pandigma
B. Mga manlalakbay na dayuhan
C. Mga sundalong Espanol
D. Mga produktong galling sa Pilipinas papuntang
Mehiko at produktong Kanluranin patungong Pilipinas
2. Ano ang iba pang tawag sa Kalakalang Galyon?
A. Español Pilipino
B. Palitan ng kalakal
C. Maynila Acapulco
D. China España
Magbigay ng 2 mabuting epekto ng Kalakalang Galyon
at 2 di mabuting epekto ng Kalakalang Galyon.

Mabuting epekto
3._______________________________________
4._______________________________________
Di mabuting epekto
5.______________________________________
6.__________________________________

V. Takdang Aralin

Sumulat ng isang talata na may 5 hanggang 7 pangungusap na


tumatalakay sa epekto ng Kalakalang Ganyon sa ating bansa.
Aralin 23: EPEKTO NG KALAKALANG GALYON

Bilang ng araw: 1 araw

I. Layunin:
5.2 Nasusuri ang epekto ng kalakalang galyon.

I. Paksang Aralin
A. Paksa: Epekto ng kalakalang Galyon
B. Sanggunian: Daloy ng Kasaysayan at Pamahalaang Pilipino I
KalakalangGalyon http. Wikipedia( K-12 )
AP5PKPQ1-5.2
Lessons.ph/studyaids/allsschools/Grade 5
C. Kagamitan: manila paper , timeline, discussion web, larawan ng
galyon, mapa ng Pilipinas/Maynila, K – W – L chart,
concept map

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa kalakalan sa ating bansa at karatig
bansa

2. Balik-aral
Panuto: Piliin sa panaklong ang wastong sagot upang
mabuo ang kaalaman.
• Ang Kalakalang Manila at Acapulco ay nagbigay daan ng
(pagpapalitan ng kulturang Kanluranin, at Silangan,
pagpapasigla ng agrikultura sa ating bansa).
• Dahil sa kalakalang galyon ay (bumagal ang takbo, umangat)
ang ekonomiya ng ating bansa.
• Ang kinikita ng galyon ay (naging tiyak na napagkukunan ng
pondo ng pamahalaan at simbahan, pansariling kita ng mga
opisyal ng pamahalaan).
• Nagkaroon ng (kakapusan, kasaganahan) sa pagkain ang
mga mamamayan dahil sa kalakalang galyon.
• Ang kalakalang namagitan sa Maynila at Acapulco ang
naging daan upang makarating sa bansa ang mga (bagong
makinarya, matitibay na kahoy) na kailangan sa ating bansa
3. Pagganyak:

Ano ang isinasaad sa mga larawan?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain:
Ipakita ang mapa ng Maynila. Ipahanap ang kinalalagyan ng
Maynila. Ituro ang daungan nito.
Magpakita ng larawan ng galyon. Magbigay ng ilang
pangungusap tungkol dito
Iugnay ang mga ito sa paksang aralin.
Gamit ang K-W-L chart. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata
na Makabuo ng kaisipan upang mapalawig ang pagtuklas sa
kahalagahan ng araling tinatalakay.
Direksyon: Sagutan ang unang hanay(Kung Ano Alam)
at ang ikalawang hanay (Kung ano ang
gustong mapag – aralan) at sasagutan ang
ikatlonghanay ( Kung ano ang natutunan)
pagkatapos pag –aralan ang aralin
matiyak ang pagkatuto.
Paksa: Epekto Ng Pakikipag kalakalang Galyon Sa Pamumuhay Ng
Mga Pilipino.

Know: Want: Learn:


Kung ano ang alam? Ano ang nais mapag- Kung Ano ang natutunan?
aralan?
Kalakalang Galyon Epekto ng
kalakalangGalyon.
DI – MABUTI

Pangkat 1 Gamit ang mapa ng


Plipinas
Tukuyin at kulayan ng asul ang mga
lugar ng
pakikipagkalakalan.
Pangkat 2 Sigaw ng Damdamin Board.
Sumulat sa sigaw ng Damdamin Board at
magpahayag ng iyong pananaw sa mga naging epekto ng
kalakalang galyon sa panahon ng Espanyol hanggang sa
kasalukuyan. Maging maingat sa pagsulat at
pagpapahayag.
Pangkat 3: Gamit ang timeline
Hayaang bumuo ang mga bata ng mga
makasaysayang pangyayari sa panahon ng kalakalang
galyon
Pangkat 4: Iguhit natin
Magkaroon ng likhang sining na nagpapakita ng
mabuti at di mabuting epekto ng kalakalang galyon.

Bigyan ng sapat napanahon ang mga bata na maihanda


ang kanilang pangkatang Gawain at pag--uulat.

2. Pagsusuri:
Ano ano ang mga epekto ng kalakalang galyon?

3. Paghahalaw

Ang kalakalang galyon o kalakalang Maynila – Acapulco sa


pagitan sa Pilipinas, Espanya at Mexico ay nagdulot ng mabuti at di-
mabuting epekto sa pamumuhay ng Pilipino. Isa na rito ay nakilala ang
Pilipinas sa kalakalang pandaigdig at nagbigay daan sa mga dayuhan
na namuhunan sa bansa.

4. Paglalapat

Pagtatalakay sa isyu, Gamitin ang discussion web.

MABUTI
ISYU

Mabuti ba o di-mabuti ang kalakalang galyon sa pangangalakal ng mga


Pilipino.

Pagpupuno sa K-W-L chart ng natutunan at inaasahang gagawin.


IV. Pagtataya
Isulat ang M sa patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay mabuting
epekto at DM kung hindi mabuting epekto.
_______1. Umunlad ang Maynila dahil naging sentro ito ng
kalakalan.
_______2. Kontrolado ng Tsina ang retail trade o tingi.
_______3. Nadagdagan ang kita ng pamahalaan na ipinantustos
sa pagapapanatili ng Katolisismo sa bansa at
pamamahala ng Pamahalaang Espanyol.
_______4. Maraming Pilipino ang ginawa nilang alipin upang
gumawa ng barko.
_______5. Nakilala ang Pilipino sa kalakalang pandaigdig na
nagbigay daan sa mga dayuhan na namuhunan sa
bansa.
_______6. Hindi napaunlad ang agrikultura at industriya.
_______7. Naibahagi sa ating kultura ang kulturang Mexican. Isa na
rito ang Birhen Antipolo na nagsisilbing patron ng
manlalayag at Black Nazarene.
_______8. Ang pagbabago ay nakatuon sa kalunsuran at tuluyang
napabayaan ang kanayunan at lalawigan.
_______9. Nakilala ang mga Pilipino sa pagiging mahusay at
malikhain sa paggawa ng barko at magagandang
produkto.
______10. Tanging ang mga matataas na pinuno ng pamahalaan
at ilang kastila ang siyang nakipagkalakalan at
yumaman sa kalakalang ito.

v. Takdang Gawain
Sumulat ng isang sanaysay o essay naipinakikita ang mabuting epekto ng
kalakalang galyon sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino.
Aralin 24: Epekto ng Naunang Pag-aalsa laban sa
Kolonyalismong Espanyol

Bilang ng araw: 1 araw

I. Layunin:
Naibibigay ang mga epekto ng naunang pag-aalsa laban sa
Kolonyalismong Espanyol.

II. PaksangAralin:
A. Paksa: Epekto ng naunang Pag-aalsa Laban sa
Kolonyalismong Espanyol
B. Sanggunian: AP5PKP-IV.A6.6.2
C. Kagamitan: larawan at tsart , video clip presentation, dlp
D. Pagpapahalaga: Pagiging makabansa

III. Pamamaraan:
. A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Ano ang karaniwang hinaing ng mga mamamayan sa
gobyerno?
Ano ang kanilang pinoprotesta?
2. Balik-aral
Magbigay ng konsepto o mga kaalamang natutunan sa nakaraang mga
aralin.
Hagis Bola-Salo! Gumamit ng bola.Ihagis ang bola sa unang batang
sasagot. pagkatapos siya naman ang maghahagis nito at ang batang
makakasalo ang siya namang susunod na sasagot.
3. Pagganyak
Ipaawit Bayan Ko
Itanong sa mga mag-aaral kung gaano kahalaga sa kanila ang
kalayaang tinatamasa ng Pilipinas sa kasalukuyan.

B. Panlinang na gawain
1. Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga bata sa apat.

Pangkat I: Gamit ang mapa ng Pilipinas

Magbigay ng 10 bayan na nanguna sa pag-


aalsa laban sa mga Espanyol ibigay ang dahlia ng
pag-aalsa at epekto nito

Pangkat II: Lumikha ng isang tula tungkol sa naganap na


pag-aalsa at ang epekto nito sa
kolonyalismong Espanyol.

Pangkat III: Magtala ng limang (5) Bunga ng pag-


aalsa ng mga Pilipino At limang (5) dahilan
ng pagkabigo ng pag-aalsa.
Pangkat IV: Magdula-dulaan sa mahalagang
pangyayari ng pag-aalsa ng mga Pilipino
laban sa mga Espanyol at epekto nito

2. Pagsusuri
• Itanong sa mga bata kung ano ang masasabi nila sa pamahalaang
Espanyol?
* Pag-usapan ang mga naunang pag-aalsa ng mga Pilipino
noong 18 daantaon hanggang 1815.
- bunga ng pag-aalsa
- dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa
• Iugnay ito sa paksang –aralin
• Ipabuo ang suliranin
-Anu-ano ang mga epekto ng naunang mga pag-aalsa laban
sa mga Espanyol?

Mga Epekto ng unang pag-aalsa


laban sa kolonyalismong Espanyol

Mabuti Di-Mabuti

3. Paghahalaw:

May mabuti at di –mabuting epekto ang mga naunang pag-aalsa


ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol bagamat nabigo
man sila sa pakikipaglaban ito naman ang naging daan sa pagsibol ng
kamalayan ng mga Pilipino upang umusbong ang diwang nasyonalismo
sa mga Pilipino.

4. Paglalapat:
Bilang isang mag-aaral, ano ang epekto sa inyo ng ginawang pag-
aalsa ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol?
IV. Pagtataya
Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang / kung epekto ng mga pag-aalsa ang
isinasaad ng pangungusap at X kung hindi.

1. Naging dahilan ang pag-aalsa upang makamit ang pagkakaroon ng


Kalayaan ng bansa.
2. Hindi lahat ng Pilipino ay sumang-ayon sa pananakop at pamamahala ng mga
Espanyol.
3. Nagkaroon ng mahigit 50 pag-aalsa laban sa mga Espanyol.
4. Ang kahulugan ng pag-aalsa ng mga Pilipino ay upang mapasama sa mga
mamumuno sa kolonya.
5. Isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ay pagkakaroon ng pantay na
pagtingin sa mga Espanyol.

V. TakdangAralin:
Sa sariling pangungusap, paano mapapahalagahan ang mga ginawang pag-
aalsa ng mga bayaning Pilipino upang makamit ang kalayaan.
Aralin 25: PAGPAPAHALAGA SA MGA NAUNANG PAG-AALSA
LABAN SA KOLONYALISMONG ESPANYOL

Bilang ng araw: 1 araw

I. Layunin:
7.1 Napahahalagahan ang naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong
Espanyol

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagpapahalaga sa mga Naunang Pag-aalsa Laban sa
Kolonyalismong Espanyol
B. Sanggunian: AP5PKP Q1. 7.1
Pilipinas Bansang Malaya 5, pp. 90-95
Yaman ng Lahing Pilipino dh. 236-239
Daloy dh. 86-89
Kagamitan: Larawan, Chart, , Activity cards
C. Pagpapahalaga: Pagkamakabayan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Tungkol sa mga pangunahing balita sa bansa na may kaugnayan sa
ilang mga grupong nagrarally.
Anong grupo ang nagra-rally? Bakit sila nagra-rally?
2. Balik-aral
Ano ang pag-aalsa?
Ano ang epekto ng naunang pag-aalsa sa mga Pilipino?
Panuto: Basahin at isulat sa patlang ang ME kung anong
isinasaad ng pangungusap ay mabuting epekto
at DE kung hindi naging mabuting epekto.
___ 1.Umunlad ang Maynila dahil ito ay naging sentro
ng kalakalan.
____2. Kontralado ng Tsina ang Retail Trade o tingi.
____3. Naragdagan ang kita ng pamahalaan sa
ipinangtubos sa Katolismo ng bansa
4. Ang mga Pilipino ay ginawa nilang alipin upang
gumawa ng ilang kapitang pandagat.
5. Nakikilala ay mga Pilipino sa larangan ng
Pandaigdigang kalakalan.
3. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan o kasangkapang ginamit ng sinaunang mga
Pilipino sa pakikipaglaban sa mga kolonyalismong Espanyol.

Itak Bolo Sibat Kawayan

Anu-ano ang mga ito?


Saan ginagamit ang mga kagamitang ito?
Mahalaga ba ito sa mga naunang ninunong Pilipino? Bakit?
B. Panlinang na Gawain

1. Gawain
A. Pagpapakita ng video clip na may kinalaman sa mga
naunang pag-aaklas ng mga Pilipino.
B. Maglalahad ang storyador ng kahalagahan tungkol sa
naunang pag-aalsa, at mga mahahalagang naganap.
Gamit ang activity card:
Batay sa Video Clips/Istoryador na inyong natunghayan. Bawat
pangkat ay magbibigay ng ilang mahahalagang kadahilanan ng pag-
aalsa ng mga Pilipino.

2. Pagsusuri
Itanong:
a. Paano ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang dampadamin sa
pamamahala ng mga Espanyol?
b. Bakit ibig nilang maibalik ang kalayaang para sa mga Pilipino?
c. Anu-ano ang naunang pagpapahirap ng mga Espanyol?
d. Sino sino ang mga Pilipino na nakipaglaban upang maibalik ang
kalayaan na nawala sa kanila?

3.Paghahalaw

Paano pinahalagahan ng mga Pilipino ang naunang pag-aalsa


laban sa kolonyalismong Espanyol?

4.Aplikasyon

Hatiin ang mag-aaral at ipagawa ang nakasaad sa action


cards.

Pangkat I Sigaw ng Damdamin

Isulat o ipahayag ang damdamin bilang pagpapahalaga sa


naunang pag-aalsa ng naunang Pilipino para sa kalayaan laban
sa kolonyalismo ng Espanyol.

Pangkat II Dula-dulaan

Ang pangkat ay magpapakita ng mga pangyayaring


ginawa ng mga Pilipino at pag-aalsa laban sa Espanyol.

Pangkat III Iguhit Mo

Iguhit ang naging kinahinatnan ng pag-aalsa ng mga


Pilipino.

Pangkat 4 Song Interpretation

Bayan Ko
IV. Pagtataya

Basahin ang bawat pangungusap. Iguhit ang masayang mukha  kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa unang pag-aalsa laban sa
kolonyalismong Espanyol, at malungkot na mukha  kung hindi.
1. Pagmamahal sa bayan na dahilan sa paglaban para sa kalayaan.
2. Pakikipagsabwatan sa mga Espanyol.
3. Pakikipagkaisa sa mga Pilipino.
4. Naging bukas ang isipan ng bawat Pilipino sa iba’t ibang larangan bilang
pagpapahalaga para sa pagkakamit ng kalayaan.
5. Ang pagpapahalaga sa Relihiyong kinabibilangan.

V. Takdang Aralin
Sagutan:
• Kung ikaw ay isa sa mga naunang Pilipino, paano mo
mapapahalagahan ang pag-aalsa laban sa Espanyol?
Aralin 26: PAGBIBIGAY KATUWIRAN SA MGA NAGING EPEKTO NG
MGA UNANG PAG-AALSA NG MGA MAKABAYANG
PILIPINO SA PAGKAKAMIT NG KALAYAAN SA
TINATAMASA NG MGA MAMAMAYAN SA
KASALUKUYANG PANAHON

Bilang ng Araw: 1 araw

I. Layunin:
7.2 Nakapagbibigay katuwiran sa mga naging epekto ng mga
unang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa pagkakamit
ng kalayaan sa tinatamasa ng mga mamamayan sa
kasalukuyang panahon.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagbibigay katuwiran sa mga naging epekto ng
mga Unang pag-aalsa ng mga makabayang
Pilipino sa pagkakamit ng kalayaan sa
tinatamasa ng mga mamamayan sa
kasalukuyang panahon.
B. Sanggunian: AP5PKP IV. 7.2
Yaman ng Lahing Pilipino 5 dh 238-241
C. Kagamitan: Tsart, Manila Paper, Activity Cards, kwaderno,
Aklat, Larawan
D. Pagpapahalaga: Pagkamakabayan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalita ng tungkol sa kasalukuyang pangyayari sa bansa.

2. Balik-aral
Ano ang Pag-aalsa? Ano ang kahalagahan sa mga
unang Pilipino ang pag-aalsa na kanilang ginagawa?
Bakit?

3. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng mga Pilipinong nag-alsa.
Anu-ano ang mahahalagang ipinaglaban ng mga Pilipino?
Tama ba ang kanilang ginawa? Bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
A. Pagpapakita ang video clip kaugnay sa
pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa Espanyol.
Isaisahing ilarawan ito.
B.Maglalahad ang storyador ng kahalagahan tungkol
sa naunang pag-aalsa, at mga mahahalagang
naganap.
2. Pagsusuri
• Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa mga
naunang pag-aalsa?
• Nagising ba ang isipan nila sa pagpapahirap ng mga
Kolonyalismong Espanyol?
• Tama ba ang ginawa nila?
• Bakit?
• Ano ang naging epekto sa mga Pilipino noon? At ngayon?
• Bakit? Paano mo nasabing makabuluhan ito para sa mga
Pilipino?

3.Paglalahat

Anu-ano ang epekto ng unang pag-aalsa sa mga


Pilipino sa pagkamit ng kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino sa
kasalukuyang panahon? Paano at Bakit?

4. Aplikasyon/Paglalapat

Pangkatang Gawain (Debate)


Magpapakita ang iba’t ibang pangkat ng magkakaibang
pangangatuwiran sa naging epekto ng naunang pag-aalsa ng
mga Pilipino na makamit ang kalayaang tinatamasa ng mga
mamamayang Pilipino sa kasalukuyang panahon
- Naging mahalaga ba ang pag-aalsa ng mga sinaunang
Pilipino sa tinatamasang kalayaan ng mga Pilipino lalo na
sa kasalukuyang panahon? Bakit?

IV. Pagtataya

Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang titik M kung naging
makabuluhan sa mga Pilipino ang pag-aalsa at HM kung hindi ito niyang
makabuluhan kaugnay sa tinamasang kalayaan ng mga Pilipino.

1. Nagbalik ang relihiyong kanilang kinagisnan at naging maka Diyos ang


maraming Pilipino.
2. Nagbigay ng malayang kaisipan o pananaw kaugnay sa iba’t ibang larangan.
3. Naging mabagal ang kalakalan ng Pilipinas sa iba’t ibang lugar o bansa.
4. Nagkaroon ng maayos at nakatwirang pamahalaan sa di-makaranasan sa
panahon o pananakop ng Espanya.
5. ang mga Pilipino ay nagkaroon ng kalayaan upang makapamuhay ng ayon sa
batas na pinairal ng kababayang namamahala.
V. Takdang Aralin
Sagutan:
Ano ang naging epekto sa inyo/pamilya ng naunang pag-aalsa ng mga
makabayang Pilipino? Bakit? Paano? (Magpatulong sa mga nakakatandang
kasapi ng pamilya at palagdaan sa magulang)

Naging Epekto ng
naunang pag-aalsa
ng mga makabayang
Pilipino sa inyong
pamilya.
Aralin 27: KAHALAGAHAN NG PAGGANAP NG SARILING TUNGKULIN
SA PAGSULONG NG KAMALAYANG PAMBANSA TUNGO SA
PAGKABUO NG PILIPINAS BILANG NASYON

Bilang ng araw : 1 araw

I. Layunin:
Nakapagbibigay ng saloobin sa kahalagahan ng pagganap ng sariling tungkulin
sa pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang
isang nasyon.

II. PaksangAralin:
A. Paksa: Pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong ng
kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng
Pilipinas bilang isang nasyon
- Paglitaw ng Ilustrado
- Paglaganap ng Kaisipang Liberal
- Pagkakatatag ng Kilusang Sekularisasyon
B. Sanggunian: AP5PKP-IV-8,
Lahing Kayumanggi 5 p. 145-147;
Makabayan Kasaysayang Pilipino p. 106-107,
Pilipinas Isang sulyap at Pagyakap I, pp. 123-124
C. Kagamitan: Show me board, cartolina strips
D. Pagpapahalaga: Pagkamakabansa

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan

Mga pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa


paksa.

2. Balik-aral

Ano-ano ang kahalagahan ng naganap na pakikipaglaban


ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol?

3. Pagganyak

Bakit lumitaw ang mga ilustrado?

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain
Pangkatin ang mga bata sa apat. Bigyan ng task
card ang bawat pangkat. Sundin ang mga sumusunod
na pamamaraang nakasulat sa task card.
Pangkat I
Mga Gawaing Dapat Sundin:
1. Kunin ng lider ang task card sa guro.
2. Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa strips ng
kartolina at lumikha ng magandang disenyo buhat sa mga
gamit na ito
3. Iulat sa klase ang sagot ng pangkat.
• Sinu-sino ang tatlong paring martir?
• Anong tawag sa samahan na pinangunahan ng mga
nakapag-aral na mga Pilipino na sa pamamagitan ng
kanilang mga obra ay nagdala ng pangamba sa mga
Kastila.

Pangkat II (Role Playing)

Mga Paghahandang Dapat Gawin sa Loob ng Limang


Minuto.
1. Maghanda para sa isang role playing.
2. Ipakita sa klase ang pag kakaiba ng
dalawang uri ng paring Katoliko noon: ang
paring regular at ang paring secular.
• Ipakita na ang paring regular ay yaong mga kabilang
sa isang grupo o orden ng mga relihiyoso at kilala
bilang mga misyonerong unit hindi naman sila
nagbibigay ng pantay na pagtingin sa mga Paring
Pilipino.
• Ipakita na ang paring secular ay hindi nagkaroon ng
pagkakataon na namahala sa parokya dahil na rin sa
malaking perang

Pangkat III (Family Portrait)


Mga Paghahanda ng Dapat Gawin sa Loob ng
Limang Minuto.
1. Hatiin sa dalawang grupo ang pangkat.
Magkunwaring Family Portrait.
• Ang unang grupo ay magpapakita ng tatlong paring
martir.
• Ang ikalawang grupo ay magpapakita ng tatlong
paring martir na piñatay sa pamamagitan ng garote.
2. Maaring gumamit ng mga props na makikita sa
loob ng silid-aralan.
3. Tiyakin ng lider na lahat ng kasaping pangkat ay
may papel na gagampanan sa isasagawang role
playing natatagal lamang ng isang minuto.

Pangkat IV Role Playing

Paglitaw ng pangkat ng Ilustrado at paglaganap ng


Kaisipang LiberaL
2. Pagsusuri

a. Paano ang positibong pamamaraan na ginamit ng mga


ilustrado ukol sa pamamalakad ng pamahalaang kolonyal?
b. Paano ginampanan ng tatlong paring martir ang kanilang
papel upang maisulong ang damdaming makabansa ng mga
Pilipino?
c. Ano ang naging papel ng paglaganap ng kaisipang liberal sa
pag-usbong ng damdaming makabansa ng mga Pilipino?

3.Paghahalaw:

May mga pangyayaring ginampanan ang mga Pilipino noon na


naging daan ng pag-usbong ng damdaming makabansa ng mga
Pilipino tulad ng pagbuo ng pangkat ng mga ilustrado.

4.Paglalapat:

Bilang isang Pilipino, ano ang inyong saloobin


at pagpapahalaga sa pagganap ng tungkulin ng mga Pilipino
upang maisulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo
ng Pilipinas bilang isang nasyon.

IV. Pagtataya
Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung ang isinasaad sa bawat
pangungusap ay nagsusulong ng kamalayang makabansa sa pagbuo ng isang
nasyon at M kung hindi.

1. Hiniling ng mga Ilustrado ang mga pagbabago sa pamahalaan ng mga Espanyol.


2. Nakiisa ang mga paring secular sa mga adhikain ng paring regular.
3. Nagkaroon ng ideya ang mga Pilipino sa liberalisayon.
4. Naipagtanggol ang mga karapatan ng bawat Pilipino.
5. Ipinaglaban ng mga Pilipino na mapanatili ang kapangyarihan ng mga Espanyol sa
bansa.

V. TakdangAralin:
Sumulat ng maikling katha tungkol sa mga Ilustrado at ang kanilang nagawa
tungo sa pagbuo ng diwang makabansa.
Aralin 28: PAGGANAP NG SARILING TUNGKULIN SA PAGSULONG
NG KAMALAYANG PAMBANSA TUNGO SA PAGKABUO
NG PILIPINAS BILANG ISANG NASYON

Bilang ng araw : 1 araw

I. Layunin:
8.3 Napapahalagahan ang pagganap ng sariling tungkulin sa
pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng
Pilipinas bilang isang nasyon.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Pagpapahalaga sa Pagganap ng sariling
Tungkulin sa Pagsulong ng Kamalayang
Pambansa Tungo sa Pagkabuo ng Pilipinas Bilang
Isang Nasyon
Mga Salik sa PAgsilang ng nasyonalismong Pilipino
B. Sanggunian CG.p56, AP5PKB IVj-8.3,
Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap, pp. 122-124,
C. Kagamitan Powerpoint presentation, mga larawan,tarpapel
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga at pagmamalaki sa
pagpupunyagi ng mga bayaning Pilipino.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Kasalukuyang pangyayari sa bansa
2. Balik-aral
Papaisa isa ng guro sa mga mag-aaral ang ginawa ng mga ilustrado
upang magkaroon ng kalayaan ang Pilipinas sa kamay ng Kastila.
Habang may bolang umiikot at umaawit ang mga bata ng
“Bayan Ko”..
3. Pagganyak
Ipakita ang mga larawan nagpapakita ng mga tungkulin ng mga
Pilipino sa isang Powerpoint Presentation.
Pagkapanood itatanong ng guro ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga nakita ninyo sa larawan?
2. Sa inyong palagay tungkol saan ang mga larawang ito?

B. Paglinang na Gawain
1. Gawain 1 “Powerpoint Presentation”

a. Papel na ginampanan ng mga Ilustrado, Paring secular, at mga


Pilipinong may kaisipang liberal
2. Pagsusuri
Magkaroon ng talakayan gamit ang sumusunod na mga tanong:
• Ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
• Ano ang mga naibahagi ng mga Illustrado upang magkaroon
ng kamalayang pambansa ?
• Bilang isang alagad ng Diyos, paano naipadama ng tatlong
paring martir pagpapahalaga sa bayan?

3. Paghahalaw
Gagabayan ng guro ang mag-aaral sa pagbuo ng konseptong
natutunan.

Malaki ang bahaging ginampanan ng mga illustrador


paring martir ,upang mapukaw ang kamalayang
pambansa ng mga Pilipino.

Nararapat lamang na ating ipakita ang ating mga


tungkuling pagkamakabayan sa isip, salita at sa gawa.

4. Paglalapat
Pangkatang Gawain

Pangkat 1: Dula-dulaan
Magsadula ng sitwasyon na nagpapakita kung
paano napukaw ng mga illustrador ang kamalayang
pambansa ng mga Pilipino.

Pangkat 2: Gamit ang mga larawan ayon sa palagay ninyo


aling larawan ang nagpapakita ng tungkulin bilang MAG-AARAL
at bilang MAMAMAYAN.
MGA TUNGKULIN NG MAG- MGA TUNGKULIN BILANG
AARAL MAMAMAYAN

Gumuhit ng Larawan
Gumuhit ng larawan na nagpapakita nang
pagganap ng mga tungkulin ng mga Pilipino.

Pangkat 3: Sumulat
Sumulat ng talata na nagsasaad ng pagpapahalaga
sa pagganap ng tungkulin sa pagsulong ng kamalayang
pambansa ng mga Pilipino.

IV. Pagtataya:

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit.


Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na pangungusap, Isulat ang tama
kung ito ay nagpapahayag ng tungkulin at mali kung hindi.
_______1. Ipinagtanggol ng mga Ilustrado ang karapatan ng bawat
Pilipino upang maging Malaya..
_______2. Ang mga illustrador ay nakatulong upang mapukaw
ng ating kamalayang pambansa.
_______3. Ang pagsunod sa tungkulin bilang pari at pagbitay sa
tatlong pari ay gumising sa kamalayang nasyonalismo ng
mga Pilipino.
_______4. Ang pagtangkilik ng mga produktong hindi yari sa atin
ay nagpapahayag ng tungkuling pagkamakabayan.
_______5.Ang paggalang kulturang pilipino at mga katutubong
mamamayan ay ilan lamang sa mga tungkulin na
nagsasaad ng pagiging makabayan.

V. Takdana Aralin
Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga tungkulin ng mag-aaral.

You might also like