You are on page 1of 12

ARALING PANLIPUNAN 4

Third Quarter
ANG ANTAS NG PAMAHALAAN
Learning Packet 5
• Pinag-aaralan sa mga nagdaang aralin ang kahulugan
at mga sangay ng pamahalaan.
• Bukod sa pagkakahati ng pamahalaan sa mga sangay,
maaari din itong hatiin ayon sa lawak ng sakop.
• Mas maipaliliwanag at mabibigyang katwiran sa
araling ito ang mga dahilan sa aksiyon na ginagawa
ng mga namumuno.
• Sapagkat tatalakayin ang mga gampanin at antas ng
pamahalaan upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan sa mas
madaling panahon.
ANG BUMUBUO SA LOKAL NA
PAMAHALAAN

•Panlalawigan
•Pambayan o Panglungsod
•Pambaranggay
PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
• Ang pamahalaang panlalawigan ay uri ng lokal na
pamahalaan na pinamumunuan ng mga inihalal na
gobernador, bise gobernador, at sangguniang
panlalawigan.
• Ilang opisyal din ang itinatalaga ng gobernador batay sa
itinatadhana ng serbisyo sibil upang maging katuwang
niya sa pamamalakad ng lalawigan.
• Ang gobernador ang punong tagapagpaganap sa
lalawigan at ang bise-gobernador at ang sangguniang
panlalawigan ang tagapagbatas.
PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
Itinatadhana ng Saligang Batas na ang mga sumusunod ang
kuwalipikasyon ng mga nagnanais manungkulan sa
pamahalaang panlalawigan.
1. Lehitimong mamamayan ng Pilipinas
2. Rehistradong botante ng lalawigan o distrito kung saan siya
kumakandidato
3. Bago sumapit ang araw ng eleksiyon ay dapat nakatira nang
higit sa isang taon sa lalawigan o distrito kung saan nais niyang
kumandidato
4. Nakababasa at nakasusulat ng wikang Filipino at iba pang
wika sa Pilipinas
5. 23 taong gulang na sa araw ng halalan
PAMAHALAANG PAMBAYAN O PANGLUNGSOD

• Ang pamahalaang pambayan o panglungsod ay


uri ng lokal na pamahalaan na nasa ilalim naman
ng pamumuno ng alkalde o meyor na
tumatayong punong tagapagpaganap ng bayan o
lungsod.
• Katuwang ng alcalde o mayor ang nahalal na
bise-alcalde , halal na mga konsehal, at mga
empleyado na hinirang ng alkalde
PAMAHALAANG PAMBARANGGAY
• Ang pamahalaang pambarangay ay ang pinakamaliit
na yunit ng lokal na pamahalaan na
pinangangasiwaan ng punong barangay o kapitan ng
barangay bilang punong tagapagpaganap at
tagapagbatas.
• Sa tulong ng sangguniang pambarangay, na binubuo
ng mga kagawad, Sangguniang Kabataan Chairman,
Kalihim ng Baranggay, Ingat-Yaman ng Baranggay, at
Lupon ng Tagapamayapa, ang pamayamanan ay
napapamahalaan.

You might also like