You are on page 1of 22

ANG

KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO SA
TIMOG ASYA
ARALING PANLIPUNAN 7
KOLONIYALISMO
• tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang
matugunan ang layuning pang-komersiyal at
panrelihiyon sa isang bansa.

IMPERYALISMO
• Ito ay pananakop ng lupain upang magtayo ng isang
imperyo, pagpapalawak ng lupaing saklaw sa
pamamagitan ng pananakop ng mga karatig-lupain
o rehiyon.
• Noong mga panahong ito, ipinag-utos ng
mga makapangyarihang bansang
Kanluranin ang panggalugad sa karagatan
upang tumuklas ng mga lupaing
magsisilbing daungan o sentrong
pangkalakalan upang tuluyang
maipalaganap ang kanilang pananalig at
paniniwala.
• Sa mga Kanluraning ito, ang mga Portuges
ang unang dumating sa India noong 1498.
• Si Vasco de Gama ang kauna-unahang
Europeo na nakarating sa India sa
pamamagitan ng paglalakbay sa dagat.
PANGKATANG GAWAIN
Ipaliwanag ang mga sumusunod:
• PANGKAT 1: Ang British East India Company
• PANGKAT 2: Labanan sa Plassey
• PANGKAT 3: Ang Rebelyong Sepoy
• PANGKAT 4: Ang Britanikong Raj
Imperyong British ang kinilalang pinakamalaking imperyong
naitatag sa kasaysayan ng daigdig. Tulad ng mga Olandes, ang
British ay nagtalaga rin ng kompanya na siyang namahala sa
pagatatag ng mga himpilang pangkalakalan sa Asya sa
pamamagitan ng British East Indies Company.
• Ang interes ng mga Kanluranin sa India ay
nagsimula noong taong 1600,nang magtatag
ang British East India Company ng mga
himpilang pangkalakalan sa Madras, Bombay, at
Calcutta.
• Noong mga panahong ito, ang mga Pranses ay
nakapagtayo na rin nga sarili nilang kompanya
sa katimugan ng India. Naging maayos ang
pagsisimula ng relasyon sa pagitan ng mga
Ingles at emperador ng Mughal.
Clive meeting with Mir Jafar after the Battle of Plassey,
oil on canvas (Francis Hayman, c. 1762)
LABANAN SA PLASSEY
• Noong Hunyo 23,1757,naganap ang mga di
pagkakasunduan ng mga Pranses (kasama ang
mhga Mughal) at Ingles sa Plassey. Ang
kaganapang ito ay pinagwagian ng mga British sa
ilalim ng pamumuno ni Robert Clive,ang kilalang
pinakamagaling na mananakop ng daigdig.
• Ang pangyayaring ito ang nagpasimula ng paglipat
ng pamamahala ng India sa kamay ng mga Ingles.
GEORGE III ALAMGIR II
REBELYONG SEPOY
• Ang mga Sepoy ay mga
sundalong Indian na sinanay ng
mg Kanluranin sa
pakikipaglaban. Ito ang nagbigay
daan sa pamamayani ng mga
Pranses sa Timog India. Upang
matumbasan ang kapangyarihan
ng mga Pranses sinanay din ng
mga Ingles/British ang kanilang
sariling Sepoy.
REBELYONG SEPOY
• Noong 1857, lumaganap ang isang balita sa kampo
ng mga Sepoy na ang kartutso ng kanilang gamit na
riple ay sinelyuhan ng taba ng baka at baboy. Upang
magamit ang mga ripleng ito, Kinailangang kagatin
nga mga Sepoy ang selyo.
• Ang bagay na ito ay kapwa ikinagalit nga mga Sepoy
na Hindu, na itinuturing sa sagrado ang baka, at ng
mga Sepoy na Muslim, na hindi naman kumakain ng
baboy.
• Ang rebelyon ng mga Sepoy ang itinuturig na kuna-
unahang digmaang pangkasarinlan ng mga Indian. Sa
pagkakataong ito, maraming lider na Indian ang
nakiisa sa kilusan.
ANG BRITANIKONG RAJ
• Dahil sa naganap na pag-aalsa ng mga Sepoy,ang india ay
tuwiran nang pinamahalaan ng Britanya sa pamamagitan ng
batas na Act for the Better Government of India noong
Agosto 1858.
• Sa batas na ito,nagwakas ang kapangyarihan ng British East
India Company sa India ang pamamahala nito ay inilipat sa
British Raj,
• Ang India ay hinati-hati sa 11 lalawigan at 250 na distrito na
pinamumunuan ng ilang Ingles. Ang bansa ay pinamahalaan
ng isang viceroy na nagpapatupad ng mga alituntunin ng
mga Britanya.
Queen-Empress VICTORIA
MGA PAMPROSESONG TANONG
• Bakit sinimulang ng mga Kaunlaranin ang
pagsakop sa mga lupain na kanilang
natuklasan?
• Sa inyong palagay, ano ang
pinakamahalagang layunin ng Britanya sa
pagsakop sa India?
Takdang Aralin
Isa-isahin ang mga naging epekto ng
pananakop at pamamahala ng Britanya sa
India sa larangan ng:
• Kabuhayan
• Teknolohiya
• Lipunan
• Kultura at Paniniwala
KATANUNGAN?

MARAMING SALAMAT!

You might also like