Professional Documents
Culture Documents
AT IMPERYALISMO SA
TIMOG AT
KANLURANG ASYA
MGA DAHILAN AT PARAAN NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
NG MGA KANLURANIN SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
Ang pangyayaring naganap ay nagbunsod ng pag-aalsa na nagsimula nang atakihin ni Mangal Pandey,isang
Sepoy,ang isang sundaong ingles. Bunga nito,inutusan ng isang heneral ang isa pang Sepoy na huluhin si Pandey,
ngunkt ito ay tumanggi. Bunsod nito, ang dalawang sundalo ay hinuli at pinapatay, at ang iba naming kasamahan
naman nila ay ipinakulong. Noong ika-0 ng Mayo 1857,ang iba pang hukbong Indian na Sepoy ay tumiwalag sa
hukbong sandatahan ng mga Ingles. Pinakawalan ngmga ito ang mga nakakulong na kasamahan at simulanang
isang rebelyon sa Delhi Fort sa pamumuno ni Bahadur Shah II,isang emperador sa Mughal.
Ang rebelyon ng mga Sepoy ang itinuturig na kuna-unahang digmaang pangkasarinlan nga mga Indian. Sa
pagkakataong ito, maraming lider na Indian ang nakiisa sa kilusan. Bukod sa pakikipaglaban,tulong-tulong nilang
sinikap na gumawa ng mga paraan upang gisingin ang kamalayan ng mga Indian tungkol sa kanilang mga
karapatan at pagpapalaganap ng mga mensahe na makatutulong upang mawakasan ang kapangyarihan ng mga
Ingles sa bansa. Ang konseptong Hind Swarat na nangangahulugang”kasarinlan’’ ang naging paniniwala ng mga
kilusang Indian.
TUWIRANG PAMAMAHALA NG BRITANYA SA INDIA
Dahil sa naganap na pag-aalsa ng mga Sepoy,ang india ay tuwiran nang pinamahalaan ng
Britanya sa pamamagitan ng batas na Act for the Better Government of india noong Agosto
1858.Sa batas na ito,nagwakas ang kapangyarihan ng British East India Company sa India
ang pamamahala nito ay inilipat sa British Raj,ang India ay hinati-hati sa 11 lalawigan at 250
na distrito na pinamumunuan ng ilang Ingles.Ang bansa ay pinamahalaan ng isang viceroy
na nagpapatupad ng mga alituntunin ng mga Britanya.
“Divide and Rule” ang paraang ginamit ng mga Ingles sa pamamahala sa India.Ang mga
maharajah na naging matapat sa pamahalaan ng Britanya aybinigyan nila ng
pabuya,pinangakuan ng kalayaan,at pinanatili ang kasunduang pagkakaibigan na
namagitan sa kanila ata ng dating gobernador heneral ng Ingles.Pininsala naman nila ang
ibang hindi naging maayos ang pakikitungo sa dayuhang pamahalaan.Binigyan ng mga
British ng pantay na pagtrato ang mga Hindu at Muslim,ngunit hindi naman sila gumawa
ng kaparaanan upang mapigilan ang pagkamuhi ng bawat pangkat sa bawat isa’t isa.
EPEKTO NG PAMAHALAANG
INGLES
SA KABUHAYAN NG MGA INDIAN
Sa simula,ang India ay pinakaiingatan ng mga Ingles bunga ng likas na potensiyal nito.Nang
maganap ang Rebolusyong Industriyal sa Britanya, ang bansa ay nagmistulang pamilihang
pandaigdig at ang India ang nagsilbing ayagatustos ng hilaw na materyales na kailangan ng
bansang Kanluranin.Ang Rebolusyong Industriyal ay tumutukoy sa transpormasyon mula sa
agricultural patungong industriyal ng bansa.Nagsimula noong mga huling taon ng ika-18
siglo.Ang Rebolusyong Industriyal ay nagsimula sa Britanya at madaling lumaganap sa buong
daigdig.
Sa pamamahala ng mga Igles napanatili nila ang pangkabuhayan sa bansa.Ang pagpigila sa
mga industriyang Indian at pagpalaganap ng mga pinagkakakitaang produkto(cash crops) na
kailangan ng mga Ingles ay nakapigil sa pagunlad ng India.Nawalan na ng panahon ang
mganIndian na makapag-tanim ng mga produktong tutustos sa kanilang
pangangailangan,naging sanhi ito ng malawakang kagutuman sa rehiyon.Gayundin ang India
na dati-rating nagluluwas ng hunabing tela sa maraming rehiyon sa Asya at Adrica ay naging
taga-luwas na alamang ng hilaw na materyales na at siya ring tag-angat ng mga produktong
gawa sa materyales na ito.
Upang higit na masiguro ang malaking kita para sa Britanya at mga opisyal nito sa
rehiyon,sinimulan din ni Cornwalls,ang gobernador heneral ng Britanya sa India,ang pirmihang
pananahanan o permanent settlement at pagbubuwis sa mga lupaing sakahan sa Bengal at
Bihar noong 1793.Sa sistemang ito,nagmamay-ari ng lupain o Zamindar ay kinakailangang
magdeposito ng itinakdang buwis ng pamahalaan kapalit ng pagtatalaga sa kanila bilang
nagmamay-ari ng mga lupaing kanilang nasasakupan.Upang matugunan ang buwis na
binabayaran sa mga Kanluranin at magkaroon ng kita para sa kanilang sarili,kinailangan nilang
makagawa ng higit na maraming produkto.Pwersahang pinagtanim ng mga Zamindar ang mga
magsasaka na kinailangan naming mangutang ng kanilang puhunan sa money-lender ( pangkat
ng mga mayayamang nagpapautang ng mataas ng may mataas na interes)upang matustusan
ang kanilang pagtatanim.Ang bagay na ito ay higit na nagpahirap sa mga magsasakang Indian.
SA TEKNOLOHIYA
Upang masarili ang pagsasamantala sa hilaw na materyales ng rehiyon.pinasimulan ng
mga Ingles ang paglilinang ng mga modernong teknolohiya tulad ng pagpapagawa ng
daang bakal,mga telegrapo,at iba pang impraestruktura.Nbuwag ng mga pagbabagong
ito ang tradisyonal at mabagal na pag-usad ng kultura at ekonomiya ng ng India.Noong
ika-19 siglo,matatagpuan sa India ang pinakamahabang daang bakal sa Asya.Madaling
napag-ugnay ng mga daanag bakal na ito anag pamilihan Sa loob ng rehiyon patungo
sa mga daungan,sanhi upang higit na bumilis ang paglaki ng kita ng mga
mamumuhunang British sa komersiyo.
SA LIPUNAN,KULTURA,AT
PANINIWALA
Ang Imperyong Ottoman ay nagging bantog mula Hulyo 27,1299 hanggang Oktubre
29,1923. Ang Constantinople (Istanbul sa kasalukuyan) ang kilalang kabisera nito. Noong
panahon ng katanyagan nito (ika-16 hanggang 17 na siglo), saklaw ng imperyo ang
Timog-silangang Europe, Kanlurang Asya, at Hilagang Africa.
MGA PARAAN NG
KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO SA KANLURANG
ASYA
ANG MCMAHON-HUSAYN
CORRESPONDENCE O HUSAYN-
MCMAHON CORRESPONDENCE
Ang McMahon-Husayn Correspondence o ang Hussayn-McMahon
correspondence ay serye ng paglilihaman sa pagitan nina Sharif ng Mecca,
Husayn ibn Ali, at Sir Henry McMahon, ang British High Commisioner sa
ehepto noong Hulyo 14,1915 hanggang Enero 30,1916. Ito ay may kinalaman sa
political na katayuan ng mga lupain sa ilalim ng Imperyong Ottoman noong
panahon ng Unang Panahong Pandaigdig. Sa serye ng paglilihamang ito,
hinimok ng mga Briton ang mga Arab na maghimagsik laban sa Imperyong
Ottoman na kaanib ng Germany sa digmaan noong Nobyembre 1914. Sa
dokumentong ito idineklara ng mga Arab ang kanilang pag-anib sa Britain sa
pag-aalsa laban sa Imperyong Ottoman kapalit ng kasarinlan para sa mga
bansang Arab.
Sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman na nagsimula noong kalagitnaan ng ika-
19 na siglo hanggang noong Unang Digmaang Pandaigdig, ang kalakhang
bahagi ng Kanlurang Asya (Middle East o Gitnang Silangan) ay napailalim sa
magkakaibang uri ng kolonyalismo. Ipinabahagi ng bagong tatag na League of
Nations ang Imperyong Ottoman batay sa Sykes-Picot Agreement bilang
mandato. Ang mandatong ito ay tumutukoy sa mga teritoryong isinuko ng
Germany at Imperyong Ottoman na inilagay sa proteksiyon ng mga
makapangyarihang bansang Europe hanggang sa ang mga ito ay may
kakayahan nang pangasiwaan ang sarili nilang pamahalaan
ANG 1916 SYKES-
PICOT
AGREEMENT
Ang Sykes-Picot Agreement ay ang lihim na kasunduan sa pagitan ng
pamahalaan ng Britain at France sa pahintulot ng Imperyong Russia . Ito ay
pinagkasunduan nina Francois Georges Picot, isang diplomatikong Pranses at Sir
Mark Sykes,isang diplomatikong Briton. Ang kasunduang ito ay kinilala at
tinanggap ng Russia ngunit hindi naman nito nilagdaan.
Sa kasunduang ito, ang kanlurang Asya ay binaha-bahagi bilang spheres of
influence. Ang Spheres of influence ay tumutukoy sa pantay na parte ng mga
bansang banyaga sa lahat ng karapatan at pribilehiyong pangkalakalang
maaaring ipagkaloob ng isang bansa. Isinantabi ang kasunduang ito ang
pagtatatag ng Malalayang Estadong Arab o Confederation of Arab States na
lihim na nakapaloob din sa ugnayang McMahon-Husayn Correspondence (1915-
1916).
MGA KASUNDUANG
ITINAKDA NG SYKES-
PICOT AGREEMENT
Perpetual Maritime Truce ng Britain sa mga bansang Bahrain, United Arab Emirates,
Muscat at Oman noong 1893-Ito ay itinakda ng Britain upang mapanatiling bukas ang
kanyang ruta patungong India.
Kasunduan ng 1892 – Pagkakaloob ng mga bansang Bahrain, United Arab Emirates,
Muscat at Oman sa Britain ng tanging karapatang bilhin ang anumang teritoryong nais
na ipamigay o ipagbili ng mga nabanggit na bansa.
Kasunduang 1899 at 1916 – pagkakaloob ng mga bansang Kuwait at Qatar sa Britain
ng tanging karapatang bilhin ang anumang teritoryong nais na ipamigay o ipagbili ng
mga nabanggit na bansa.
Sinakop ng Britain ang Aden noong 1839 at itinakda ito bilang based military. Sa
pagkakataong ito, itinakda ng Britain ang isang eksklusibong pakikipagkasundo sa
mga pinuno ng tribo sa teritoryo at ang Aden ay nagging kolonya ng Britain
Kaiba naman ang naganap sa Levant. Ang Levant ay tumutukoy sa silangang
bahagi ng Mediterranean. Ito ay binubuo sa kasalukuyan ng mga bansang
Cyprus, Lebanon, Syria, mga teritoryong Palestinian, Jordan, Israel, at bahagi ng
katimugang Turkey. Ang Iraq, Palestine, at Transjordan ay pinamahalaan ng
Britain samantalang ang Lebanon at Syria naman ay pinamahalaan ng France.
Samantala, ang Iran, Afghanistan, at Kuwait ay nanatiling Malaya, gayundin ang
Gitnang Arabia at Hilagang Yemen. Gayunpaman, ang Gitnang Arabia ay
pinalawak ni Ibn Sa’ud, ang namumuno sa Gitnang Arabia, hanggang sa
masakop nito ang Arabian Peninsula at itinatag ang kaharian ng Saudi Arabia
noong 1932.
Kasabay nito, itinatag ng mga Pranses at Briton ang mga monarkiya at
Republikang konstitusyonal sa Iraq., Transjordan, Lebanon, at Syria.
EPEKTO NG
KOLONYALISMO SA
KANLURANG ASYA
Ang pagkakahati-hati ng kolonyal na teritoryo ng mga \muslim ay nabalot ng
tensiyon at suliranin. Ang ilang estadong itinatag ay sadyang ibinahagi sa
opisyal na kolonyal ng walang pagsaalang-alang sa mga mamamayan at
pinagkukunang yaman ng rehiyon. Ang ilang dibisyon naman ay isinagawa
upang tapusin lamang ang mga tensiyon sa pagitan ng mga Kanluranin. Sa
maraming pagkakataon, ang ibang kolonya naman ay itinatag lamang upang
mapagbigyan ang mga kaalyadong kakampi ng mga Kanluranin o hindi kaya’y
maging buffer states laban sa iba pang nagnanais manakop na ibang
kolonyalista. Ang buffer states ay tumutukoy sa isang bansang nagsisilbing
hadlang sa pagkakaroon ng tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang mga balak bago pa mapabagsak ang Imperyong Ottoman ay isinagawa
upang mapayapa ang France,Italy, at Greece. Ang Afghanistan naman ay
itinatag upang maprotektahan ang India na kolonya ng Britain laban sa Russia.
Upang masiguro naman ang pagkontrol ng mga Briton sa Palestine, sinakop ng
Britain ang Egypt na kaalyado ng Palestine.
Bukod pa sa mga nabanggit, nangibabaw rin ang kapakinabangang pang-
ekonomiya ng mga Kanluranin sa rehiyon. Ang interes ng mga Briton sa
mayamang langis sa Persian Gulf ay nahantong sa pagtatatag ng “Arabistan”
na lalawigan ng Iran. Ang interes ding ito ang naging dahilan upang maudyok
ng Britain ang Brunei na sumanib sa Malaysia.
Sa kabilang banda, upang matupad ang layuning makapagtatag ng estadong
Kristyano-Arab, itinatag ng France ang Lebanon mula sa Syria, at itinatag naman
ng Britain ang Jordan upang mapagbigyan si Amir Abdullah. Si Abdullah ay
miyembro ng isang pamilyang naging kaanib ng Britain noong Unang
Digmaang Pandaigdig na nakipaglaban sa mga Ottoman.
Ang dibisyon ng rehiyon ay naging sanhi rin ng tensiyon sa pagitan ng mga
Muslim na magkakaparehong umaangkin sa iisang teritoryo. Halimbawa nito
ang pagaangkin ng Jordan sa ilang bahagi ng Syria gayundin ng Palestine;
pinag-aagawan naman ng Syria at Turkey an Alexandretta (Iskenderun); pinag-
aagawan din ng Iran at Iraq ang lagusang Shatt al-Arab; ang Kahmir ng
Pakistan at India; ang Durand Line ng Pakistan at Afghanistan. Samantala ang
Saudi-Arabia at UAE ay nagtalo hinggil sa hangganang katatagpuan ng mga
oases at langis. Pinagtalunan din ng UAE at Iran ang mga pulo ng Tunbs at Abu
Musa.
Higit sa lahat, ang pagkakatatag ng mga estadong Muslim ay hinamon ng mga
karatig bansa nito. Sa pananaw ng mga humamong ito, ang mga naitatag na
bansa ay kahalintulad din ng mga kolonyalistang nagtatag ng mga ito.
Inihahayag ng mga ito ang patuloy na pag-aangkin ng Syria sa Lebanon at pag-
aangkin ng iraq sa Kuwait. Ang mga hangganang itinalaga ng mga kolonyalista
ay nakapagtatag ng mga estado, ngunit hindi nakatulong sa pagkakaisa ng
mga mamamayan sa rehiyon. Sa halip, ang bagay na ito ay naging sanhi ng
kompetisyon sa pagitan ng magkakaibang pangkat etniko. Bunsod nito, ang
dibisyong teritoryal sa rehiyon ay nananatili parin hanggang sa kasalukuyan at
patuloy na nagdudulot ng pagkalito sa mg mamamayan ng rehiyon.
ANG BALFOUR
DECLARATION
Ang labanan sa pagitan ng mga Jew at Arab ay nagsimula na noon pang
sinaunang panahon. Ang pag-angkin ng mga Jew sa lupaing Palestine ay
nagsimula may 3,000 taon na ang nakararaan. Para naman sa mga Palestine, ang
lupain ay pag-aari na nila mula pa nang mapaalis ang mga Jew dito noong 135
BCE. Itinuring naman ng mga Arab na sila ang nagmamay-ari ng lupain. Ayon sa
mga Arab, ang lupain ay pag-aari na nila mula ito ay kanilang sakupin noong
ika-7 na siglo. Ito ay ginulo pa ng mga bagong pangyayari tulad ng pag-uusig sa
mga Jew sa Europe, ang tumataas na halaga ng langis sa kanlurang asya, at ang
pandaigdigang desisyong pampolitika na nakakaiimpluwensiya sa malaking
bahagi ng daigdig.
Bunga ng naranasan sa mahabang panahon ng pag-uusig dahil sa kanilang
pananampalataya, naniniwala ang Jew na kailangan nilang magkaroon ng
sariling bansa sa Palestine. At noong 1917, isang liham ang nagpasimula sa
katuparan ng mithiin ng mga Jew. Ang liham na ito ay kilala bilang Balfour
Declaration.
Ang Balfour Declaration ay isang liham na nagmula kay Arthur James Blafour,
Kalihim Panlabas ng Britain kay Lord Rothschild noong Nobyembre 17, 1917.
Isinasaad sa liham na ito ang suporta ng pamahalaan Briton sa pagtatatag ng
estado para sa mga Jew sa Palestine. Ang mga Rothschild ay kilala bilang
pinakamaimpluwensiyang pamilyang Jew noong ika-19 na siglo.
Ang bagay na ito ay ikinabahala ng mga Palestinian-Arab, sa dahilang ang
mismong lupain ay ipinangako sa kanila bilang kapalit ng kanilang
pakikipaglaban sa panig ng mga Allies noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang
insidenteng ito ay nagpagulo sa sitwasyon sa dahilang matapos malaman ang
bagay na ito, kaagad nagsilipat ang mga Jews sa Palestine.
Noong Mayo 14,1948, huling araw ng paglisan ng mga hukbong Briton sa Haifa,
ang Jewish People’s Council ay nagtipon naman sa Museo ng Tel Aviv at
idineklara ang pagtatalaga ng Estado ng mga Jew sa pangalang State of Israel.
Ang pagkakatatag ng Israel ay kinilala ni Pangulong Harry S. Truman ng Unites
States at ni Joseph Stalin ng USSR.
Ang pagkakatatag ng Israel ay mabilis na tinutulan ng mga kasapi ng Arab
League na binubuo ng Egypt, Transjordan, Syria, Lebanon, at Iraq na nagtalaga
ng karapatan para sa mga Arab sa kabuuang Palestine.