You are on page 1of 4

REVIEWER IN A.

P 8

Konsepto ng Imperyalismo
❖ Imperyalismo- Ito ay pamamahala sa malaking teritoryo ng isang malakas na bansa sa isang
mahinang bansa.
❖ Kolonyalismo- Ito ay uri ng imperyalismo na namamahala sa aspeto ng batas, edukasyon,
politika at ekonomiya.

❖ Konsesyon- Ito ay uri ng imperyalismo na nagbibigay ang isang mahinang bansa ng espesyal na
karapatan sa pagnenegosyo tulad ng pagbubukas ng daungan at paggamit ng likas na yaman.
❖ Protektorado- Ito ay uri ng imperyalismo na layuning protektahan ng imperyalistang bansa ang
sakop nito.
❖ Sphere of Influence- Ito ay uri ng imperyalismo na kung saan ay nasa kontrol ng malakas na
bansa ang pamahalaan ng isang mahinang bansa.

Manifest Destiny / White Man’s Burden


Nagsulat ng tula ang isang British na manunulat na si Rudyard Kipling na pinamagatang “White
Man’s Burden” na base sa paniniwalang manifest destiny ng mga Amerikano. Ito ay ginamit ng
isang hindi kinilalang may-akda na nagsasabing may banal na kapahintulutan ang pagpapalawak
ng teritoryo ng Estados Unidos mula silangan patungong kanluran. Isinasaad sa tula ni Kipling na
responsibilidad umano ng mga Amerikano na tulungang gawing sibilisado ang mga katutubo sa
mga lugar na kanilang nasasakupan.
Pagtuklas at Pag-aagawan sa Aprika
Hindi agad ginalugad ng mga Europeo ang kontinente ng Aprika dahil sa masusukal na kagubatan
at malawak na disyerto. Ito ay naging dahilan upang tawagin itong “ang madilim na kontinente”.

❖ 1806 – Naagaw ng Britanya sa mga Olandes ang Cape Colony na nagdulot ng hidwaan sa
orihinal na naninirahan dito na kung tawagin ay Boer.

❖ 1830- Nasakop ng Pransya ang Algeria.

❖ 1849 – Si David Livingstone, isang misyonerong Scottish, ang naglakas loob na galugarin ang
looban ng Aprika upang matukoy kung ano ang mayroon dito. Nakarating siya sa Ilog Zambezi at
natuklasan ang Mosi-oa-Tunya o kilala bilang Victoria Falls.

❖ 1850-Lumikas ang mga Boer (katutubong Aprikano) at nagtatag ng dalawang republika, ang
Orange Free State at Transvaal.

❖ 1857- Bumalik si Livingstone sa Inglatera at inilathala ang kanyang documento na “Missionary


Travels and Researches in South Africa.” Hayagan ang kanyang pagsalungat sa pang-aalipin ng
mga katutubong Aprikano.

❖ 1866 – Bumalik si Livingstone sa Aprika at nawalan ng komunikasyon sa labas ng daigdig na


ikinabahala ng mga kakilala.
❖ 1870 hanggang 1898 – Nagsidatingan ang mga Europeo at pinaghati-hatian ang Aprika bilang
kapalit ng mga nawala nilang kolonya sa Amerika.

❖ 1871 – Nakarating si Henry Stanley, isang reporter na inatasan na hanapin si Livingstone,


malapit sa Lawa ng Tanganyika.

❖ 1873- Namatay si Livingstone sa edad na 60 dahil sa disenterya at malaria.

❖ 1876- Nagpatawag ng kumperensiya si Haring Leopold II ng Belgium at nabuo ang pribadong


organisasyon na pinangalanang African International Association, isang samahan ng mga
eksplorador, heograpo at pilantropo.

❖ 1881- Napasakamay ng Pransya ang Tunisia, Morocco at iba pang bansa sa kanlurang Aprika.

❖ 1885-Ang Congo ay idineklarang malayang estado ng pamahalaan ng nabanggit na asosasyon sa


ilalim ni Leopold II.

❖ 1902- Sumuko ang mga Boer (katutubong Aprikano).

❖ 1910- Itinatag ang Union of South Africa.

Imperyalismo sa Asya
1. INDIA

❖ Tinawag na “Crown Jewel of Asia” sapagkat pinakinabangan nang husto ng Britanya ang
kayamanan ng India

❖ 1756 hanggang 1763 – Tuluyan ng nasakop ng Britanya ang India at nagpatayo ng British East
India Company.

❖ 1857- Nag-alsa ang mga sepoy, isang pangkat ng mga sundalong Indian

2. TSINA

❖ 1700- Sarado ang Tsina sa mga Kanluraning bansa

❖ 1839 hanggang 1842 – Nagsimula ang unang digmaang opyo sa pagitan ng Britanya at Tsina.
Natalo ang Tsina at napilitang lagdaan ang Kasunduang Nanking na nagsasaad ng pagbubukas ng
limang daungan at pagbibigay ng Hongkong sa Britanya.

❖ 1870 hanggang 1914 – Nagsimula ang Sphere of Influence sa mga bansang Pransya, Alemanya at
Russia.

❖ 1899- Nagbigay ng mungkahi si John Hay ng United States upang magkaroon ng Open Door
Policy (pagbubukas ng Tsina sa mga dayuhang bansa) sa Tsina.

❖ 1899 hanggang 1901- Naganap ang Rebelyong Boxer na nais ipasara muli ang Tsina.
❖ 1911 – Natapos ang napakahabang dinastiya sa Tsina nang mapabagsak ng grupo ni Sun Yat
Sen ang huli emperador na si Puyi. Inihalal si Sun Yat Sen bilang unang pinuno ng Unang
Republika ng Tsina.

3. HAPON

❖ 1633 hanggang 1853 – Pagsasara ng bansang Japan sa mga ibang bansa.

❖ 1853 at 1854 – Dumating si Commodore Matthew Perry mula Amerika at ipinakilala sa bansang
Hapon ang Gunboat Diplomacy. Winakasan nila ang Shogunato sa pamamagitan ng Kasunduang
Kanagawa.

❖ 1868- Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuang Hapon at naibalik sa emperador ang direktang


pamamahala ng bansa. Kinilala si Emperador Meiji sa pagdadala ng modernisasyon sa Hapon.

❖ 1868- Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuang Hapon at naibalik sa emperador ang direktang


pamamahala ng bansa. Kinilala si Emperador Meiji sa pagdadala ng modernisasyon sa Hapon.

❖ 1894- Naganap ang Digmaang Sino-Japanese nang pag -awayan nila ang Korea. Nanalo ang mga
Hapon. Nagtapos ito sa Kasunduang Shimonoseki.

❖ 1904 - Naganap ang Digmaang Ruso-Japanese nang pag-awayan nila ang Taiwan at Korea.
Nanalo ang mga Hapon. Nagtapos ito sa Kasunduang Portsmouth.

United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop

❖ 1898- Digmaan sa pagitan ng United States at Espanya.

❖ Ang tagumpay ng America laban sa Espanya ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto Rico at
Pilipinas.

❖ Naging himpilan ng United States ang Guam sa Silangan at Puerto Rico sa Kanluran.

❖ Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nakuha rin nila ang dalawang teritoryo ang Samoa
at Hawaii (Pearl Harbor).

Ang Protektorate at Iba pang Uri ng Kolonya

❖ Itinuturing na mahihinang mga bansa ang West Indies, Australia, New Zealand at mga bansa sa
Central America.

❖ Ang hukbo ng America ay nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito upang mapanatiling
bukas ang pamilihan sa mga bayan.

❖ Ang iba pang pook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansang mananakop ay
ang Australia at kalapit na New Zealand dahil matibay itong nahawakan ng Great Britain.
❖ Maraming Ingles ang lumipat sa Australia ng makatuklas ng ginto at nagsimula ang
pagpapatayo ng kolonya.

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo

❖ Nakatulong sa mga Europeo ang kanilang pananakop para mapunan ang kanilang
pangangailangan sa hilaw na materyales.

❖ Labis na nabago ang pamumuhay, kultura at gawi ng mga katutubong Asyano at Aprikano.

❖ Napatigil ang tradisyong suttee o sati (tatalon sa apoy at magpapakamatay ang babaeng balo
habang sinusunog ang bangkay ng asawa) ng mga Hindu sa India.

❖ Nakatulong ang mga Kanluranin para mabago ang pamumuhay ng mga katutubo sa aspeto ng
sanitasyon, medisina, edukasyon, komunikasyon at transportasyon sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng modernisasyon.

❖ Nilimas ng mga mananakop ang mga likas na yaman ng mga kolonya.

❖ Natanggalan ng karapatan at kalayaan ang mga katutubo.

You might also like