You are on page 1of 30

Ang Paggalugad sa Gitnang Africa

• Hindi gaanong kilala ng mga Europeo ang


Africa sapagkat mahirap makarating ang
kaloob-looban nito. Hindi maaasahan ang
mga ilog dahil marami sa mga ito ang
malalakas ang agos at lubhang
mapanganib. Madilim ang gubat dito at
maraming hayop na naglipana.
Nagkaroon laman ng kaalaman dito nang
makarating ito ng isang misyoneryong
Ingles na si David Livingstone.
• Noong 1854, narating ng isang
misyonerong Ingles na si David
Livingstone ang lugar na ito.
Natuklasan niya ang isang
kamangha-manghang talon na
pinangalanan niyang Victoria Falls.
Naabot niya ang bibig ng ilog
Zambesi sa Karagatang Indian
noong Mayo 1856, na naging unang
Europeano na tumawid sa lapad ng
southern Africa.
• Pagbalik sa Britain, inilathala niya ang
‘Missionary Travels and Researches in
South Africa’(1857) kung kaya nagkaroon
ng kaalaman ang mga Europeo.
Paligsahan sa
Pagkamkam
sa Africa ng
mga Bansa
• Sa loob ng 30 taon, ang Africa na dating hindi kilalang mga
pook ay inangkin lahat ng mga kanluraning bansa. Ang
paglaganap ng relihiyon, ang pambansang ambisyon at mga
pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan ang
gitnang Africa.
• Nagsimula na ang tunggalian sa pag-aagawan ng mga bansang
Europeo sa Africa sa loob ng tatlong dekada. Pinasok at hawak na
ng mga kanluraning bansa ang mga lugar na hindi pa nila
kabisado. Ang Congo Basin ay naangkin ng Belgium sa
pamamahala ni Haring Leopold I. Samantala, ang ibang mga
lupain ay nakuha ng bansang France, Britain, Germany, Portugal at
Italy.
Nahahati sa tatlong rehiyon ang kontinente ng
Africa:
• Hilagang Bahagi- nakaharap sa Dagat Mediterranean
• Pinakagitnang bahagi ng tropiko- mainit na bahagi
• Bahaging timog- ang malamig na bahagi
Nahiwalay ang Africa sa pananakop matapos
bumagsak ang Imperyalismong Rome. Maging ang
pamahalaan at ang relihiyon
Islam ang lumaganap sa hilaga at Africa at naging
mahigpit na kalaban ng Kristiyanismo pati na sa
Europe.
 Sa simula interesado lamang ang mga Europeo sa
kalakalan ng alipin. Ngunit naging interesado na rin
sila sa likas na yaman ng mga pook na ito tulad ng
mga taniman ng ubas, citrus, butyl, pastulan ng
hayop at mga pook na magandang panirahan.
Paniniwalang may mina ng bakal ang
bundok sa Atlas sa Morocco.
Imperyalismong Ingles sa Timog Asya
Sa mga mananakop, hindi natinag ang Imperyong Great
Britain. Sa halip, lalo pang lumawak ito. Bagaman lumaya
ang 13 kolonya sa Amerika sa Rebolusyong Amerikano,
nadagdagan naman ito sa ibang dako. Ang British East India
Company sa India naging lubhang makapangyarihan sa
pamahalaan at dinala ang mga kaisipan,
kaugalian,edukasyon
at teknolohiya sa bansa.
Hindi naglaon, inilipat ang kontrol ng kompanya sa
pamahalaan ng Imperyo ng Great Britain noong huling bahagi
ng 1800. Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ng
imperyo ang India. Sa Treaty of Paris noong 16 na nagwakas
sa pitong taong digmaan ng France at Britain, nawalan ng
teritoryo sa India ang France.
Ang Pagsali ng United States sa mga Bansang Mananakop

Nagbunga ng pag-angkin sa Cuba, Pilipinas, Guam at Puerto


Rico ang pananaig ng United Stated noong nakipagdigma ito
sa Spain. Ginawang istasyong pandagat ang Guam papuntang
Silangan, samantala ang Puerto Rico naman ay istasyon
pandagat sa Caribbean. Nakuha naman nila ang Samoa
at ginawang pangunahing estasyong pandagat. Ang Pearl
Harbor na matatagpuan sa Hawaii ay pinakanamumukod-
tanging pundasyong himpilang-dagat sa Pacific ng United
Stated pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang pagkakaroon ng mga base
militar ng United States sa mga
lugar na nabanggit ay
palatandaan ng kanilang
kapangyarihan at impluyensiya
na sa kalaunan ay nauwi sa
pananakop.
Ang protectorate at Iba pang Uri ng Kolonya
-Mahihina ang West Indies, Australia, New Zealand at mga
bansa sa Central America at walang pagkakaisa ang mga ito
upang maipagtanggol ang kanilang bansa. Ang hukbo ng
Amerika ay nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito
upang mapanatiling bukas ang pamilihan sa
mga bayang ito, makakuha ng hilaw na sangkap
at mapangalagaan ang ekonomikong interest ng
Amerika.
Ang malalaking samahan sa negosyo ng Amerika ay nakakuha
ng malalaking bahagi ng lakas-pangkabuhayan tulad ng pag-
aari ng mga minahan, mga balon at langis, mga taniman, mga
daang-bakal at samahan ng mga sasakyang dagat.

-Ang iba pang pook na nakaligtas sa


pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansang
mananakop ay ang Australia at ang kalapit na
New Zealand dahil matibay itong nahawakan
ng Great Britain.
Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ang
himagsikan sa Amerika. Nang makatuklas ng ginto sa
Australia, marmaing Ingles ang lumipat dito at ito na ang
naging simula ng pagtatag ng mga kolonya sa Australi at New
Zealand. Ito ang isang halimbawa kung paanong ang sakop na
lupain ay magagamit na tirahan ng dumaraming tao.
Epekto ng Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo
Epekto ng Kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop
• Maraming aspekto ng buhay ang naapektuha ng pananakop.
Ang mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya,
panlipunan, espirituwal at pangkultura ay ginamit ng mga
mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop
nasumunod sa kanilang ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho
at pagsisilbi sa pataniman, sa pagawaan ng barko sa
hukbong sandatahan.
• Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa
lupaing sakop. May pagbabagong pampolitika, pang-
ekonomiya, panlipunan at pangkultura.
Epektong Imperyalismo
Ang imperyalismo sa Africa at asya ay naging daan upang makaranas
ng pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil
na patakaran ng mga dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga kanluranin
ang kanilang likas na yam at likas paggawa. Naging sanhi rin ito ng
pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa
pananaig ng impluwensiyang Kanluranin. Sa usapin ng hangganang
pambansa, ang pamana ng mga Kanluranin ay ang hidwaan sa
teritoryo na namamayani pa rin hanggang ngayon sa ilang bahagi ng
Africa at Asya bunga nang hingi makatuwirang pagtatakda ng mga
hangganan.
Activity: True or False
1. Noong 1856, si David Livingstone ang nakatuklas ng kamangha-
manghang talon na pinangalanan niyang Victoria Falls..
2. 1857 inilathala ni David Livingstone ang 'Missionary Travels and
Researches in South Africa.
3. Nahahati sa tatlong rehiyon ang kontinente sa Africa, ang timog
na bahagi ng Africa ay ang malamig na bahagi.
4. Ang Congo Basin ay naangkin ng Belgium sa pamamahala ni
Haring Leopold I.
5. Ang hukbo ng France ang nagsilbing tangapangalaga ng mga taga
West Indies, Australia, New Zealand at iba pang bansa sa Central
America
1.False
2.True
3.True
4.False
5.False
QUIZ TIME!

QUIZ TIME!
1. Anong bansa ang ginawa
istasyong pandagat papuntang
silangan?

a. Puerto Rico
b. Guam
c. Pilipinas
d. New zealand
2. Saan matatagpuan ang
Pearl Harbor?

a. Guam
b. Spain
c. Hongkong
d. Hawaii
3. Anong hukbo ang nagsilbing
tagapangalaga ng mga taga West
indies, australia at New zealand?

a. France
b. America
c. Spain
d. Britain
4. Ang mga Sumusunod ay naangkin
ng United states noong
nakipagdigmaan sila labas sa spain
maliban sa?

a. Puerto Rico
b. Guam
c. Hawaii
d. Pilipinas
5. Ano ang tinawag ng Great
Britain sa bansang India?

a. pinakamaningning na bituin
b. pinakamaningning na
perlas
c. pinakamaningning na hiyas.
d. wala sa nabanggit
6. Sinong kilalang Misyoneryong Ingles ang
nakatuklas sa Africa?
7. Sinong hari ang nanguna sa pagangkin sa
Congo Basin?
8. Ano ang ipinangalan ng misyenoryong
Ingles sa kanyang natagpuang talon sa
africa?
9. anong relihiyong ang lumaganap sa Hilaga
at Africa?
10. Anong bansa ang umangkin o sumakop
sa Cuba, Pilipinas, Guam at Puerto Rico
1.B. GUAM
2.D. HAWAII
3.B. AMERIKA
4.C. HAWAII
5.D. PINAKAMANINGNING
NA HIYAS
6. David Livingstone
7. Haring Leopold I
8.Victoria Falls
9. Islam
10.United States

You might also like