You are on page 1of 2

 MGA SALIK SA PAGLAKAS NG EUROPE

1. Pag-usbong ng Bourgeoisie
2. Pagpapatupad ng Merkantilismo
3. Paglakas ng Monarkiya
4. Paglakas ng Simbahang Katoliko

 Bourgeoisie
 Tumutukoy sa mga malalayang tao sa mga bayan sa Europa noong gitnang
panahon.
 Sila ay mangangalakal, artisan at pangkat ng propesyonal.
 Panggitnang-uring pangkat sa lipunan.
 Bagamat may salapi hindi nabibilang sa mga lipi ng maharlika.
 Ang daigdig nila ay hindi sa manor o simbahan kundi sa pamilihan.
 Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at
kalakalan.
1. Hindi galing sa Agrikultura
2. Hindi nananakop ng mga lupain
 Itinuring silang kapakipakinabang hindi lamang sa aspeto ng kabuhayan, kundi
maging sa pangangailangan din ng mga hari.
 Ang mga bourgeosie ay nagtustos ng mga pondong kakailanganin ng mga hari
para sa isasagawang digmaan.
 Sila ang nasa likod ng mga pagbabago sa bayan.
Nakilala sa France ang mga bourgeoisie noong panahon ni King Louis XIV

 MGA LIMITASYON SA MGA BOURGEOISIE


 Bagamat mayroon silang kayamanan at edukasyon, tinutulan ng mga maharlika
na mapasama sila sa unang-uri.
 Hindi sila maaring maging mataas na pinuno ng pamahalaan ,militar at
simbahan.

 DAPAT TANDAAN:
1. Ang bourgeoisie ay ang panggitnang uri ng lipunan na binuo ng mga
mangangalakal, may-ari ng mga bangko, abugado, doktor, manunulat at iba
pang propesyunal.
2. Ginamit nila sa publiko ang kanilang galing sa kanilang propesyon upang
makagawa ng mga reporma sa pamahalaan at mapalaganap ang pagkakapantay-
pantay sa Europa.
3. Napasimulan nila ang layunin tungo sa pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan.
 PAGPAPATUPAD NG MERKANTILISMO

BAKIT ISINILANG ANG MERKANTILISMO ?


 Naniniwala ang mga Europeo na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa
katuparan ng kanilang adhikain.
 Naniniwala ang mga tao noon na katumbas ng yaman ang kapangyarihan.
 Naniniwala sila na dapat ang presyo at halaga ng kalakal ay nasa pantay –
pantay na kategorya .
 Nagluluwas ng kalakal at hindi nag-aangkat.
 Ang sariling produkto ay dapat tangkilikin ng lahat.

ANO ANG MERKANTILISMO ?


-Konsepto na ang yaman ng bansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak.

 EPEKTO
1. napalakas ang kapangyarihan ng mga bansang mananakop.
2. Yumaman ang Portugal dahil sa kalakalan ng mga alipin (Africa) at spice o
pampalasa (Asia).
3. Humantong sa labanan sa dagat.
4. Pinahintulutan ni Queen Elizabeth I ang East India Company na palaganapin
ang komersyo sa Asya at kalapit-bansa sa Silangan.
5. Pagtuklas ng mga lupain.

You might also like