You are on page 1of 7

Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Isa sa mga naipamana ng mga Europeo sa mga Pilipino ay ang konsepto hinggil sa mga bourgeoise. Ano
ang naidulot ng konseptong ito sa ating lugar?
A.Marami sa ating mga kababayan ang nabuksan ang isipan sa larangan ng kalakalan.
B.Nakatulong ang konseptong ito sa pag-unlad ng maraming mamamayan sa ating bayan.
C.Nagkaroon ng iba’t-ibang produkto sa ating lugar na mula sa mga karatig lugar.
D.Natustusan ang lahat ng pangangailang ng mga mamamayan.

2.Ang sistemang merkantilismo ay nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europa sa


daigdig. Ano sa inyong palagay ang nagging epekto nito sa lugar na inyong kinabibilangan bilang minsan
ay nagging bahagi ng mga bansang napasailalim sa kanilang kapangyarihan?
A.Naging instrumento ito upang maging alipin ang mga katutubo.
B.Napasailalim ng matagal na panahon ang bansa sa kamay ng mga mananakop
C.Ang mga mananakop ang nakinabang sa mayamang likas na yaman ng Pilipinas.
D.Unti-unting nauubos at nasisira ang kalikasan dahil sa kagustuhan ng mga mananakop na umunlad.

3.Dahil sa kayamanan na dulot ng merkantilismo marami sa mga may kapangyarihan sa Europa ang
nagnais pa na maging makapangyarihan. Batay sa iyong obserbasyon, ano ang konsepto hinggil sa pulitika
ang natutunan ng mga Pilipino sa mga mananakop na Europeo?
A.Tanging mga may kayamanan lamang ang mga kakayahan na maging pinuno ng ating bayan.
B.May mga pinuno na ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang higit na maging mas mayaman.
C.Hindi maaaring paghiwalayin ang kayamanan at kapangyarihan.
D.May mga pinunong ang tanging hangad lamang ay maging mayaman at makapangyarihan.

4.Ang Pilipinas ay matagal na napasailalim sa kamay ng mga mananakop. Paano ito nakaapekto sa
pamumuhay ng mga Pilipino?
A.Relihiyong Kristiyanismo lamang ang nadala ng mga dayuhan sa ating bansa.
B.May naganap na pagbabago sa larangan ng pulitika, ekonomiya at kultural sa ating bansa
C.Naturuan ang mga Pilipino na maging mahusay na mga negosyante at mangangalakal
D.Sinanay ng mga dayuhan ang mga Pilipino na maging mahusay at mapagkakatiwalaang pinuno ng bansa.

5.Naging malakas ang kapangyarihan ng mga hari sa panahon na kolonyalismo. Sa inyong sariling bayan,
paano mapapalalakas ang kapangyarihan ng isang pinuno?
A.Kailangan na gampanan ng nahalal na pinuno ang kanyang tungkulin ng may katapatan
B.Ibigay ng pinuno ang lahat ng mga pangangailan ng kanyang nasasakupan
C.Ang isang pinuno ay kailangang gumamit ng kamay na bakal sa pagdisiplina sa kanyang nasasakupan
D.Ang pinuno ay kailangang may taglay na kabaitan upang siya ay mahalin ng mga mamamayan.

6.Malaki ang naitulong ng sistemang merkantilismo sa pag-unlad ng mga bansa sa Europa. Paano naman
ito nakatulong sa pag-unlad ng inyong lugar?
A. Ang kalagayang pang-ekonomiya ng inyong lugar ay may impluwensiya ng sistemang merkantilismo.
B. Natutunan ng mga katutubo ang sistemang merkantilismo kaya’t mabilis ang kalakalan sa kasalukuyan.
C. Sa tulong ng sistemang merkantilismo, natutunan ng mga katutubo kung paano tutustusan ang kanilang
mga pangangailangan.
D. Naging batayan ng kapangyarihan ang sistemang merkantilismo.
7. Ang Investiture Controversy na naganap sa Europa ay tumtukoy sa tunggalian ng interes ng simbahan
at pamahalaan dahilan upang ito ay maghiwalay. Sa iyong palagay, ano kaya ang dahilan ng paghihiwalay
nito?
A. Iba ang mga batas ng simbahan sa batas ng pamalaan.
B. Hindi magkasundo ang pinuno ng simbahan at pinuno ng pamahalaan
C. Mayroong mga batas na ipinapatupad ang pamahalaan na taliwas sa sampung utos ng Diyos.
D. Hindi Kristiyano ang pinuno ng pamahalaan kaya’t taliwas ito sa kanyang paniniwala .

8. Ang mga katiwalian ng simbahang Katoliko sa panahong transisyunal ay nagdulot ng kaguluhan sa


Europa. Paano ito nakaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng relihiyon sa inyong lugar?
A. Patuloy na dumami ang relihiyong Protestante
B. Sumibol ang iba’t-ibang paniniwalang panrelihiyon.
C. Patuloy na may nagaganap na alitan sa pagitan ng mga tao dulot ng pagkakaiba ng kanilang relihiyon.
D. Nagagamit ng ilan ang relihiyon sa iba’t-ibang katiwalian

9. Malaki ang naitulong ng national monarchy sa paglakas ng Europe. Paano na ang pamahalaan ng Silang
ay nakatutulong sa pa-unlad nito?
A. Nagiging mahigpit ang mga kawani ng BIR sa paniningil ng buwis.
B. Tinutulungan ng mga pulis ang punong bayan ng Silang sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan
ng lugar.
C. Nagbibigay ng libreng edukasyon ang pamahalaan sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad
D. Binibigyang pansin ng punong bayan ang larangan ng ekonomiya, peace and order, at edukasyon tungo
sa pag-unlad ng bayan ng Silang.

10. Ang national monarchy ang nakilalang uri ng pamahalaan sa Europa na kanilang itinuro sa mga bansang
kanilang nasakop na siyang kinakatawan ng kasabihang “ The end justifies the means”. Ano ang kaugnyan
nito sa kasalukuyan kalagayang pulitikal sa bansa?
A. Anuman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap-tangap kung mabuti ang iyong hangarin
B. Ano man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palaging mabuti ang bunga nito
C. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan
D. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng pamamahala

11. Sa panahon ng Renaissance maraming pintor ang nakilala sa buong mundo na nagbigay ng malaking
impluwenisya sa pamumuhay ng mga tao lalo na sa aspetong pang-isiritwal. Alin sa mga obra ito ang
madalas na mayroon ang maraming tahanan sa Silang?
A.The Last Supper
B.Sistine Chapel
C.Monalisa
D.Madonna and the Child

12.Isa sa mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Europa ang Renaissance kung saan muling bumangon
at nakilala ang mga bansa sa Europa. Anong kapakinabangan ang dulot nito sa mga mamamayan ng ating
bansa?
A.Maraming Pilipino ang patuloy na nagpapakahusay sa iba’t-ibang larangan
B.Nakilala ang maraming Pilipino sa larangan ng Sining
C.Kapansin-pansin ang Sining ng mga Europeo sa mga Katedral sa Pilipinas
D.Ginamit ng mga Pilipinong pintor bilang modelo ang sining ng mga bansa sa Europa.
13.Maraming repormista ang nakilala sa Europa noong panahong Klasikal. Ano ang nagging bunga sa
Simbahang Katoliko?
A.Dumami ang relihiyon sa bansa
B.Patuloy na nawawala ang kapayapaan dahil sa pagkakaiba ng relihiyon
C.Nagiging sandigan ng mga tao sa bansa ang relihiyon
D.Anuman ang sinasabi ng mga lider ng bawat relihiyon ay pinapaniwalaan ng mga tao.

14.Ang bayan ng Silang ay napasailalim sa kamay ng mga Kastila. Saang aspeto ng pamumuhay ng mga
taga-Silang higit na makikita ang impluwensiya ng mga Kastila?
A.Edukasyon
B.Relihiyon
C.Pagsasaka
D.Kalakalan

15.Sa matagal na pamamahala ng mga Kastila sa bayan ng Silang ay nagging malaki ang nagging
kontribusyon nito sa pagpapatatag ng pananampalataya ng mga mamamayan? Ano ang mabuting dulot
nito sa pamumuhay ng mga Pilipino?
A.Naging sandigan ng pagkakaisa ng mga taga-Silang ang Katolisismo
B.Natutunan ng mga taga-Silang ang iba’t-ibang gawaing panrelihiyon tulad ng pagdiriwang ng kapistahan
C.Naging deboto ng relihiyong katoliko ang mga taga- Silang
D.Nakikiisa ang mga taga- Silang sa iba’t-ibang gawaing panrelihiyon.

16.Ang Silang ay isa sa mga bayan ng Cavite kung saan matatagpuan ang mga likhang sining na masasabing
impluwensya pa noong Panahon ng Renaissance.Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
A. Malaki pa rin ang impluwensya ng Renaissance sa mga Silangueńo.
B. Natatangi ang mga likhang sining ng mga humanista.
C. Naging inspirasyon ng mga taga Silang ang likhang sining ng mga humanista.
D. Dahil sa impluwensya ng mga nanakop at naging parte ng kultura ng mga taga Silang.

17.Ang obra maestra ni Leonardo da Vinci na The Last Supper ay isa sa mga pamana ng Renaissance na
makikita pa rin sa may hapag kainan ng mga pamilyang Pilipino hanggang sa kasalukuyan.Ito ay
nagpapakita lamang na
A. Pinahahalagahan pa rin ng mga Pilipino ang likha ni Leonardo da Vinci.
B. Hindi matatawaran ang angking galing ni Da Vinci sa larangan ng pagpipinta.
C. Ang likha ni Da Vinci ay hindi kukupas kahit ilang henerasyon pa ang dumaan.
D. Pinahahalagahan ng mga Pilipino ang pagiging kabahagi ng mga likhang sining ni Da Vinci.

18.Sa kasalukuyan maraming mga Pilipina ang nakikilala at nagiging tanyag sa iba’t ibang larangan dahil
sa angking galing at talento tulad ng mga kababaihan noong Panahon ng Renaissance.Ito ay nagpapatunay
lamang na
A. Mahalaga ang mga kababaihan sa lipunan.
B. Pantay ang pagtingin ng lipunan sa kakayahan ng mga babae at lalaki.
C. May pagpapahalaga ang lipunan sa mga kababaihan.
D. Kinikilala ang galing at talento ng mga kababaihan sa lipunan.
19.Malaki ang naging ambag ng mga kinilalang personalidad noong Panahon ng Renaissance.Bilang mag-
aaaral,ano ang magagawa mo upang mapanatili ang ala-ala nila hanggang sa kasalukuyan?
A. Ikuwento sa mga magulang ang tinalakay sa paaralan.
B. Pumunta sa museo at muling balikan ang kanilang mga naiambag.
C. Isabuhay ang natutunan sa klase.
D. Tularan ang kanilang nagawa upang makatulong sa pag-unlad ng bansa.

20.Ang Panahon ng Renaissance ay malaki ang naging papel sa paghubog ng kakayahan ng bawat
indibidwal na naging bunga ng pagkilala ng kontribusyon ng mga kinilalang personalidad.Bilang isang
Pillipino,paano mo maipakikilala ang iyong sariling kakayahan sa iyong lipunan?
A. Pagyamanin ang kakayahang ibinigay ng Maykapal
B. Magsagawa ng exhibit kung saan ipakikita ang lahat ng iyong likha.
C. Sumali sa mga contest
D. Paunlarin ang angking talento.

21. Ang compass ay isa sa mga instrumentong ginamit ng mga manlalakbay noong Unang Yugto ng
Imperyalismo.Paano ito nakakatulong sa kasalukuyan lalo na sa mga nagcacamping sa gubat?
A. Pagtukoy ng tamang daan
B. Pagtukoy sa tamang direksyon
C. Hindi sila maliligaw sa gubat
D. Matututunan ang tamang paggamit nito.

22. Isa sa naging salik ng imperyalismo ay ang relihiyong Kristiyanismo.Sa iyong palagay,bakit kaya
hanggang sa kasalukuyan ay nakikialam pa rin ang simbahan sa pamamalakad ng pamahalaan sa bansa?
A. May mahalagang papel na ginagampanan ang simbahan kaya marapat lamang na makialam sila sa
usapin ng bansa.
B. Ang simbahan ang sentro ng debosyon at pananampalataya ng mga tao.
C. Nasanay ang simbahan na kabahagi sila sa usapin sa pamahalaan mula pa noong panahon ng mga
Kastila.
D. Ang simbahan ay makapangyarihang institusyon sa lipunan kaya marapat lamang na makibahagi sila sa
pamamaalakad ng pamahalaan.

23. Ang paghahanap ng kayamanan ay isa sa mga motibo ng ekplorasyon noong Unang Yugto ng
Imperyalismo.Ito rin ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga magkakapmilya ay nagkakagulu-gulo.Bakit
kaya isa ito sa hinangad ng mga nangunang bansa sa paglalayag sa mundo?
A. Malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng kanilang bansa.
B. Kikilalanin ang kanilang kapangyarihan sa iba’t ibang panig ng mundo
C. Magiging tanyag sila
D. Magiging maimpluwensyang bansa

24. Ang aklat na The Travels of Marco Polo ay isa naging salik sa eksplorasyon ng mga Europeo.Bakit kaya
napukaw ang mga Europeo na marating ang Asya at patuloy pa ring dayuhin maging ang Pilipinas
hanggang sa kasalukyan?
A. Ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng Asya.
B. Kasakiman at pagiging gahaman sa kapangyarihan
C. Nais maging makapangyarihan sa Asya
D. Maging tanyag sa Europa
25. Si Prinsipe Henry the Navigator ang sinasabing nanguna at naging inspirasyon ng mga manlalakbay sa
kaniyang panahon.Ano kaya ang kasalukuyan kung hindi nagalugad ang mga lupain na narating ng mga
Europeo?
A. Napanatili ang tradisyon at kultura ng mga bansa.
B. Hindi malalaman ng mga tao na may iba pang lupain sa mundo maliban sa kanilang bansang
kinabibilangan.
C. Hindi natuklasan ang iba pang yaman ng mundo
D. Walang pag-unlad ang teknolohiya at nanatili sa huwad na paniniwala ang mga tao.

26. Ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan ay nakarating hanggang sa Pilipinas.Bakit ang relihiyong
Kristiyanismo ang ginamit nyang instrumento upang sakupin ang bansa?
A. Ang relihiyon ang susi sa kaligtasan ng tao.
B. Ang relihiyon angmabisang paraan upang mapaniniwala ang mga Pilipino sa knailang hangarin.
C. Relihiyon ang isa sa motibasyon ng mga Europeo sa pananakop.
D. Relihiyon ang sangkap sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa

27. Iba’t ibang mga ruta ang natuklasan ng mga manlalakbay noong panahon ng kanilang paglalayag.
Paano ito nakatulong sa transportasyon ng mga tao sa kasalukuyan lalo na’t sila ay sasakay sa barko?
A.Nakatulong upang mapabilis ang paglalakbay.
B. Naging daan upang mas malayo ang marating ng mga tao
C. Nagsilbing daan upang magkaroon ng ugnayan ang mga bansa.
D.Nagkaroon ng sistema ang transportasyon at paglalakbay.

28. Ang paglalayag at pagtuklas ng mga lupain ay nagpabago sa mga ruta ng kalakalan.Ano ang
kahalagahan nito sa pakikipagkalakalan ng mga bansa sa mundo?
A. Nagkaroon ng malawakang pagpapalitan ng produkto.
B. Nakilala ang iba’t ibang kalakal ng mga bansa
C. Nakabuo ng mga organisasyon na nagtatakda sa mga karapatan at interes sa mga kalakal ng mga bansa.
D. Napatatag ang ugnayan ng mga bansa sa isa’t isa.

29. Isa sa mga dahilan ng panggagalugad ng mga Europeo ay ang paghahanap ng spices dahil sa
kakulangan nila ng pampalasa sa pagluluto at pagpepreserba ng pagkain.Paano nakakatulong ang mga
spices na ito sa mga sangkap na ginagamit ng mga tao sa pagluluto?
A. Naging daan upang makatuklas ang mga tao ng iba’t ibang pampalasa sa pagluluto
B. Naging mas masarap at malasa ang mga lutuin
C. Nakarating ang mga tuklas nilang spices sa iba’t ibang panig ng mundo
D. Nagkaroon ng alternatibong sangkap at pampalasa sa pagluluto.

30. Ang pagkakatuklas ng mga instrumento sa paglalayag ay naging daan upang makagawa at
makadebelop ng app ang mga tao ngayon gaya ng waze.Paano ito nakakatulong sa manlalakbay sa
kasalukuyan?
A.higit na napadadali ang paglalakbay at mabilis na makarating sa destinasyon.
B.Itinuturo kung saan ang mas madaling daan sa pupuntahan.
C.Tumutulong na ipakita ang dapat daanan
D.Ipinapakilala ang mga lugar na dinadaanan.
31. Nagsimula ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa ika-15 na siglo. Maraming bansa ang
naghangad na makapaglayag at makatuklas ng mga bagong lupain bunsod ng iba't-ibang salik at motibo.
Nagpaligsahan ang bawat bansa dahil sa pang sariling interes sa kapangyarihan, kayamanan.
Ano ang tumutukoy sa pang ekonomikong motibo ng eksplorasyon
A. Ang paghahangad ng makapaglayag
B. Ang layuning makapagpalaganap ng Relihiyon
C. Ang nais ibahagi ang kaalaman sa mga bansa
D. Ang pangangailagan ng mga Europeo sa mga hilaw na materyales

32. Paano nakakaimpluwensiya ang Renaissance sa pagsisimula ng eksplorasyon?


A. Ang suportang mula sa monarkiya noong Panahong Renaissance ang nagbunsod sa paglalakbay
B. Nakatuklas ang mga tao ng mga makabagong kaalaman at teorya tungkol sa sansinukob
C. Ang pagtuklas ng mga imbensiyong gaya ng compass, astrolabe, at mapa ay nakatulong sa pagtuklas
ng mga bagong lupain
D. Ang pagiging mausisa sa mga bagay-bagay

33. Ano ang kahihitnan kung patuloy ang mga makapangyarihang bansa sa pagpapatupad ng
kapangyarihang imperyalismo at kolonyalismo?
A. Lalong sisigla ang kalakalan sa Europa
B. Mapapalaganap ang kulturang Kanluranin
C. Mas maraming bansa ang makokontrol at masasakop
D. Higit namang magiging makapangyarihan ang mayamang bansa na nagpapatupad nito.

34.Ang Portugal ang kauna-unahang bansa sa Europa ang nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa
Karagatang Atlantic. Naging malapit sila sa pamahalaang simbahan. Paano nakaimpluwensya ang
Simbahang Katoliko sa pagkakasundo ng Espanya at Portugal?
A. Hinikayat ng Simbahan na sila ay magkaisa
B. Ipinag-utos ng Papa ang pagkakasundo ng Espanya at portugal
C. Imunungkahi ng Simbahan na magparaya ang isang bansa
D. Ipinatupad ng Papa ang Kasunduan Tordisillas

35. Ano ang ibinunga ng pagpapaligsahan ng Espanya at Portugal sa pagpapalawak ng lupain


A.naging maunlad ang Europa
B. Nakatukals ng mga bagong lupain
C. Nahati ang mundo sa Espanya at Portugal
D. Nagkaroon ng Digmaan

36. Ang mga naganap sa Rebolusyong Siyentipiko at Insdustriyal ay naghikayat sa pagbabagong sigla sa
paglalakbay at pag-uusisa. Maraming mga iskolar ang tumuklas ng mga bagong kaalaman, kagamitan, na
naging kapaki-pakinabang sa larangan ng pagtuklas at pananakop.Maraming makabagong imbensiyon
ang nabuo sa Rebolusyong siyentipiko. Ano sa mga sumusnod ang pinakamahalagang ambag ng
Rebolusyong Siyentipiko sa Kanluran?
A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito
B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europa
C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa lipunan
D. Naging pangunahing dahilanito ng kamalayan ng mga kanluranin
37. Ano ang hindi mabuting implikasyonng patuloy na paggamitng makabagong teknolohiya bunsod ng
Rebolusyong Siyentipiko
A. Mas maraming imbensiyon ang matutuklasan
B. Patuloy na pagtaas ng produksiyon
C. Patuloy na pagkasira ng kapaligiran
D. Mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa

38. Ano ang naging epekto ng pagiging mausisa at paghahangad ng bagong kaalaman sa larangan ng
nabigasyon at eksplorasyon noong Rebolusyong Siyentipiko
A. Pagkatulas ng mga bagong lupain
B. Pagiging makapangyarihan ng mga pinuno
C. Paghahalo ng kultura ng mga bansa
D. Pagbabago ng pananaw ukol sa mundo

39. Bawat siyentista ay may kanya-kaniyang imbensiyon at ambag sa kanilang bansa. nagkakaroon din
sila ng di-pagkakaunawa na minsan ay sa sigalot sa simbahan bunga ng kanilang pinagkaiba ng
paniniwala at imbensiyon ukol dito. Paano sinabi ng isang siyentista na ang planeta sa kalawakan ay di-
pare-pareho ng bilis?
A. Ito ay magkakaibang planeta kaya hindi pare-pareho ang pag-ikot nito
B. Ito ay magkakaibang posisyon kaya hindi ito pare-pareho ang pag-ikot
C. Kapag ito ay papalapit sa araw bumubilis ang mga ito at bumabagal kapag ito'y papalayo
D. Kapag ito ay papalapit sa araw bumabagal ang mga ito at bumibilis kapag ito ay papalayo

40. Paano pinaglaban ang kanilang mga paniniwala sa siyensya laban sa simbahan
A. Nanindigan sila sa katotohanang hatid ng kanilang imbensiyon
B. Nakipaglaban sila laban sa kanilang paniniwala
C. Nagkaroon silapagtiwalag si simbahan para maisakatuparan ang kanilang paninindigan sa siyensya
D. Pinaglaban nila ang kanilang mga natuklasanay hindi katulad ng turo at aral sa simbahan.

You might also like