You are on page 1of 36

Araling Panlipunan 8

Ikatlong Markahan
2021-2022

WEEK 1
Ang Renaissance
Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)

Nasusuri ang mahahalagang


pagbabagong politikal, ekonomiko at
sosyo-kultural sa
panahong Renaissance.
Ang aralin na ito ay nahahati sa apat:

Kahulugan ng Renaissance
Mga Salik sa Pagsibol ng Reinaissance sa Italya
Paglaganap ng Humanismong Renaissance
Kontribusyon at Epekto ng Renaissance
Ang Renaissance
Sa huling bahagi ng Panahong Midyibal, nagtapos ang mahabang panahon
ng digmaan, epidemya at kaguluhang pang-ekonomiya at sumibol ang
pagbabagong hudyat ng isang bagong panahon na kinilala sa kasaysayan
bilang Renaissance.

Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na nangangahulugang


“muling pagsilang” o rebirth. Ito ay sumibol noong 1350 hanggang 1550.
Ito ay umusbong sa Italya at kalaunan ay kumalat sa buong
Europa.
Ang Renaissance ay may tatlong katangian:
Una, ang pamumuhay sa Italya ay urbanisado. Ang
mahahalagang gawain ng mga tao gaya ng politika,
ekonomiya at sosyo-kultural ay nakatuon sa mga ilang
makapangyarihang lungsod-estado tulad ng Florence,
Milan at Venice. Naging maunlad ang mga estadong ito
dahil ito ang mga naging tagapag-ugnay ng
Kristiyanong Europa at mga Kahariang Islam
ng silangan.
Ang Renaissance ay may tatlong katangian:
Una, ang pamumuhay sa Italya ay urbanisado. Ang
mahahalagang gawain ng mga tao gaya ng politika,
ekonomiya at sosyo-kultural ay nakatuon sa mga ilang
makapangyarihang lungsod-estado tulad ng Florence,
Milan at Venice. Naging maunlad ang mga estadong ito
dahil ito ang mga naging tagapag-ugnay ng
Kristiyanong Europa at mga Kahariang Islam
ng silangan.
Pangalawa, ang Renaissance ay panahon ng muling
pagbangon. Ang Europa ay sinalanta ng Black
Death o Bubonic Plague na ikinasawi ng 24 milyong
katao noong 1340’s at mga digmaan noong
Panahong Midyibal. Sa Panahon ng Renaissance,
unti-unting nakabangon ang Europa sa
epekto ng kalamidad noong Kalagitnaang
Panahon.
Ang Ikatlong katangian ng Renaissance, ay ang pag-usbong ng
Humanismo. Sa mga Italyano, itinuturing na ang buhay ng tao ay isang
paghahanda lamang matapos ang kamatayan. Natuklasan ng mga
Italyano na sila ay nagmula sa lahi ng mga Griyego at Romano. Ninais
din mga tao noon na makamtan ang mga bagay na nakamit ng kanilang
mga ninuno. Ang mga Griyego at Romano ay mga Humanista. Ibig
sabihin nito, sila ay naniniwala na ang mga tao ay may kakayahang
makamtan ang mga bagay na gusto nila at may karapatang maging
masaya habang nabubuhay. Naging inspirasyon ng mga
Italyano ang mga Griyego at Romano noong Panahon ng
Renaissance kaya muling nabuhay ang Humanismong
Klasikal. Ang mga pagbabagong ito na sanhi ng Renaissance
ang naging dahilan ng paglakas ng Europa.
Ito ang panahon ng muling pagsibol
ng mga pagbabagong kultural,
panunumbalik ng mga klasikal na
kultura ng Greece at Roma sa
pamamagitan ng pag-aaral sa
panitikan at kultura ng mga
nasabing sibilisasyon.
Nagsimula ang Renaissance noong ika-14 na siglo. Umusbong ang
Renaissance sa Italya sa sumusunod na mga kadahilanan:

Itinuturing ng mga Italyano sa dugo at wika na sila ay may kaugnayan


sa mga Romano kaysa sa alinmang bansa sa Europa.
May maganda itong lokasyon para magkaroon ng pagkakataon ang mga
lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europa.
Itinaguyod nito ang mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa
sining at masigasig sa pag-aaral.
Mahalaga ang naging papel ng mga unibersidad ng Italya
sa pagtataguyod at pananatiling buhay ng kulturang
klasikal
at mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang
Griyego at Romano.
Itinaguyod ng pilosopiya ni Roger Bacon na ang lahat
ng kaalaman ay napasailalim ng lalong mahigpit na
pagsusuri sa pamamagitan ng eksperimento at
katibayan. Nagbago sa panahon ng Reinassance ang
pananaw sa buhay ng tao. Sa unang pagkakataon,
natuklasan ng tao na ang kanyang sarili, higit na
silang mapagtanong at mapanuri sa mga
bagay na dati’y madali nilang tanggapin at
paniwalaan.
Ang pagiging matanong at kahiligan sa kaisipang
klasikal ang naging daan upang maitatag ang
kilusang tinatawag na Humanismo. Sa kilusang
ito, pinaniniwalaang dapat pagtuunan ng pansin
ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma sa
pagaaral dahil naglalaman ito ng lahat ng
aral na dapat matutuhan upang
magkaroon ng isang moral at epektibong
buhay.
Nagsilbing inspirasyon sa mga Humanista
ang mga panitikan at sining ng mga
sinaunang Griyego at Romano.
Nagsaliksik at masusi nilang pinag-aralan
ang mga manuskrito ng mga manunulat na
Griyego at Romano at isinalin nila ito
sa salitang Latin.
Kinilala ang mga sumusunod na
katauhan sa ibat-ibang larangan

Sa Larangan ng Sining at
Panitikan
Francesco Petrarch
Italyanong manunulat na tinawag
na “Ama ng Humanismo.”
Mahalagang
naisulat niya ang akdang
pampanitikan na “His Sonnets to
Laura,” na isang tula ng pag-ibig
para sa kanyang pinakamamahal
na si Laura.
Goivanni Boccacio
isa ring Italyanong kaibigang
matalik ni Petrarch. Ang kanyang
pinakamahusay na obra
maestrang isinulat ay ang
“Decameron,” na tanyag na
koleksyon na nagtataglay ng
isang-daang nakatatawang
salaysay. Sumasalamin ito sa
pananaw ng tao sa kanyang sarili
at kakayahan.
William Shakespeare
ang “Makata ng mga Makata.”
Naging tanyag na manunulat sa
Ginintuang Panahon ng Inglatera sa
ilalim ng pamumuno ni Reyna
Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya
ang kilala at tanyag na dula na
pinamagatang “Julius Caesar,”
“Romeo at Juliet,” “Hamlet,”
“Anthony at Cleopatra,” at
“Scarlet.”
Dante Alighieri
Italyanong manunulat na may
obra maestro na
“A Divine Comedy” noong
ika-14 na siglo. Inilalarawan
nito ang paglalakbay ng isang
kaluluwa tungo sa
pagkakaligtas.
Christine de Pizan
isang babaeng Pranses na
sumulat ng “The Book of the
City of Ladies.”
Ang kanyang isinulat ay isang
direktang reaksyon sa
paniniwala na ang mga
kababaihan ay walang
kakayahang matuto at walang
paninindigan.
Thomas More
manunulat na Ingles na
nagsulat ng “Utopia” na
naglalahad ng isang huwarang
lipunan na kung saan ang lahat
ay pantay-pantay at
masaganang namumuhay.
Desiderious Erasmus
manunulat na Olandiya na
tinaguriang “Prinsipe ng
mga Humanista” na may
akda ng “In Praise of Folly” na
tumutuligsa sa hindi mabuting
gawa ng mga pari at mga
karaniwang tao.
Nicollo Machiavelli
diplomatikong manunulat
mula Florence, Italya. Siya ang
may akda ng
“The Prince.” Napapaloob sa
aklat na ito ang dalawang
prinsipyo:
“Ang layunin ay nagbibigay
matuwid sa pamamaraan”
“Wasto ang nilikha ng lakas”
Miguel de Cervantes
Kastilang manunulat na may
nobelang “Don Quixote de la
Mancha,” aklat na
kumukutya at ginagawang
katawa-tawa sa kasaysayan
ang kabayanihan ng mga
kabalyero noong Panahong
Midyibal.
Sa Larangan ng Pagpipinta
Michelangelo Bounarotti
pinakasikat na manlililok ng
Renaissance mula sa Italya. Una niyang
obra maestro ay ang estatwa ni “David.”
Ipininta niya ang “Sistine Chapel” ng
Katedral ng Batikano sa paanyaya ni
Papa Julius II. Nagpapakita ito ng
kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa
pinagmulan ng sandaigdigan hanggang
sa pagbaha. Pinakamaganda at
pinakakilala niyang likha ang
“La Pieta,” isang estatwa ni Kristo
pagkatapos ng Kanyang Krusipiksyon.
Leonardo da Vinci
Italyanong pintor na hindi
makakalimutang obra maestro niya ang
“Huling Hapunan” na nagpapakita ng
huling hapunan ni Kristo kasama ang
Kanyang labindalawang disipulo.
Siya ay isang henyong maraming
nalalaman sa ibat-ibang larangan. Hindi
lang siya kilalang pintor, kundi isa ring
arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor,
siyentista, musikero at pilosopo.
Raphael Santi
“Ganap na Pintor,” “Perpektong
Pintor.” Pinakamahusay na pintor
ng Renaissance mula sa Italya.
Kilala sa pagkakatugma at balance o
proporsiyon ng kanyang mga likha.
Ilan sa kaniyang tanyag na gawa
ang obra maestrang
“Sistine Madonna,” “Madonna and
the Child,” at “Alba Madonna.”
Sa Larangan ng Agham sa
Panahon ng Renaissance
Nicolaus Copernicus
Kilalang Polish na naglahad ng
Teoryang Copernican;
“Sa pag-ikot ng daigdig sa aksis
nito, kasabay ng ibang planeta,
umiikot ito sa paligid ng araw.”
Pinasinungalingan ng teoryang ito
ang tradisyonal na pagiisip na ang
mundo ang sentro ng sansinukob, na
matagal ding tinangkilik ng
simbahan.
Galileo Gallei
isang Italyanong
astronomo at matematiko.
Malaki ang naitulong ng
kaniyang naimbentong
Teleskopyo para
mapatotohanan ang
Teoryang Copernican.
Sir Isaac Newton
tinaguriang Higante ng Siyentipikong
Renaissance na nagmula sa Inglatera.
Batay sa kanyang “Batas ng Universal
Gravitation,” ang bawat planeta ay may
kani-kaniyang lakas ng grabitasyon at
siyang dahilan kung bakit nasa wastong
lugar ang kanilang pag-inog.
Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong
ito ang dahilan kung bakit bumabalik
sa lupa ang isang bagay na inihagis
pataas.
Lumaganap ang Renaissance hindi lang sa Italya kung hindi
maging sa mga karatig pook sa Europa partikular na sa Inglatera,
Alemanya, Pransya at iba pang mababang bansa sa hilaga noong
ika-14 siglo.

Pinalaganap ang mga impluwensyang ito ng mga mangangalakal sa


mga nasabing bansa. Ang mga mag-aaral at iskolar ng hilagang
Europa ay bumisita sa Italya upang pag-aralan ang mga obra
maestro rito. Maging ang mga mayayamang maharlika ay
naging interesado rin sa Renaissance. Sila ay
nagpapunta ng mga mahilig sa sining sa kanilang
lupain upang ipakita ang kanila kakayahan sa sining.
Ang muling pagkakatuklas ng mga ambag ng
Griyego at Romano ay lubos na nakaapekto sa
mga pag-iisip ng mga Europeo, dahil dito
muling nagtiwala ang mga Europeo sa
kanilang sariling kakayahan na nagresulta
hindi lamang sa kanilang muling pagbangon
kung hindi maging isang makapangyarihan sa
buong daigdig sa sumunod na mga siglo.
SANGGUNIAN
Deloria, Marcosa D. ADM-SLM Modyul 1: Ang Renaissance. DepEd Region III. 2020
2020. https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-aralingpanlipunan-learners- module-
quarter-2.
Andaya, Jocelyn, and Jose Tuguinayo. Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed. Reprint, Pasig City: Vibal Group, Inc., 2014.
Cruz, Marck Alvin, and Fietas Mark Andrew. Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed. Reprint, Quezon City: Vibal Group.
Inc., 2015.
"LR Portal". Deped LR Portal, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/grade/8.
Mactal, Ronaldo. Padayon: Araling Panlipunan Sa Siglo 21. 1st ed. Reprint, Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., 2015.
Perry, Marvin, and Daniel Davis. History Of The World. Reprint, Boston, Massachusetts: Houghton Mifflin
Company, 1989.
Samson, Maria Carmelita, and Celia Soriano. Kayamanan: Kasaysayan Ng Daigdig. Reprint, Manila: Rex
Publishing Company Inc.,
2015.

You might also like