You are on page 1of 22

Araling Panlipunan 9

Ikatlong Markahan
2021-2022
WEEK 1
Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
Kasanayan sa Pagkatuto

Naipaliliwanag ang bahaging


ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot
na daloy ng ekonomiya.
Ang aralin na ito ay ginawa upang higit
na malinang ang antas ng iyong
kaalaman sa bahaging
ginagampanan ng mga bumubuo sa
paikot na daloy ng ekonomiya.
Ang modelo ay representasyon ng isang
konsepto o kaganapan. Ito ay nagbibigay
ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang
ekonomiya sa makroekonomiks. Ang
modelo ng pambansang ekonomiya ay
naglalarawan ng interdependence ng lahat
ng sektor sa isang ekonomiya.

Sa pamamagitan nito, naipakikita nang


simple ang reyalidad.
Ang pagtataya sa buong gawi ng
lipunan ay isang malawak na
gawain. Upang mailarawan ang
galaw ng pambansang ekonomiya
sa isang simpleng kalagayan
maipakikita ito sa pamamagitan ng
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
Unang Modelo. Payak na Ekonomiya. Ito ay nagpapakita ng
isang payak na ekonomiya na kung saan ang sambahayan at
bahay-kalakal ay iisa. Ang gumagawa ng produkto ay siya
ring kumukonsumo.
Ikalawang Modelo.
Ang Bahay-kalakal at
Sambahayan

Sa modelong ito, ang


ekonomiya ay nahahati sa
dalawang sektor: ang
sambahayan at bahay-
kalakal.

Mayroong itong dalawang pamilihan:


(1) ang pamilihan ng salik ng produksiyon o factor markets (lupa, lakas-paggawa, entreprenyur,
kapital)
(2) pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity (kilala bilang goods market o
commodity market) at serbisyo
Makikita sa ikalawang modelo, na ang nasa loob na
daloy ay mga produkto at serbisyo sa pagitan ng
sambahayan at bahay-kalakal. Ipinagbibili o
pinapaupahan ng sambahayan ang paggamit ng
kanilang lupa, lakas-paggawa, kapital, pamamahala sa
pamilihan ng salik ng produksiyon. Binibili naman ito
ng bahay-kalakal na ginagamit sa paggawa ng mga
produkto at serbisyo na ipinagbibili sa sambahayan sa
pamamamagitan ng pamilihan ng mga
tapos na produkto at serbisyo.
May prinsipyong makukuha sa modelo ng paikot na daloy ng
ekonomiya.

1. Ang paikot na daloy ay nasa ekwilibriyo. Dahil ito ay paikot, kung


ano ang dumadaloy palabas sa bawat sektor ay siya ring dadaloy
papasok.
2. Ang gastos sa pagbili ng mga produkto at serbisyo ay dumadaloy
mula sa sambahayan patungo sa bahay-kalakal at ang kita sa salik
ng produksiyon ay dumadaloy mula bahay-kalakal patungo sa
sambahayan.
Ipinapakita dito ang kabuoang gastos at ang kabuoang kita ay
masasabing patas o tama lamang.
Ikatlong Modelo. Pamilihang Pinansyal.
Makikita sa modelong ito kung paano nagdudulot ng pagkakaroon ng palabas
at paloob sa daloy ng ekonomiya. Ipinakikita sa Pigura 3 na ginugugol ng
sambahayan ang kanilang kita
sa pagbili ng mga produkto at
serbisyo. Ngunit hindi lahat ng
kanilang mga kita ay kanilang
ibinibili ng mga produkto at
serbisyo, ilang bahagi nito ay
kanilang itinatabi sa mga
bangko bilang pag-iimpok.
Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa paggastos ng
sambahayan para sa kanilang mga
pangangailangan para sa hinaharap. Ito ay
maaaring ilagay sa pamilihang pinansyal
(bangko, kooperatiba, insurance, pawnshop, at
stock market). Dahil dito, ang pag-iimpok ay
isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
Ang bahay-kalakal naman ay nais na palakihin o palawakin ang
kanilang produksyon kung kaya’t mangangailangan sila ng
karagdagang puhunan. Ang mga may-ari ng bahay-kalakal ay
manghihiram sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang
pinansyal upang gamitin sa pamumuhunan at makabili ng
karagdagang salik ng produksiyon. Ang paghiram ng bahay-kalakal
sa mga pamilihang pampinansyal ay may kapalit na kabayaran sa
pamamagitan ng interes sa hiram na puhunan. Samakatuwid, ang
pamumuhunan ay isang papasok na daloy sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
Ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa
pagtaas ng produksiyon at paglaki ng pamumuhunan. Para
maging matatag ang ekonomiya, kailangan na may ipon ang
sambahayan at bahay-kalakal na handang mamuhunan.
Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-kalakal, tataas ang
produksiyon. Inaasahan din na dadami ang oportunidad para
sa trabaho. Sa ganitong modelo, kinakailangang balanse ang
pag-iimpok at pamumuhunan.
Ikaapat na Modelo.
Ang Pamahalaan.

Sa modelong ito
makikita kung
paanong ang
pamahalaan ay
lumalahok sa
sistema ng
pamilihan.
Isa sa mga mahahalagang gawain ng pamahalaan ay ang
paniningil ng buwis sa mga kinikita ng sambahayan at bahay-
kalakal. Dahil dito, hindi lahat ng kinikita ng bahay-kalakal at
sambahayan ay naibibili ng mga salik ng produksiyon at
naibibili ng mga produkto at serbisyo. Ilang bahagi ng kanilang
kinikita ay ibinabayad sa pamahalaan sa pamamagitan ng
buwis. Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita.
Public revenue ang tawag sa kita mula sa buwis. Ito ang
ginagamit ng pamahalaan para sa mga pampublikong
paglilingkod.
Ang pamahalaan katulad ng sambahayan at bahay-
kalakal ay kinakailangan din na gumastos para
maisakatuparan ang paglilingkod sa mga
mamamayan. Ang pamahalaan ay gumagastos para
sa pagpapasahod ng mga kawani nito, bumibili ng
iba’t ibang produktong kailangan upang patakbuhin
ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Dahil dito ang
gastos na ito ay isang papasok na
daloy sa ekonomiya.
Ikalimang Modelo. Kalakalang Panlabas.
Ang kalakalang panlabas ay may kinalaman sa pagaangkat at
pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa. Ang
pag-aangkat (import) ay
pagbili ng mga produkto
at serbisyo mula sa ibang
bansa, samantalang ang
pagluluwas (export) ay
pagbebenta ng mga
produkto at serbisyong gawa
sa ating bansa.
Makikita sa modelong ito ang relasyon ng panlabas na
kalakalan sa paikot na daloy ng ekonomiya. Napapansin mo
marahil na hindi lahat ng mga itinitinda sa ating bansa ay dito
ginawa. Marami sa mga produktong ito ay gawa sa ibang bansa
o inaangkat mula sa ibang bansa. Pumapasok ang mga
inaangkat na produktong ito sa ating ekonomiya at magiging
bahagi na ang mga produkto sa merkado. Ang pag-aangkat ay
isang papasok na daloy sa daloy ng mga produkto at serbisyo.
Ang pag-aangkat sa mga dayuhang produkto ay
kinakai-langang bayaran natin ito kung kaya’t ang
pag-aangkat ay palabas na daloy ng salapi sa
ekonomiya.
Hindi rin naman lahat ng mga nagawang produkto
sa ating bansa ay dito rin itinitinda. Malaking bilang
ng mga produktong ito ay iniluluwas natin sa ibang
bansa. Dahil dito, marami tayong mga produktong
binibili ng mga mamamayan sa labas ng bansa.
Bunga nito, kumikita ang bansa sa pagluluwas, ito
ay papasok sa daloy ng salapi sa ating bansa.
SANGGUNIAN

Lumasac, Rebecca D. ADM-SLM Modyul 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya. DepEd Region III. 2020
Antonio, Eleanor D., Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Ma. Carmelita B.Samson, at Celia D.
Soriano. 1999. Pagbabago.
Manila, Philippines: Rex Bookstore, Inc
Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr.,
Alex P. Mateo, at
Irene J. Mondejar. 2015. Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral) Pasig City: Vibal Group Inc.
Molina, Ramil V., Baby Jane C. Alcantara, Leo C.Somera, Joevenil P. Moncal, Dr. Gregorio R. Sismondo at
Alvin C. Fronteras.
2016. Makisig Ekonomiks. Sampaloc, Manila:Magallanes Publishing House
Gonzaga, Crystal Lyn.2017. “Paikot na Daloy ng Ekonomiya”. Slideshare. Binuksan noong July 5, 2020.
https://www.slideshare.net/CrystalLynnGonzaga/paikot-na-daloy-ngekonomiya-81615624
Delgado, Antonio. 2016. “Makroekonomiks at ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya”.
Slideshare. Binuksan noong July 8, 2020. https://www.slideshare.net/kazekage15/makroekonomiks-at-ang-
paikotna-daloy-ngekonomiy

You might also like