You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Nueva Ecija
STO. ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Sto.Rosario, Sto. Domingo, Nueva Ecija
Pangalan:________________________________________________________________Iskor:___________________
Bilang at Pangkat:__________________________________

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EKONOMIKS

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at hanapin sa kahon ang sagot na tinutukoy nito. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang. NO ERASURES.

Maykroekonomiks Makroekonomiks Unang Modelo Patakarang Piskal


Economic indicators Kita Patakaran sa Pananalapi Implasyon
Ikalawang Modelo GNI/GNP Expansionary Fiscal Policy Savings
Consumer Price Index GDP Deplasyon Financial Intermediaries

____________________1. Ito ay larangan ng ekonomiks na sumusuri sa malawakang pangyayaring pang-ekonomiya


tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic, implasyon at antas ng presyo.
____________________2. Modelo ng pambansang ekonomiya na naglalarawan ng simpleng ekonomiya kung saan ang
sambahayan at bahay kalakal ay iisa.
____________________3. Sa pamamagitan nito, malalaman natin kung may narating na pagsulong at pag-unlad ang
ekonomiya ng isang bansa.
____________________4. Ito ay ang halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.
____________________5. Tumutukoy sa pagtaas ng pankalahatang presyo ng ng mga piling produktong nakapaloob sa
basket of goods.
____________________6. Ito ay ang patakarang tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta
upang mabgo ang galaw ng ekonomiya.
____________________7. Sistemang pinaiiral ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang makontrol ang supply ng salapi sa
sirkulasyon.
____________________8.Ipinapalagay sa modelong ito na may dalawang aktor sa isang ekonomiya- ang sambahayan at
bahay-kalakal.
____________________9. Tumutukoy sa kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi ginastos sa pangangailangan.
____________________10. Ito ang tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
____________________11. Paraang isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.
____________________12. Sisusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga
konsyumer.
____________________13. Kung ang GNI ay tumutukoy sa mgakabuuang halaga ng mga tapos na produkto at
serbisyong na sa loob ng bansa kasama ng mga exports, ano naman ang tawag sa kabuuang halaga ng mga produkto at
serbisyong ginawa sa loob ng bansa sa isang takdang panahon?
____________________14. Sila ang nagsisilbing tagapamgitan sa nag-iipon ng pera at sa nais mangutang o mag-loan.
____________________15. Tumutukoy sa pagbaba sa halaga ng presyo.
II. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang titik ng tamng sagot sa sa patlang..NO ERASURES.
______16. Sa Ikatlong Modelo ng Pambansang ekonomiya, ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nagaganap sa anong
pamilihan?
A. Financial Market C. Bahay-Kalakal
B. Commodity Market D. Insurance Company
______17. Ipinapakita sa ika-apat na modelo ng ekonomiya ang paglahok ng ekonomiya sa sistema ng pamilihan..
Sumisingil ang pamahalaan ng buwis upang kumita, at ang kita mula sa buwis ay tinatawag na__________.
A. Pag-iimpok B. Tax C. Public Revenue D. Savings
_____18. Ito ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambangsang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.
A. Import B. Kalakalang Panlabas C. Export D. Free Port
_____19. Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor, ito ay ang:
A. Sambahayan, tindahan, panlabas na sektor
B. Bahay-kalakal, tindahan, sambahayan, bangko
C. Panloob at panlabas na sektor
D. Sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor
_____20. Isang paraan ng pagsukat ng GDP ng bansa kung saan pagsasama-samahin ang kabuuang halaga ng
produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa.
A. Expenditure Approach B. Industrial Origin Approach C. Income Approach
_____21. Pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bungapagkaluma dulot ng tuloy-tuloy na paggamit paglipas ng panahon.
A. Depresasyon B. Subsidy C. Net Surplus D. Tax
____22. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng proteksyon sa mga depositor sa pamamagitan ng pagbibigay
ng insurance sa kanilang depositor hanggang Php 250,000 bawat depositor.
A. Philippine Deposit Insurance Company (PDIC)
B. Bureau of Internal Revenue
C. Bangko Sentral ng Pilipinas
D. Consumer Price Index
____23. Deklarasyon ng lahat ng pag-aari, pagkakautang, negosyo at iba pang financial interest ng isang empleyo.
A. Tax Worth B. Net worth C. SALN D. Revenue
_____24. Kilala bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Punlic Officials and Employees.
A. RA 6713 B. RA 4221 C. RA 9461 D. RA 3018
_____25. Nagaganap ito kapag nagkakaroon ng paglaki sa paggasta ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at
panlabas na sektor.
A. Cost-push B. Demand-pull
_____26. Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas sa presyo ng bilihin.
A. Cost-push B. Demand-pull
____27. Tumutukoy sa paraan ng pagsukat ng implasyon.
A. GNP Implicit Price Index
B. Wholesale Price Index
C. Consumer Prince Index
D. Demand Deflator
____28. Paraang ipinapatupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya.
A. Expansionary Approach
B. Contractionary Approach
____29. Ito ang paraang karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong pampamahalaan o
pagpapababa sa buwis lalo na sa panahong ang pribadong sektor ay mahina o may bantang kinahaharap.
A. Expansionary Approach
B. Contractionary Approach
____30. Kumpletuhin ang analohiya; Pag-iimpok: Kitang lumalabas sa ekonomiya, _____________: nagbabalik sa paikot
na daloy
A. Pamumuhunan C. Pangungutang
B. Pag-iimpok D. Pagbili
III. Tama o Mali. Panuto:Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ito naman ay mali.

______31. Ang kooperatiba ay kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkalahatang
layunin.
_______32. Ang Land Bank of the Philippines ay itinatag upang magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan.
_______33. Ang Thrift Banks ay mga di-kalakihang bango na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na negosyante.
_______34. Ang Commercial Banks ay malalaking bangko na pinapayagang makapagbukas ng mga sangay saan mang
panig ng kapuluuan lalo na sa mga lugar na walang bangko.
_______35. Ang Pawnshop o Bahay sanglaan ay itinatag upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera
at walang paraan upang makalapit sa mga bangko.
______36. Ang tinatanggap na kita ng pamahalaan ay tinatawag na tariff.
_______37. Lending ang tawag sa paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito.
_______38. Ang Implasyon ay naging isang malaking suliranin sa Pilipinas noong 2018.
_______39. Dapat piliin at kilalanin ang isang bangko bago ka maginvest dito.
_______40. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.
______41. Kailangan ng nakalap na impormasyon mua sa pambansang kita upang maging gabay sa paggawa ng mga
polisiya para sa ekonomiya.
______42. Hindi kasama ang impormal na sektor sa pagsukat ng pambansang kita.
_______43. Mas maiigi na iimpok ang iyong pera sa alkansya kaysa sa bangko.
_______44. Nagkakaroon ng budget deficit kapag mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa pondo.
_______45. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang pangunahing institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng
halaga ng bilihin ng ating pananalapi.

IV. Essay (Panuto: Pumili ng isang tanong na iyong ipapaliwanag at sasagutin, ito nagkakahalaga ng 5 puntos)

1. Bakit mahalaga ang pagsukat sa Gross National Income ng isang bansa?


2. Kung ikaw ay mag-iimpok, ano ang maaaring pakinabang mo dito?
3. Paano naaapektuhan ang isang pamilya sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin o implasyon?
4. Kung ikaw ang magiging Presidente ng Pilipinas, anong sektor ang paglalaanan mo ng pinakamalaking badyet?
5. Bakit mahalaga ang intitusyon ng pananalapi sa isang bansa?

“Kapag lumingon ka,


Bagsak ka.” hehesz
- Ma’am Ella

Inihanda ni:
MA. LEONILLA L. VIERNES
Teacher I

You might also like