You are on page 1of 23

YUNIT III

PAGSUSURI NG
EKONOMIYA
MAKROEKONOMIKS
MACRO + ECONOMICS =
MACKROECONOMICS

BIG
HOUSEHOLD
MANAGEMENT
BIG
HOUSEHOLD
MANAGEMENT
MAKROEKONOMIKS
• Ayon sa Investopedia.com, ang
makroekonomiks ay larangan ng
ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng
kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng
makroekonomiks ang malawakang
pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng
pagbabago sa kawalan ng trabaho,
pambansang kita, gross domestic product,
implasyon, at antas ng presyo.
APAT NA PINAGTUTUUNANG
PANSIN NG MAKROEKONOMIKS
Kabuuang antas ng presyo.
Kabuuang produksyon o bilang ng
kalakal na nagawa sa ekonomiya.
Kabuuang empleyo.
Relasyon ng mundo sa panloob na
ekonomiya.
ARALIN 1
Paikot na daloy ng
ekonomiya
Mga modelo ng pambansang
ekonomiya
Simpleng ekonomiya
Kokonsumo ng produkto.

SAMBAHAYAn

Lilikha ng produkto.
Unang modelo
Ang unang modelo ng pambansang
ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng
ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-
kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto
ay siya ring konsyumer. Ang supply ng
bahay-kalakal ay demand nito kapag
kabilang na ito sa sambahayan.
TANDAAN !
Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga
ng produksiyon sa isang takdang panahon.
 Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay
siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto.
Upang lumago ang ekonomiya, kinakailangang
maitaas ng kaukulang aktor ang kanyang
produksiyon at pagkonsumo.
Ikalawang modelo
Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga
pangunahing sektor dito.
May dalawang uri ng pamilihan sa
pambansang ekonomiya. Ang unang uri ay
ang pamilihan ng mga salik ng produksiyon
o factor markets. Ang ikalawang uri ay
pamilihan ng mga tapos na produkto o
commodity. Kilala ito bilang goods market o
commodity markets.
Pamilihan ng
kalakal at
Paggasta
Kita paglilingkod

Pagbebenta Pagbili ng
ng kalakal kalakal at
at paglilingko
palilingkod d

Bahay-kalakal
sambahayan
Lupa,
Input para paggawa
sa at kapital
Sahod, produksyon
upa at Kita
tubo Pamilihan ng salik
ng produksyon
Nag iipon ka ba?
Ikatlong Modelo
• Ang ikatlong modelo ay
nagpapakita ng dalawang
pangunahing sektor-ang
sambahayan at bahay-kalakal.
Isinasaalang-alang ng sambahayan
at bahay-kalakal ang kanilang mga
desisyon sa panghinaharap.
• Tatlo ang pamilihan sa ikatlong
modelo. Ang mga pamilihan ay
para sa salik ng produksiyon,
commodity o tapos na produkto, at
para sa mga pinansiyal na kapital.
Define It
Import Pag-aangkat

Export Pagluluwas

Domestic Sa loob ng bansa

Non- domestic/inter Sa labas ng bansa


national
Pamahalaan
Ika- apat na modelo
• Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang
pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
• Maaaring maliit at mabagal ang gampanin ng
pamahalaan dito. Maaari namang malaki rin at aktibo
ang pamahalaan dito.
• Tulad din ng pag-iimpok at pamumuhunan, ang
pagbabayad ng buwis ay takdang gawain ng
sambahayan at bahay-kalakal sa pamilihan.
• Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita.
Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public
revenue.
• Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay may tatlong
pinagbabatayan: una, ang pagtaas ng produksiyon; ikalawa,
ang produktibidad ng pamumuhunan; at ikatlo, ang
produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan.

• Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay


sarado. Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan
sa mga dayuhang ekonomiya. Ang tuon lamang ng mga
naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya.
Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay
domestik.
Ikalimang modelo
• May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya.
Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng
produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga
dayuhang ekonomiya.

• Ang bahay kalakal ay nagluluwas (export) ng mga


produkto sa panlabas na sektor samantalang ang
sambahayan ay nag-aangkat (import) mula dito.

You might also like