You are on page 1of 5

ANG PAMILIHAN

 Dalawang estruktura ng pamilihan:


• Pamilihang may ganap na kompetisyon — sa
pamilihang ito, walang kakayahan ang sinuman sa bahay-
kalakal at mamimili na kontrolin ang presyo. ang mga
produktong ipinagbibili ay walang pagkakaiba. Ang mga
mamimili at nagtitinda ay may ganap na kaalaman sa
kalagayan ng pamilihan.
• Pamilihang may hindi ganap na kompetisyon- sa
pamilihang ito, nakokontrol ng isa o iilang kompanya ang
presyo ng produkto.
Monopolyo – isang uri ng pamilihan na may iisa lamang
bahay-kalakal na gumagawa ng produkto na walang
malapit na kahalili.
 Monopsonyo – ito ang pamilihang isa lamang ang
mamimili. Ito ay may lubos na kapangyarihan upang
kontrolin ang presyo.
Halimbawa ay ang Pamahalaan- itinuturing na isang
monopsonist
Oligopolyo — isang estruktura ng pamilihan na may
maliit na bilang ng bahay-kalakal na nagbebenta ng
magkakatulad o magkakaugnay na produkto.
Halimbawa ay ang industriya ng langis
Cartel – isang organisasyon ng malalayang bahay-
kalakal na gumagawa ng magkakatulad na produkto na
sama-samang kumikilos upang itaas ang presyo at
takdaan ang dami ng gagawing produkto.
 Tatlo ang gampanin ng malaki at aktibong pamahalaan:
 1.Ang pagpapanatili ng kompetisyon – pagbuo ng mga
batas at programang pangkaunlaran, pagpapalawak ng
kompetisyon sa pamilihan
2. Pagpapalit sa allocative role ng pamilihan – pagpili
ng mga hakbangin sa pagsisinop ng pinagkukunang-
yaman, muling pamamahagi ng kita at yaman ng isang
bansa sa mga mamamayan, pagpapatatag at
pagpapatibay ng pambansang ekonomiya
3. Ang pagsasaayos ng distribusyon ng mga
pinagkukunang-yaman (distributive role)—paliitin ang
antas ng inequality sa pamilihan

You might also like