You are on page 1of 2

MGA ISTRUKTURA NG PAMILIHAN

Ang istruktura ng Pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado


kung saan ipinakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ito ay nahahati sa dalawang
pangunahing balangkas --- ang pamilihan na may ganap na kompetisyon (Perfectly
Competitive Market (PCM) at ang pamilihang may hindi ganap ang kompetisyon
(Imperfectly Competitive Market (ICM). Ang dami at lawak ng kontrol ng market players o ang
mga konsyumer at prodyuser sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng estruktura nito.

● Pamilihang May Ganap na Kompetisyon


Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa
pamilihang ito, walang kakayahan sinuman sa bahay-kalakal at mamimili
na kontrolin ang presyo, ang mga produktong ipinagbibili ay walang
pagkakaiba. Dahil dito ang mga prodyuser at konsyumer ay napipilitan
magbenta at bumili ng mga produkto at serbisyo sa itinakdang presyo sa
ekwilibriyo ng pamilihan. Ang sitwasyong ito ay ipinaliwanag ng konsepto
ng price taker na kung saan ang prodyuser at konsyumer ay umaayon
lamang kung ano ang takbo ng presyo sa pamilihan at walang kapasidad
na magtakda ng sarili nilang presyo.

● Pamilihang may Hindi Ganap na Kompetisyon


Sa pamilihang ito, nagkokontrol ng isa o iilang kompanya ang presyo ng
produkto. Ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay
may kapangyarihang naimpluwensyahan ang presyo sa pamilihan.

Ibat ibang anyo na bumubuo sa Pamilihang May Hindi Ganap na


Kompetisyon:

1. Monopolyo – ito ang uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng
produkto o nagbibigay serbisyo kung kaya’t pamalit o kahalili.

2. Monopsonyo – sa ganitong uri ng pamilihan mayroon lamang iisang mamimili ngunit


maraming prodyuser ng produkto at serbisyo.
3.Oligopolyo – ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang
na prodyuser ang nagbebenta ng mag katulad o magkaugnay na produkto at serbisyo.

4. Monopolistikong Kompetisyon (Monopolistic Competition) - sa ilalim ng ganitong uri ng


estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa
pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer.

You might also like