You are on page 1of 14

ARALIN 10

MGA ESTRUKTURA
NG PAMILIHAN
GANAP NA KOMPETISYON
PAMILIHAN
Ang pamilihan ay isang lugar na
nagpapakita ng organisadong
transaksiyon sa pagitan ng
mamimili at nagbibili.

May dalawang estruktura ng


pamilihan: ganap na
kompetisyon (Perfectly
Competitive Market (PCM)) at
di-ganap na kompetisyon.
(Imperfectly Competitive
Market (ICM)).
GANAP NA
KOMPETISYON
Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na
kompetisyon kapag ang sinumang negosyante
ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin
ang presyo sa pamilihan.
Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa
kanilang aklat na Economics 2nd Edition
(2009), ang pamilihang may ganap na
kompetisyon ay may sumusunod na
katangian:
MARAMI ANG MAMIMILI AT
TINDERA NG PRODUKTO
Ang pagkakaroon ng maraming
mamimili at nagtitinda ng produkto
ang isang dahilan ng kawalan ng
pwersa o kapangyarihan na magtakda
ng presyo.
MAGKAKATULAD ANG
MGA PRODUKTO
Ang mga produkto sa loob ng
pamilihan na may ganap na
kompetison ay magkakatulad
(homogeneous) tulad ng mga produkto
na madalas na nakikita sa palengke.
MAY SAPAT NA KAALAMAN
AT IMPORMASYON
Ang bawat negosyante at mamimili ay
dapat na may ganap na kaalaman sa
nangyari sa pamilihan.
MAY KALAYAAN SA
PAGLABAS AT PAGPASOK
SA NEGOSYO
Ang sinumang negosyante ay may
kalayaang makapamili ng mga
produkto na nais niyang ibenta.
MALAYA ANG PAGGALAW
NG MGA SALIK NG
PRODUKSIYON
Upang maging ganap, ang kompetisyon,
dapat walang sinumang negosyante ang
nakakokontrol sa paggalaw ng mga salik
ng produksivon.
TANONG 1:
Sinabi sa ating leksyon na price taker ang mga
negosyante sa pamilihang may ganap na
kompetisyon. Sa tingin niyo, ano kaya ang
dahilan nito?
PAGTATAKDA NG PRESYO AT LEBEL NG
PRODUKSIYON SA GANAP NA KOMPETISYON
Ang presyo ng produkto ay naaayon sa mekanismo ng bilihan
na may maraming mamimili at nagbibili. Walang kumokontrol
at walang sinuman ang may sapat na puwersa upang itakda ang
presyo.

Ang revenue ay kabayaran sa mga binebentang produkto na


tinatanggap ng mga nagtitinda. Ang average revenue (AR) ay
ang benta sa bawat produkto na ipinagbibili ng negosyante at
ang marginal revenue (MR) ay karagdagang benta sa bawat
karagdagang produkto na ipinagbibili.
Sa pag-alam ng lebel ng produksiyon na magbibigay ng
pinakamalaking tubo sa isang negosyante, ginagamit ang dalawang
pamamaraan. Ito ay ang:
1. Total Revenue (TR)- Total Cost (TC), ay ang pagbawas sa
kabuuang benta ng kabuuang gastos ay magreresulta ng
pagkuha ng tubo. Bawat negosyante sa ganap na kompetisyon ay
naghahangad na matamo ang pinakamalaking tubo sa anumang
lebel ng produksiyon.
2. Marginal Revenue (MR) –Marginal Cost (MC), ang paraang ito
ang nagpapaliwanag na anumang karagdagang benta ay
katumbas ng karagdagang gastos ng negosyante na siyang
pinakamainam na lebel ng produksiyon na tinatawag na
optimum level.
TANONG 2:
Sa inyong palagay bilang mag-aaral, ano ang
kabutihan at hindi kabutihang dulot ng
pamilihang may ganap na kompetisyon?
Panuto: Sagutin ang sumusunod sa papel. Sagutin
Ayusin ang mga salita batay sa mga tanong.

1. Ito ay isang lugar na nagpapakita ng organisadong


transaksiyon sa pagitan ng mamimili at nagbibili.
(NIHALIPAM)
2. Ano ang hindi kayang itakda ng tindera sa ganap na
kompetisyon? (RESYPO)
3. Sino ang mga sinasabing price takers sa pamilihang may
estrukturang ganap na kompetisyon? (SETYANGONE)
4. Ano ang paglalarawan sa mga produkto ukol sa
pamilihan na may ganap na kompetisyon?
(AKAGDALAKMUT)
5. Ano ang dapat mayroon ang mga mamimili at mga
negosyante ukol sa pamilihan ng ganap na kompetisyon?
(ONORMISAPYM)

You might also like