You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII-Central Visayas
Schools Division of Cebu Province
SAMBOAN DISTRICT

Araling Panlipunan 9
2nd Quarter MELC 4 Week 6-7

Pangalan:_________________________________________Baitang/Seksyon:_________________
I.MELC COMPETENCY
CODE
Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang istraktura ng
pamilihan
II. LAYUNIN
1. nakapagbibigay ng kahulugan sa salitang pamilihan;
2. naisa-isa ang iba’t- ibang estruktura ng pamilihan;
3. naihahambing ang iba’t- ibang estruktura ng pamilihan; at
4. napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamilihan sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
III. PAKSA
Ang Pamilihan

IV. PAMAMARAAN
A. Babasahin:

apeconomics.wordpress.press

1
ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
1. Ganap na Kompetisyon
2. Di-Ganap na Kompetisyon
3. Monopolistikong Kompetisyon

PAGLALARAWAN NG BAWAT ESTRUKTURA NG PAMILIHAN

1. Ganap na Kompetisyon
a. Maraming maliit na konsyumer at prodyuser.
b. Magkakatulad ang produkto (Homogenous)
c. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
d. Mundo ng price takers .
e. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
f. Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan

2.Di-Ganap na Kompetisyon
Ang indibidwal na kalakalan o firm ay may kontrol sa presyo ng kalakal. Ito ay
Monopolyo Oligopolyo Monopolistikong Kompetisyon

2
3. Monopolistikong Kompetisyon
Sa pagkakaroon ng madaming konsyumer, ang mga prodyuser ay may
kalayaan na lumabas at pumasok sa pamilihan upang magtamo ng malaking
tubo. - monopolista ng sariling produkto ang mga negosyante at prodyuser sa
estrukturang ito.

B.EXERCISES FOR

SKILLS/ ANALYSIS USING HOTS FOR CONTENT SUBJECTS

Gawain 1: Isipin at Ihalintulad mo!


Paghambingin ang dalawang estruktura ng pamilihan. Isulat ang pagkaka-iba
at pagkakapareho nito gamit ang Venn Diagram sa ibaba. Pagkapos ay sagutin
ang tanong sa ibaba. Isulat sa malinis na papel ang iyong kasagutan.

Sagutin:
1. Ano sa tingin mo ang mas
mainam na estruktura ng
pamilihan? Ipaliwanag.
2. May naitutulong ba ang
iyong kaalaman tungkol dito?
3. Paano mo ito
naisasabuhay?

Gawain 2: Ilarawan mo!


Ibigay ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga aktor sa pamilihan at
ang mga kahalagahan nito. Sipiin ang “organizer” at isulat sa ma
linis na papel.

C. PAGTATAYA

3
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
notebook.
1. Ang bumibili ng mga produkto sa pamilihan.
A. Konsyumer B. Demand C. Presyo D. Supply

2. Sila ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga tao sa lipunan.


A. Konsyumer B. Prodyuser C. Manager D. Entreprenyur

3. Ang tawag sa isang sitwasyon kung saan itatago ng mga nagtitinda ang
mga produkto.
A. Hoarding B. Kompetisyon C. Ebalwasyon D. Pamilihan

4. Ito ay isang instrumento upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng


prodyuser at konsyumer.
A. Produkto B. Presyo C. Prodyuser D. Konsyumer

5. Ang presyo ay mabisang batayan sa maayos na bentahan sa pamilihan.


Bakit mahalaga ang partisipasyon nito sa ugnayan ng prodyuser at
konsyumer?
A. Hudyat sa paglago ng kaunlarang pang-ekonomiya.
B. Nagiging ganap at legal ang palitan ng parodukto at serbisyo.
C. Katapatan ng pamahalaan sa serbisyong pang-ekonomiya.
D. Magandang hangarin sa pagpapataw ng buwis.
6. Ang langis ay produktong nanggaling sa Middle East na inaangkat o ini-
import sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Bakit itinuturing na ginto at sobrang
mahalaga ang produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado?
A. Dahil ito ay nagdudulot ng suliraning pangkapaligiran.
B. Dahil hindi maiwasan ang malawakang suliraning pang ekonomiya.
C. Dahil nagkaroon ng kompyansa ang mga mayayamang bansa kaysa
mahihirap.
D. Dahil ginagamit ito sa pagsulong ng industriyalisasyon

7. Ang monopolyo ay uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser ng isang


produkto o serbisyo na hindi maaring palitan ng ibang uri ng produkto. Bakit
hindi mabuti ang monopolyo na estrutura ng pamilihan
A. Mahina ang kompetisyon sa pagitan ng prodyuser at konsyumer.
B. Sa pagtatakda ng presyo nabuksan ang limitasyon ng produksyon.
C. Maaring makontrol ng isang prodyuser ang pagtatakda ng presyo.
D. Mahalaga ang partisipasyon ng mga konsyumer sa pagbebenta ng
produkto.
8.Ang ganap na kompetisyon ay uri ng pamilihang kinikilala bilang ideal o
naayon na kung saan malaya ang prodyuser at konsyumer sa pamilihan.
Bakit naging pinakamainam ang ganap na kompetisyon?
A. Walang sino sa kanila ang may kontrol sa takbo ng pamilihan lalo na sa
pagtakda ng presyo ng mga produkto.
B. Mas makapangyarihan ang prodyuser sa pagpapataw ng presyo sa mga
produkto.
C. Mahina ang partisipasyon ng konsyumer sa bentahan ng mga produkto
sa pamilihan.
4
D. Matibay ang pagtatakda ng presyo ng mga produkto sa bawat
partisipasyon ng prodyuser at konsyumer sa presyohan.

9. Ang trademark ay ang pagmamarka sa isang produkto o serbisyo bilang


pagkakakilanlan ng prodyuser o tagagawa nito. Bakit mahalaga ang
pagmamarka ng isang produkto?
A. Maisawan ang pamemeke ng mga produkto.
B. May kalayaan ang bawat mamamayan sa paglikha ng produkto.
C. Pinahihintulutan ang mga pamimirata.
D. Mabawasan ang mga produktong yari sa ibang bansa.

10. Ang Intellectual Property Rights ay ang karapatang pagmamay-ari ng


isang tao tulad ng tula o komposisyon ng kanta. Bakit mahalaga ang
pagpapatupad ng Intellectual Property Rights?
A. Kailangang maging malikhain sa pagsulat ng mga tula o komposisyon ng
kanta.
B. Maiwasan ang ilegal na pagkopya sa nilikhang mga tula o komposisyon
ng kanta.
C. Masusing sinusuri ang pagsulat ng mga tula at kanta.
D. Malaya ang bawat tao maipahayag ang kanyang damdamin sa
pamamagitan ng tula at awitin.

11. Nauuso ngayon sa buong mundo ang online shop. Paano naaapektuhan
nito ang kompetisyon sa pamilihang lokal?
A. Naging mahina ang mga lokal na pamilihan.
B. Walang pagbabago ang naganap sa pagitan ng bentahan.
C. Malakas pa rin ang takbo ng negosyo ng mga lokal na negosyante
D. Matibay ang bentahan sa lokal kay sa internasyunal na pamilihan.

12. Nagaganap sa pamilihan ang bentahan ng mga produkto mula sa iba’t


ibang sulok ng bansa. Kung ikaw ang pangulo ng Pilipinas, paano mo
maaaring mabigyan ng proteksyon ang ugnayan sa pagitan ng prodyuser
at konsyumer?
A. Sisikapin mahuli ang maabusong prodyuser.
B. Isasagawang legal ang transaksyon sa bentahan.
C. Idulog sa Korte Suprema ang lumabag sa pagbabayad ng buwis.
D. Ipawalang-bisa ang pagpapataw ng taripa.

13. Ang sari-sari store ay isang uri ng lokal na pamilihan. Bilang isang
mamimili, paano ka makakatulong na mapanatiling kapakipakinabang
ito sa pag-angat ng ekonomiya sa isang lugar?
A. Tatangkilikilin ang mga produktong ibenebenta.
B. Sisiguraduhing mabiling mabili ang mga produkto.
C. Malayang bumili ng mga produkto sa ibang lugar.
D. Iwasan ang pagbili ng mga produktong mumurahin.

14. Labis na naapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas lalo na sa pamilihang


lokal dahil sa epidemyang COVID-2019. Kung ikaw si Pangulong
Rodrigo R. Duterte, ano ang iyong pangunahing batas na ipatutupad
tungkol sa krisis na ito?
5
A. Batas na magibibigay kalayaan sa lahat ng mga mamamahayag.
B. Batas na mapangangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili lalo na
ang mga mahihirap.
C. Batas na maglilitis sa mga taong hindi sumusunod sa utos ng Mayor.
D. Batas na magpapalakas sa Pambasang Sandatahan laban sa mga
masasamang elemento.

15. Sa panahon ng pandemya, naging malawak ang suliranin ng mga


prodyuser dahil sa limitasyon sa paggalaw ng kanilang mga ibenibentang
mga produkto sa pamilihan. Bilang isang konsyumer, paano ka
maaaring makatulong sa suliraning ito?
A. Iwasan ang pagbili ng higit sa iyong kailangan.
B. Hayaang bilhin lahat na mga produkto kahit bulok na.
C. Ipahuli sa mga pulis ang nagbebenta sa matataas na presyo.
D. Isumbong sa DTI ang mga abusadong namumuhunan

D. KARAGDAGANG GAWAIN:
Panuto: Sumulat ng isang repleksyon tungkol sa paksa. Isulat ito sa inyong
gawaing kwaderno. Gawing gabay ang rubriks na nasa ibaba.

RUBRIKS para sa REPLEKSYON

Pamantayan Deskripsyon Kabuuang Nakuhang


Puntos Puntos

Nilalaman Naibigay ang akmang mensahe para sa


10
paksa

Presentasyon Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga


ideya na may kaunayan sa pangyayaring 10
pandemya na nagaganap sa kasalukuyan

Kalinisan Naipapakita ang malinis na pagkalikha ng


Gawain 5

Kabuuang Puntos 25

SANGGUNIAN
Bernard R. Balitao et al., Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon, Batayang
Aklat ng Araling Panlipunan, Ikaapat na Taon. Quezon City: Vibal Publishing
House, Inc., 2012.

6
Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks, Araling
Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City: Vibal
Group, Inc.,2015.

Rhodora R. Tolentino. Bagong Kalakaran sa Ekonomiks Para sa Mataas na


Paaralan. Quezon City: Saint Bernadette Publications, Inc.,2001.

Tereso S. Tulla, Jr. Unawain Natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino,


Ikalawang Edisyon. Quezon City: SIBS Publishing House, Inc., 1998

Prepared by: Verified by:

MINELYN A. VILLACERAN ROSEMARY N. OLIVERIO


JUGAN NHS TEACHER AP EPS

7
Susi sa Pagwawasto:

1. B
2. B
3. B
4. D
5. A
6. D
7. A
8. A
9. D
10. B
11. A
12. C
13. A
14. D
15. A

You might also like