You are on page 1of 15

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Michael Titoy Tumatao

I. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang


makakamit ang mga sumusunod na mga kakayahan:
a. nakatutukoy sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo;
b. nakalalahad sa mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo sa
pamamagitan ng pagsasadula, advertisement at pagbabalita; at
c. nakapapahayag sa kahalagahan ng pagkonsumo.
II. Paksang Aralin: Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkonsumo
A. Teksbuk: Balitao B. et al., (2017). Araling Panlipunan Ekonomiks. Vibal
Group Inc. (pp. 70-71)
B. Sanggunian: MELC of Araling Panlipunan 9, CO_Q1-Aralin Panlipunan
9- DepEd.
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, kagamitang biswal, larawan,
telebisyon.

III. Pamamaraan: 3I’s Method


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Introduksyon
(Mga Panimula)
Panalangin
Pagtatala ng mga Lumiban sa klase

a. Pagbabalik-Aral
Noong nakaraang tagpo ay tinatalakay
natin ang “Kagustuhan at
Pangangailangan”. Ngayon, wala na ba
kayong mga katanungan ukol sa paksa?

Wala na po sir.
Kung wala na kayong mga katanungan ay
meron akong tanong klas!
Paano mo napapahalagahan ang
pangangailangan klas?

Sa paraang may makatwirang


paggasta at may malaking gamit sa
akin, halimbawa damit, pagkain,
tahanan, at iba pa na siyang

1
pangunahing pangangailangan sa pang-
araw-araw na buhay. Inuuna ang mga
mahahalagang bagay bago ang
Mahusay! Naiintindihan ba? kagustuhan.

b. Pagganyak Opo sir!

Bago tayo magsimula sa ating talakayan


ngayon ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain.
BUY ME MOMMY!
Mekaniks:
 Magkakaroon ng dalawang
pangkat.
 Bawat pangkat ay bibigyan ng
950 pesos.
 Bibigyan ng listahan ang
pangkat sa mga bibilhin.
 Ipagpalit ito ng produkto sa
tindahan na katumbas sa
halagang ibinigay.
 Sagutan ang tanong na ibibigay.
 Pumili ng kinatawang
maglalahad sa mga nabili at
kasagutan sa tanong.

Listahan ng bibilhin:

 Para sa kaarawan
 Para sa inaasahang bagyo
 Para sa Inaasahang lockdown

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang inyong batayan at
isinialang-alang sa pagbili at
paggasta ng inyong pera?

Maraming salamat sa inyong


kooperasyon! Bigyan ng tatlong bagsak ang
lahat.
Sinasabing ang lahat ng tao ay konsyumer
na ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng
tao simula sa pagsilang niya sa mundo. Ang
lahat ng ating binibili ay ginagamitan ng
salaping pamalit sa bawat produktong

2
pangangailangan o kagustuhan lamang.
Alam niyo klas na sa bawat pagkonsumo
natin ay may mga dapat tayong isinaalang-
alang, sa paggasta ng ating salapi upang
bumili ng produkto ay may nakaaapekto
nito na siyang dahilan kung bakit bumaba o
tumaas ang ating pagkonsumo.
Gusto niyo bang malaman kung anu-ano
ang mga ito klas?

Opo Sir!

c. Paglalahad ng Paksa at mga


Layunin
Kaya sa araw na ito ay tatalakayin
natin ang, pakibasa sa lahat:

Mga Salik na Nakakaapekto sa


Pagkonsumo
Dapat ang lahat ay makinig, dahil sa
katapusan ng talakayan kayo ay inaasahang
makakamit ang mga sumusunod na
kakayahan. Pakibasa ng sabay-sabay.
I. Mga Layunin:
a) nakatutukoy sa mga salik na
nakakaapekto sa pagkonsumo;
b) nakalalahad sa mga salik na
nakaaapekto sa pagkonsumo sa
pamamagitan ng pagsasadula,
advertisement at pagbabalita; at
c) nakapapahayag sa kahalagahan ng
pagkonsumo.
Maliwanag ba ang ating mga layunin
klas?
Opo sir!

B. Interaksyon
Upang mas maiintindihan at maging
mapalawak pa ang ating kaalaman ukol sa
paksa ay magkakaroon muna tayo ng isang
gawain.

3
a. Gawain 1:
FACTorEPORTING!
Mekaniks:
a. Hahatiin ang klase sa dalawang
pangkat.
b. Bibigyan ng chart table ang
bawat pangkat.
c. Punan ang mga hinihinging
impormasyon na ibibigay mula
sa pagbabatayan na katanungan.
d. Maghanda sa loob ng limang (5)
minuto at pumili ng kinatawan
upang mag-ulat dito sa harap ng
klase sa loob ng dalawang (2)
minuto.

Unang Grupo:
 Pagbabago ng Presyo at
Kita
Ikalawang Grupo:
 Mga Inaasahan at
Pagkakautang

Salik Paano ito nakakaapekto


sa pagkonsumo?

Maraming salamat klas! Bigyan ng tatlong


bagsak ang inyong mga sarili.

b. Pagtatalakay
Bago tayo magsimula sa ating
talakayan, ay alamin muna natin ang ibig
sabihin ng pagkonsumo.
Ano ba ang pagkonsumo klas?

Ang pagkonsumo po ay ang


pagbili ng mga pangangailangan ng
tao.
Tama! Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa
pagbili, paggamit ng mga produkto, at
serbisyo upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao at magtamo ito ng
kasiyahan. Lahat tayo ay komukonsumo at
tinatawag na consumer, bumibili’t
gumagastos para sa mga bagay na alam
nating makatutulong o ikasasaya natin.

4
Kung bibigyan kayo ng limang daan, para
saan niyo ito igagasta?

Maraming salamat! Ang napakaraming


pangangailangan at kagustuhan ng tao ay
ang dahilan kung bakit may pagkonsumo. (pagbabahagi ng mag-aaral)
Ayon kay Adam Smith sa kaniyang aklat na
“An Inquiry into the Nature and Causes of
Wealth of Nations”, ang pangunahing
layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo
ng mga tao. Maliwanag ba klas?

Ngayon, batay sa pagtatala ng unang


pangkat, ano ba ang unang dalawang salik
Opo sir!
na nakakaapekto sa pagkonsumo klas?

Tama! Ito ay ang Pagbabago ng presyo at


Kita. Dumako muna tayo sa pagbabago ng Pagbabago ng presyo po at Kita
presyo klas. Bakit sa tingin ninyo
nagbabago-bago ang presyo?

Nagbabago-bago ang presyo dahil


maaring may mataas na suplay ng
salapi na kung kaya’t kapag mataas
Tumpak! Maraming mga dahilan ang ang demand o paggasta mahahatak ang
pagbabago ng presyo klas. Isa na ang presyo paitaas, kapag may pagantala
inyong mga nabanggit. Ngunit, paano ba din sa produksiyon, kapag may
nakakaapekto ang pagbabago ng presyo sa implasyon po.
inyong pagkonsumo?

Magaling! Kung titingnan ninyo ang nasa Kapag po tumataas ang presyo ay mas
larawan klas. Ano ba ang inyong hinuha nalilimitahan ang paggasta namin sa
ukol sa ipinapakita nito? bahay.

5
Kapag mataas po ang presyo ng
produkto ay maaring bababa ang
pagkonsumo at kabaliktaran po kapag
tumaas ang pagkonsumo ay dahilan sa
pagbaba ng presyo ng produkto o
serbisyo.
Mahusay! May pagkakataon na nagiging
motibasyon ang presyo ng produkto o
serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao.
Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo
kapag bumaba ang presyo samantalang
mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang
presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng
mga mamimili ang produkto o serbisyo
kapag mura dahil mas marami silang
mabibili. Samantala, kaunti naman ang
kanilang binbili kung mataas ang presyo
nito. Naintindihan ba klas?

Opo sir.
Dumako naman tayo sa Kita bilang
pangalawang salik klas. Sa paanong paraan
ba tayo nagkaroon ng kita?

Sa pamamagitan po ng
pagtatrabaho, pagbebenta, at pag invest
po.
Tama! Ang pagtatrabaho ay may kapalit na
kita ang kita ay ibinibili natin ng mga
pangangailangan. Ngunit paano ba
nakakaapekto ang kita sa pagkonsumo klas?

Nakakaapekto po ito sa paraang


kapag mababa ang kita natin ay
bumaba din ang ating kakayahang
bumili ng produkto at serbisyo.
Tumpak. Kung suriing mabuti ang larawan
klas.

6
Ang kita ay nagdidikta sa paraan ng
pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John
Maynard Keynes, isang ekonomistang
British, sa kaniyang aklat na “The General
Theory of Employment, Interest, and
Money” na inilathala noong 1936, malaki
ang kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang
pagkonsumo. Ayon sa kaniya kapag malaki
ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang
pagkonsumo. Sa kabilang banda, ang
pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng
pagbaba ng kakayahang kumonsumo.
Naintindihan ba klas kung paano
nakakaapekto ang kita sa pagkonsumo?

Mabuti naman kung ganon. Ngayon, batay Opo sir!


sa paglalahad ng pangalawang pangkat, ano
ba ang iba pang mga salik na nakakaapekto
sa pagkonsumo?

Tama. Suriin muna natin kung paano Mga Inaasahan at Pagkakautang po.
nakakaapekto ang mga Inaasahan sa
pagkonsumo. Ngunit ano ba ang mga
halimbawa ng mga inaasahan klas?

Bagyo, kalamidad o kaguluhan o


giyera po.
Mahusay! Ngunit paano ba ito
nakakaapekto sa inyong pagkonsumo?
Magbigay ng halimbawa.

Nakakaapekto po ito sa
pamamagitan ng paghahanda.
Halimbawa, kapag po nagbabadyang
tumaas ang presyo ng bilihin ay
minabuti po naming bumili ng mas
maaga pa bilang paghahanda.
Magaling! Ang mga inaasahang mangyayari
sa hinaharap ay nakakaapekto sa
pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa,
kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon
ng kakulangan sa supply ng produkto dahil
sa kalamidad, ano ang mangyayari sa
pagkonsumo klas?

Tataas din po bilang paghahanda


Tama! Kapag may bantang kaguluhan sa

7
inyong lugar o may inaasahang sa pangangailangan sa hinaharap.
pagkakagastusan sa hinaharap, ano ang
mangyayari sa pagkonsumo?

Mababawasan po, pilit na huwag


munang gastusin ang salapi upang
paghandaan ang mga susunod na araw
o panahon.
Mahusay! Batid kong naintindihan ninyo ng
mabuti.
Ngayon, sa pang-apat na salik ang
pagkakautang. Sino ba dito ang may
pinagkakautangan?

Nasisiguro ba naging nababayaran natin ang (✋mga mag-aaral)


ating mga utang?

Mabuti naman kung ganon. Kapag tayo ay Opo!


may utang ay obligado nating mabayaran
ito, ngunit sa paanong paraan ba
naapektuhan ang ating pagkonsumo nito?

Sa paraang nababawasan po ang salapi


Tama! Kapag maraming utang na dapat na siyang dahilan ng pagbaba ng
bayaran ang isang tao, maaaring maglaan pagkonsumo.
siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang
ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng
pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil
nabawasan ang kaniyang kakayahang
makabili ng produkto o serbisyo. Tataas
naman ang kanyang kakayahang
kumonsumo kapag maliit lamang ang
binabayarang utang. Maliwanag ba klas?

Ang mga salik na ito ay hindi lamang apat, Opo sir.


kundi may isa pang salik na nakakaapekto
sa pagkonsumo at ito ay ang
Demonstration Effect. Ano ba ang salik na
ito klas? Pakibasa sa lahat.

Madaling naimpluwensyahan ang tao


ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon,
pahayagan, at maging sa internet at iba
Maraming salamat. Ano bang halimbawa ng

8
salik na ito klas? pang social media.

Halimbawa po ang advertisement ng


Nescafé at marami pang iba.
Tama! Ngunit paano ba nakakaapekto ang
salik na ito sa pagkonsumo?

Sa pamamagitan po ng paglalahad ng
kanilang produkto, hinahalina ang mga
mamimili na bumili sa kanilang mga
Magaling. Madaling gumaya ang mga tao sa produkto o serbisyo po.
kanilang mga nakikita, naririnig, at
napapanood sa iba’t-ibang uri ng media
kaya naman tumataas ang pagkonsumo
dahil sa nasabing salik. Halimbawa nalang
mga damit, fashioned style na kasuotan at
iba pa. Subalit ang mga taong hindi naman
naimpluwensyahan ng nabanggit ay may
mababang pagkonsumo lalo na sa mga
bagay na uso at napapanahon lamang.
Naintindihan ba klas?

Anu-ano nga ulit ang mga salik na


nakaaapekto sa pagkonsumo klas? Opo sir.

1. Pagbabago ng Presyo
2. Kita
3. Mga Inaasahan
4. Pagkakautang
Magaling! Bakit ba mahalaga ang 5. Demonstration Effect
maunawaan at malaman natin ang mga salik
na ito sa ating pagkonsumo klas?

Mahalaga na maunawaan natin upang


mas mapalawak pa ang ating kaalaman
sa paggasta at maging mapanuri sa
ating paggastos sa pang-araw-araw na
pangangailangan. At upang
maunawaan din natin kung paano
mapamahalaan ang ating mga salapi.
Mahusay! Maliwanag ba klas?

9
Wala na bang mga katanungan? Opo sir.

C. Integrasyon Wala na po.


Upang masukat ko na naiintindihan
talaga ninyo ang paksa ay magkakaroon
tayo ng panibagong gawain.
a. Gawain 2:
TALENT FACTORS!

Mekaniks:
a. Hahatiin ang klase sa tatlong
pangkat.
b. Ilahad ang mga salik na
nakaaapekto sa pagkonsumo sa
pamamagitan ng ibibigay na
pamamaraan.
c. Maghanda sa loob ng pitong
minuto at magpresenta sa loob
ng tatlong minuto.

Unang pangkat:
MAGSADULA tungkol sa salik na
KITA at PAGKAKAUTANG.
Sitwasyon: Ang kita ni Manong Juan sa
pagpapasada ay kinukuhanan pa para sa
utang ni aling Maria na kung kaya’t
maliit nalamang ang nabibili nilang
pangangailangan sa pang-araw-araw na
gastusin.

Pangalawang pangkat:
ADVERTISEMENT tungkol sa salik
na DEMONSTRATION EFFECT.
Sitwasyon: Si Jose ay madaling
nadadala sa mga anunsiyo sa telebisyon
kagaya nalamang ng Nescafé, Mercury
Drug, at Palmolive shampoo.

Pangatlong pangkat :
MAGBALITA tungkol sa salik na MGA
INAASAHAN at PAGBABAGO NG
PRESYO.
Sitwasyon: Pagtaas ng presyo sa
produktong gulay dahil sa bagyong
Kadita, na kung kaya’t bumaba ang
paggasta ni Aling Marites.

10
Pamantayan :
Kaangkupan sa paksa 10
Kooperasyon 8
Pagkamalikhain 7
Audience Impact. 5
Kabuuan. 30
Maraming salamat sa inyong
kooperasyon. Bigyan natin ng palakpak
ang ating mga sarili.

b. Pagpapahalaga
Sa buhay klas gaano kahalaga ng
pagkonsumo?

Mahalaga po sapagka’t, nabubuhay


tayo sa pagkonsumo sa pamamagitan
ng pagbili ng pangangailangan kagaya
ng damit, tahanan at lalo na sa pagkain.
Napakahalaga din po nito sa daloy ng
ating ekonomiya, ang produksiyon
upang matugunan ang
pangangailangan ng mamamayan,
Mahusay! Sino dito ang gustong magbahagi pagbili ng mga tao na nakatutulong sa
ng kanilang karanasan na kung saan pag-usbong ng ating ekonomiya.
nagpapakita ng may mabuting
pagkonsumo?

Maraming salamat sa pagbahagi ng


inyong karanasan. (Pagbabahagi ng mag-aaral)
Napakahalaga ng pagkonsumo klas
dahil hindi lamang sa nakatutulong ito sa
ating sariling pangangailangan kundi na rin
sa ating pambansang ekonomiya. Kapag
komukonsumo ang tao, nangangahulugang
siya ay inaasahang bibili ng kaniyang
pangangailangan o kagustuhan, ang salaping
kaniyang ginagamit ay malaking tulong na
sa pag-unlad ng ating bansa. Ngunit
napakahalagang malaman din natin ang
mabuting paggasta ng ating salapi.

11
Naiintindihan ba klas?

Opo sir!

IV. Ebalwasyon
A. Gawain 3:
I. SALIKang PAGTATAYA.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat ang sagot bago ang bilang.
___1. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
a) Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
b) Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
c) Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
d) Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan

___2. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?


a) Kakaunti ang suplay
b) Marami ang suplay
c) Mataas ang presyo
d) Mababa ang presyo

___3. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng


Demonstration effect?
a) Hindi sumusunod sa uso
b) Nahuhumaling sa suot ng mga artista
c) Binibili ang mga napapanahong gamit
d) Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista

___4. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?


a) Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
b) Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
c) Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
d) Kakaunti ang naiipon sap era mula sa kita

___5. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kunti ang utang?
a) Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
b) Lumalaki ang ipon sa bangko
c) Walang utang na kailangang bayaran
d) Tumataas ang kakayahang kumonsumo

___6. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?


a) Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
b) Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan

12
c) Nagsasara ang mga malalaking tindahan
d) Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan

___7. Sino ang may akda ng aklat na The General Theory of Employment, Interest, and
money na inilathala noong 1936?

a) Antonio Abatemarco
b) John Maynard Keynes
c) Frank Ackerman
d) Sandra Andraszewicz

___8. Ang sumusunod ay ilan sa mga nakasaad sa aklat na pinamagatang The General
Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936 MALIBAN Sa:

a) Malaki ang epekto ng kita sa konsumo


b) Kapag lumalaki ang kita lumalaki din ang kakayahang kumonsumo
c) Kapag lumiliit ang kila lumiliit din ang kakayahan kumonsumo
d) Ang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng mga tao sa lipunan

___9. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit ng pinagmumulan ng


Demonstration effect?

a) Billboards
b) Internet
c) Pahayagan
d) Radyo

___10. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik
na nakakaapekto sa pagkonsumo?

a) Araw ng eleksyon
b) Kaarawan
c) Kalamidad
d) Palabas sa telebisyon

Susi sa Pagwawasto:
1.B
2.D
3.A
4.C
5.D
6.A
7.B
8.D

13
9.A
10.C
V. Takdang Aralin
Panuto: Sa gawain na ito ay susubukin ang iyong nalaman at naunawaan sa mga
narinig at nakita at iba pang gawain na sinubok at sinagutan mo. Buuin ang tsart sa
ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na makikita sa bawat kahon. Ipasa
ito sa susunod na tagpo May 1, 2022.

Head Heart Hands

Anong konsepto ang Anong aral o Paano ko magagamit ang


natutunan ko? pagpapahalaga ang pinag-aralan ko sa
nakuha ko? totoong buhay?

14
15

You might also like