You are on page 1of 9

Pangasinan State University

College of Teacher Education


Department of Social Sciences
Bayambang, Pangasinan

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO

Inihanda ni:
Patricia Jean O. Cayabyab
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
Ms. Kimberly C. Inaldo
Gurong Tapagsanay

December 1, 2023
I. Mga Layunin at Pamantayan

PAMANTAYANG NILALAMAN ( Content Standard): Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa


sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.

PAMANTAYANG PAGGANAP : Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag -aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang kahulugan ng pagkonsumo;


2. Nasusuri ang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo;
3. Napapahalagaan ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

II. Nilalaman
A. Paksang Aralin:
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
B. Sanggunian:
 Ekonomic 62-63

C. Kagamitan:
 Laptop
 PowerpointPresentation
D. Konsepto
1. Ang pagkonsumo ay ang pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na
magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
2. Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ay pagbabago ng presyo, kita,
mga inaasahan, pagkautang, at demonstration effect.
E. Kasanayan
1. Aktibong partipasyon at pakikinig ng mga mag-aaral
2. Partipasyon sa mga Gawain ng mga mag-aaral
III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad na panalangin
Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral Tatayo ang mga mag-aaral at sabay-sabay na
upang manguna sa pambungad na mananalangin.
panalangin .

2. Pagbati
Magandang umaga sa mga mag aaral. Magandang umaga rin po Bb. Cayabyab

3. Pagtala ng dumalo at lumiban sa klase


Ang guro ay magtse-tsek ng mga dumalo Sasagot ang mga mag-aaral kung natawag ang
sa klase. kanilang pangalan.
4. Pagganyak
Mayroon akong ipapanood na mga sikat
na komersyal. Panoodin mabuti at alamin
natin ang inyong galing sa pagtukoy ng
mga produkto na nakikita sa komersyal.
Paunahan lamang sa pagtaas ng kamay
kung sino ang mga nais sumagot. Handa
na ba kayo?
Opo, handa na po kami.
(Ipapanood ang mga iba'-ibang
komersival sa telebisyon)
(Panonoorin ng mga mag-aaral ang video)
(Mga produktong ipapakita:
Sunsilk, Green Cross Alcohol, Selecta Ice
Cream, Lucky Me Pancit Canton, Jollibee,)
(Huhulaan ng mga mag-aaral ang ipinapalabas
na komeriyal)
Napakahusay ninyo sa paghula ng mga
komersiyal! Bigyan niyo ang inyong mga
sarili ng Ang Galing Clap!
(Pumalakpak ang mga mag-aaral)
Sa mga produktong inyong napanood,
alin sa mga ito ang inyong tinatangkilik at
bakit?
Sunsilk po, dahil mura lang itong nabibili sa mga
tindahan.
Mahusay! Ano pang produkto?
Alcohol po, dahil kailangan po natin ito sa araw-
araw.
Magaling! Mayroon pa bang magbibigay
ng karagdagan?
Selecta ice-cream po, dahil iniindorso po ito ng
paborito kong artista.
Magaling! Ang lahat ng inyong sinabi ay
tama.
Isa-isahin nga ulit natin kung ano ang
inyong mga sinagot na dahilan kung bakit
ito ay inyong tinatanggkilik.
1. Mura
2. Kailangan
3. Iniindorso ng kilalang artist

Mahusay! Ang mga nabanggit na iyon ay


tinatawag na Mga Salik na Nakakaapekto
sa Pagkonsumo, na ating tatalakayin
ngayong araw.
B. Paglinang ng Aralin

1. Pagtatalakay
Bago tayo magsimula, alamin muna natin kung
ano ba ang kahulugan ng tinatawag nating
pagkonsumo. Mayroon bas a inyo ang maaring
magbigay ng kahulugan ng pagkonsumo?
Ang pagkonsumo ay ang pagbili at paggamit ng
parodukto o serbisyo na magbibigay ng
kapakinabangan sa tao at tumutugon sa
kanilang pangangailangan at kagustuhan.

Magaling! Ang napakaraming


pangangailangan at kagustuhan ng tao
ang dahilan kung bakit may pagkonsumo.
Ayon nga kay Adam Smith sa kanyang
aklat na "An Inquiry into the Nature and
Cause of the Wealth of Nations" ang
pangunahing layunin ng produksiyon ay
ang pagkonsumo ng mga tao

May iba't-ibang salik na nakakaapekto sa


pagkonsumo ng isang tao. Ang
pagkakaiba-iba ng kanilang katangian ang
dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang
paraan at dahilan ng kanilang
pagkonsumo. Base sa napanood ninyong
komersyal kanina, ano nga ba ulit ang
dahilan ninyo kung bakit niyo
tinatangkilik ang produkto?
Dahil po mura.

Tama! Paano ba natin malalaman na


mura ang isang produkto? Ano ba ang
tinitignan natin?
Ang presyo po ng mga produkto.

Mahusay! Ano ba ang nangyayari


pagmataas o mababa ang presyo ng isang
produkto?
Mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang
presyo samantalang mababa ang pagkonsumo
kapag mataas ang presyo.
Magaling! May pagkakataon na nagiging
motibasyon ang presyo ng produkto o
serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao.
Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga
mamimili ang produkto o serbisyo kapag
mura dahil mas marami silang mabibili.
Samantala, kaunti naman ang kanilang
binibili kung mataas ang presyo.
At base sa presyo, naghahanap ka ng
mura at intiwasan ang mga mahal, ano
nga ba ang iyong nagiging basehan sa
pagbili?
Pera po na gagamitin sa pagbili

Tama! Saan ba nanggagaling ang pera na


ito
Ito po ay galing sa kita ng isang tao.

Mahusay! Paano ba nakakaapekto ang


kita sa pagkonsumo ng tao?
Ang kita ang nagdidikta sa paraan ng
pagkonsumo ng tao dahil kung malaki ang kita
mas malaki ang kakayahan na makabili ng
produkto, samantala kung maliit ang kita ng tao
mas maliit lang ang kakayahan niyang bumili ng
produkto.

Magaling! Ang mga inaasahang


mangyayari sa hinaharap ay
nakakaapekto sa pagkonsumo sa
kasalukuyan. Magbigay pa nga ng
halimbawa ng inaasahan.

Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na


magkakaroon ng kakulangan sa supply ng
produkto dahil sa kalamidad, tataas ang
pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon t
paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap

Kahanga-hanga ang inyong kasagutan!


Gayundin naman kapag may banta ng
kaguluhan sa isang lugar o may
inaasahang pagkakagastusan sa
hinaharap. Ang mga tao ay pinipilit na
huwag munang gastusin ang salapi at
binabawasan ang pagkonsumo upang
mapaghandaan ang mga mangyayari sa
mga susunod na araw o panahon. Kung
positibo o maganda naman ang pannaaw
sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay
tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi
pa natatanggap ang inaasahang salapi
tulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang
insentibo.
Bukod rito, ano pa ang nakita niyong salik
sa sitwasyon?
Pag-utang po.

Tama! Paano nakakaapekto ang


pagkakautang sa pagkonsumo?
Kapag maraming utang na dapat bayaran ang
tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kas
salapi upang pambayad dito.
Napakahusay! Ang taong maraming
pagkakautang ay magdudulot ng pagbaba
sa kaniyang pagkonsumo dahil
nabawasan ang kaniyang kakayahan na
makabili ng produkto o serbisyo. Tataas
naman ang kakayahan niyang
kumonsumo kapag kaunti na lamang ang
binabayaran niyang utang.

Malinaw bas a inyo ang mga salik na


nakakaapekto sa pagkonsumo?
Opo!

Magaling kung ganoon. Bigyan ng


palakpak ang inyong mga sarili dahil sa
partipasyon ninyo sa ating pagtatalakay.

(Pumalakpak ang mga mag-aaral)

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat

2. Paglalahat
Para malaman natin kung lubos niyo ngang
naunawaan an gating aralin, may inihanda
ako ritong mga karton na may bilang, at ang
bawat bilang ay naglalaman ng mga larawan.
Mayroon din ako ritong isang kahon na
naglalaman naman ng inyong mga pangalan
at kung sino ang aking mabubunot ay pipili
ng numero at ang larawan na nakapaloob
ditto ay kanyang susuriin at tutukuyin kung
anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
ito. Maliwanag ba?
Opo.
Kung gayon, simulan na natin

Mga nakapaloob na mga larawan

(Ang mga mag-aaral ay sumagot sa mga


katanungan)

Mahusay klas! Palakpakan niyo ang inyong


sarili sapagkat labis niyo ngang naunawaan an
gating aralin
3. Pagpapahalaga

Bilang isang konsyumer, bakit nga ba


mahalaga na malaman natin ang mga salik na
nakakaapekto sa pagkonsumo? Para po maging isang matlinong mamimili tayo.

Mahusay! Ano pa ang kahalagahan nito? Para po malaman natin ang ating batayan sa
pagpili ng produkto

Magaling! Tulad ng sinabi ko sa una nating


pagtatalakay, ang mga tao ay may
napakaraming kagustuhan na siyang dahilan
kung bakit may pagkonsumo at upang
maiwasan ang kakapusan, kakulangan at
kahirapan, dapat isaalang-alang ng tao ang
mga salik na nakakaapekto sa kanyang
kakayahan sa pagkonsumo.
Wala na po Ma’am
Mayroon pa ba kayong katanungan?

Kung wala na kayong mga katanungan,


kumuha kayo ng ikaapat na bahagi ng papel
para sa ating pagsusulit.

IV. Pagtataya/ Maikling Pagsusulit

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon, at tukuyin kung anong Salik na Nakakaapekto sa
Pagkonsumo ang isinasaad dito.

1. Ibinabalita sa telebisyon na mayroong papasok na bagyo sa area of responsibility ng bansa kaya


habang wala pa ang naturang bagyo namili na ng maraming kakailanganin ang pamilya ni Aling
Marites.

2. Dahil tumaas na ang ranggo ng kaniyang ama, ay nakapagbakasyon na ang kanilang pamilya sa
ibang bansa.

3. Lumipat na siya ng bagong produktong pampaganda dahil mas nakatipid siya rito.

4. Nakita niya sa Instagram ng kanyang iniidolong artista ang bagong istilo ng gupit kaya ginaya niya
ito.
5. Dahil sa pagkakasakit ng ama ng tahanan ay marami silang utang na dapat bayaran, kung kaya't sila
ay nagbawas sa pagkonsumo ng produkto.

Mga Sagot:

1. Mga inaasahan
2. Kita
3. Pagbabago ng Presyo
4. Demonstration Effect
5. Pagkakautang

You might also like