You are on page 1of 17

9

EKONOMIKS
Unang Markahan – Modyul 4
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO
SA PAGKONSUMO
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa na naayon sa iyong kakayahan. Ito ay
makakatulong na maisagawa ang mga pagsasanay at matutunan ang mga konsepto
tungkol sa mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkosumo. Ang mga gawaing ibinigay
sa sitwasyon at halimbawa ay naayon sa iyong mga karanasan, nang sa ganoon ay
madali mong maintindihan ang aralin. Ang bawat gawain ay nailapat sa paraang
naaayon at nararapat sa daloy ng pagkatoto.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:

Aralin 5 - Mga Salik Na Nakaaapekto sa Pagkonsumo

Pagkatapos ng mga pagsasanay sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency:

Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo. (AP9MKE-Ih-


16)

1. Natutukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo;


2. Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo sa pang-araw araw
na pamumuhay.

1
Subukin
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.

Gawain 1: PAUNANG PAGTATAYA.


A. Panuto: Basahin ang mga tanong at piliin ang tamang sagot. Isulat sa patlang
ang titik ng iyong sagot.
____1. Alin sa mga sumusunod na gawain ay bahagi na ng buhay ng tao simula sa
kanyang pagsilang hanggang sa pagtanda?
a. pag-aaral

b. pagkonsumo
c. pamamahala

d. produksiyon
____2. Ano ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang pagkonsumo ng tao?

a. dahil nagkakaiba iba ang kita ng tao


b. dahil nagkakaiba-iba ang isip ng tao
c. dahil nagkakaiba-iba ang tirahan ng tao
d. dahil nagkakaiba-iba ang paniniwala at katalinuhan ng tao

____3. Sa panahon na nagkaroon ng pandemic, ang presyo ng karne ay nagbago at


tumaas, ano ang maaring maging tugon ng mga mamimili rito?

a. walang magbebenta ng karne


b. walang magbabago sa pagbili ng karne

c. marami ang bibili kahit na mataas ang presyo


d. marami ang hindi bibili dahil sa mataas ang presyo

____4. Sa tuwing Disyembre ay madalas ang pagbili ng mga tao ng kung ano anong
bagay, ano ang dahilan ng pagtaas ng pagkonsumo ng tao?

a. dahil sa gusto lamang ng tao


b. dahil sa may inaasahang karagdagang kita

c. dahil sa okasyon na mayroon sa buwan ng Disyembre

2
d. dahil sa inaasahang tataas ang presyo sa susunod na buwan

____5. Dahil sa pandemic nagkaroon ng mataas na pagkonsumo ang tao, ano ang
maaring karagdagang dahilan nito?

a. dahil sa may paghahandaan na okasyon


b. dahil sa inaasahan ng tao na katapusan na ng mundo

c. dahil sa magkakaroon ng limitadong paglabas ng bahay


d. dahil inaasahan ng tao na magkukulang ang suplay ng mga
produkto ____6. Alin sa mga sumusunod ang naglilimita sa pagkonsumo?
a. kita

b. presyo
c. okasyon

d. paggaya
____7. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing pangangailangan?

a. damit
b. tirahan

c. pagkain
d. edukasyon

____8. Sino ang nagpahayag na habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin
ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo?

a. Van Clark
b. Adam Smith
c. John Bruce Wane
d. John Maynard Keynes

____9. Ano ang epekto ng pagkakautang sa pagkonsumo ng tao?


a. marami ang mabibili ng taong maraming utang

b. kakaunti ang mabibili ng taong maraming utang


c. walang magbabago sa pagbili ng taong may utang

d. kinakailangang mangutang ng tao upang umunlad


____10. “Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng pag-aanunsiyo ay
may mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon
lamang.” Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay dito?

a. Tama, dahil hindi naman lahat ng tao ay nanonood ng TV.


b. Mali, dahil lahat naman ay nanonood at naapektuhan nito.

3
c. Tama, dahil nasa tao parin ang pagdedesisyon ng tama na naayon sa
kanyang kakayahan at pangangailangan.
d. Mali, dahil sa panahon ngayon ay madaling maenganyo ang tao lalo na sa
mga anunsiyo sa TV o social media.

B. Tama o Mali.
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng angkop na kaisipan,
isulat naman ang MALI kung hindi. Isulat sa mga patlang ang kasagutan.

____11. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo,


telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media.

____12. Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan
siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito.

____13. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa


inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo.

____14. Kahit na malaki ang kita ay kakaunti pa rin ang pagkonsumo dahil sa
sadyang matipid ang tao.

____15. Ang pagtaas at pagbaba ng presyo ay hindi nakaaapekto sa pagkonsumo


dahil sa wala naman kinalaman ito sa buhay ng tao.

Arali MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA


n4 PAGKONSUMO
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin,
ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto
at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang
pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang
mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pagkonsumo. Inaasahang magagabayan
ka ng mga inihandang gawain at teksto na masagot kung ano-ano ang mga salik na
nakaaapekto sa pagkonsumo

4
Balikan
Matapos mong sagutan ang mga paunang pagtataya, sagutin mo muna ang
susunod na gawain upang lubusang maiugnay ang dating kaalaman sa ating
bagong aralin na tatalakayin.

Gawain 2: Film Strips


Panuto: Itala mula sa mga larawan ang Pangangailangan at ang Kagustuhan.
Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong.

Pangangailangan Kagustuhan
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang katangiang taglay ng pangangailangan?

_____________________________________________________________________
2. Ano naman ang katangiang taglay ng kagustuhan?
_____________________________________________________________________
3. Bilang isang konsyumer, alin ang uunahin mong bibilhin? Bakit?
_____________________________________________________________________

5
Tuklasin
Bago natin talakayin ang bagong aralin, tunghayan muna ang gawain at
sagutin ang pamprosesong tanong.

Gawain 3. Pagbilhan Po!


Panuto: Suriin ang larawan, kung ikaw ay isang mag-aaral at may baon ka na Php
50.00, paano mo pakakasyahin ang iyong pera?

Pamprosesong Tanong:
1. Alin kaya sa mga pagkain ang iyong bibilhin? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng pagkain?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 4: Lackdown o Lockdown


Panuto:Basahin ang maikling kwento tungkol sa kalagayan sa panahon ng
pandemic na COVID19. Pagkatapos ay sagutan ang mga gabay na tanong.

“LOCKDOWN”
Sa panulat ni: JJ. ARSENAL

Ang pamilya ni Mang Berto ay binubuo ng limang miyembro, ang


magasawa at ang kanilang tatlong anak. Nang magkaroon ng pandemic, ay sinunod
nina Mang Berto ang kautusan na kailangang manatili sa bahay. Si Mang Berto ay
nabahala dahil sa siya ay isang construction worker lamang at kakarampot lamang

6
ang kanyang kinikita, kaya naman nang magkaroon ng lockdown ay nabawasan
ang kanilang pera at hindi na gaanong nakabili ng pagkain at limitado na rin ang
kagustuhan na naibigay sa mga anak. Si Aling Marta naman, ay may utang na
telebisyon, dahil sa naengganyo siya sa advertisement nito, kaya naman kinukulang
ang pambili nila ng pagkain dahil may babayaran pa silang utang. Namili naman
siya ng mga pagkain bago ang lockdown dahil inaasahan niyang tataas ang presyo
nito kapag nagkulang ang produkto. Sa kabila ng pangyayari ay nagawa paring
ipagdiwang nina Aling Marta ang kaarawan ng kanilang bunsong anak. Sa araw na
iyon ay nagkaroon sila ng kaunting salo-salo. Mahirap man ang kalagayan ng
pamilya ni Mang Berto, ngunit di siya nawawalan ng pag-asa na matatapos ang
pandemic na ito at babalik sa ayos ang lahat.

Pamprosesong Tanong:
1. Malaki ba ang kinikita ng pamilya ni Mang Berto? Ano ang epekto nito sa
kanilang kabuhayan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Saan naayon ang nabibili at pagkosumo ng pamilya ni Mang Berto?
Kailan sila maraming nabili, kailan naman kaunti ang kanilang nabibili?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Ano ang maiisip ninyong konklusiyon tungkol sa pagkonsumo batay sa
buhay nina Mang Berto?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Suriin
Kumusta? Handa ka na ba sa bagong aralin? Tunghayan at basahin ang mga
impormasyon tungkol sa mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo.

Kahulugan ng Pagkonsumo

Sinasabing ang lahat ng tao ay konsyumer. Ang pagkonsumo ay bahagi ng


buhay ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Simula sa gatas, gamot,
bitamina, lampin, bakuna, at marami pang iba ay mga bagay na kaniyang
kinokonsumo. Habang patuloy na nabubuhay ang tao ay patuloy pa rin siya sa
pagkonsumo.

7
Ang pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo sa
kapakinabangan mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit
may pagkonsumo.

Ayon nga kay Adam Smith sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature
and Causes of the Wealth of Nations,” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay
ang pagkonsumo ng mga tao.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo


May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang
pagkakaiba-iba ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang
paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan sa mga
salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao.

Pagbabago ng Presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang


presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas
ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo
kapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang
produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala,
kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito.

Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John


Maynard Keynes, isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The General
Theory of Employment, Interest, and Money” na inilathala noong 1936, malaki ang
kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang
lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo
ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay
nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya naman,
mapapansin na mas maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita
kung ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang.

Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay


nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga
tao na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto dahil sa kalamidad,
tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda sa
pangangailangan sa hinaharap. Gayundin naman kapag may banta ng kaguluhan
sa isang lugar o may inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap.

8
Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan ang
pagkonsumo upang mapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na araw o
panahon. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa
sa inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang
inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo.

Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao,


maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay
magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang
kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan
niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran niyang utang.

Demonstration Effect – madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga


anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social
media. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa
iba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing
salik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng nabanggit ay may
mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon lamang.
Halaw mula sa Modyul Para sa Mga Mag-aaral, Ekonomiks, Yunit 1, Department of Education, 2015

Pagyamanin

Binabati kita dahil sa natapos mo nang basahin at intindihin ang mga


mahahalagang impormasyon na patungkol sa ating aralin. Ngayon naman ay gawin
at sagutan ang mga sumusunod na pagsasanay para iyong lubos na pagkaunawa.

9
Gawain 5: SALIK-SIK
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon, at alamin kung anong salik ang
angkop dito. Isulat sa mga patlang ang kasagutan.

A. Kita

B. Mga Inaasahan

C. Pagkakautang

D. Pagbabago ng presyo

E. Demonstration Effect

____1. Napanood mo sa internet na may bagong modelo ng cellphone na lumabas,


kaya nagpasya ka na bumuli nito.
____2. Sahod mo na sa susunod na linggo, naisipan mong bumili ng sapatos dahil
sira na ang ginagamit mo araw-araw, ngunit kailangan mong magbayad sa
hinuhulugang sasakyang motorsiklo.
____3. Nakatanggap ang tatay mo ng bonus bilang kawani ng gobyerno, ngunit dahil
sa COVID19 pandemic, imbes na ipapagawa ninyo ang inyong bahay ay inimpok ito
ng nanay mo.
____4. Dati rati, madalas kayong kumakain sa labas kapag suweldo ng iyong kuya,
ngunit nawalan siya ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng “lockdown”.
____5. Bumili ng maraming isda ang mga tao dahil mas mura ito kung ikukumpara
sa presyo ng karne.

Gawain 6: Knowledge Organizer

Panuto: Punan ng mahahalagang salik ang tsart at magbigay ng dahilan


kung paano nito na naaapektuhan ang iyong pagkonsumo.

10
11
Isaisip
Ngayong tapos na tayo sa pagtatakay ng mga mahalagang konsepto tungkol
mga sistemang pang-ekonomiya, ating ibuod ang ating natutunan sa pamamagitan
ng pagpuno ng mga salita sa patlang.

Gawain 6: Pagbubuod
Panuto: Natapos na nating talakayin ang tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa
pagkonsumo. Ngayon ay gumawa ng buod tungkol sa aralin. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot sa mga patlang sa ibaba.
A. KITA E. MGA INAASAHAN
B. SALIK F. PAGKAKAUTANG
C. LUMALAKI G. PAGBABAGO NG PRESYO
D. KATANGIAN H. DEMONSTRATION EFFECT

May iba’t ibang ___________ na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao.


Ang pagkakaiba-iba ng kanilang ____________________ ang dahilan kung bakit
nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo.
_______________________, may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng
produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao.______________ nagdidikta sa
paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Habang _____________ ang kita ng tao ay
lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo.
Ang _____________________________ na salik ay nagsasaad na ang mga inaasahang
mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Ang
__________________________naman na salik ay nagsasaad na kapag maraming utang
na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang
salapi upang ipambayad dito. Ang _______________________ na salik ay nagsasaad na
madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon,
pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media.

12
Isagawa
Tunghayan naman ang bahaging ito ng ating aralin. Sagutin ang gawaing ito
na makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Gawain 7: Semantic Web

Panuto: Punan ng datos ang semantic web. Isulat sa strand support ang
karagdagang paliwanag batay sa inyong obserbasyon sa ating kasalukuyang

13
panahon.

Tayahin
Binabati kitang muli sa iyong matagumpay na pagsagot sa mga pagsasanay.
Nasa dulo na tayo ng iyong pag aaral tungkol sa mga sa mga salik na nakaaapekto
sa pagkonsumo. Sukatin naman natin ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng
pagsagot sa pagtataya.

Gawain 8: PAGTATAYA
A. Panuto: Buuin ang salitang tinutukoy ng mga pahayag mula sa halo-halong
titik sa loob ng bilog. Isulat sa patlang ang sagot.

MONDEST
1. Tumataas ang pagkonsumo ng isang tao sa impluwensya IONTRA
FFECECT
ng pag-aanunsiyo.
__________________________________
2. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa pagkonsumo ng isang KAKAPAG
UTANG
tao dahil mabawasan ang kaniyang kakayahan na
makabili ng produkto
__________________________________ GMA
INASAAHN
3. Ito ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa hinaharap A

__________________________________

4. Nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao IKAT

__________________________________

5. May pagkakataon na naging motibasyon ang presyo ng


BABAPAG
produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. GO
GN
__________________________________ REPSYO

B. Panuto: Kaalaman sa Terminolohiya. Anong P ang


tinutukoy ng sumusunod.
Isulat sa patlang ang sagot.

14
_____ 6. Ang pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo na bahagi na ng
buhay ng tao

_____ 7. Ito ay isang estratehiya na nang-iinganyo sa mamimili na bilhin ang isang


produkto.

_____ 8. Mag-iiba ang dami ng produktong bibilhin kapag tag-init o tag-ulan.

_____ 9. Proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsamasama


ng mga salik upang makabuo ng output na kinokonsumo ng mga tao

_____ 10. Kinahihiligan lalo nan g kabataan na bilhin ang produktong lagging
ginagamit ng iniidolong tao.

C. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng angkop na


kaisipan, isulat naman ang MALI kung hindi.

_____ 11. Ayon kay John Meynard Keynes, isang ekonomistang British, habang
lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kanyang kakayahan na
kumokonsumo ng mga produkto at serbisyo.

_____ 12. Kapag ang isang lugar ay nakararanas ng kalamidad, tumataas ang antas
ng pagkonsumo sa mga pangunahing produkto.

_____ 13. Ang pagsunod sa luho ay nagtatakda sa pagkonsumo ng isang tao.

_____ 14. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa pagtatakda ng


pagkonsumo ng isang tao.

_____15. Ang paghubog at pag-impluwensya sa kaisipan ng publiko ukol sa isang


produkto ang tuon ng pag-aanunsiyo.

Karagdagang Gawain
Magaling! Nasagutan mo pagtataya. Ngayon naman ay pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutunang aralin sa pamamagitan ng pag sagot
sa mga gawain na nasa ibaba.

Gawain 9: HANAP-SALITA

15
Panuto: Hanapin ang mga salita patungkol sa ating aralin gamit ang mga pahayag
sa ibaba. (Bilugan ang mga ito).

Pahalang:
1. Pagbili o paggamit ng mga produkto o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng tao.
2. Ito ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng
pagsama-sama ng mga salik upang makabuo ng output na kinokonsumo ng
mga tao.

3. Tumutukoy sa salaping tinatanggap ng tao katumbas ng ginawang


produkto at serbisyo.

4. Nagbabago - bago ang pangangailangan at kagustuhan ng isang tao


dulot ito.
5. Malalaman moa ng kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa
tungkuin ng isang indibidwal sapagkat sa ating kamay nakasa-lalay ang
pag-unlad nito.
Pababa:
1. Ito ang paraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin
ang isang produkto.
2. Ito ang salik na maglilimita o makadaragdag sa pagkonsumo ng mga
produkto at serbisyo.
3. Ito ay ginagawa ng tao kapag may magaganap tulad ng kaarawan,
araw ng ama o ina, araw ng mga puso at marami pang iba.

16

You might also like