You are on page 1of 4

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

S.Y. 2022-2023

First Prelim Exam

Araling Panlipunan 9

Pangalan: _______________________________________________ Marka:________________

Baitang at Seksiyon: ___________________________________ Petsa:_________________
Guro: ___________________________________________________

I. PAGPIPILI
Panuto: Basahin ang tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang agham panlipunan na may kinalaman sa gawi at kols ng tao upang matugunan ang walang
katapusang pangangailangan sa pamamagitan ng paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
a. Ekonomiks b. Kasaysayan ng Daigdig c. Asya d. Kakapusan
2. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangan pag-aralan ang
ekonomiks?
a. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa nangyayari sa lipunan.
b. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay.
c. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng maraming pagkain sa panahon ng
pandemya.
d. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo
3. Sa ekonomiks kailangang maging makatuwiran ang tao sa kanyang pag-iisip sa pagpili ng mga bagay
na mapapakinabangan. Ano ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya?
a. Kailangan suriin ang mga produktong bibilhin dahil limitado ang pagkakaroon ng salapi.
b. Ang isang indibidwal ay hindi na kailangang suriin ang presyo ng mga pangunahing bilihin
sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.
c. Hindi pakikialaman ang mataas na presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.
d. Hahayaan na lamang ng isang indibidwal kung ang produkto ay may pakinabang sa kanya o
wala.
4. Tayo ay kabilang sa isang malawak na komunidad kung saan iba-iba ang ating mga prayoridad. Alin
sa mga sumusunod na mga pahayag ang kailangan para mas mapa-igting ang pag-aaral sa kahalagahan
ng ekonomiks?
a. Hindi pakikialam sa mga usaping panlipunan.
b. Paggamit sa mga natutunang batas at programa ng pamahalaan sa ating ikabubuti.
c. Pagsasarili ng pananaw sa mga nangyayari sa paligid.
d. Nakagagawa ng pasya tungkol sa pagbili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan.
5. Si Mang Isko na isang magsasaka ay nananatiling gumamit ng tradisyonal na paraan ng pagsasaka
kaya mababa lang ang kaniyang kinikita. Sa paanong paraan mapapataas ang kaniyang kita?
a. Maayos na kalusugan c. Pagkakaroon ng sariling lupain
b. Kasanayan sa makabagong teknolohiya d. Pagbibigay ng bagong binhi
6. Mahalagang bahagi ng ekonomiks ang pagiging praktikal sa pang-araw-araw na pamumuhay. Bakit
kailangan matutunan ang kahalagahan ng ekonomiks lalo na sa mga sitwasyong may pandemya at
kaguluhan?
a. Upang mawaldas ang pera ng sambahayan.
b. Upang makatutulong ang pamahalaan sa mga tao na naaapektuhan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tulong-pinansiyal.
c. Upang mapili ang pwedeng tulungan.
d. Upang makatipid ang gobyerno dahil sa ipinatupad na lockdown o quarantine.
7. Bahagi ng ekonomiks ang paggawa ng mga produkto upang matustusan ang maraming
pangangailangan ng tao. Ano ang pinakamahalagang paraan para matugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng tao?
a. Dapat magnegosyo at ipagpaliban ang pag-aaral.
b. Maging matalino sa pagdedesisyon.
c. Iwasang mag-impok ng pera sa banko para may kita ang bansa.
d. Walang pakialam sa kasalukuyang nangyayari.
8. Pinapahalagahan sa ekonomiks ang mga pangyayaring nagaganap sa iyong kapaligiran. Paano mo
maipakikita ang iyong natutunan tungkol dito sa pang-araw-araw na pamumuhay?
a. Pagbabadyet ng allowance.
b. Bumili ng kape sa mamahaling coffee shop upang may kita ang tindahan.
c. Bumili ng mga bilihing naka-discount kahit hindi gagamitin.
d. Walang pakialam sa nangyayari sa lipunan.
9. Walang pinipiling edad ng tao upang matutunan ang kahalagahan tungkol sa ekonomiks. Ano ang
idudulot nito sa isang mag-aaral sa pang-araw-araw niyang pamumuhay?
a. Magiging mapanuri at mapagtanong sa paligid.
b. Matutong gumastos sa mga hindi importanteng bagay.
c. Mas nanaisin ang kagustuhan kaysa sa pangangailangan.
d. Makatutulong sa mayayamang mamumuhunan sa paglago ng pambansang ekonomiya.
10. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
a. Choice b. Trade-Off c. Incentives d. Opportunity Cost
11. Ang ekonomiks ay nagmula sa griyegong salita na “oikonomia” na ang ibig sabihin ay _______________.
a. Pangangasiwa sa tahanan c. Pamamahala sa tahanan
b. Pangangasiwa sa sambahayan d. Pamamahala sa sambahayan
12. Malaki ang naging ambag ng ekonomiks sa tao upang maging marunong sa kanyang pagpili ng mga
bagay na mas kailangan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
a. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay maging matalino at mapanuri sa pagbuo ng
desisyon sa buhay.
b. Nakatutulong ang ekonomiks upang mas piliin ang kagustuhan kaysa pangangailangan.
c. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay higit na gumastos sa mga luho at iba pang
kagustuhan mo sa buhay.
d. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay hindi makialam sa mga nangyayari sa lipunan.
13. Ito ay nagaganap kung may pansamantalang pagkawala o pagkukulang ng produkto sa pamilihan.
a. Kakapusan b. Kakulangan c. Produksiyon d. Alokasyon
14. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian subalit may
pagkakataon na magbago ang isip sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser para magbago ang
iyong desisyon. Ano ang tawag dito?
a. Opportunity Cost b. Marginal Thinking c. Incentives d. Trade-Off
15. Ito ay pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ibang bagay.
a. Trade off b. Opportunity Cost c. Incentives D. Marginal Thinking
16. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
a. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito ay gastos man o
pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
b. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng kanyang pagpapasya.
c. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga produkto at serbisyo na nais
niyang bilhin.
d. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang
mga ito ay mahalaga para sa kanya.
17. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang pinagkukunang-yaman tulad
ng yamang likas at yamang kapital. Anong kondisyon ang tinutukoy nito?
a. Kakapusan b. Kakulangan c. Kamalayang Panlipunan d.
Kamalayan sa Kapaligiran
18. Ang ekonomiks ay nagmula sa griyegong salita na “oikonomia” na ang ibig sabihin ay _______________.
a. Pangangasiwa sa tahanan c. Pamamahala sa tahanan
b. Pangangasiwa sa sambahayan d. Pamamahala sa sambahayan
19. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
a. Choice b. Trade-Off c. Incentives d. Opportunity Cost
20. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw-araw. Bakit mahalagang
maunawaan ng isang mag-aaral ang kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng pamilya?
a. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso.
b. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang.
c. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
d. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.
II. PAGTUTUKOY
Panuto: Tukuyin ang binabanggit ng sumusunod na kahulugan. Hanapin sa loob ng kahon ang sagot
at Isulat sa Patlang.

Kakapusan Hoarding Kartel Kakulangan

Pagpili at pagdedesisyon

__________________1. Ito ang pangkat ng malalaking negosyante na kumokontrol at nagmamanipula ng

distribusyon, pagbili at pagpepresyo ng mga produkto.
_________________2. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang yaman na
ginagamit sa paglikha ng mga produkto.
_________________3. Ito ang pagtatago ng mga supply ng produkto upang hintayin ang pagtaas ng presyo
nito.
_________________4. Ito ay nagaganap kung may pansamantalang pagkawala ng produkto sa pamilihan.
_________________5. Ito ay inilalarawan na walang katapusan na kailangan ng tao.

III. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Basahin ang tanong at ipaliwanag ng maayos.

PAMANTAYAN
NILALAMAN : 3 PUNTOS
GRAMATIKA : 2 PUNTOS
KABUUAN : 5 PUNTOS

1. Bilang mag-aaral, bakit kinakailangan na pag-aralan ang Ekonomiks? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________________________________________________________

2. Dapat bang magkakatulad ang pangangailangan ng mga tao, mahirap man o mayaman? Bakit?

Answer Key
I.
1. A
2. A
3. A
4. B
5. B
6. B
7. B
8. A
9. A
10. D
11. D
12. A
13. B
14. C
15. A
16. A
17. A
18. D
19. D
20. D

II. A
1. Kartel
2. KAKAPUSAN
3. HOARDING
4. KAKULANGAN
5. PAGPILI AT PAGDEDESISYON

You might also like