You are on page 1of 10

Central Luzon State University

University Science High School


Araling Panlipunan 9
EKONOMIKS
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: ___________


Seksyon: Discoverers Examiners Petsa: ___________

I. MARAMIHANG PAGPILI
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang na nakalaan sa bawat bilang.

__________1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


a. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng suliraning dulot ng
kakapusan.
b. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang
rasyonal na pagdedesisyon.
c. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning
pangkabuhayan na kanyang kinakaharap.
d. Ito ay pag-aaral ng tao at lipunan kung papaano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
__________2. Bakit kailangang magsagawa ng trade-off ang tao?
a. Upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke.
b. Upang matugunan niya ang kanyang pangangailangan na magdudulot ng higit
na kasiyahan.
c. Dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon.
d. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo.
_________3. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng suliranin ng
kakapusan sa lipunan?
a. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
b. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
c. Limitadong pinagkukunang-yaman
d. Lahat ng nabanggit
_________4. Kung ikaw ay isang rasyonal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng
desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
b. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
c. Isaalang-alang ang trade off at opportunity cost
d. Isaalang-alang ang relihiyon, paniniwala mithiin at tradisyon
_________5. Ano ang tawag sa halaga ng inaasam na branded na damit na isinakrispisyong
hindi bilhin ni Kobe upang makabili ng mas murang damit at pabango?
a. Trade off
b. Opportunity Cost
c. Marginal thinking
d. Incentive
_________6. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay
isang gawaing pang-ekonomiya na:
a. lumilinang ng likas-yaman.
b. namamahagi ng pinagkukunang-yaman.
c. lumilikha ng mga produkto at serbisyo.
d. gumagamit ng mga produkto at serbisyo.
_________7. Ang mga sumusunod ay maaring maganap kung uunahin ang pangangailangan
kaysa kagustuhan, MALIBAN sa isa:
a. Magiging maayos ang pagbabadyet ng pamilya.
b. Maisasakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at pagkonsumo.
c. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman sa lahat ng
tao.
d. Maaaring mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa mga pinagkukunang-
yaman.
_________8. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong
control at regulasyon ng:
a. prodyuser . b. konsyumer.
c. pamahalaan. d. pamilihan.
_________9. Kailan maituturing na primaryang pangangailangan ang isang produkto o
paglilingkod?
a. Kapag ito ay kailangan ng tao upang siya ay mabuhay
b. Kapag makakabili ka ng mas maraming bagay sa pamamagitan nito
c. Kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay ng tao
d. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging madali ang mahirap na
gawain
________10. Mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ang bawat salik ng
produksyon. Sa ekonomiks, ang mga pangunahing salik ng produksiyon ay
kinabibilangan ng:
a. sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa
entreprenyur.
b. upa sa lupa, sahod sa manggagawa, imprastraktura at entrepreneurship.
c. interes, kita, sahod at lupa.
d. lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship.
________11. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung
ikaw ay kabilang sa isang pamayanang mayroong tradisyunal na sistema ng
ekonomiya?
a. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ibang
mga gawain.
b. Tulong-tulong sa mga gawain at may pantay na pakinabang sa mga
pinagkukunang-yaman.
c. Wala, sapagkat ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa isang central planning agency.
d. Malaya kang makakikilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi
pinapakialaman ng pamahalaan.
________12. Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaaring maitaguyod sa
pamamagitan ng:
a. pagpapahalaga sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
b. palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran.
c. pag-aaral sa nakatatak sa etikita ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng
produkto.
d. palagiang pagpunta sa timbangang bayan upang matiyak na husto ang timbang
ng biniling produkto.

INPUT PROSESO OUTPUT


lupa pagsasama-sama kalakal o serbisyo
paggawa ng materyales, na pangkonsumo
capital o puhunan paggawa, capital at kalakal o serbisyo
Entrprenyur entreprenyur na gamit

________13. Ang ilustrasyon sa itaas ay tungkol sa produksyon. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Magaganap lamang ang produksyon kung kumpleto ang mga salik sa gagamitin
dito.
b. Magiging mas produktibo ang produksyon kung mas marami ang lakas-paggawa
kaysa sa mga makinarya.
c. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasama-sama ng input tulad ng lupa,
lakas-paggawa, kapital, at intreprenyur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
d. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at
serbisyo upang makabuo ng input tulad ng lupa, paggawa, kapital at kakayahan
ng entreprenyur.

________14. Grumadweyt si Faith Matthew sa kursong Bachelor of Arts in Psychology noong


nakaraang buwan. Bilang isang bagong miyembro ng lakas-paggawa, ninanais
niyang ma-employ sa isang white-collar job. Saan maaaring mag-apply si Faith
Matthew upang makamit niya ang inaasam na white-collar job?
a. Sa isang unibersidad sa kanilang lugar bilang guidance counselor
b. Sa negosyong talyer ng kanyang ama bilang mekaniko
c. Sa ibang bansa bilang isang welder kung saan malaki ang inaasahang sahod
d. Sa lungsod kung saan maunlad ang pamumuhay ng mga tao

________15. Anong uri ng organisasyon ng negosyo ang binubuo ng dalawa o higit pang
indibidwal na sumasang-ayon na paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng
negosyo?
a. Sole Proprietorship b. Partnership
c. Korporasyon d. Kooperatiba

________16. Ang PPF ay isang modelong nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng


mga pinagkukunang-yaman upang makalikha ng produkto. Ano ang kahulugan ng
PPF?
a. Production Plan Frontier c. Production Possibilities Frontier
b. Production Preparedness Form d. Plan for the Production of Food

________17. Layunin ng negosyanteng si Ginoong Michael Jordan Castro na mapamahalaan


ang suliraning posibleng idulot ng kakapusan sa kanyang negosyong pagawaan ng
Mike na sapatos. Natukoy ng kanyang supervisor na mahalagang suriin kung paano
lilikhain ang mga sapatos, gaano karami at kung para kanino lilkhain ang mga
nasabing produkto. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan na maaaring
isagawa ng negosyanteng si Michael Jordan upang mapamahalaan ang suliranin sa
kakapusan, MALIBAN sa isa.
a. Kailangan ang angkop na makabagong teknolohiya upang mapataas ang
produksyon.
b. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay-proteksyon sa mga
pinagkukunang-yaman
c. Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad sa
paglikha ng produkto at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.
d. Pagbili ng mga hilaw na kagamitan mula sa ibang bansa.

________18. Iniidolo ni Kylie Bryan ang artistang si Gerald Anderson. Lahat ng produktong
iniendorso ng nasabing artista ay binibili at tinatangkilik ni Kylie Bryan. Ginagaya
rin niya ang pananamit at postura ng kanyang idolo gamit ang mga produktong
kanyang tinatangkilik. Ang katangiang ito ni Kylie Bryan bilang mamimili ay
sumasalamin sa epekto ng aling salik sa pagkonsumo?
a. mga inaasahan b. kita
c. demonstration effect d. Pagbabago ng presyo

________19. Pagkauwi galing sa paaralan, mas pinili ni Gregzilla Slaughterhouse na


magbasa ng kanyang aklat sa Ekonomiks kaysa sa makipaglaro ng basketball sa
kanyang mga barkada. Ano ang isinagawa ni Gregzilla?
a. Trade off b. Opportunity Cost
c. Marginal thinking d. Incentive

________20. Bumili si Eunes Alyzza ng mga rekado para sa pagluluto ng spaghetti at maja
blanca dahil kaarawan ng kanyang ina at nais niyang ipaghanda ito ng masarap na
pagkain. Anong salik ang nakaimpluwensiya sa desisyon niyang bumili at
komunsumo ng mga nasabing produkto?
a. Mga inaasahan b. Kita
c. Demonstration Effect d. Pagkakautang

_________21. Anong pamantayan sa pamimili ang ipinapahiwatig ng mga larawan sa


ibaba?

a. hindi nagpapadaya b. mapanuri


c. may alternatibo d. hindi nagpapanic-buying

_________22. Matapos maglaba, ginamit ni Dwyane Wade Salaksak ang pinagbanlawang


tubig upang linisin ang kanilang palikuran. Dahil dito, masasabi natin na si
Dwyane Wade ay mapanagutan sa kanyang papgkonsumo dahil siya ay
mayroong:
a. pagmamalasakit sa lipunan.
b. mapanuring kamalayan.
c. kamalayan sa kapaligiran.
d. kaalaman sa pagkilos.

_________23. Aling ahensiya ng ating pamahalaan ang nagsusuri at naniniguradong ligtas


ikonsumo ang mga gamot, pagkain at mga produktong pampaganda?
a. SEC b. NBI c. ERC d. BFAD

_________24. Bumili si Ela Veronica Nicole ng tatlong kilo ng bangus sa Pamilihang Lungsod
ng San Bernardino del Ruschel matapos niyang magsimba. Pagdating sa bahay, natuklasan
niyang kulang ng ¼ kilo ang timbang ng kanyang pinamiling bangus. Saang ahensiya ng
lokal na pamahalaan siya maaaring dumulog at maghain ng reklamo?

a. ERC b. PDEA c. BFAD d. City Treasurer’s Office

_________25. Tuwing araw ng Miyerkules ay binibigyan si LeBron James Dimagmintis ng


baon na Php70.00 ng kanyang tatay. Upang maipamahagi nang wasto ang kanyang baon,
ang sumusunod na talaan ang kanyang binibigyang-prayoridad upang tugunan ang mga
pangangailangan niya sa pagpasok sa paaralan:

 Php 18.00 – pamasahe


 Php 7.00 – SNJ
 Php 20.00 – pagkain sa tanghali
 Php 10.00 – kagamitan para sa mga Gawain/Activities
 Php 15.00 – pagkain sa recess

Anong mekanismong may kaugnayan sa pagdedesisyong pang-ekonomiko ang


isinasagawa ni LeBron?

a. Alokasyon b. Trade off c. Opportunity Cost d. Produksiyon


II. TAMA O MALI

Panuto: Iguhit sa patlang na nakalaan ang ☺ kung ang isinassaad ng pangungusap ay wasto at ☹ kung ito
ay di-wasto.
__________26. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat pinag-aaralan dito kung paano
matutugunan ng tao ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng
kabuhayan.
__________27. Mahalaga ang konsepto ng trade off sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ng tao
ang mga alternatibo tungo sa kanyang pagbuo ng pinakamainam na pasya.
__________28. Sa ilalim ng command economy, pinapayagan ang pagkakaroon ng pribadong kapital upang
maitaguyod ang isang masiglang kompetisyon sa pamilihan.
__________29. Si Adam Smith ang itinuturing na Ama ng Modernong Ekonomiks.
__________30. Sa isang pinaghalong ekonomiya o mixed economy, ginagabayan ng pamahalaan ang mga
gawaing pangkabuhayan upang maprotektahan ang mga mamimili.
__________31. Mahalaga ang mekanismo ng alokasyon sapagkat sa pamamagitan nito ay natutugunan ng
pamayanan ang suliranin ng kakapusan.
__________32. Ang partnership ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo.
__________33. Sole trader ang tawag sa taong solong nagmamay-ari ng lahat ng mga bagay na nauukol sa
negosyo.
__________34. Ang pangunahing layunin ng negosyo ay kumita o tumubo.
__________35. Sa ilalim ng traditional economy, ang presyo ng bilihin ang nagsisilbing ugnayan ng mamimili
at nagtitinda.

III. PAGSUSURI
Panuto: Tukuyin kung saang lebel sa herarkiya ng pangangailangan kabilang ang mga sumusunod na aytem.
Isulat sa patlang na nakalaan ang letrang (A / B / C / D / E) tumutugon sa iyong kasagutan.

________36. Masustansyang pagkain


________37. Maipagamot ang karamdaman
E–
Kaganapan ________38. Kaibigang maaasahan at tapat
ng Pagkatao ________39. Pagkakaroon ng asawa at anak
________40. Karangalan
D – Pagkamit ng Respeto
sa sarili at Respeto ng ________41. Pagkakaroon ng trabaho
ibang tao ________42. Pagtatagumpay sa buhay
________43. Tiwala sa sarili
C – Pangangailangang Panlipunan
________43. Sapat na oras ng pagtulog

B – Seguridad at Kaligtasan ________45. Malinis na suplay ng tubig

A - Pisyolohikal

IV. ACRONYMS

1
46. DTI -
_________________________________________________________________________
__________________________________
47. BFAD -
_________________________________________________________________________
__________________________________
48. SEC -
_________________________________________________________________________
__________________________________
49. PRC -
_________________________________________________________________________
__________________________________
50. ERC -
_________________________________________________________________________
__________________________________

RCG2016

2
Need answer key?, like our page https://www.facebook.com/kto12Curriculum/
and give us your email and request in a private message.

You might also like