You are on page 1of 8

Araling Panlipunan Grade 9

Pangalawang Markahang Pagsusulit

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Pangkat: ________________Iskor:______

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na mga sitwasyon at katanungan. Piliin ang tamang sagot sa bawat
tanong at itiman ang bilog .

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 1. Anong sangay ng ekonomiks na nag-aaral sa maliit na yunit ng ekonomiya ?


.
a. mikroekonomiks b makroekonomiks c ekonomiks d. ekonometriks

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 2. Ang konsepto ng demand ay naipapakita sa pamamagitan ng tatlong paraan. Alin sa sumusunod na


paraan kung saan gamit ang matematikong paglalarawan sa ugnayan ng demand at presyo?
a.demand schedule c.demand function
b.demand curve d.demand pull

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 3. Ano ang tawag sa samahan ng oligopolistang sama-samang kumikilos upang kontrolin ang presyo ng
produkto o serbisyo sa pamilihan?
a. copyright c. trademark
b. kartel d. property rights

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 4. Anong uri ng elastisidad ang inilalarawan kung mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng
quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo?
a. elastic b. inelastic c. perfectly elastic d. perfectly inelastic

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 5. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng


tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser?
a. demand b.ekwilibriyo c.produksiyon d. supply

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 6. May malaki at mahalagang papel na ginagampanan ang pamahalaan sa pananatili ng katatagan ng


presyo sa pamilihan. Ain sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
a. Panghuhuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid
b. Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin
c. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
d. Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 7. Kapag ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para
sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawain ng mga may-ari , nanghihimasok ang
pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng
pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
a. price support b. floor price c. price ceiling d. price clearing

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 8. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon
ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
a.department store b. tiangge c.talipapa d. pamilihan
ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 9. Upang matugunan ang pangangailangan ng tao, binigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na
limikha ng produkto upang kumita. Anong konsepto ang tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa ibat ibang presyo?
a. demand b. supply c. presyo d. negosyo

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 10. Ang konsepto ng supply ay naipaliliwanag sa tatlong pamamaraan . Alin sa sumusunod ang hindi
kabilang sa tatlong pamamaraan na nagpapakita ng konsepto ng supply?
a. Supply schedule
b. Supply curve
c. Supply function
d. Supply assumption

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 11. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa batas ng demand?


a. may direkta at positibong ugnayan ang presyo sa quantity demanded
c. kapag tumaas ang presyo, bumababa ang demand
b. kapag tumataas ang presyo, tumataas ang demand
d. hindi nakaaapekto ang pagbabago sa presyo sa dami ng demand

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 12. Tinatayang ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay sinasabing modelo o ideal na estruktura
ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta at konsyumer. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan
sa katangian ng estrukturang ito?
a. malayang kalakalan sa bilihan
b. may kakaibang produkto
c. maraming prodyuser at konsyumer
d. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 13. Naitatakda ang presyo at dami ng produkto o serbisyo sa isang pamilihan dulot ng ekwilibriyo. Ano
ang posibleng mangyari kapag magkakaroon ng paglaki ng supply samantalang hindi nagbabago ang
demand?
a. magkakaroon ng pagbaba ng dami ng demand
b. walang pagbabagong magaganap sa supply
c. magkakaroon ng shortage o kakulangan ng produkto o serbisyo
d. magkakaroon ng surplus o kalabisan ng produkto o serbisyo

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 14. Kapag ang kurba ng demand ay mula itaas pababa at pakanan o downward slope, ano ang
ipinapahiwatig nito?
a. positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
b .hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand
c. negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
d.walang ugnayan ng presyo sa dami ng demand

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 15. Ano ang tawag sa kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o
serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga
prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan ?
a.ekwilibriyo b. ekwilibriyong presyo c.ekwilibriyong dami d. disekwilibriyo

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 16. Anong uri ng pamilihan na mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng serbisyo
at serbisyo?
a.monopolyo b. monopsonyo c. oligopolyo d. monopolistic competition

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 17. Anong uri ng estruktura ng pamilihan na maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga
produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer?
a. monopolyo b. monopsonyo c. oligopolyo d. monopolistic competition
ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 18. Ano ang tawag sa paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang
nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito?
a property rights b. kartel c. copyright d. trademark

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 19. Ano ang tawag sa karapatang tumutukoy sa pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang ang
mga akdang pampanitikan o akdang pansining?
a. kartel b. copyright c. trademark d.natural monopoly

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 20. Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa. Ano ang tawag sa patakarang
ipinasunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa
panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad?
a.price floor b. price ceiling c.price support d. price fre eze

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 21. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa batas ng supply?


a.may inverse o di-tuwirang ugnayan ang presyo sa dami ng supply
b. kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto
c. kapag bumababa ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto
d. kapag tumataas ang presyo, bumababa ang dami ng produkto

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 22. Gamit ang supply function, kompyutin ang quantity supply kapag ang Qs=0+ 10P.
Kapag ang P=25 Qs=?
a. 50 b. 150 c. 250 d. 350

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 23. Maliban sa presyo bilang salik na nakaaapekto sa supply, anong salik ang nakaapekto sa supply kung
inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon?
a.pagbabago sa teknolohiya c.pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksiyon
b.ekspektasyon ng presyo d.pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 24. Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na zero, ibig sabihin walang naganganap na
pagtugon ang quantity demanded kahit tumaas ang presyo. Ano ang ipinapahiwatig nito?
a.kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo ay hindi naman masyadong kailangan,
maaring ipagpaliban ang pagbili nito
b.may mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin
c.may mga produktong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito
makabibili parin ng alternatibo nito.
d.may mga produktong kahit mataas ang presyo ay kailangang bilhin sapagkat lubhang
napakahalaga nito at wala itong pamalit

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 25. May dalawang konseptong nagpapaliwanag sa ugnayan at quantity demanded. Anong konsepto ang
nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mamimili ay hahanap ng pamalit
na mas mura?
a. Substitution effect
b. Income effect
c. Bandwagon effect
d. Price effect

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 26. Ano ang tawag sa uri ng pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan na kilala rin bilang price
support?
a.price foor b.price ceiling c.price clearing d.price freeze
ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 27. Anong konsepto ang tumutukoy sa hinuha na walang pagbabago sa ibang salik maliban sa salik
pinag-aralan o other things being equal?
a. batas ng demand c. ekwilibriyo
b. batas ng supply d.ceteris paribus

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 28. Ano ang tawag sa sitwasyon kung saan mas malaki ang dami ng produkto na isinusuplay kaysa sa
dami ng demand?
a.shortage b.surplus c.supply d.scarcity

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 29. Ito ang nagsisilbing tagapag-ugnay upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer at
prodyuser. Anong salita ang tumutukoy sa nakatakdang halaga ng isang kalakal o paglilingkod?
a.price index c. utility
b.preference d. price

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 30. Anong uri ng elastisidad ng supply kapag pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa
bahagdan ng pagbabago ng quantity supply?
a.unitary o unit elastic b.inelastic c.elastic d.price elastic

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 31. Natatamo ang kasiyahan ng prodyuser at konsyumer kung ang nais bilhin at ipagbili ay nakukuha sa
takdang oras. Ano ang tawag sa kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing
produkto o serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang napagkasunduan?
a.ekwilibriyo b.surplus c.disekwilibriyo d.shortage

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 32. Isa sa mga salik na nakaapekto sa dami ng demand ay ang kita ng isang indibidwal. Kapag
dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produkto ay maituturing na
normal goods. Ano naman ang tawag sa produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng
kita?
a. superior goods c. demand goods
b. inferior goods d. substitute goods

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 33. Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?


a .pagtaas sa sahod ng mga manggagawa
b. paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan
c. pag-imbita ng mga banyaga ng mangangalakal sa bansa
d. paggawa ng mga industriya na magbibigay hanapbuhay sa mga tao

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 34. Alin sa sumusunod na mga pamamaraan ang hindi kabilang sa pagpapakita ng konsepto ng demand?
a. demand reading c. demand curve
b. demand function d. demand schedule

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 35. Alin sa mga sumusunod na uri ng elastisidad ang may coefficient na “0”
a.perfectly elastic b.perfectly inelastic demand c.unitary d.elastic

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 36. Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng
quality demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo.Alin sa mga sumusunod ang
halimbawa ng produktong price elastic?
a.gasolina b.softdrinks c.koryente d.serbisyo sa tubig
ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 37. Suriin ang sumusunod na formula. Alin dito ang makatutulong sa mga prodyuser upang malaman ang
magiging tugon sa tuwing may pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo?

a. Σd =%∆Qs
%∆P

b. _Σd =%∆Qd
%∆P

c. Σs =%∆Qd
%∆P

d. Σs =%∆Qs
%∆P

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 38. Paboritong kainin ni Juan tuwing recess ang siopao.Pero ng tumaas ang presyo nito sa ₱8.00 mula
₱6.00 hindi na muna siya bumili nito sa halip pinili niyang bilhin ang mas murang pagkain. Ano ang
ipinahihiwatig nito tungkol sa quantity demanded ni Juan para sa siopao?

a. ang quantity demanded sa siopao ay elastiko sapagkat si Juan ay tumugon ng malaki sa


pamamgitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa siopao .
b. ang quantity demanded sa siopao ay di-elastiko sapagkat si Juan ay tumugon ng malaki sa
pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa siopao.
c. Ang quantity demanded sa siopao ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na quantity
demanded sa siopao ay kasing dami ng quantity demanded sa pamalit na siopao ni Juan.
d. Ang quantity demanded sa siopao ay ganap na di-elastiko dahil hindi makatatagal si Juan na
hindi kumain ng siopao sa loob ng isang lingo.

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 39. Sa panahong tumaas ang kita, ano ang nararapat gawin sa paggasta?
a. Bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan.
b. Bumili ng mga produktong napapanahon maging ito man ay hindi pangangailangan.
c. Bumili ng mga produktong mahahalaga at kinakailangan.
d. Bumili ng mga alternatibong produkto sa mataas na presyo.

ⓐ ⓑ ⓒ ⓓ 40. Mahalagang matugunan ang pagbabago ng mga salik na nakaaapekto sa supply. Alin sa mga
sumusunod ang tuwirang nagbibigay kahulugan sa salitang efficient sa konsepto ng supply?
a. Nakabubuo ng maraming produkto sa kakaunting salik na gagamitin.
b. Nakabubuo ng maraming produkto gamit ang maraming salik ng produksiyon.
c. Nakabubuo ng kakaunting produkto sa maraming salik na gagamitin.
d. Nakabubuo ng kakaunting produkto gamit ang kakaunting salik ng produksiyon.
Division Unified Test in AralingPanlipunan Grade 9__
Second Grading
SY 2019-2020
TABLE OF SPECIFICATIONS

Key Answers
Remembering

Understanding

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Item
COMPETENCIES

2 c
9 a
11 c
Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang araw-araw na pamumuhay
14 c
ng bawat pamilya
34 a
35 b
36 b
25 a
Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand
32 b
39 c
Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na
37 d
nakaaapekto sa demand
38 a
4 b
Naiuugnay ang elastisidad ng demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod
24 d
5 D
Nailalapat ang kahulugan ng suplay batay sa pang-araw-araw na 10 d
pamumuhay ng bawat pamilya 21 b
22 c
23 b
Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa suplay

30 a
Naisa-isa at nasusuri ang iba’t ibang uri ng elastisidad ng supply

Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na


40 a
nakaaapekto sa suplay
Naiuugnay ang elastisidad ng demand at suplay sa presyo ng kalakal at
31 a
paglilingkod
Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng 13 d
presyo at ng pamilihan 15 a
27 d
29 d
b
28
Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng
kalakal at paglilingkod sa pamilihan

8 d
Naipaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan

12 b
Nasusuri ang iba’t ibang estruktura/sistema ng pamilihan na tumutugon sa
16 b
maraming pangangailangan ng mga tao
17 d
3 b

Nauunawaan ang konsepto ng estruktura ng pamilihan

33 b
1 a
Napangangatwiranan ang pangangailangang pakikialam at regulasyon ng 6 b
pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang anyo ng
7 c
pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan ng
18 d
bansa
19 b
20 d
26 a
ANSWERS KEY IN ARALING PANLIPUNAN
SECOND GRADING PERIOD

1. A
2. C
3. B
4. B
5. D
6. B
7. C
8. D
9. A
10. D
11. C
12. B
13. D
14. C
15. A
16. B
17. D
18. D
19. B
20. D
21. B
22. C
23. B
24. D
25. A
26. A
27. D
28. B
29. D
30. A
31. A
32. B
33. B
34. A
35. B
36. B
37. D
38. A
39. C
40. A

You might also like