You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
PALINA WEST NATIONAL HIGH SCHOOL
Urdaneta City, Pangasinan

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 9

Name:_______________________________ Date:______________
Year & Section: Score:______________

I. PANUTO: Bilugan ang letra ng iyong sagot.

1. Ito ay dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa pag-aaral sa kabuuan ng ekonomiya.


a. Implasyon b. paggasta c. makroekonomiks d. mikroekonomiks
2. Ito ang tawag sa salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo.
a. Donasyon b. buwis c. GNP d. GDI
3. Dito nagmumula ang mga salik ng produksyon.
a. Bahay-kalakal b. pamilihan ng kalakal c. sambahayan d. pamahalaan
4. Ang bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan.
a. Sambahayan b. pamahalaan c. bahay-kalakal d. pamilihan
5. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
a. Kita at gastusin ng pamahalaan c. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
b. Kalakalan sa loob at labas ng bansa d. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal
6. Kalian makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
a. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal.
b. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho.
c. Kapag may pag – angat sa GNI at GDP ng bansa.
d. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa.
7. Ang kakayahan ng isang bansa sa paglikha ng produkto at serbisyo ay sinusukat ng …
a. Gross National Product c. Human Development Index
b. Corruption Index d. Consumer Price Index
8. Matatag ang ekonomiya ng bansa kung ang GNI nito ay…
a. Negatibo c. positibo
b. Tuloy-tuloy sa paglago d. mababa
9. Ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na ________
a. Implasyon b. depresasyon c. deplasyon d. debalwasyon
10. Ano sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng implasyon?
a. Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe
b. Dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga
c. Bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga
d. Mataas na halaga, bawas na produkto at serbisyo
11. Bilang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng
implasyon?
a. Pag – iimpok b. pag-aaral na mabuti c. pamumuhunan d. pagiging magastos
12. Ang tight monetary policy ay isang paraan ng paglutas sa suliranin ng implasyon. Anong epekto nito sa
ekonomiya?
a. Pagdami ng salapi sa sirkulasyon c. pagbawas ng salapi ng sirkulasyon
b. Pagbaba ng interes sa deposito sa bangko d. pagtaas ng interes sa pautang

Sa bilang na 13-14, gawing basehan ang sumusunod na mga datos ukol sa inaprobahang badyet ng kongreso ng Pilipinas
para sa taong 2005

13. Anong kagawaran ang may pinakamalaking bahagi sa badyet ng bansa?


a. DEPED b. DPWH c. DILG d. DAR
14. Ano ang ipinahihiwatig ng datos sa itaas?
a. Ipinakikita sa datos ang prayoridad ng ating pamahalaan.
b. Ipinakikita sa datos ang paraan ng paggasta ng pamahalaan.
c. Ipinakikita sa datos ang pangangailangan ng ating bansa.
d. Ipinakikita sa datos ang kakulangan ng ating pamahalaan.
15. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinanggalingan ng salapi n gating pamahalaan?
a. Pag - utang c. pagbibili ng mga ari – arian ng pamahalaan
b. Buwis d. tulung mula sa ibang bansa
16. Ano ang gagawin mo upang makatulong ka sa paglutas ng suliranin ukol sa kakulangan ng budget?
a. Magtitipid/magbabawas ng baon c. magbayad ng tamang buwis
b. Magbigay ng donasyon d. lumikom ng karagdagang pondo
17. Layunin ng patakarang monetaryo (monetary policy) na mapatatag ang halaga ng ating salapi. Matutugunan ang
layuning ito kung _______.
a. Mataas ang implasyon c. bumababa ang mga presyo
b. Mataas ang palitan ng piso sa dolyar d. nananatili o walang pagbabago sa presyo
18. Alin sa mga sumusunod ang angkop na puntahan ng negosyante upang makautang ng puhunan?
a. Bangko b. kooperatiba c. GSIS/SSS d. Pag – ibig
19. Mahalaga ang dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang maling gamit nito?
a. Ginagamit ito bilang reserba ng bansa c. ginagamit ito sa operasyon ng black market
b. Ginagamit ito sa pandaigdigang kalakalan d. ginagamit itong basehan sa pagpapatatag ng local na salapi
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
a. Expenditure Approach c. Economic Freedom Approach
b. Industrial Origin d. Value Added Approach
21. Ang dinepositong Php 100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng paglabas (outflow)ng salapi sa paikot
na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy?
a. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag – iimpok.
b. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko.
c. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang paggastos ng tao.
d. Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong capital sa negosyo.
22. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay – kalakal?
a. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-
kalakal.
b. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na capital sa mga bahay-kalakal.
c. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga
bahay- kalakal.
d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga
bahay-kalakal.
23. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
a. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal.
b. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
c. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.
d. Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa
eleksiyon.
24. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
a. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income nito.
b. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income.
c. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income.
d. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National Income.
25. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
a. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.
b. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
c. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
d. Mahihikayat ang tao na mag – impok sa bangko dahil sa malaking tubo.
26. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat
bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
a. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
b. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
c. Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
d. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan.
27. Si Mr. Sake T. Chan, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat
isinasama ang kanyang kinita?
a. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya nito.
b. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
c. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
d. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil pareho na nagmula dito ang kanyang kita.
28. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 magkano ang kanyang maiimpok na halaga kung ang matitira
na lamang ay 7% sa kanyang kita?
a. Php1,000.00 b. Php1,250.00 c. Php1,500.00 d. Php1,750.00
29. Umutang si Apollo kay Alex na ipinabili niya ng isang kilong karne na kasalukuyang nagkakahalaga ng Php100.00.
Kung 5% ang antas ng implasyon sa sumusunod na buwan, ano ang bagong presyo ng isang kilong manok?
a. Php95.00 b. Php100.00 c. Php105.00 d. Php110.00
30. Sa anong paraan natin maipapakita ang kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya?
a. Pagpapatakbo ng bagong makinarya c. kasanayan sa paggamit ng kompyuter
b. Mataas na antas ng produksiyon d. mataas na sweldo ng ating mga manggagawa
31. Bilang mahusay na negosyante, ano ang dapat mong bigyang tuon para lumago ang iyong negosyo?
a. Laki ng puhunan c. dami ng manggagawa
b. Mahusay na pamamahala d. suporta ng pamahalaan
32. Ang internet, e-mail at texting ay mga paraan sa mabilis na pagtatamo ng impormasyon. Sa anong aspeto ito
makatutulong sa ekonomiya?
a. Darami ng paraan sa mabilis na komunikasyon.
b. Bababa ang halaga ng komunikasyon sa negosyo.
c. High-tech na ang paraan para sa mabilis na komunikasyon.
d. Mas bibilis na impormasyon ay magiging basehan ng mabilis na desisyon.
33. Ang pagdami ng mga call center ay nagbigay ng karagdagang bilyonng dolyar na kita sa bansa sa bawat taon.
Ipinakikita nito na ___________.
a. Dapat mamuhunan sa larangang ito. c. malakas pagkakitaan ang hanapbuhay na ito.
b. Mahusay ang mga Pilipino sa larangang ito. d. malaki ang potensyal ng Pilipinas sa gawaing ito.
34. Kailangan ang mataas na kasanayan sa sektor ng paglilingkod upang ______.
a. Patuloy na makaagapay sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya.
b. Mapanatili ang mataas na kalidad ng paggawa
c. Manatiling may pagkakataon sa bagong trabaho
d. Patuloy na madagdagan ang kita
35. Tinatawag na impormal na sektor ang mga gawaing pang-ekonomiya na __________
a. Maliit na kita c. walang permanenteng pwesto
b. Hindi nagbabayad ng buwis d. pabagu-bago ng negosyo
36. Sa tindahan naman ng gulay, isda at karne, nagsisiksikan ang mga tao upang bumili ng imported na gulay, isda at
karne. Mura ang presyo ng mga ito kahit na frozen pa. sa paanong paraan ito nakasasama sa ating ekonomiya?
a. Pinasisikip nito an gating mga palengke
b. Pinamamahal nito ang ating mga local na produkto.
c. Nasasanay tayo sa pagkain ng mga produktong frozen.
d. Pinaliliit nito ang kita n gating mga produktong agricultural
37. Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng suplay sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita
lamang ang pagtutuunan mo ng pansin?
a. Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki.
b. Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na presyo.
c. Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng malaki.
d. Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilinng pamahalaan sa pagtaas ng presyo.
38. Mahalaga ang ambag ng sektor ng agrikultura sa industriya ang ______.
a. Pagbili ng produktong yari ng industriya c. ang kasanayang agricultural ang angkop sa industriya
b. Pagbibigay ng manggagawa sa industriya d. hilaw na materyales na sangkap sa industriya
39. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga impormal na sektor sa bansa?
a. Dulot ng lubhang kahirapan c. kawalan ng sapat na pera
b. Kawalan ng sapat na edukasyon d. kawalan ng motibasyon
40. Sa supermarket, nakita ni Jay ang iba’t ibang laruan na gawa sa Tsina. Mura ang presyo ng mga ito at magaganda
rin naman. Nagpabili si Jay sa kanyang ina at pinagbigyan naman siya. Tuwang tuwa si Jay sa pagkakaroon ng
bagong laruan. Anong bunga ng liberalisasyon ang makikita sa kwento?
a. Pagkakaroon ng maraming pagpipilian
b. Higit na maginhawang mamili sa super market
c. mabibigyan ng dagdag na kita ang ating mga negosyante
d. Magkakaroon ng pagkakataon sa imported na produkto ang local na mamimili
41. Alin sa mga sumusunodang makakatulong upang mabawasan ang paglabag sa pagbabayad ng buwis?
a. Pag-iwas sa pagbabaywad ng buwis
b. Hindi tamang pagdedeklara ng halaga ng kinikita
c. Hindi makatotohanang deklarasyon ng mga ari-arian
d. Pagiging tapat ng tamang pamahalaan sa paggamit ng mga nalikom na buwis
42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pinagmumulan ng pondo ng pamahalaan/
a. Tubo sa negosyo c. kita sa pampublikong negosyo
b. Kita sa jueteng d. bayad mula sa multa at lisensya
43. Ano ang maaaring mangyari kung walang buwis?
a. Maisasakatuparan ng pamahalaan ang lahat ng kanyang layunin
b. Mahihirapan ang pamahalaan na ipatupad ang layuning pagpapatatag ng ekonomiya
c. Magiging matatag ang ekonomiya
d. Bababa ang antas ng kriminalidad
44. Kalian nagkakaroon ng deposit sa badyet?
a. Kapag walang paggasta ang pamahalaan
b. Kung mas maliit ang paggasta ng pamahalaan
c. Kung ang revenue at gastusin ng pamahalaan ay pantay
d. Kapag malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa pondo nito
45. Ipagpalagay na nagdeposito si Jonas ng Php1,000 sa bangko. Kung ang reserve requirements ay 10%, magkano
na lamang ang maaaring ipautang ng bangko mula sa depositing Php1,000?
a. Php600.00 b. Php700.00 c. Php800.00 d. Php900.00
46. Kung tumaas ang exchange rate ng piso laban sa dolyar, ano ang magiging epekto nito?
a. Tataas ang halaga ng piso.
b. Bababa ang pangkahalatang presyo ng mga produkto.
c. Bababa ang halaga ng piso na magbubunga ng pagbaba ng presyo ng mga produkto.
d. Bababa ang halaga ng piso na magbubunga ng pagbaba ng presyo ng mga produkto.
47. Isa sa mga dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng suplay ng salapi. Ano ang maaaring ibunga nito?
a. Tataas ang demand o paggasta kaya mahahatak ang presyo pataas.
b. Bababa ang demand o paggasta kaya mahahatak ang presyo pababa.
c. Tataas ang paggasta at mahahatak pababa ang presyo.
d. Bababa ang paggasta at mahahatak pababa ang presyo.
48. Kapag bumaba ang paggasta ng pamahalaan at tumaas ang antas ng buwis, nagdudulot ito ng:
a. Pagtaas ng kabuuang suplay c. pagbaba ng kabuuang demand
b. Pagbaba ng kabuuang demand d. pagtaas ng kabuuang demand
49. Patakarang pisikal na isinasagawa ng pamahalaan sa loob ng isang taon.
a. Expansionary Fiscal Policy c. Economic Policy
b. Contractionary Fiscal Policy d. Taxation Policy
50. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na kontrolin ang suplay
ng salapi at kredito sa bansa?
a. Patakarang Pananalapi c. Banking Policy
b. Patakarang Piskal d. National Monetary Policy

Prepared by: Checked by:

CHERRY P. PANGAN LEONIDA G. MANGAOANG


Teacher I Head Teacher III
Approved:

GINO T. ASPIRAS
Principal I
ANSWER KEY

1. C
2. B
3. B
4. B
5. C
6. C
7. A
8. C
9. A
10. A
11. A
12. C
13. A
14. A
15. B
16. A
17. B
18. B
19. C
20. B
21. D
22. A
23. C
24. D
25. B
26. C
27. C
28. D
29. C
30. D
31. D
32. C
33. A
34. B
35. B
36. B
37. B
38. D
39. A
40. B
41. D
42. D
43. B
44. B
45. D
46. C
47. A
48. D
49. A
50. A

You might also like