You are on page 1of 7

DIVISION UNIFIED TEST

4th QUARTER TEST


ARALING PANLIPINAN 9

Pangalan: ____________________________ Marka: _______________


Taon at Antas: ________________________ Petsa: ________________

Isulat lamang sa patlang ang titik ng tamang sagot.

____1. . Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong 1990, ano ang
pangunahing saligan sa tunay na kayamanan ng isang bansa?
A. Likas na yaman B. Teknolohiya C. Tao D. Kapital
_____2. Sa akdang “Development as Freedom (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang
kaunlaran ay matatamo lamang kung mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa
yaman ng ekonomiya nito. Paano ito matatamo?
A. Pagtanggal sa ugat ng walang kalayaan tulad ng kahirapan at demokrasya
B. Kawalan ng tiwala sa kakayahan
C. Makatwiran at dinamikong kaugnayang panlipunan
D. Sapat na mga lingkurang panlipunan
_____3. Isa sa maaaring kontribusyon ng isang mamamayan sa pag-unlad ng bansa sa
pamamagitan ng pagiging makabansa. Paano mo maipapakita ang iyong pagiging makabansa?
A. Sa pamamagitan nang pagtangkilik sa sariling produkto
B. Sa pamamagitan pagsali sa kooperatiba
C. Sa pamamagitan nang hindi pagbebenta ng boto
D. Sa pamamagitan nang pagbayad ng tamang buwis
_____4. “Ang kaunlaran ay matatamo lamang kung mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao
kaysa sa yaman ng ekonomiya”.Sino ang nagpaliwanag ng katagang ito?
A. Amartya Sen B.Feliciano Fajardo C.Michael Todaro D.Stephen Smith
_____5. Ayon kay Fajardo, ang pagsulong ay nakikita at nasusukat. Ano ang mga halimbawa na
nagpapakita ng pagsulong?
A. trabaho, kahirapan, kaunlaran at pag-unlad
B. pagpapahalaga, pag-unlad, kahirapan at pag-asenso
C. kalsada, sasakyan, gusali, bangko at mga paaralan
D. pabahay, patubig, pailaw, Philhealth at Edukasyon.
_____6. Ang pagsulong at pag-unlad ay magkahiwalay na mga konsepto sa Ekonomiks. Ano ang
pagkakaiba ng pasulong sa pag-unlad ayon kay Feliciano Fajardo?
A. ang pagsulong ay bunga ng pag-unlad B. ang pag-unlad ay bunga ng pagsulong
C. ang pagsulong ay proseso ng pag-unlad D. ang pag-unlad ay proseso sa pagsulong
_____7. Si Flor ay may maliit na sari-sari store sa tapat ng kanyang bahay at nakaugalian niyang
pumunta sa BIR upang magbayad ng kanyang buwis upang magamit ng pamahalaan sa mga
serbisyon panlipunan. Sa ganitong sitwasyon, ano ang naging kontribusyon ni Flor sa pag-unlad ng
bansa?
A. Tamang Pagboto B. Tamang pagbayad ng buwis C. Pagtangkilik sa mga produktong
Pilipino D. Pagnenegosyo
_____8. Ang Human Development Report Office (HDRO) ay gumagamit ng karagdagang
palatandaan tungkol sa kaunlarang pantao. Alin sa mga sumusunod ang sumusukat sa pamamahagi
ng kita, kalusugan at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa?
A. Gender Inequality Index C. Inequality Adjusted HDI
B. Multidimentional Poverty Index D. National Income Per Capita
_____9. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang
nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa sektor ng
agrikultura?
A. Pagmimina B. Pangingisda C. Panggugubat D. Paghahayupan
_____10. Isa sa pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ang pagkabulok o
madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
A. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan C.Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad
B. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka D. Kawalan ng mga maayos na daan patungo
sa pamilihan
_____11. Malaki ang kontribusyon ng agrikultura sa ating pambansang ekonomiya. Gayumpaman,
kapuna-puna ang mabagal ang pag-unlad kung ikokompara sa sektor ng paglilingkod. Ang mga
sumusunod ay suliranin na kinakaharap ng pangisdaan MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Epekto ng polusyon B. Lumalaking populasyon sa bansa
C. Pagliit ng lupang pansakahan D. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda
_____12. Karamihan sa mga magsasaka ay walang sariling lupaing sakahan kaya ang pamahalaan
ay kailangan nang magpatupad ng repormang pansakahan. Kapag di-maisulong ang programang ito
maraming magsasaka ang di-magkakaroon ng lupa, Ano ang isang maaaring maging epekto nito?
A. Ang paglakas ng ugnayan ng magsasaka at may-ari ng lupa
B. Ang kawalan ng sigla ng magsasaka upang dumami ang ani
C. Ang pagsusumikap ng magsasaka upang mapadami ang ani
D. Ang pagkakasundo sa pagitan ng pamahalaan at ng magsasaka
_____13. Malaking bahagi ng ating ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Ang sektor
ng agrilkultura ay nahahati sa paghahalaman, paghahayupan, panginigsda at panggugubat. Anong
sektor ng agrikultura ang pinagkukunan ng plywood, table, torso at venner?
A. Panggugubat B. Paghahalaman C. Paghahayupan D. Pangingisda
_____14. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong
mundo. Ngunit ang pangingisda sa Pilipinas ay nauuri sa tatlo. Ano ang tawag uri ng pangingisda ang
gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing
pangkalakalan o pagnenegosyo?
A. Aquaculture B.Munisipal C.Internasyonal D.Komersyal
_____15. Isa sa mabigat na suliranin ng mga magsasaka ay ang kakulangan ng puhunan na
kailangan sa pagpapalaki ng produksyon. Ano ang mga posibleng kalutasan ng ganitong suliranin sa
sektor ng agrikultura?
A. Pagbili ng mamahaling sasakyan para sa magsasaka
B. Pagtatakda ng mataas na interes sa pautang na pera
C. Pagtatag ng mga kooperatiba at bangkung rural na nagpapautang sa mga magsasaka
D. Pagkakaloob ng tulong sa pamilya ng bawat magsasaka
_____16.Maraming biyaya ang nakukuha sa kagubatan subalit mabilis ang pagliit ng sukat ng
kagubatan dahil sa pag-aabuso ng tao. Ano ang maaaring maging EPEKTO nito?
A. Erosion ng lupa C.Matinding tagtuyot
B. Magkaroon ng malawakang pagbaha D.Lahat ng nabanggit
_____17. Ang pagpapatayo ng mga daungan upang mapadali ang pagdadala ng mga nahuling isda
sa pamilihan ay malaking tulong sa pangisdaan. Ano naman ang nakasaad sa Philippine Fisheries
Code 1988?
A. Ito ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang mga
kagubatan.
B. Ito ay pamaraan at estratehiya ng pamahalaan upang matakda ang permanente at sukat
ng kagubatan
C. Ito ay paglilimita ng pamahalaan at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang
pangisdaan ng Pilipinas.
D. Ito ay pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang masigurong mayroon
suportang maibigay
_____18. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang ang
industriya naman ang tinatawag na sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
dalawang sector na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagpapakita ng EPEKTIBONG ugnayan o interaksyon ng dalawang sektor?
A. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang
industriya ay sa mga bahay-kalakal
B. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga
entreprenyur naman ang kapitan ng industriya
C. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sector ng agrikultura ay lubhang
mahalagang sangkap sa sector ng industriya upang gawing panibagong uri ng produkto
D. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa
tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka.
_____19. Malaki ang maaaring ambag ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa hinahangad na
industriyalisasyon ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod ang naitutulong ng makabagong
teknolohiya sa industriya?
A. Nakagagawa ng dekalidad na produkto at serbisyo
B. Nadadagdagan ang bilang ng mga manggagawa na namamasukan sa kompanya
C. Napabibilis nito ang pagkaubos ng mga likas na yaman ng bansa
D. Nakapagpapabagal sa pag-angkat ng kalakal ng bansa
____20. Isa ang sektor ng industriya na may malaking kontribusyon sa pambansang ekonomiya.
Anong sekondaryang sektor ng industriya na bumubuo ng mga kompanyang ang pangunahing
layunin na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, koryente at gas?
A. Pagmimina B. Pagmamanupaktura C. Konstruksyon D. Utilities
____21. Ang mga sumusunod ay negatibong epekto ng industriyalisasyon MALIBAN sa isa, alin
dito?
A. Mataas na antas ng polusyon
B. Mapataas ang produksyon ng sektor ng ekonomiya
C. Hindi pagkapantay-pantay ng kalagayang pangekonomiko
D. Bumaba ang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan
_____22. Ang pamahalaan ay bumuo ng Philippine Development Plan 2011-2016 bilang
pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Alin sa mga sumusunod na aspeto ang gustung tutukan ng
pamahalaan?
A. Mas maayos at akmang kondisyon sa pagnenegosyo
B. Mataas na produktibidad at maayos na paggawa
C. Mas mabuting kalagayan para sa mga mamimili
D. Lahat ng nabanggit
______23. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na
material o sangkap upang makabauo ng mga produktong ginagamit ng tao?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na sektor
_____24. Malaki ang kaugnayan ng teknolohiya sa pagsulong ng ekonomiya. Alin sa mga
sumusunod ang nagagawa ng teknolohiya sa ekonomiya?
A. Lumaganap ang malaking negosyo dahil sa malawak na kumpetisyon
B. Dumami ang bilang ng mga mangagawa sa sektor ng agrikultura
C. Naiparating ang kahalagahan ng pagtitipid at pag-iimpok bilang salik ng ekonomiya
D. Nakagagawa ng maraming produkto na may mataas na uri at kalidad
_____25. Isa ang pagmimina sa mga sekondaryang sektor ng industriya na kung saan ang mga
metal, di-metal at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na
produkto. Alin sa mga sumusunod na mineral ang maituturing na di-metal?
A. Nickel B. Aluminum C. Asbestos D. Manganese
_____26. Alin sa mga sumusunod na sektor ang binubuo ng pormal na industriya tulad ng
pananalapi, insurance, real estate, kalakalang pakyawan, pagtitingi, transportasyon at mga
serbisyong pampamayanan?
A. Agrikultura B.Industriya C.Paglilingkod D.Impormal na sektor
_____27.May mga ahensya ng pamahalaan ang tumutulong sa sektor ng paglilingkod.Anong
ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga mangagawang
propesyonal upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong propesyonal sa
bansa?
A.Department of Labor & Employment (DOLE) C.Professional Regulation Commission (PRC)
B.Commission on Higher Education (CHED) D.Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
_____28. Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng lipunan
ay isang palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa.Bakit itinituring na mahalaga ang papel na
ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
A. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman at serbisyo upang
matugunan ang mithiin ng pangangailangan
B. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal
C. Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa isang
bansa
D. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa
_____29. Ang mga sumusunod ay ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga
manggagawa MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Department of Labor & Employment (DOLE)
B. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
C. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
D. Professional Regulation Commission (PRC)
_____30. Ang mga sumusunod ay ahensya ng pamahalaan na humuhubog sa kakayahan ng mga
manggagawa MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Department of Labor & Employment (DOLE)
B. Professional Regulation Commission (PRC)
C. Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
D. Commission on Higher education (CHED)
_____31. Ayon sa RA 1161, as amended by RA 8282, ilang araw ang matatanggap na maternity
leave ng isang babaeng normal ang panganganak?
A. 60 B. 50 C. 78 D. 65
_____32. Ayon sa Artikulo 95 ng Karapatang Pantao Paggawa, ilang araw ang isang mangagawa na
makakatanggap ng service incentive leave na nakapalingkod nang hindi kukulangin sa isang taon?
A. 10 B. 15 C. 7 D. 5
_____33. Ang modernong transportasyon gaya ng MRT at LRT ay mahalaga sa pag-unlad ng
ekomiya. Ang mga sumusunod ay tulong nito sa pag-unlad, MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Nakapaglululan ng maraming pasahero C. Nakapagpapabagal ng paglalakbay
B. Nakapagdudulot ng maginhawang paglalakbay D.Nakapagbibigay ng mabilis na serbisyo
_____34. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig na malaki ang pakinabang sa paggamit ng
kompyuter at internet. Sa kasalukuyan, anong uri ng industriya sa bansa ang namamayagpag at
nagbibibgay ng hanapbuhay sa mga mamamayang Pilipino?
A.Industriya ng pagkain C.Industriya ng transportasyon at komunikasyon
B.Industriyang Business Process Outsourcing D. Industriya ng export at import
_____35. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na
inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
A. Agrikultura B.Impormal na Sektor C.Industriya D.Paglilingkod
_____36. Ayon sa IBON foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang kahig, isang tuka”.
Ano naman ang POSITIBONG EPEKTO ng paglaganap ng impormal na sektor?
A. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyards industries
B. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa
C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan
D. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng Pilipino upang tugunan ang
pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.
_____37. Ang pag-iral ng impormal na sektor ay nagdudulot ng iba’t ibang epekto sa ekonomiya. Ang
mga sumusunod ay negatibong epekto ng impormal na sektor, MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Pagbaba ng halaga ng nalikom na buwis
B. Nakapagbibigay ito ng trabaho sa mga mamamayan
C. Pagkakaroon ng banta sa kapakanan ng mga mamimili
D. Paglaganap ng mga illegal na gawain
_____38. Ayon sa datos ng National Statistics Office noong 2008 lumabas na mayroong halos 10.5
milyon Pilipino ang nabibilang sa impormal na sektor. Alin sa mga sumusunod ang pinaniniwalaang
dahilan kung bakit pumapasok ang mga mamamayan sa gawaing ito?
A. Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
B. Mapangibabawan ang matinding kahirapan
C. Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital
D. Lahat ng nabanggit
_____39.Ang mga sumusunod ay katangian ng impormal na sektor MALIBAN sa isa.
A. Hindi nakarehistro sa pamahalaan
B. Hindi nagbabayad ng buwis
C. Nagbabayad ng buwis
D. Hindi nakapaloob sa legal sa balangkas ng inilatag ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo
____40. Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI kabilang sa impormal na sektor?
A. Guro sa pampublikong paaralan C.Pedicab driver
B. Sidewalk vendor D. Pampublikong sasakyan na kolurum
_____41. Ang absolute advantage theory na ipinanukala ni Adam Smith ay isa sa mga basehan ng
mga bansa para sumali sa pandaigdigang kalakalan. Ano ang isinasaad ng teoryang ito?
A. Dapat mag-angkat ng produkto ang mga bansang papaunlad palamang.
B. Dapat ang isang bansa ay gumawa ng produkto nang mas efficient kompara sa
ibang uri ng produkto
C. Dapat ang isang bansa ay magpakadalubhasa sa paglikha ng mga produkto
D. Dapat pagtuunan pansin ng mga bansa ang pag-aangkat kaysa sa pagluluwas
______42. Malaking pakinabang ang makukuha ng isang bansa sa pakikipagkalakalan sa ibang
bansa. Ano ang maaaring pakinabang natin dito?
A. Maaaring magdulot ng paghina ng ating mga lokal na produkto
B. Maaaring maiwasan na masarili ng isang kompanya ang pagtitinda ng produkto
C. Magiging palaasa ang bansa sa mga dayuhan
D. Magiging makapangyarihan ang mga mayayamang bansa.
_____43. Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang bansa lalo na sa panahon
ng globalisasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinakaakmang dahilan ng pakikipag-
ugnayan ng mga bansa sa daigdig lalo na sa larangan ng pakikipagkalakalan?
A. Madaragdagan ang pantugon sa mga panustos para sa pangangailangan ng lokal
na ekonomiya
B. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan
C. Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin
D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan
______44. Ang Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa ibang bansa sa pamamagitan ng samahang
pandaigdigan. Anong samahang pandaigdigang ay naglalayong pagbuklurin at magkaroon ng
pagkakaisa ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
A. Association of Southeast Asian Nation C. Asia Pacific Economic-Cooperation
B. World Trade Organization D. United Nation
______45.Ang bansang Pilipinas ay kilala rin sa pagluluwas ng iba’t ibang produkto sa ibang bansa.
Ano ang nangungunang produkto ang iniluluwas ng Pilipinas ayon sa Philippine Statistic Authority
noong 2013?
A. Machinery and Transport Equipment C. Electronics
B. Woodcrafts and Furniture D. Mineral Product

_____46. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na NEGATIBONG EPEKTO ng malayang


kalakalan?
A. Ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang namumuhunan
B. Ang pagbagsak ng ilang lokal na industriya
C. Ang pangingibang bansa ng mga mamammayang Pilipino
D. Ang pag-angkat ng mga dayuhang kalakal at serbisyo
_____47. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng pakikipagkalakalan ng isang bansa sa
ibang bansa?
A.Nagagamit ng mga bansa ang kanilang kaalaman sa pulitika
B. Nagkakaroon ng kompetisyon ang bawat isa
C. Nagtutulungan ang mga bansa na matugunan ang pangangailangan ng bawat isa
D. Natutung umaasa ang mga bansa sa produkto ng ibang bansa
_____48. Ang pakikipagkalakalan ay kasabay ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang dako sa daigdig.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kabutihan ng kalakalang panlabas?
A. Nalilinang nito ang kaisipang kolonyal
B. Napapalawak nito ang pamilihan ng bansa
C. Natutugunan nito ang iba pang pangangailangan ng bansa
D. Nagkakaroon ng magandang relasyon ang iba’t ibang bansa
_____49. Mahigit sa 90% ng bansa sa daigdig ay kasapi sa World Trade Organization. Naniniwala
ang mga bansang ito sa benepisyo ng malayang kalakalan. Alin sa mga sumusunod na argument
ang HINDI sumasang-ayon dito?
A. Palitan ng kalakal at teknolohiya at pagpayaman sa kultura
B. Pagtugon sa kakapusan at pag-unlad ng ekonomiya
C. Espesyalisasyon sa larangan ng prodyuser at paglilingkod
D. Proteksyon sa mga lokal na industriya at namumuhunan
______50. Ang globalisasyon ay sumasaklaw sa iba’t ibang aspeto ng lipunan at panig ng daigdig.
Maraming hindi maunlad at papaunlad na bansa ang nakararanas ng masamang epekto nito lalo na
sa kalakalang panlabas. Alin ang dulot ng globalisasyon na may kaugnayan sa paghina ng
kalakalang lokal at panlabas ng naturang mga bansa?
A. Ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga transnational corporation
B. Ang pagtambak ng mga labis na produkto
C. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakalan
D. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan
ANSWER KEY
A.P. 4TH QUARTER
GRADE 9

1. C
2. A
3. A
4. A
5. C
6. A
7. B
8. C
9. A
10. D
11. C
12. B
13. A
14. D
15. C
16. D
17. C
18. C
19. A
20. C
21. B
22. D
23. B
24. D
25. C
26. C
27. C
28. A
29. D
30. A
31. A
32. D
33. C
34. B
35. B
36. D
37. B
38. D
39. C
40. A
41. C
42. B
43. A
44. A
45. C
46. B
47. C
48. A
49. D
50. A

You might also like