You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 9 – EKONOMIKS

Ikaapat na Markahan
Mastery Test

Pangalan:________________________________ Seksyon:_____________________ Iskor:_________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Biluganang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa suliraning kinakaharap ng mga magsasaka?
A. Paggamit ng teknolohiya. C. Pagliit ng lupang pansakahan.
B. Pagtaas ng suplay ng salapi. D. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.
2. Ano ang papel na ginagampanan ng Department of Trade and Industry o DTI sa industriya ng bansa?
A. Nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa.
B. Tinutulungan nito ang mga nagsisimulang industriya.
C. Naghihikayat sa mga dayuhan na mamuhunan na magnegosyo sa bansa.
D. Gumagabay sa mga lokal at dayuhang mangangalakal sa pagtatatag ng negosyo.
3. Alin sa susmusunod ang HINDI kabilang sa sektor ng agrikultura?
A. Paggubat B. Paghahalaman C. Pagmimina D. Pangingisda
4. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang ito
ay maging isang produkto?
A. Agrikultura B. Industriya C. Impormal na Sektor D. Paglilingkod
5. Ang National Food Authority o NFA ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na tumutulong sa sektor ng
agrikultura. Alin sa sumusunod ang ginagampanan ng ahensyang nito?
A. Bumibili ng mga ani ng mga magsasaka sa tamang presyo.
B. Tagatambak ng maraming bigas para sa pangangailangan ng mamamayan.
C. Nagbibigay ng pondo upang matugunan ang pangangailangan ng agrikultura.
D. Tumutulong sa pag-aangkat ng mga buto ng iba't-ibang uri ng halaman upang gawing pananim.
6. Ang mga rehiyon ng Pilipinas ay masigasig na nakikipagkalakalan ng isang bansa sa iba pang bansa
upang mapasigla ang lokal na ekonomiya at maipakalat sa buong mundo ang gawang Pilipino? Anong
sistema napapaloob ito?
A. Kalakalang panlabas C. Sektor ng agrikultura
B. Impormal na sektor D. Sektor ng industriya
7. Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP?
A. Ipapamahagi ang pampubliko at pampribadong mga lupaing agrikultural anuman ang tanim at tenyur
nito.
B. Ipapamahagi ang malalaking ektarya ng mga pampribadong lupain na hindi nakarehistro sa gobyerno.
C. Ipapamahagi ang pampublikong mga lupain para sa mga magsasakang matagal ng nagsasaka sa
lupaing iyon.
D. Ipapamahagi ang pampubliko at pampribadong lupain kung magbabayad ang mga magsasaka ng 25%
sa may-ari ng lupain.
8. Ano ang tawag sa programa ng pamahalaan na ang tanging layunin ay maingatan at protektahan ang
mga manggagawa laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari lupa sa mga
manggagawa?
A. R.A 1160 B. R.A. 1190 C. Public Land Act D. Land Registration Act
9. Ano ang tawag programa ng pamahalaan na naglalayong ituro ang teknolohiya sa mga mamamayan ng
wastong paglinang sa likas na yaman ng bansa?
A. TESDA B. CLASP C. NIPAS D. CARP
10. Ano ang katangian ng isang impormal na sektor?
A. Nakarehistro ito sa pamahalaan.
B. Nagbabayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan.
C. Ito ay tumutulong sa mga mamamayan na may matas na antas ng pamumuhay sa lipunan.
D. Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.
11. Ang mga sumusunod na pahayag ay di- mabuting epekto ng Industriyalisasyon, MALIBAN sa:
A. Mataas na antas ng polusyon. C. Pantay na kalagayang pang-ekonomiko.
B. Napapabilis ang paggawa ng output. D. Pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad
12. Upang ang mga indibidwal ay makatulong sa pamahalaan na magkaroon ng sapat na halagang
magagamit sa serbisyong panlipunan, ano ang iyong dapat na gawin?
A. Pagnenegosyo C. Tamang pagbabayad ng buwis
B. Tamang pagboto D. Makilahok sa pamamahala ng bansa
13. Ang paglaya sa kahirapan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring makatulong sa pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa MALIBAN sa:
A. Hindi kailangan itaguyod ang kultura ng mamamayan.
B. Makibahagi sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
C. Marapat na makialam sa mga usaping may kaugnayan sa kalagayan ng bansa.
D. Masunurin sa mga pinaiiral na batas at programa ng pamahalaan upang mapabuti ang kabuhayan.
14. Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “Isang kahig, Isang tuka”. Ano naman
ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
A. Sumasalalim ito sa paglaganap ng backyard industries.
B. Ito ay larawan ng pagiging isang industriyalisadong bansa.
C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
D. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino.
15. Upang makatulong sa pamahalaan na magkaroon ng progresibo at maunlad na lipunan. Ano ang iyong
dapat na gawin?
A. Makilahok sa tamang Sistema ng pagboboto.
B. Pagtangkilik sa produktong gawa ng local na mamamayan.
C. Paglahok sa mga kooperatiba na matatagpuan sa inyong lugar.
D. Makibahagi sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis para sa programang panlipunan.
16. Ano ang tawag sa sistema ng pagkakaroon ng trabaho o hanap-buhay na hindi nakarehistro sa
pamahalaan?
A. Kalakalang panlabas B. Impormal na sektor C. Sektor ng agrikultura D. Sektor ng industriya
17. Alin sa sumusunod na samahang pandaigdigan ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa
rehiyong Asia Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito?
A. World Trade Organization (WTO) C. Foreign Trade Service Corps (FTSC)
B. Asia Pacific Economic Corporation (APEC) D. Center of Industrial Competitiveness (CIC)
18. Mahalaga ang pagkakaroon ng ugnayang panlabas. Ano sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?
A. Upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
B. Upang maiwasan ang kompetesyon sa bawat kasapi.
C. Upang maalis ang mga hadlang sa pakikipagkalakalan.
D. Upang maiwasan ang sigalot o alitan sa mga bansa ukol sa kalakalan.
19. Ano ang patuloy at lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng super typhoon “Yolanda” na
may pambihirang lakas noong 2013?
A. Climate Change B. Coastal Pollution C. Global Warming D. Greenhouse Effect
20. Ano ang hangad ng Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997)?
A. Plantasyon B. Modernisasyon C. Irigasyon D. Produksiyon
21 Isa sa mga suliranin sa agrikultura ay ang suliranin sa pagsasaka. Ano ang tumatalakay sa patuloy na
paglaki ng populasyon at paglawak ng lupaing panirahan?
A. Pagliit ng lupang pansakahan. C. Prayoridad sa iba pang sektor.
B. Paggamit ng teknolohiya. D. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
22. Ang Thrawl Fishing ay isang paraan ng pangingisda na gumagamit ng malalaking lambat na may
pabigat, hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan. Alin sa mga pahayag ang epekto ng
ganitong suliranin?
A. Nakadudulot ito ng pagbabago sa klima ng ating mundo.
B. Nasisira ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda.
C. Nakakalbo ang kagubatan dahil inaabuso ng mga tao ang pagputol sa mga puno.
D. Wala itong epekto dahil isang araw lamang ang lilipas ay tutubo na ang mga korales.
23. Nalungkot si Aling Marta ng malamang may imported na karneng baboy ang dumating sa palengke na
kaniyang pinagtitindahan dahil sa mas mura ito kumpara sa tinda niyang lokal na karne ng baboy. Bakit
naging dahilan ng suliranin ng agrikultura ang pagdagsa ng dayuhang kalakal?
A. Hindi tinatangkilik ng mga Pilipino ang gawa ng ibang bansa.
B. Nagdala ng katamaran ang mga produktong galing sa ibang bansa.
C. Hindi ito suliranin na maituturing dahil mababait ang mga negosyanteng Pilipino.
D. Nahihirapang makipaglaban sa murang presyo ng produkto mula sa ibang bansa.
24. Anong pananaw sa pag-unlad ang kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang
panlipunan?
A. Makabagong Pananaw C. Kaunlarang Panlipunan
B. Tradisyunal na Pananaw D. Kaunlarang Pampulitika
25. Ano ang tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao, kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay?
A. Cultural Development C. Human Development Ratio
B. Social Development D. Human Development Index
26. Ayon sa modelong Sustainable Development na isa sa mga batayan sa pagsukat ng pag-unlad ng mga
bansa, "Ang mga mamamayan ng bansa ay dapat maturuan ng mga kakayahang mapagtagumpayan ang
mga hamon ng ika-21 siglo." Anong ahensiya ng gobyerno ang katuwang ng pamahalaan upang
maisakatuparan ang layuning ito?
A. DOH B. GSIS C. DSWD D. DEPED
27. Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa konsepto ng pambansang kaunlaran ang ang WASTO?
A. Nasa paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
B. Nasa kamay ng manggagawa ang pag-unlad ng bansa.
C. Nasa pamahalaan ang susi sa pag-angat ng ekonomiya.
D. Sapat nang may trabaho upang maging maunlad ang bansa.
28. Ayon kay Amartya Sen, ang pag-unlad ay matatamo lamang kung mapauunlad ang yaman ng buhay ng
mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito. Sa anong paraan ito maipapamalas?
A. Bahagyang pag-unlad ng teknolohiya.
B. Madalang na pagbisita ng Pangulo sa mga karatig bansa.
C. Mataas na bahagdan ng banyagang naninirahan sa bansa.
D. Pagdami ng trabaho sa Pilipinas at pagkawala ng kaugaliang Pilipino.
29. Ang Human Development Index ay gumagamit ng apat na pangunahing instrumento upang masukat
ang kabuuang pansosyal at ekonomiyang kalagayan ng mga bansa. Alin sa sumusunod ang estatistikang
ginagamit upang masukat ang HDI ng isang bansa?
A. Gross National Product (GNP), growth rate, Natural Increase Rate (NIR), and literacy.
B. Gross Domestic Product (GDP) per capita, infant mortality, literacy rate, and natural increase.
C. Gross National Income per capita (GNI), life expectancy, literacy rate, and average years of education.
D. Gross Domestic Product (GDP) per capita, life expectancy, literacy rate, and HIV infections per capita.
30. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng KATOTOHANAN ukol positibong epekto ng pag-
unlad?
A. Kaakibat ng pag-unlad ang pagkasira ng ating kalikasan.
B. Kaakibat ng pag-unlad ang pagbaba ng bilang ng mga manggagawang may kasanayan sa loob ng
bansa.
C. Kasabay ng pag-unlad ang pagbangon ng kamalayang Pilipino tungkol sa pagkamit ng matatag na
ekonomiya.
D. Kasabay ng pag-unlad ang pagyakap sa kanluraning kultura at tuluyang paglimot ng lahat sa sarili
nitong kultura.
31. Ano sa mga gampanin ng mamamayang Pilipino para sa pambansang kaunlaran ang para sa pagiging
responsable sa pagtupad ng mga pangako at napagkasunduan?
A. Maabilidad B. Mapagmatyag C. Maalam D. Mapanagutan
32. Anong gampanin ng isang mamamayang Pilipino ang sumusunod sa minimum health protocol at
pananatili sa bahay?
A. Maalam B. Maabilidad C. Makabansa D. Mapanagutan
33. Ang mamamayang wais at gumagamit ng kritikal na pagsusuri sa mga kaganapan sa kanyang bansa
bago bumuo ng desisyon o gumawa ng hakbang. Ano sa mga gampanin ng mamamayang Pilipino para sa
pambansang kaunlaran ang tinutukoy ng pahayag na ito?
A. Maabilidad B. Mapagmatyag C. Maalam D. Mapanagutan
34. Pagdating sa sitwasyon ng pagbabakuna kontra COVID-19. Anong tungkulin higit na dapat gampanan
ng mga Pilipino?
A.Maabilidad B. Maalam C. Makabansa D. Mapanagutan
35. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging maabilidad ng mga Pilipino?
A. Itinatabi ni Tina ang 20% ng kanyang baon sa kanyang alkansya.
B. Paboritong panoorin ni Tonyo ang mga pelikulang gawa ng mga Pilipino sa Netflix.
C. Nagtayo ng lugawan online si Luna mula sa nataggap niyang ayuda sa gobyerno.
D. Masusing pinakikinggan ni Lakan ang balita sa sitwasyon sa West Philippine Sea.
36. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kumunidad bilang gampanin ng
mamamayan?
1. Maayos na paggamit ng mga pampubliko kagamitan.
2. Pagsali sa mga proyektong pangkalikasan.
3. Tamang pagbabayad ng buwis.
4. Tamang pagtapon ng mga basura.
A.1, 2, at 3 B. 1, 2, at 4 C. 1, 3, at 4 D. 2, 3, at 4
37. Nagsisimula ang gampanin ng bawat mamamayan sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng
pagkilos, alin ang HINDI kasama dito?
A. Magpatupad ang pamahalaan ng mga polisiya na magpapaunlad sa kabuhayan ng mga mamamayan ng
bansa.
B. Magtatayo ang mga negosyante ng mga negosyo upang pagbutihin ang paggawa ng maraming trabaho.
C. Sa mga manggagawa, dapat nilang paunlarin ang kanilang mga kakayahan sa paggawa ng mga
produkto.
D. Sa bawat isang mamamayan ng bansa, dapat sabay-sabay na gampanan ang tungkulin nang walang
pag-aalinlangan.
38. Anong sub-sektor ng agrikultura ang may layuning magsuplay ng pangangailangan sa karne at iba pang
pagkain?
A. Paggugubat B. Paghahayupan C. Paghahalaman D. Pangingisda
39. Anong uri ng pangisdaan ang tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito
mula sa iba’t ibang tubig pangisdaan?
A. Aquaculture B. Munisipal C.Komersyal D. Probinsyal
40. Malaking bahagi ng ekonomiya ang nakadepende dito. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking
bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa dito upang matutugunan ang
pangangailangan sa pagkain. Anong sektor ng ekonomiya ang tinutukoy nito?
Agrikultura B. Industriya C. Impormal na sektor D. Paglilingkod
41. Alin sa mga uri ng pangingisda ang tumutukoy sa paggamit ng bangka na may kapasidad na tatlong
tonelada o mas mababa pa?
A. Aquaculture B. Lokal C. Komersyal D. Probinsyal
42. Sa anong paraan mapagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura?
A. Sa pamamagitan ng paglinang ang mga hilaw na materyales.
B. Bigyan ng pansin ang dami ng mga naiprosesong produkto.
C. Palawakin ang saklaw ng mga serbisyong pampamahalaan.
D. Pagpaparami ng pinagkukunan ng pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
43. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura?
A. Pinagmumulan ng gawang produkto.
B. Pinagkukunan ng hilaw na materyal.
C. Pangunahing pinagmumulan ng pagkain.
D. Pangunahing nagbibigay ng tabaho sa mga Pilipino.
44. Ano ang tawag sa sekondaryang sektor ng industriya na naglalayon na magpatayo ng mga gusali,
estruktura, at paglilingkod?
A. Utilities B. Pagtotroso C. Real Estate D. Konstruksiyon
45. Ang yaman ng bansa ay mawawala kung tinatangkilik ang mga imported na produkto. Ano ang dapat
mong gawin upang hindi mawala ang mga produktong Pinoy?
A. Ibenta sa Pilipinas ang mga branded na damit.
B. Tangkilikin ang mga produktong gawa sa Pilipinas.
C. Ipamigay sa mga nangangailangan ang mga imported goods.
D. Parehong gumamit ng imported at lokal na produkto at serbisyo.
46. Ano ang tawag sa organisasyong nangangasiwa sa operasyon ng Bureau of Research Center na
nagpapalaganap ng mga datos, statistics, impormasyon tungkol sa ekonomiya, kalakalan, industriya,
pamahalaan at kapakanan ng mga mamimili?
A. Center of Industrial Competitiveness ( CIC)
B. Foreign Trade Service Corps ( FTCS)
C. Liberasyon sa Sektor ng Pagbabangko
D. Trade and Industry Information Center ( TIIC)
47. Ang sumusunod ay mahalagang gawaing pang-ekonomiya sa kalakalan MALIBAN sa isa. Alin sa mga
ito?
A. Mas pinaaangat nito ang antas ng produksiyon upang maging mahusay ang kalidad ng mga produkto.
B. Ang mga produkto ng bansa ay nabibigyan ng pagkakataong makilala at tangkilikin sa iabng bansa.
C. Ang kalakalan ang nagdadala ng pagkalugi ng mga lokal na produkto at pagbagsak ng ekonomiya.
D. Nakakatulong upang mas maging matibay ang ugnayan ng mga bansa at maging maunlad ang
pamilihan.
48. Sa papaanong paraan naipakikita ang pangunahing layunin ng World Trade Organization bilang
pandaigdigang organisasyon na naglalayong makatulong sa ugnayang panlabas?
A. Sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa pag-unlad ng mga mamamayan sa daigdig.
B. Mamagitan sa mga trade sanctions o hadlang sa kalakalan laban sa mga kasaping bansa.
C. Sa pamamagitan sa pagsulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pagpapababa sa trade
barriers.
D. Pagkakaloob ng plataporma para sa negosyo na nakahandang magbigay tulong teknikal at
pagsasanay.
49. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. May obligasyon
ang bawat mamamayang Pilipino upang makatulong sa pag-abot ng kaunlaran. Ano ang dapat gawin
gamit ang social media upang makatulong sa bansa?
A. Maging aktibo sa mga social media sites ang isang mag-aaral.
B. Tangkilikin ang mga produktong sarling atin sa impluwensiya ng travel vlogs.
C. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga online community activities.
D. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan na naipalalabas sa Youtube reels.
50. Si Cielo ay naglalako ng mga kakanin sa kanilang barangay tuwing hapon pagkatapos ng klase. Ang
mga kakaning ito ay luto ng kanyang tiyahin. Sa papaanong paraan naipapakita ang konsepto ng
impormal na sektor sa kalagayang panlipunan ni Cielo?
A. Nagbibigay ito na alternatibong kita ngunit walang katiyakan.
B. Nagdudulot ito ng negatibong implikasyon sa mga kabataan na naghahanapbuhay sa murang edad.
C. Sinasalo ng impormal na sektor ang mga katulad ni Cielo na hindi pasok ang kinikita sa araw-araw.
D. Isang patunay na maaring maging mapamaraan ng mga kabatan tulad ni Ceilo lalo na sa antas ng
kahirapan.

You might also like