You are on page 1of 6

Ikaapat na Markahan

MALA-HULING PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKS
Pangalan:__________________________________ Petsa:__________________ Marka:__________/ 30
Panuto: Suriin at piliin mo ang tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1
___1. Ito ay tumutukoy sa mga pagbabago mula sa hamak na kalagayan tungo sa mas mataas na antas ng pamumuhay.

A. Pagsulong B. Pag-unlad C. Inobasyon D.Kabuhayan

___2. Ang mga sumusunod na palatandaan ay makikita sa mauunlad na bansa maliban sa:

A. Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istruktura.

B. Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa.

C. Patuloy ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

D. Malaking porsiyento ng mga mamamayan ay may disenteng pinagkukunan ng pangkabuhayan.

___3. Ang mga mamumuhunan ay nagnanais na makalikha ng maraming produkto at nangangailangan ng mga makabagong
teknolohiya upang tumaas ang antas ng produksyon. Ano ang tawag sa resulta ng prosesong ito?

A. Pagsulong B. Teknolohiya C. Inobasyon D. Pag-unlad

___4. Isa sa napakahalagang salik ng pagsulong ng isang bansa ang yamang-tao, paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa?

A. Nakabatay sa laki ng populasyon ang dami ng manggagawa na nagdudulot ng pag-unlad ng bansa.

B. Ang tao ay itinuturing na pasanin ng gobyerno kung patuloy ang paglaki ng populasyon nito.

C. Ang tao ay walang direktang kontribusyon sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.

D. Ang kasanayan ng tao ang gumaganap ng mahalagang papel upang makalikha ng mas maraming output.

___5. Ang mga sumusunod na salik ay nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa maliban sa:

A. Teknolohiya at inobasyon C. Yamang Tao

B. Imprastraktura D. Likas na yaman

___6. Isa ito sa mga ginagamit na panukat ng pambansang kaunlaran na nakabatay sa kalagayan ng pamumuhay ng tao gaya
ng edukasyon, kalusugan at antas ng pamumuhay.

A. Gross National Product C. Human Development Index

B. Gross National Income D. Human Development Report

___7. Ang paggamit ng inobasyon ay mahalaga upang makasabay ang bansa sa mga pagbabago at pandaigdigang galaw ng
mga produkto at serbisyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kaugnay ng kahalagahang nito?

A. Nababawasan ang mga manggagawa dahil sa makinarya.

B. Napabibilis nito ang proseso ng pamamahagi ng yaman ng bansa.

C. Nakatutulong ito na makalikha ng maraming output bunga ng paggamit ng makabagong ideya at pamamaraan.

D. Hindi nakatutulong ang inobasyon dahil magdudulot lamang ito ng kalituhan sa manggagawa.

___ 8. Ang tao ang itinuturing na pinakamahalagang salik ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ano ang angkop na
paliwanag ukol dito?

A. Dahil sa kanilang pamumuhunan sa ating bansa, nagdudulot ito ng empleyo sa bansa.

B. Dahil ang tao ang nakikinabang sa pag-angat ng ekonomiya.

C. Dahil sa kanilang kasanayan, abilidad at kakayahan sa paglinang ng pinagkukunang-yaman.

D. Dahil ang tao ang namamahagi ng mga pinagkukunang-yaman.

___ 9. Ito ay gawaing pang-ekonomiya na nakatuon sa paggawa ng mga produkto at serbisyo upang ibenta at layunin nitong
kumita o tumubo.

2
A. Pagnenegosyo

B. Pakikipagkaibigan

C. Pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan

D. Pagdalo sa mga pagtitipon

___10. Ito ay isang pananagutang pananalapi ng bawat mamamayan at pinanggagalingan ng malaking pondo ng pamahalaan
upang makapagbigay ng mga serbisyong panlipunan.

A. Pagnenegosyo C. Pagsali sa mga organisasyon

B. Pagbubuwis D. Pamumuhunan

___11. Layunin ng mga miyembro ng samahang ito na pagsama-samahin ang kanilang pondo para makapagsimula ng
negosyo upang magkaroon ng kita sa pamamagitan ng dibidendo.

A. Korporasyon C. Isahang pagmamay-ari

B. Kooperatiba D. Sosyohan

___12. Alin sa mga sumusunod na gawain ang kabilang sa estratehiyang pagiging mapanagutan ng mamamayan?

A. Pagboto nang tama C. Tamang pagbabayad ng buwis

B. Pagbili ng mga produkto D. Pakikilahok sa pamamahala

___13. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang nagpapakita ng pagiging makabansa ng isang mamamayan?

APakikilahok sa proyektng pangkapaligiran.

B. Pakikilahok sa pamamahala sa pagnenegosyo

C. Pagbabayad ng buwis at paglaban sa anomalya

D. Pagboto o pakikilahok sa eleksyon.

___14. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapahayag ng tamang pagboto?

A. Iboto ang mga kamag-anak at kaibigang kandidato

B. Suriing mabuti ang kakayahan ng bawat kandidato upang makapili ng

karapat-dapat na maging pinuno

C. Iboto ang taong makatutulong sa mga personal na pangangailangan

D. Piliin ang kandidatong sikat at kilala na sa inyong lugar.

___15.Paano mo ipinakikita ang iyong pagiging mapanagutang mag-aaral?

A. Pagliban sa klase upang makaiwas sa mga gawaing pampaaralan

B. Pagsunod sa mga patakaran at alituntunin ng paaralan

C. Hindi paggalang sa mga guro at kamag-aaral

D. Pakikipagkaibigan upang may gumawa ng mga gawain mo sa asignatura

___16. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang makatutulong sa agrikultura
para mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?

a. Pagmimina b. Paggugubat c. Pangingisda d. Paghahayupan

___17. Anong uri ng pangingisda ang tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t
ibang uri ng tubig pangisdaan–fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011).

3
a. komersyo b. aquaculture c. munisipal d. aquarium

___18. Anong sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga hilaw na materyales upang ito ay maging isang produkto?

a. Agrikultura b. Industriya c. Paglilingkod d. Impormal

___19. Ang mga pangunahing pananim ng bansa ang mga palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tobacco at
abaka ay bahagi sa anong sektor ng agrikultura?

a. Paghahayupan b. Pangisdaan c. Paghahalaman d. Paggugubat


___20. Sa anong sektor ng agrikultura na ang pangunahing inaalagaan ay mga kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at
bibi.

a. Paghahayupan b. Pangisdaan c. Paghahalaman d. Paggugubat


___21. Ang hipon at sugpo ang pangunahing produktong iniluluwas sa ibang bansa. Malaking industriya rin ang pag-aalaga
ng damong-dagat tulad ng carrageenan na ginagamit sa paggawa ng gulaman. Anong bahagi sa sektor ng agrikultura
nabibilang ito?

a. Paghahayupan b. Pangisdaan c. Pagmimina d. Paggugubat

___22. Saang bahagi nabibilang sa sektor ng agrikultura ang pangunahing nakukuha dito ay mga yamang mineral, yamang
di-metal at enerhiya na matatagpuan sa mga bundok, kapatagan, baybayin at maging sa karagatan, saang sektor ng

agrikultura nabibilang?

a. Paghahayupan b. Pangisdaan c. Pagmimina d. Paggugubat

___23. Bahagi ito ng sektor ng agrikultura na kung saan rito nakukuha ang mga hilaw na materyales tulad ng troso, tabla,
plywood, veneer at mga produktong gubat tulad ng rattan, nipa, anahaw, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.

a. Paghahayupan

b. Pangisdaan

c. Paghahalaman

d. Paggugubat

___24. Mahalaga ang bahagi ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa. Ipinakikita ng sumusunod
ang mga kahalagahan ng agrikultura sa ating ekonomiya MALIBAN sa isa.

a. Pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.

b. Nagsisilbing ‘market o pamilihan ng mga produkto sa Industriya.

c. Hindi nakatutulong sa ibang sektor ng ekonomiya.

d. Pinagkukunan ng kitang panlabas.

___25.Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang
Pilipino, may obligasyon ka ring dapat

gawin upang makatutulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag- aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang
makatulong sa bansa?

a. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.

b. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektongpangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.

c. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.

d. Lahat ng nabanggit.

___26.Dahil sa krisis na Covid-19 lubos na naaapektuhan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan tulad
ng pagkain, kaya naman ang mga mamamayan ay nagtanim ng mga gulay at prutas upang matugunan ang

4
pangangailangang pagkain sa araw araw. Ang gampaning ito ng mamamayan ay nabibilang sa anong bahagi ng sektor ng
agrikultura?

a. Paghahalaman

b. Paghahayupan

c. Pangingisda

d. Paggugubat

___ 27. Ang mga hilaw na materyales gaya ng kahoy, plywood, veener at iba pa ay

ginagawang panibagong produkto tulad mesa, upuan at kabinet. Ang gampaning ito ay bahagi ng anong sektor ng
agrikultura?

a. Paghahalaman

b. Paghahayupan

c. Pangingisda

d. Paggugubat

___28. Ito ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop sa pamahalaang lokal o munisipyo at gumagamit ng bangka na may
kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.

Anong uri ng pangingisda ang kinabibilangan nito?

a. Komersyal

b. Aquaculture

c. Munisipal

d. Wala sa nabanggit

___ 29.Sa kabilang banda ito ay uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na

may kapasidad na hihigit sa tatlong tolenada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo?

a. Komersyal

b. Aquaculture

c. Munisipal

d. Wala sa nabanggit

___30. “Ang agrikultura ay bahagi ng buhay ng tao”, batay sa iyong pagkaunawa ano ang nais ipahayag ng talatang ito?

a. Sa agrikultura nakukuha ang mga pangunahingpangangailangan ng mga tao.

b. Ang agrikultura ay binubuo ng mga gampanin ng mgamagsasaka, mga tagapag-alaga ng mga hayop tulad ng kambing,
baka at kalabaw,at

mangingisda.

c. Sa agrikultura nakadepende ang malaking bahagi ng ekonomiya upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at
produksiyon.

d. Lahat ng nabanggit

5
6

You might also like