You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 9

LOCALIZED SUMMATIVE TEST

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga pagbabago mula sa hamak na kalagayan tungo sa mas mataas na antas ng
pamumuhay.
A. Pagsulong B. Pag-unlad C. Inobasyon D. Kabuhayan
2. Ang mga sumusunod na palatandaan ay makikita sa mauunlad na bansa maliban sa:
A. Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istruktura.
B. Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa.
C. Patuloy ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
D. Malaking porsiyento ng mga mamamayan ay may disenteng pinagkukunan ng
pangkabuhayan
3. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makatutulong sa pag-unlad ng bansa?
A. Sa pamamagitan ng pagpili ng lider na may purong dugong Pilipino.
B. Sa pamamagitan ng pagbili ng mga murang produkto.
C. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagsunod sa batas at mga programa ng
pamahalaan.
D. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng negosyo na magbibigay trabaho sa tao.
4. Alin sa mga sumusunod na gawain ang kabilang sa estratehiyang pagiging mapanagutan ng
mamamayan?
A. Pagboto nang tama C. Tamang pagbabayad ng buwis
B. Pagbili ng lokal na mga produkto D. Pakikilahok sa pamamahala
5. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang nagpapakita ng pagiging makabansa ng isang
mamamayan?
A. Pagboto ng tama at pakikilahok sa proyektong pangkaunlaran
B. Pakikilahok sa pamamahala sa pagnenegosyo at pagbuo ng kooperatiba
C. Pagbabayad ng buwis at paglaban sa anomalya at korapsyo
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakaisa at
pagtutulungan ng mamamayan?
A. Nagkakaroon ng pag-unlad sa sarili, pamilya at sa lipunan
B. Nagkakaroon ng iisang layunin para sa pangkalahatang pag-unlad
C. Napadadali nito ang gawain at nagkakaroon ng magandang resulta
D. Lahat ng nabanggit
7. Ang mga mamumuhunan ay nagnanais na makalikha ng maraming produkto at nangangailangan ng
mga makabagong teknolohiya upang tumaas ang antas ng produksyon. Ano ang tawag sa resulta ng
prosesong ito?
A. Pagsulong B. Teknolohiya C. Inobasyon D. Pag-unlad
8. Isa sa napakahalagang salik ng pagsulong ng isang bansa ang yamang-tao, paano ito nakatutulong sa
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
A. Nakabatay sa laki ng populasyon ang dami ng manggagawa na nagdudulot ng pag-unlad ng
bansa.
B. Ang tao ay itinuturing na pasanin ng gobyerno kung patuloy ang paglaki ng populasyon nito.
C. Ang tao ay walang direktang kontribusyon sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
D. Ang kasanayan ng tao ang gumaganap ng mahalagang papel upang makalikha ng mas
maraming output
9. Ang tao ang itinuturing na pinakamahalagang salik ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ano ang
angkop na paliwanag ukol dito?
A. Dahil sa kanilang pamumuhunan sa ating bansa, nagdudulot ito ng empleyo sa bansa.
B. Dahil ang tao ang nakikinabang sa pag-angat ng ekonomiya.
C. Dahil sa kanilang kasanayan, abilidad at kakayahan sa paglinang ng pinagkukunang-yaman.
D. Dahil ang tao ang namamahagi ng mga pinagkukunang-yaman.
10. Ito ay isang pananagutang pananalapi ng bawat mamamayan at pinanggagalingan ng malaking
pondo ng pamahalaan upang makapagbigay ng mga serbisyong panlipunan.
A. Pagnenegosyo B. Pagsali sa mga organisasyon C. Pagbubuwis D. Pamumuhunan
11. Paano mo ipinakikita ang iyong pagiging mapanagutang mag-aaral?
A. Pagliban sa klase upang makaiwas sa mga gawaing pampaaralan
B. Pagsunod sa mga patakaran at alituntunin ng paaralan
C. Hindi paggalang sa mga guro at kamag-aaral
D. Pakikipagkaibigan upang may gumawa ng mga gawain mo sa asignatura
12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakaisa at
pagtutulungan ng mamamayan?
A. Nagkakaroon ng pag-unlad sa sarili, pamilya at sa lipunan
B. Nagkakaroon ng iisang layunin para sa pangkalahatang pag-unlad
C. Napadadali nito ang gawain at nagkakaroon ng magandang resulta
D. Lahat ng nabanggit
13. Anong uri ng pangingisda ang tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito
mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan–fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat)
(BOI, 2011).
A. komersyo B. aquaculture C. munisipal D. wala sa nabanggit
14. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga hilaw na materyales upang ito
ay maging isang produkto?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na sektor
15. Ang mga pangunahing pananim ng bansa ang mga palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape,
mangga, tobacco at abaka ay bahagi sa anong sektor ng agrikultura?
A. Paghahayupan B. Pangisdaan C. Paghahalaman D. Paggugubat
16. Dahil sa krisis na Covid_19 lubos na naaapektuhan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga
mamamayan tulad ng pagkain, kaya naman ang mga mamamayan ay nagtanim ng mga gulay at prutas
upang matugunan ang pangangailangang pagkain sa araw araw. Ang gampaning ito ng mamamayan ay
nabibilang sa anong bahagi ng sektor ng agrikultura?
A. Paghahalaman B. Paghahayupan C. Pangingisda D. Paggugubat
17. Ang mga hilaw na materyales gaya ng kahoy, plywood, veener at iba pa ay ginagawang panibagong
produkto tulad mesa, upuan at kabinet. Ang gampaning ito ay bahagi ng anong sektor ng agrikultura?
A. Paghahalaman B. Paghahayupan C. Pangingisda D. Paggugubat
18. Mahalaga ang bahagi ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa. Ipinakikita
ng sumusunod ang mga kahalagahan ng agrikultura sa ating ekonomiya MALIBAN sa isa.
A. Pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.
B. Hindi nakatutulong sa ibang sektor ng ekonomiya.
C. Nagsisilbing ‘market o pamilihan ng mga produkto sa Industriya.
D. Pinagkukunan ng kitang panlabas
19. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling
pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
A. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan.
B. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
C. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
D. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan.
20. Maraming mga magsasaka ang huminto na lamang sa pagsasaka at sa kalaunan ay ipinagbili ang
kanilang mga lupang pansakahan upang maging bahagi ng subdivision. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa naging dahilan ng mga magsasaka?
A. Climate Change.
B. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
C. Nahihirapang tapatan ang presyo ng mga murang produkto ng ibang bansa.
D. Pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO)
21. Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng
bagyong Yolanda. Ano ang maaaring gawin upang maiwasan ang pagbabagong ito sa klima?
A. Makiisa sa mga gawaing nangangalagsa kalikasan.
B. Pagsusog sa mga naunang polisiya tungkol sa Climate Change.
C. Pagsunod sa mga polisiya ng pamahalaan hinggil sa Climate Change.
D. Pagkakaisa ng mga bansa na iwasan ang mga dahilan ng Climate Change.
22. Ang karaniwang pagpunta ng mga anak ng mga mangingisda sa kalunsuran upang
makipagsapalaran ay bunga ng?
A. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.
b. Kawalang pag-asa na maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.
C. Paghahangad na mabago ang buhay ng mga anak ng mga mangingisda.
D. Pagsisikap ng mga mangingisda upang maiahon sa kahirapan ang pamilya.
23. Ano ang kailangang gawin upang matugunan ang suliranin sa pagliit ng lupang pansakahan?
A. Ipamigay sa mga magsasaka ang ilang bahagi ng kagubatan.
B. Pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka na may lupang sakahan.
C. Pagbuo ng isang polisiya na nagbabawal sa pagbebenta ng mga lupa.
D. Kinakailangang mapalakas ang pagiging produktibo ng mga natitirang lupain.
24. Dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya ang mga
pangisdaan ay ____
A. Nagkakaroon ng limitasyon. B. Umuunlad. C. Nalulugi. D. Nawawalan ng pakinabang
25. Ang mga sumusunod ay ang mga lupain na hindi sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program
MALIBAN sa: A. Paaralan B. Watershed C. Sementeryo D. Mga bukirin
26. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mga batas at programang pangagrikultural?
A. Nagbibigay ng proteksiyon sa mga magsasaka.
B. Nasisiguro ang kaayusan ng sektor ng agrikultura
C. Nagiging produktibo ang sektor ng agrikultura
D. Nagiging maayos at produktibo ang sektor ng agrikultura
27.Bilang isang mag–aaral, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagpapalakas ng sektor
ng agrikultura?
A. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa sektor ng agrikultura.
B. Magprotesta sa kalsada para sa mga magsasaka.
C. Tangkilikin ang mga lokal na produktong agrikultural.
D. Mamigay ng mga brochure tungkol sa sektor ng agrikultura.
28.Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga layunin ng CARP 2003?
A. Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka.
B. Pagbibigay ng scholarship program sa mga anak ng magsasaka.
C. Pagtatayo ng mga bahay–ugnayan para sa magsasaka.
D. Hindi pagbabayad ng lupa ng mga magsasaka
29. Naitatag ang National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) sa ilalim ng Batas
Republika Blg. 1160 upang mamahagi ng mga lupain. Kanino ipinamahagi ang mga ito?
A. mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan
B. mga preso na nakulong
C. mga nagbubungkal ng lupa
D. mga mahihirap na pamilya
30. Ilan ang maaaring ariin na lupa ng bawat pamilya na nakasaad sa Public Land Act of 1902?
A. 3 ektarya B. 10 ektarya C. 5 ektarya D. 16 ektarya

You might also like