You are on page 1of 2

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 9

Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ito tumutukoy sa pag-angat, pagsulong, o paglago sa pangkalahatang aspeto ng pamumuhay.
A. Kapayapaan B. Kaunlaran C. Kakulangan D. Kapuluan
2. Alin sa sumusunod ang sinusukat ng Human Development Index o HDI?
A. Edukasyon, Kalusugan at antas ng pamumuhay C. ekonomiya, industriya, agrikultura
B. Kaalaman, Kalusugan at kakayahan D. Wala sa pagpipilian
3. Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahalagang aspekto ng kaunlaran pantao.
A. Gross Domestic Product B. Gross National Product C. Income per capita D. Human Development Index
4. Ano ang pamagat ng aklat ni Michael Todaro at Stephen Smith na nagpapahayag na ang pag-unlad ay may dalawang konsepto ang
Tradisyunal na pananaw at Makabagong pananaw.
A. hindi mangutang B. lumago ang ekonomiya C. maging kasapi ng mayayamang bansa D. makasama sa pandaigdigang pamilihan
5. Ito ay mga bansang kasalukuyang pinauunlad ngunit wala pang mataas na industriyalisasyon.
A. maunlad na bansa B. papaunlad na bansa C. umuunlad na bansa D. wala sa nabanggit
6. Isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na produkto
A. agrikultura B. industriya C. Kooperatiba D. pangingisda
7. Ito ay isang salik na nagagamit nang mas episyente upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo na
makakatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.
A. kapital B. teknolohiya C. yamang-tao D. likas na yaman
8. Isang mahalagang karapatan at obligasyon na dapat matamasa ng mamayan
A. pagsimba B. pagboto C. pag-aaral D. pagtitipid
9. Ang mga sumusunod ay mga katangiang dapat taglayin upang makatulong sa pag-unlad ng bansa maliban sa
A. Maabilidad B. Makabansa C. Mapanagutan D. Mapagmataas
10. Ang pagunlad ay isang salita na maaring gamitin upang tukuyin ang pagbabago sa nararanasan ng isang bansa, Sa aling paraan
makikita ang kaunlaran ng isang bansa
A. pagsulong B. produktibo C. paglugmok D. kasaganaan
11. Alin sa mga sumusunod ang iyong tungkulin para sa pag-unlad ng bansa?
A. alagaan ang ating kapaligiran B. hindi pagboto tuwing eleksiyon C. sundin at igalang ang batas D. tamang pagbabayad ng buwis
12. Mahalagang salik sa pagpapalago ng negosyo o ekonomiya ng bansa
A. likas na yaman B. yamang-tao C. kapital D. teknolohiya
13-16. A. Paghahalaman B. Paghahayupan C. Pangingisda D. Paggugubat
13. Farming
14. Pagaalaga ng hayop May dalawang uri ang komersiyal at munisipal
15. May dalawang uri ang komersiyal at munisipal
16. Isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura
17.Tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda
A. farming B. livestock C. aquaculture D. fishery
17-20 A.Pagmimina B. Pagmamanupaktura C. Konstruksiyon D. Utilities
17. Pagpapatayo ng gusali, pagpapagawa ng mga kalsada at tulay at iba pang istruktura.
18. Layunin na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, kuryente at gas.
19. Pisikal o kemikal na transpormasyon sa pagbuo ng mga bagong produkto.
20. Ang mga metal, di-metal at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto.
21. Ang Pilipinas ay tanyag na agrikultural na bansa, ano ang dapat gawin sa sektor ng agrikultura upang umunlad ito?
A. dagdagan ang pondo ng agrikultural na sektor C. ipagmalaki ang mga taong namamahala nito
B. komprehensibong pamamahagi ng lupa sa magsasaka D. iboto ang mga taong may malasakit sa sektor nito
22. Aling sektor Itinuturing na “Gulugod ng Ekonomiya” dahil ito ang nagtutustos sa pangunahing pangangailangan ng
mga mamamayan.
A. agrikultura B. industriya C. paglilingkod D. publikong sektor
23. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino ang lalong-lalo na sa probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para
mabuhay.Alin sa sumusunod ang nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. pagmimina B. pagmamanupaktura C. konstruksiyon D. paghahayupan
24. Isa sa problemang kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang polusyon. Ano ang epekto ng polusyon sa pangisdaan ng tao
A. pagkalason ng mga isda B. pagkaubos ng mga isda C. pagdami ng mga isda D. pagkakasakit ng mga tao
25. Suliraning agrikultura na tumutukoy sa pagkawala ng mga puno sa kagubatan dahil sa labis na pagkuha ng kahoy para gawing troso
A. climate change B. pagliit ng lupang pansakahan C. pagkakalbo ng kagubatan D. lumalaking populasyon sa bansa
26. Ano ang epekto ng mabilis na pagkaubos ng mga kagubatan?
A. erosion ng mga lupain at pagbaha C. hindi patas na kompetisyon
B. nababaon ang mga magsasaka sa pagkakautang D. nasisira ang mga korales
27. Nababaon ang mga magsasaka sa pagkakautang at hindi na tuluyang makaahon na nagresulta sa pagkawala ng kanilang lupang
sakahan. Ano ang sanhi ng suliraning ito?
A. Climate change C. kakulangan ng suporta sa iba pang sektor ng ekonomiya
B. pagliit ng lupang sakahan D. kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran
28. Anong batas ukol sa lupa ang kinilala bilang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating pangulong
Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988?
A. batas republika Blg. 6657 ng 1988 C. Land Registration Act Ng 1902
B. batas ng pangulo Blg. 2 ng 1972 D. Batas Republika Bilang 1160
29. Kabilang sa sektor ng agrikultura ang paggugubat. Ano ang nangungunang ahensya sa usapin ng pamamahala, pangangalaga at
pagpapaulad ng kagubatan?
A. Protected Areas and Wild Life Bureau (PAWB)
B. Department of Environment and Natural Resources (DENR)
C. Forest Management Bureau (FMB)
D. National Mapping and Resources Information Authority (NAMRIA)
30. Bakit mahalaga ang lupang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
A. nabibigyang pansin ang magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang imprastraktura
redistribusyon ng lupa at iba pa
B. nagkakaroon ng sariling lupang sakahan ang mga magsasaka
C. natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sektor ng agrikultuta
D. lahat ng nabanggit
31. Sa usapin ng pangidaan anong ahensya ang namamahala nagpapatupad at tumitiyak upang magamit nang maayos ang mga
pangisdaan at yamang-tubig ng bansa?
A. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
B. Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC)
C. Protected Areas and wild life Bureau (PAWB)
D. Department of Environment and Natural Resources (DENR)
32. Ang Community Livelihood Assistance program (CLASP) ay ang paglipat ng teknolohiya o pagtuturo sa mga mamayan ng wastong
paglinang sa mga likas na yaman ng bansa. Bakit mahalaga itong matutunan ng mamamayan?
A. upang magamit ang lahat ng likas yaman ng bansa
B. upang hindi mawala ang mga likas yaman ng bansa
C. upang walang mangyar sa ating likas na yaman
D. upang ang likas na yaman ay mapagyaman at mapreserba
33. Republic Act na may layunin na hikayatin ang mga pribadong sektor na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan
A. RA 8424 B. RA 11293 C. RA 11462 D. RA 9262
34. Ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran ng bansa. Ano ang pangunahing layunin ng
sektor na ito?
A. Nagbibigay kita ng bansa C. Maisaayos ang ekonomiya ng bansa
B. Mayroong produkto na maipagbibili D. Maiproseso ang hilaw na produkto para makabuo ng panibagong produkto
35. Alin sa sumusunod ang kahalagahan sa sektor ng industriya sa mga mamamayan at sa iba pang sektor ng pamahalaan?
A. pinagkukunan ng hilaw na materyales
B. nagkakaloob ng hanapbuhay at nagsusuplay ng yaring produkto
C. nakapagbibigay ng malayang transaksiyon sa loob at labas ng bansa
D. nakakatulong sa pagbili ng mga produktong yari sa sariling bansa
36. Bilang mag-aaral, bakit mahalaga ang pag-iimpok sa araw-araw na pamumuhay?
A. panggastos sa barkada C. Pambili ng gadget ng mga makabagong gadget
B. pangload at pang-internet D. Magamit sa oras ng sakuna o emergency
37. Sa paanong paraan lumalago ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko?
A. interes sa deposito B. insurance sa deposito C. investment sa deposito D. sektor ng pananalapi
38. Ang mga sumusunod ay pamamaraan kung paano ka makakapag-impok MALIBAN sa
A. matutong sumabay sa uso
B. magkaroon ka ng disiplina sa iyong sarili
C. magbukas ka ng bank account sa bangko
D. gumastos lamang ng naayon sa iyong mga pangangailangan
38. Kung ikaw ay may pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso, paano mo ito pamamahalaan?
A. bibili ako ng bago at magarang kotse
B. Ibibili ko ng alahas, bag, damit at pagkain
C. Ibibili ko ng bahay at lupa para sa mga magulang ko
D. magpapatayo ako ng negosyo, mamumuhuanan at mag-iimbak ng pera sa bangko
39. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco maliban sa:
A. pagreretiro B. proteksyon sa buhay C. mga hangarin sa buhay D. maging inspirasyon sa buhay
40. Sinabi ni Megan sa kanyang asawa na dapat niyang panindigan ang SUWELDO- _________=GASTOS upang makapag-imbak ng pera
sa bangko.
A. Banking B. Savings C. Deposit D. Interest

41-46 Mga Dahilan ng Implasyon


47-48 Magbigay ng dalawang modelo sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya
49-50 Pamamaraan sa pagsukat ng Pambansang Kita

You might also like