You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.


1. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang HINDI nagpapakita ng pag-unlad?
A. Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
B. Isang progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao.
C. Kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
D. Mga nakikita at nasusukat na pagbabago sa pamumuhay ng isang bansa.

2. Ayon kay Amartya Sen sa kanyang akdang “Development as Freedom” (2008) ang kaunlaran ay matatamo kung mapapaunlad ang
yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito. Ano ang mahihinuha mo sa pahayag na ito?
A. Matugunan ng pamahalaan ang suliraning pangkahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay – pantay ng bawat
mamamayan.
B. Mapagkalooban ng tirahan ang mga mamamayang nabibilang sa mababang antas ng lipunan.
C. Maipatupad ng pamahalaan ang mataas na sahod ng mga manggagawa sa lungsod at probinsya.
D. Mabigyan ng pamahalaan ng regular na trabaho ang lahat ng walang trabaho sa lipunan.

3. Malaki ang naitulong ng mga likas na yaman tulad ng langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa at ito ay pinatotohanan ng
mga bansa sa Gitnang Silangan? Ano ang patunay ng kanilang pambansang kaunlaran na nagmumula sa kita nila sa langis?
A. ginagamit nilang pampautang sa mga bansang naapektuhan ng kalamidad
B. pinagkukuhanan nila ng mga pampasweldo sa mga dayuhang manggagawa
C. nagiging daan upang makapagpatayo sila ng mga gusali at imprastraktura.
D. ginagawang pondo sa pagbili ng mga makabagong teknolohiya.

4. Anong panukat ng pambansang kita ang nilikha ang nagbibigay – diin sa kakayahan ng mga tao sa mga pamantayan sa pagsukat
ng pag – unlad ng isang bansa?
A. Consumer Price Index C. Gender Inequality Index
B. Human Development Index D. Multidimensional Poverty Index

5. Alin sa mga sumusunod na estratehiya ang tumutukoy sa kakayahan ng mga Pilipino na pumasok sa pagnenegosyo?
A. Maalam B. Maabilidad C. Makabansa D. Mapanagutan

6. Alin samga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang mamamayan?


A. Pagbabayad ng tamang buwis C. Pagbili ng lokal na produkto
B. Pagpili ng tamang kandidato D. Paglahok sa mga gawaing panlipunan

7. Bilang isang mag-aaral, anong paraan ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagsulong ng kaunlaran ng ating bansa?
A. Tangkilikin ang mga produktong murang ipagbenta ng ibang bansa
B. Ugaliing manuod ng mga balita tungkol sa pag – unlad ng ibang bansa
C. Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
D. Wastong pagbabayad ng buwis.

8. Sa darating ng ikalabing 13 ng Mayo 2019 ay magaganap muli ang pambansang halalan. Anong katangian ng isang mabuting
Pilipino ang nararapat makita sa bawat isa?
A. Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran ng komunidad
B. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
C. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
D. Tamang pagboto

9. Si Mang Jose ay kumikita ng sampung libong piso mula sa kanyang lupain. Ang halagang ito ay labis pa sa kanyang mga
pangunahing pangangailangan. Kung si Mang Jose ay maabilidad na mamamayang Pilipino, ano kaya ang dapat niyang gawin
sa labis na pera?
A. Ilagak sa kooperatiba upang siya ay magkaroon ng dibidendo
B. Ibili ng mga bagay na makapagdudulot sa kanya ng kasiyahan
C. Ipautang ng may tubo sa kanyang mga kababayan
D. Itaya sa lottery sa pag-asang mananalo

10. Dahil seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsiyon ay patuloy pa rin ang maling paggasta ng pera sa kaban ng bayan.
Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang masugpo ito?
A. Magsawa ng isang survey tungkol sa mga pangunahing pinagkakagastusan ng bansa.
B. Magsagawa ng isang kampanya tungkol sa wastong paggamit ng pera.
C. Huwag nang makialam sa korupsiyon upang hindi na masangkot sa isyu.
D. Himukin ang mga magulang na magtipid sa paggastos.

11. Alin sa sumusunod na sektor ng agrikultura ang nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito?
A. paghahalaman B. paghahayupan C. paggugubat D. pangingisda

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI epekto ng mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan?
A. Pagguho ng lupa dahil sa kawalan ng mga puno.
B. Pagkakaroon ng pagbaha na sumisira sa malawak taniman
C. Pagtatanim at pagbabawal sa pagkakaingin sa kagubatan
D. Pagkawala ng mga tirahan ng mga hayop kaya hindi makapagparami

13. Ang grupo ni Pedro ay tagapagtanim sa lupa na pagmamay-ari ni Mang Ador. Aling batas sa Agrikultura ang nagbibigay
proteksiyon kina Pedro para hindi sila maabuso, mapagsamantalahan, at madaya ng mga may-ari ng lupa?
A. Batas Republika bilang 1160 C. Agricultural Land Reform
B. Batas Republika 1190 D. Atas ng pangulo Blg 2 ng 1972

14. Napilitang ibenta ni Mang Jose ang lupang kanyang sinasaka dahil sa patuloy na pagtaas ng mga pananim, pestisidyo, bayad sa
patubig at mga kagamitan sa pagsasaka. Anong suliranin sa sektor ng agrikultura ang tinutukoy dito?
A. Masamang Panahon C. Problema sa Imprastruktura
B. Mataas na gastusin sa pagsasaka D. Problema sa kapital

15. Ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa at ayon sa ulat ng NSO noong 2012,
32% ng mga Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura. Anong kahalagahan ng agrikultura ang tinutukoy
dito?
A. Pinagkukunan ng kitang panlabas
B. Pangunahing pinagmumulan ng pagkain.
C. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino
D. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto

16. Dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon sa ating bansa, maraming mga lupang sakahan ang ginagawa nang subdivision. Paano
ito nakakaapekto sa sektor ng agrikultura?
A. Lumiliit ang lupang pansakahan
B. Nakakaranas ng pabago-bagong klima ang bansang Pilipinas
C. Nagkukulang ang mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran
D. Binabago ng mga kagamitang teknikal ang lupang sakahan ng bansa.

17. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno S. Aquino III, ang pamahalaan ay nakapagpagawa ng mga kalsada at iba
pang kaugnay na proyekto na nagkakahalaga ng Php 8.3 trilyong piso. Paano nakatulong ang proyektong ito sa mga magsasaka?
A. Napabilis nito ang pagdadala ng mga hilaw na materyales sa mga kabayanan
B. Naging madali ang pagbubungkal ng lupa ng mga magsasaka
C. Higit na napaunlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Naparami ang aani ng mga magsasaka

18. Ang CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program ng 2003 ay patuloy na nagsasagawa ng mga programa upang higit na
mapaunlad ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa kanilang mga
programa?
A. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga magsasaka na magmay - ari ng limang ektarya ng lupa
B. Pagbabayad sa lupa ng pamahalaan sa iba’t ibang pamamaraan
C. Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka
D. Pagbibigay ng titulo sa mga magsasaka

19. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng agrikultura at sektor ng industriya sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o interaksiyon ng dalawang sektor?
A. Magsasaka ang tauhan ng agrikultura samantala entreprenyur sa industriya
B. Ang sektor ng industriya ang napoproseso ng mga produkto ng sektor ng agrikultura
C. Ang produksiyon ng agrikultura ay sa lupa, samantala sa sa bahay-kalakal ang industriya.
D. Makinarya ang gamit sa industriya, samantala tradisyonal na pamamaraan ang pagsasaka.

20. Ang bawat sektor ng ekonomiya ay may bahaging ginagampanan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Alin sa mga sumusunod na sektor ng ekonomiya ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay
maging isang produkto?
A. agrikultura B. industriya C. impormal na sektor D. paglilingkod

21. Ang sektor ng industriya at agrikultura ay may direktang pakinabang sa isa’t isa. Paano kaya ito nagkakaugnay?
A. Galing sa agrikultura ang hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng mga produktong ginawa sa industriya.
B. Ang sektor ng industriya ang siyang nagpoproseso ng mga produkto mula sa agrikultura.
C. Ang mga kagamitang ginagamit sa agrikultura ay produkto ng industriya
D. Lahat ng nabanggit.

22. Ano ang mga dahilan ng paglipat ng mga mangagawa mula agrikutura patungo sa gawaing industriyal?
1. Usaping pangkapayapaan 3. Mataas na gastusin ng sektor
2. Mababang kita ng sektor ng agrikultura 4. Laganap na pangangamkam ng lupa
A. 1, 2, 3 B. 2, 3, 4 C. 1, 3, 4 D. 1, 2, 3, 4

23. Alin sa mga sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo, real
estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag - iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong pampamayanan,
panlipunan, at personal?
A. agrikultura B. industriya C. impormal na sektor D. paglilingkod
24. Mayroong tatlong uri ng industriya sa isang linang na ekonomiya. Kabilang na dito ang sektor na nagbibigay ng iba’t ibang
serbisyo sa mga negosyo at sa mga konsyumer. Alin sa mga sumusunod na sektor ang may bahaging ginagampanan sa
serbisyong pagdadala, pamamahagi, o pagbebenta sa konsyumer ng mga produkto mula sa prodyuser, tulad ng nangyayari sa
industriya ng turismo at paglilibang?
A. agrikultura B. industriya C. impormal na sektor D. paglilingkod

25. Ang pamahalaan ay bumubuo ng mga patakaran at polisiya na higit na makatulong sa pagpapaunlad ng sektor ng industriya.
Alin sa mga nabangggit ang walang kaugnayan sa mga patakarang ito?
A. Pagpapatibay ng anti-trust/competition law
B. Pagtatag ng TESDA sa bisa ng Republic Act 7796
C. Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas
D. Pagsusog sa Executive Order No. 226 o ang Omnibus Investment Code of 1987

26. Maraming ipinasang batas ang pamahalaan na naglalayong mapaunlad ang sektor ng industriya at pangangalakal. Bilang mag-
aaral, paano mo pahahalagahan ang mga batas na ito?
A. mag-aaral ng mabuti
B. sumunod sa mga batas
C. magbibigay suporta sa pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas
D. Lahat ng nabanggit

27. Ano ang kahalagahan ng Republic Act 9710 o Magna Carta of Women na kumikilala sa ambag at kakayahan ng kababaihan para
itaguyod ang pambansang kaunlaran?
A. Iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor.
B. Magkaloob ng mga pagsasanay sa mga manggagawa upang mapataas ang kanilang kasanayan.
C. Mapagkalooban ang mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong pangkalusugan.
D. Maalis ang anumang uri ng diskriminasyon sa mga kababaihan, kilalanin at pangalagaan ang kanilang mga karapatan.

28. Kung ang prutas, karne at mga gulay ay nagmumula sa sektor ng agrikultura at ang mga damit naman ay nagmumula sa sektor
ng industriya. Alin naman sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng tungkol sa sektor ng paglilingkod?
A. Isang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang.
B. Nagtataguyod ng malaking bahagdan ng ekonomiya dahil lahat ng sektor ay umaasa rito.
C. Nagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao.
D. Nagbibigay serbisyo sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, at paglilingkod mula sa
pamahalaan at turismo.

29. Si Noel ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa high school. Nais niyang mangibang bansa at magtrabaho bilang isang welder
kayat pinayuhan siya ng Department of Labor and Employment na magkaroon muna ng kasanayan sa kanyang inaaplayang
trabaho. Saang ahensiya ng pamahalaan siya dapat magtungo?
A. Commission on Higher Education C. Overseas Workers Welfare Administration
B. Professional Regulation Commission D. TESDA

30. Kung may pormal na sektor ng ekonomiya, mayroon din namang impormal na sektor ng ekonomiya. Alin sa sumusunod ang
kahulugan ng impormal na sektor ng ekonomiya?
A. Namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal para maging isang produkto.
B. Salat o walang pormal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya.
C. Nagbibigay serbisyo sa transportasyon komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa
pamahalaan at turismo.
D. Umaalalay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo ng mga produkto sa loob at labas ng
bansa.

31. Alin sa mga sumusunod na batas ang may layunin na magkaroon ng patas na pakikipagkalakalan at mapigilan ang patuloy na
paglaganap ng smuggling sa bansa?
A. Executive Order No. 226 C. Local Government Code
B. Intellectual Property Code D. Tariff Customs Code ng Pilipinas

32. Ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing dahilan ng
paglaganap ng impormal na sektor?
A. malabanan ang matinding kahirapan
B. makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
C. makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan
D. Makaiwas sa masalimuot na proseso ng pagkuha ng mga dokumentong kinakailangan sa pagnenegosyo
Para sa bilang 33, suriin ang talahanayan sa ibaba.
INFORMAL SECTOR SHARE IN GDP IN SELECTED ASIAN COUNTRIES

Countries (years) Percent of total GDP Percent of Non-agricultural GDP


Philippines (1995) 25.4 32.5
Philippines (2001-2006) 20-30 -
Korea (1995) 15.9 16.9
Indonesia (1998) 25.2 31.4
Pakistan (1997) 21.2 28.7
India (1990-91) 32.4 48.1

33. Batay sa talahanayan sa itaas, ano ang ibig sabihin ng ng mga datos sa loob ng mga taon mula 2001 hanggang 2006?
A. Ang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay 40%.
B. Nagdudulot ito ng pagkakalikha ng mga produktong tutugon sa ating mga pangangailangan.
C. Inilalarawan nito ang kawalan ng hanapbuhay at kahirapan na nagtutulak sa tao na pumasok sa impormal na sektor.
D. Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product ng bansa subalit tinataya na ang
halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%.

34. Ano ang katangian ng impormal na sektor?


A. Hindi nakarehistro sa pamahalaan
B. Malaki ang kinikita mula sa mga produktong ibinebenta
C. May kakayahang makapagbayad ng buwis sa pamahalaan
D. Kabilang sa legal at pormal na balangkas ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.

35. Ayon sa aklat ni Balitao na Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon, ang isa sa mga dahilan ng paglaganap ng impormal na
sektor ay para makaiwas ang mga ito sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan. Ano ang maituturing na epekto nito sa
pamayanan?
A. Pagtaas ng nalilikom na buwis C. Pagkakaroon ng seguridad ng mamamayan
B. Banta sa kapakanan ng mamimili D. patuloy na paglaki ng kita ng mga negosyante

36. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihan ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa?
A. Paglabas ng dayuhang salapi
B. Pagkakaroon ng “colonial mentality”
C. Mapabayaan ang industriyalisasyon ng bansa
D. Nakikilala ang lokal na produkto sa global na pamilihan

37. Bakit mahalaga ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa?


A. Upang mapalawak ang operasyon ng mga dayuhang bangko.
B. Upang lubusang makilala at mapatanyag ang mga produkto sa bansa.
C. Upang mapalaganap ang mga datos at mga impormasyon tungkol sa ekonomiya, kalakalan at industriya.
D. Lahat ng nabanggit.

38. Ayon sa Oxford Dictionary of Economics ang kalakakalang panlabas at pagpapalitan ng mga produkto at serbisyon ng bansa.
Alin naman ang masamang epekto nito?
A. Napapalago at napapalawak nito ang pamumuhunan.
B. Naisasaayos at napatatag nito ang pandaigdigang samahan.
C. Nagdudulot ito ng pagkawala ng sariling pagkakakilanlang kultural ng isang bansa.
D. Nagaganyak nito ang marami na lumikha ng mas mataas na antas at kalidad ng produkto.

39. Ang absolute advantage theory ay nagsasaad na ang isang bansa ay dapat magpakadalubhasa sa paglikha ng mga produkto. Sino
ang nagpanukala ng teoryang ito?
A. Abraham Maslow B. Adams Smith C. Gerardo Sicat D. Karl Marx

40. Ang World Trade Organization ay kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan
o global trading system. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang ginagampanan ng organisasyon?
A. Mapaunlad ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
B. Magsulong ng kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific.
C. Labanan ang pagkalat ng komunismo sa Asya at magkaroon ng kaunlarang pang-ekonomiko.
D. Magbigay ng solusyon sa mga problema, usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga kasaping estado.

41. Ang bansang Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa upang mapabuti ang kalakalang panlabas. Anong samahan ng
mga bansa sa Asya ang naglalayong isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia –Pacific?
A. Association of Southeast Asian Nation C. United Nations
B. Asia Pacific Economic Cooperation D. World Trade Organization

42. Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa World Trade Organization ay naglalarawan ng pagkaroon ng maayos at mabilis na
pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa iba pang kasapi nito. Alin sa mga sumusunod na prinsipyo ng WTO ang nagbibigay pansin
sa pagkakapantay-pantay ng bawat bansa?
A. Ang sistemang pangkalakalan ay nararapat maging kompetetibo
B. Nararapat na katanggap-tanggap sa mga bansang hindi gaanong maunlad
C. Nararapat na ang sistemang pangkalakalan ay walang bahid ng diskriminasyon.
D. Magiging malaya ang sistemang pangkalakalan dahil sa pag-aalis ng mga hadlang nito.

43. Ang Asia Pacific Economic Cooperation ay isang samahan na nagnanais isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at
katiwasayan sa rehiyong Asya Pasipiko. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa paglulunsad ng mga pagsasanay na
lumilinang sa kaalamang teknikal ng bawat kasapi?
A. Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan
B. Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo
C. Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal
D. Industriyalisasyon.

44. Ang pagkakaroon ng mga bansa sa daigdig ay pingabubuti sa pamamagitan ng kalakalang panlabas. Alin sa mga sumusunod na
samahan ang nagnanais paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
A. World Trade Organization C. Asia Pacific Economic Cooperation
B. Association of Southeast Asia D. Association of South East Asian Nations

45. Isa sa mabuting epekto ng pakikipagkalakalan ay ang pagbibigay ng malaking kita sa mga magsasaka sa mga produkto tulad ng
saging, mangga at pinya. Aling aspeto ng kalakalang panlabas ito nauugnay?
A. Dumarami ang mga uri ng produkto o serbisyong maaaring pamilian
B. Pag-angat ng antas ng produksiyon upang mapahusay ang kalidad ng mga produkto
C. Nabibigyan ng pagkakataon makilala at tangkilikin ng ibang bansa ang mga produktong pinoy.
D. Nakatutulong upang maging mas matibay ang ugnayan o relasyon ng mga bansa at maging episyente ang pamilihan para sa
mga produkto at serbisyo.

46. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang naglulunsad ng iba’t ibang estratehiyang pamilihan upang lubusang makilala at
mapatanyag ang mga produktong gawa sa sariling bansa?
A. Center for Industrial Competitiveness C. Trade and Industry Information center
B. Foreign Trade Service Corps D. Trade Union Congress of the Philippines.

47. Kung ang TESDA ay nagsasanay sa mga mamamayang Pilipino para maging mahusay at produktibong mga manggagawa. Alin
naman ang naglulunsad ng mga programang magtataas sa antas at kalidad ng produktibidad ng mga manggagawa upang sila ay
maging kompetitibo sa pandaigdigang pamilihan?
A. Center for Industrial Competitiveness C. Trade and Industry Information center
B. Foreign Trade Service Corps D. Trade Union Congress of the Philippines.

48. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang tungkulin ng Trade and Industry Information Center?
A. Magpalaganap ng mga datos at statistics
B. Pangasiwaan ang kapakanan ng mga mamimili
C. Mangalap ng impormasyon tungkol sa ekonomiya
D. Mangasiwa sa operasyon ng Bureau Research Center

49. Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa mga patakaran ng Pilipinas na makipagkalakalan sa ibang bansa?
A. Opo, mapapaunlad ng kalakalang panlabas ang ekonomiya ng bansa.
B. Opo, kaya nitong tugunan ang pangunahing pangangailangan ng bawat mamamayang Pilipino.
C. Hindi, pinahihina nito ang mga produktong Pilipino na nagdudulot ng pagkawala ng trabaho ng mga Pilipino.
D. Hindi, sapat na ang pinagkukunang-yaman ng bansa upang matugunan ang pangangailanagan ng bawat Pilipino.

50. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang
naapektuhan ng globalisasyon?
A. Ang pagkakaroon ng mga surplus sa mga pamilihan
B. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan
C. Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
D. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa
Susi sa Pagwawasto
Araling Panlipunan 9

1. D
2. A
3. C
4. B
5. B
6. A
7. C
8. D
9. A
10. B
11. C
12. C
13. B
14. B
15. C
16. A
17. A
18. C
19. B
20. B
21. D
22. D
23. D
24. C
25. B
26. D
27. D
28. D
29. D
30. B
31. A
32. A
33. D
34. A
35. B
36. D
37. D
38. C
39. B
40. D
41. B
42. C
43. C
44. D
45. D
46. B
47. A
48. D
49. A
50. A

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9


Taong Panuruan 2018-2019

Talahanayan ng Ispesipikasyon
Cognitive Process
Dimension
Bahagdan ng Oras

Bilang ng Aytenm
Bilang ng Araw

Layunin

Item Placement
Understanding
Knowledge

Process

1. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang 2 7 4 III I 1, 2, 3, 4


kaunlaran
1.1. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran

2. Natututukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang 1 4 2 II 5, 6


Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran

3. Napapahalagahan ang sama-samang pagkilos ng 1 4 2 I I 7, 8


mamamayang Pilipino para sa pambansang kaunlaran.

4. Nakapagsasagawa ng isang pagpaplano kung paano


makapag-aambag bilang mamamayan sa pag-unlad ng bansa.
1 4 2 I I 9, 10

5. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, 3 11 6 III III 11, 12,


pangingisda at paggubat sa ekonomiya ng bansa 13
5.1. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor 14, 15,
ng agrikultura, pangingisda at panggugubat sa bawat 16
Pilipino.

6. Nabibigyang halaga ang mga patakarang pang-ekonomiyang 1 4 2 I 1 17, 18


nakatutulong sa sektor ng agrikultura (industriya ng
agrikultura, pangingisda, at paggugubat)
7. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng
industriya, tulad ng pagmimina, tungo sa isang masiglang
ekonomiya
7.1. Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor ng agrikultural at 2 7 4 I III 19, 20,
industriya tungo sa pag-unlad ng kabuhayan. 21, 22

8. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng


paglilingkod.
23, 24,
8.1. Napapahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na 25
nakatutulong sa sektor ng paglilingkod 4 15 7 VI I
26, 27,
8.2. Nabibigyang halaga ang mga patakarang pang- 28
ekonomiyang nakatutulong sa sektor ng industriya.
29

9. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa konsepto ng 3 11 6 V I 30, 31,


impormal na sektor 32
9.1. Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na 33, 34,
sektor 35
9.2. Natataya ang mga epekto ng impormal na sektor ng
ekonomiya

10. Natataya ang kalakarang ng kalakalang panlabas ng bansa. 5 15 9 IV IV I 36, 37,


38, 39,
10.1. Nasusuri ang ugnayan ng Pilipinas para sa kalakalang 40, 41,
panlabas nito sa mga samahan tulad ng World Trade 42, 43,
Organization at Asia-Pacific Economic Cooperation tungo 44,
sa patas na kapakinabangan ng mga mamamayan ng
daigdig.

11. Napapahalagahan ang kontribusyon ng kalakalang panlabas 1 4 2 I I 45, 46


sa pag-unlad

12. Nasusuri ang mga patakarang pang-ekonomiya na 3 11 4 II II 47, 48,


nakatutulong sa patakarang panlabas ng bansa at sa buhay ng 49, 50
nakararaming Pilipino.

Kabuuan 27 100 50 30 15 5 50

You might also like