You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION

Score

Pangalan: Petsa:
Guro: Parents Signature:

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at itiman ang titk ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng kontemporaryong isyu?
A. Ito ang pag–aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan
B. Malaking hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba ng tao
C. Ito ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng kahulugan sa kasalukuyan
D. Ito ay ang pag–aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu at hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pangkasarian at pampolitika.

2. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadongkomunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
A. Bansa B. Komunidad C. Lipunan D. Organisasyon

3. Ipinakikita sa talahanayan ang unemployment rate sa Pilipinas noong 2013. Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa suliraning ito ang TOTOO?
A. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan
B. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa unemployment sa Pilipinas.
C. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino
D. Nagkakaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natutupad ng institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang kanilang mga tungkulin.
Basahin ang talata sa ibaba para sa katanungan bilang 4.
Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives,
homes, livelihood and services. They also result in injuries, health problems, property
damage, and social and economic disruption. From 2000 to 2012, natural disasters in
the Philippines caused the death of 12,899 people and injury to 138,116 persons.
These disasters also affected more than 71 million individuals and rendered almost
375,000 persons homeless. The socio-economic damages are estimated at US$3.37
billion with average annual damages of US$251.58 million.

4. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?


A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan C. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
B. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura

5. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 7942
B. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586

Para sa katanungan bilang 6, sumangguni sa graph sa ibaba


6. Ano ang ipinapakita ng graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas?
A. Pangunahing pinagkukunang yaman ng Pilipinas ang kagubatan nito.
B. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas mula 1990-2015.
C. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas sa pagitan ng 2010-2015.
D. Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula noong 1990 hanggang sa kasalukuyan.
7. Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura
na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason. Sang ayon sa pag-aaral ng National Solid Waste Management ng 2016,
saan nagmumula ang malaking porsyento ng basura sa Pilipinas?
A. Batangas B. Cavite C. Metro Manila D. Mindanao
8. Ano ang masamang epekto ng ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura?
I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao
II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin
III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector
A. I B. I at II C. II at III D. I, II, at III

9. Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag sa matagalan o permanenteng pagkasira
ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o natural na kalamidad?
A. Deforestation C. Illegal Logging
B. Fuel wood Harvesting D. Migration

10. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang mga dayuhan sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor
sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.

11. Bukod sa pamahalaan, sino pa ang ang maaring maging kaagapay nila sa pagbalangkas ng disaster management plan?
A. Mga mamamayan C. Mga Pribadong sektor
B. Mga Pampublikong sektor D. Lahat ng nabanggit

12. Mahalagang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad kung kaya’t ang pagbibigay ng
impormasyon tungkol sa mga gawain tungkol sa proteksiyon, paghahanda at pag-iwas sa iba’t ibang uri ng sakuna at hazard ay gampanin ng
Ikalawang yugto ng DRRM plan o ng Disaster preparedness. Saang layunin ito nabibilang?
A. to advise B. to announce C. to inform D. to instruct

13. Ang Non Structural mitigation ay tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa
panahon ng pagtama n hazard. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa non structural mitigation?
A. paglalagay ng mga sandbags C. pagpapatayo ng floodgates
B. pagsisiguro ng fire exit sa mga gusali D. paggawa ng mga ordinansa at batas.

14. Ayon kina Ondiz at Redito, bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk management?
A. ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard,risk,capability at pisikal na katangian ng komunidad.
B. Pinasisigla nito ang information campaign at pinayayabong ang mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
C. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy , pagsusuri at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyan pansin.
D. Ito ay nagsisilbing batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng
kalamidad.

15. Noong 2014, ang Albay ay nagkamit ng zero casualty matapos tumama ang malakas na bagyong Glenda? Anong katangian ang ipinamalas ng mga
mamamayan sa Albay upang maisakatuparan ang pagpaplano at implementasyon ng disaster management plan?
A. Ang mga mamamayan ay nagkakaisa
B. Ang mga mamamayan ay masipag
C. Ang mga mamamayan ay mag malasakit sa bayan
D. Lahat ng nabanggit

16. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang posibleng maging sanhi ng Climate Change?
A. Ipinatutupad sa mga hospital ng Batangas ang 4R’s
B. Ang Barangay Luntian ang nagsagawa ng “ Oplan Muling Paggugubat “
C. Ang Division of Batangas ay nagbigay ng Memorandum tungkol sa pagpapatupad sa saste segregation
D. Walang open dumpsite ang Barangay Kasiyahan kaya minabuti ng mga mamamayan na sunugin na lang ang mga basura

17. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagbibigay kahulugan sa isyung personal ?
A. Dahil sa kaguluhan sa Marawi , idineklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao
B. Maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho nang masunog ang ilang bahagi ng pabrika sa EPZA
C. Nawalan ng trabaho ang Tatay ni Cardo kaya ang kanyang anak na panganay ay huminto muna sa pag -aaral
D. Ang walang humpay na pag -ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila ay nagdulot ng matinding baha at traffic

18. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi
tumutukoy o nagpapakita ng kultura ng isang pamayanan?
A. Idinaraos sa Balayan ang parada ng lechon tuwing Hunyo 24.
B. Ipinagdiriwang sa mga bayan sa Batangas ang Flores de Mayo
C. Nakiisa ang mga magaaral ng Taal NHS sa pagdiriwang na El Pasubat
D. Ang grupong LGBT ng Juan Luna NHS ay nagpamalas ng kahusayan sa pagdiriwang ng buwan ng Wika
19. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
20. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
tamang gulang.

21. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.

22. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.

23. Basahin ang sumusunod na mensahe:


“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”
Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.

24. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

25. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:


Walang sinuman ang nabubuhay Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay Para sa sarili lamang
Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang kinabibilangan.
C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan
D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
26. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan

27. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran
B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang mga isyung pangkapaligiran.
C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na
pangalagaan ang kapaligiran.
D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang
matugunan ang isyung pangkapaligiran.

28. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?


A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban angkarapatang pantao at kabutihang panlahat.

29. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan
D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa

30. Ang katumbas ng K-12 ay


A. Kindergarten grade 1-6 at first year to fourth year
B. Kindergarten at grade 1-13
C. Kindergarten at grade 1-10 junior high school at senior high school grade 11-12
D. Grade 1-6 hanggang first year to fourth year

II. Essay: Bigyang sagot ang mga pahayag na binasa. (10 points each)
Ang Katotohanan sa Likod ng Pork Barrel Scam
Ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o kilala sa tawag na Pork Barrel Fund ay ang pondo ng mga
senador at kongresista para sa kanilang taunang paglilingkod sa bayan at sa mga mamamayan. Ayon sa rebelasyon ni
Benhur Luy, may halos sampung bilyong piso ang nakuha ni Janet Lim Napoles, na nakahihinayang dahil hindi ito napunta
sa mga mamamayan at hindi naging matapat ang ating mga pinuno.
Pinagkunan: Alab Filipino, 2016

Bigyang sagot ang nabasang pahayag. Maraming mga bayan at mamamayan ang makikinabang dito. Ano ang mangyayari
kapag hindi ito nagamit sa wastong paraan?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________

Kalidad ng edukasyon isang problema pa rin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2018 - 12:00am


AMININ natin na sa kabila ng pagsisikap ng pamahalaan na mapagbuti ang sistema ng edukasyon sa bansa, hindi pa
natin nararating ang wastong antas na pakikinabangan ng mga mag-aaral. Nalalagay ngayon sa pagkuwestyon ng taumbayan
ang bagong K-to-12 program na nagdadagdag ng taon sa mga mag-aaral bago makatuntong sa kolehiyo.

Sa kabila nito, ang bilang ng mga dropout sa elementarya at mataas na paaralan ay tumaas at umabot na sa 4.8 milyon.
Katumbas ito ng labing-isang porsyento sapul pa noong 2012.

Ang K-to-12 ay isinabatas para raw maging competitive ang ating mga graduates sa panahon ng globalization. Pero tila wala
pa tayong nakikitang positibong epekto. Mayroon nga tayong programa sa libreng edukasyon para akitin ang mga kabataang
hindi makapag-aral pero tila hindi tumatalab ang ginagawang pag-akit sa mga ito.
Reference - Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/06/06/1822043/kalidad-ng-edukasyon-isang-
problema-pa-rin#kfEUk4SZLLx4Fv7j.99

Sang-ayon ka ba sa pahayag na nabanggit Oo o Hinde? Ipaglaban ang iyong sagot.

____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________

You might also like