You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of City School
ZAMBOANGA DEL NORTE NATIONAL HIGH SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2019-2020

NAME:____________________________TAON/SEKSIYON______________PETSA_________SCORE___________

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan G 10


Kontemporaryong Isyu

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at itiman ang titk ng tamang sagot
sa sagutang papel.

ABCD
O O O O 1. Ano ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag
sa konsepto ng kontemporaryong isyu?

A. Ito ang pag –aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan


B. Malaking hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba
ng tao
C. Ito ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng
kahulugan sa kasalukuyan
D. Ito ay ang pag –aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu
at hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pangkasarian at
pampolitiko.

O O O O 2. “BAWAL TUMAWID MAY NAMATAY NA DITO “. Ipinababatid ng babala ang


paalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa
anong elemento ng kultura?

A.Norms B. Pagpapahalaga C. Paniniwala D. Simbolo

O O O O 3. Alin sa mga sumusunod na elemento ng istrukturang panlipunan ang


nagbibigay tuon sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan?

A. Gampanin B. Simbolo C. Status D. Social Groups at Institusyon

O O O O 4. Alin sa mga sumusunod ang totoo sa “ Ascribed Status “ ?

A. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng mga dokumento


B. Nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya ay ipanganak.
C. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng isinasaad ng batas.
D. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kanyang pagsusumikap

O O O O 5. Ayon kay C. Wright Mills mahalagang malinang ang isang kakayahang makita
ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang
kanyang ginagalawan. Ano ang tawag sa kakayahang makita ang ugnayan ng
lipunan at personal na karanasan?

A.Isyung Panlipunan C. Kultura


B.Isyung Personal D. Sociological Imagination
Para sa bilang na 6, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015)

Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang
masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo.
Sapagkat ang kahirapan ay kakabit galing pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang
kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa
mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa
pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na
kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap,
magsikap tayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot
harapin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong
gumawa ng paraan.Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga
nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.

O O O O 6. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu
at hamong panlipunan?

A.Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan


B.Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad
sa mamamayan
C.Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
D.Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling
komunidad

Basahin ang talata sa ibaba para sa katanungan bilang 7.


Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives, homes,
livelihood and services. They also result in injuries, health problems, property damage, and
social and economic disruption. From 2000 to 2012, natural disasters in the Philippines
caused the death of 12,899 people and injury to 138,116 persons. These disasters also
affected more than 71 million individuals and rendered almost 375,000 persons homeless.
The socio-economic damages are estimated at US$3.37 billion with average annual
damages of US$251.58 million.
O O O O 7. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa
Pilipinas?

A.Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan


C.Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura

O O O O 8. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t


ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?

A.Republic Act 9003 B. Republic Act 7942


C.Republic Act 8742 D. Republic Act 7586

O O O O 9. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong


komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
A. Bansa B. Komunidad
C. Lipunan D. Organisasyon

O O O O 10.Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at


komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na
nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason.
Sang ayon sa pag-aaral ng National Solid Waste Management ng 2016, saan
nagmumula ang malaking porsyento ng basura sa Pilipinas?

A.Batangas B. Cavite C. Metro Manila D. Mindanao

O O O O 11. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste management Report ng


2015, anong uri ng basura ang may pinakamalaking porsyento ang
itinatapon sa bansa?
A.Biodegradables B. Recyclables C. Residual D. Special
O O O O 12. Ano ang masamang epekto ng ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng
basura?
I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao
II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin
III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector

A.I B. I at II C. II at III D. I, II, at III

O O O O 13. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang posibleng maging sanhi ng Climate
Change?

A.Ipinatutupad sa mga hospital ng Batangas and 4R’s


B. Ang Barangay Luntian ang nagsasagawa ng “Oplan Muling Paggugubat”
C.And Division of Batangas ay nagbibigay ng Memorandum tungkol
sa pagpapatupad sa waste segregation
D.Walang open dumpsite ang Barangay Kasiyahan kaya minabuti ng mga
mamamayan sa sunugin na lang ang basura

O O O O 14. Alin sa mga sumusunod na solid waste ang kabilang sa electronic waste?
A.laptop, computer at cellular phone B. laptop, computer at mga basag na bubog
C.Computer at mga sirang yero D. Lata, plastic at mga papel

O O O O 15. Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag
sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan
dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o natural na kalamidad?
A.Deforestation C. Illegal Logging
B.Fuel wood Harvesting D. Migration

O O O O 16. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may kaugnayan
sa kalusugan ng mgamamamayan sa Pilipinas?
A.Pagliit ng ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
B. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-
bagong panahon
C.Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng
malalakas na bagyo
D.Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating
lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan.

O O O O 17. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa


mga suliraning pangkapaligiran?
A.Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa ibat-ibang suliraning pangkapaligiran
B.Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat
harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C.Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t
ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiranhat
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa
kumawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.

O O O O 18. May mga NGOs na sumusuporta sa pamahalaan upang mabawasan ang


mga suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Anong grupo ng NGOs ang
naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at
pangagalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan?

A.Bantay Kalikasan C. Green Peace


B.Green and Green Foundation D. Mother earth Foundation

O O O O 19. Ano ang tawag sa dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala,


pagpaplano, pag- oorganisa, pagtukoy sa mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol sa isyung pangkapaligiran?

A.Disaster Management C. Disaster Operation


B.Disaster Mitigation D. Disaster Risk
O O O O 20.Bukod sa pamahalaan, sino pa ang ang maaring maging kaagapay nila sa
pagbalangkas ng disaster management plan?

A.Mga mamamayan C. Mga Pribadong sektor


B.Mga Pampublikong sektor D. Lahat ng nabanggit

O O O O 21.Kung ang bagyo, tsunami at thunderstorm ay kabilang sa mga natural hazard,


alin naman ang nabibilang sa anthropogenic hazard?
A.landslide B. lindol C. storm surge D. terorismo

O O O O 22.Kung ang disaster ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng


panganib at pinsala sa tao, kapaligiran at gawaing pang-ekonomiya, ano
naman ang vulnerability?

A.Tumutukoy sa mga banta na maaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.


B. Kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot
ng kalamidad
C.Tumutukoy sa mga inaasahang pinsala sa tao,ari-arian, at buhay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad
D.Tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard.

O O O O 23.Ipinasara ni Secretary Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaanan nito


sa ilog ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa ng produkto. Anong
konsepto ng disaster management ang tinutukoy sa pangungusap?

A.Anthropogenic Hazard C. Natural Hazard


B.Disaster D. Vulnerability

O O O O 24.Alin sa sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng top-down


approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?

A.Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (


NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring
maranasan sa kanilang komunidad.
B.Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad
upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang
nasasakupan
mula sa panganib ng paparating na bagyo
C.Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng
Estero upang maiwasan ang pagbara nito na
maaaring magdulot
ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D.Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang
komunidad up makalikom ng pondo sa pagbili ng mga
first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa
iba’t ibang kalamidad.

O O O O 25.Isa sa pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction


and Management Framework ay ang pagbuo ng disaster resilient na mga
pamayanan. Malaki ang posibilidad na maging disaster resilient ang mga
pamayanan kung maaayos na maisasagawa ang CBDRM. Ano ang ibig
sabihin ng CBDRM?

A.Country Based – Disaster and Risk Management


B.Community Based – Disaster and Risk Management .
C.Community Based – Disastered and Risk Management
D.Community Based – Based Disaster and Risk Managers

O O O O 26.Alin sa mga sumusunod ang layunin na Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Act of 2010?

A.Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad


B.Mailigtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may
maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad
C.Mabigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin ng hazard at
kalamidad sa pamamagitan ng organisadong plano.
D.Ang hamon na dulot ng kalamidad at hazard ay
dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng
iba’t ibang kalamidad.

O O O O 27.Ito ay isang sitwasyon kung saan ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na
dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa
mas nakakataas na tangggapan o ahensiya ng pamahalaan. Anong CBDRM
Approach ang tinutukoy dito?

A.Bottom –up approach C. Top-down Approach


B.Down ward approach D. Upward approach

O O O O 28.Sino sa mga sumusunod na manunulat ang nagpahayag na hindi natutugunan


ng top- down approach ang mga pangangailangan ng pamayanan at
napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na
makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad?

A.Abarquez at Murshed C. Ondiz at Redito


B.Anderson at Woodrow D. Shesh at Zubair

O O O O 29.Nangangamba si Cardo na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at


dalawang taong gulang na anak dahil sa maruming tubig baha sa kanilang
lugar dala ng tatlong araw na walang tigil na pag –ulan, alin ang tinutukoy dito?

A. Anthropogenic Hazard B. Disaster C. Natural Hazard D .Vulnerability

O O O O 30.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maituturing na Anthropogenic Hazard?

A.Sa kasalukuyan nagaganap pa rin ang digmaan sa Marawi


B.Nanalasa sa Bicol ang bagyo noong nakaraang lingo ang bagyong Gorio
C.Hindi maikakaila ang pinsalang dulot ng landslide sa Infanta Quezon
D.Noong nakaraang bakasyon niyanig ng malakas na lindol ang Mabini Batangas

O O O O 31.Bagamat mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan,


pribadong sektor at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan
para sa grassroots development ang pamumuno ng lokal na pamayanan,
anong CBDRM approach ang tinutukoy dito?

A.Bottom –up approach C. Top-down Approach


B.down ward approach D. upward approach

O O O O 32. Anong bahagi ng disaster management plan ang tumataya


sa mga hazard at kakayahan ng pamayanan na harapin ang
iba’t ibang suliraning pangkapaligiran?

ADisaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response


B.Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery

O O O O 33. ANG CAPACITY ASSESSMENT ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na


Harapin ang anuman uri ng hazard. Sa anong katigurya nabibilang ang pagsuri
sa kakayahan ng mga mamamayan na isaayos ang mga istruktura, tulad ng
bahay, paaralan at iba pang nasira ng kalamidad?

A.Pag-uugali ng mamamayan C. Pisikal o materyal


B.Panlipunan D. Pampulitika

O O O O 34.Noon 2014, ang Albay ay nakamit ng zero casualty matapos tumama ang
malakas na bagyong Glenda. Anong katangian ang ipinamalas ng mga
mamamayan sa Albay upang maisakatuparan ang pagpaplano at
implementasyon ng disaster management plan?
A. Ang mga mamamayan ay nagkaisa
B. Ang mga mamamayan ay masipag
C. Ang mga mamamayan ay mag malasakit sa bayan
D. Lahat ng nabanggit

O O O O 35. Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal at temporal


na katangian ng hazard upang maging malinaw ang mabubuong
hazard assessment. Anong temporal na katangian ng hazard ang tumutukoy
sa dalas ng pagdanas ng hazard na maaring
maganap taon-taon?

A.Duration B. Frequency C.Force D. Forewarning

O O O O 36.Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng


pagtama ng sakuna o hazard at kalamidad. Anong yugto ng DRRM plan ang
ito?

A.Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response


B.Disaster Preparednes D.Disaster Rehabilitation and Recovery

O O O O 37.Saang yugto ng DRRM plan nabibilang pagpapanumbalik ng sistema ng


komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at kuryente at pagkukumpuni
ng bahay?

A.Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response


B.Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery

O O O O 38.Mahalagang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga dapat gawin sa


panahon ng sakuna o kalamidad kung kaya’t ang pagbibigay ng impormasyon
tungkol sa mga gawain tungkol sa proteksiyon, paghahanda at pag-iwas sa
iba’t ibang uri ng sakuna at hazard ay gampanin ng Ikalawang yugto ng DRRM
plan o ng Disaster preparedness. Saang layunin ito nabibilang?

A.to advise B. to announce C. to inform D. to instruct

O O O O 39.Ang Non Structural mitigation ay tumutukoy sa mga ginagawang plano at


paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang
komunidad sa panahon ng pagtama n hazard. Alin sa mga sumusunod ang
nabibilang sa non structural mitigation?

A.paglalagay ng mga sandbags C. pagpapatayo ng floodgates


B.pagsisiguro ng fire exit sa mga gusali D. paggawa ng mga ordinansa at batas

O O O O 40. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga


mamamayan sa isang lipunan.Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy o
nagpapakita ng kultura ng isang pamayanan?

A. Idinaraos sa Balayan ang parada ng lechon tuwing Hunyo 24.


B.Ipinagdiriwang sa mga bayan sa Batangas ang Flores de Mayo
C.Nakiisa ang mga magaaral ng Taal NHS sa pagdiriwang na El Pasubat
D.Ang grupong LGBT ng Juan Luna NHS ay nagpamalas ng
kahusayan sa pagdiriwang ng buwan ng Wika

You might also like