You are on page 1of 8

Sekswalidad ng Tao,

Igagalang Ko
Sekswalidad
Hindi lamang tumutukoy sa tao bilang
“biological being”.
Ito ay tumutukoy sa pagkatao ng tao.
Ito ay kabuuan ng personalidad at katauhan.
Ito ay bahagi ng pakikipag-ugnayan sa
kapuwa, ng damdamin at ng pagpapahayag, at
ng pagsa-sabuhay ng pag-ibig.
Ito ay bahagi ng pag-unlad ng pagkatao ng tao
Maging anuman ang kasarian ng tao, lalaki man o babae, bawat isa ay
mahalaga. Nararapat lamang malinaw sa bawat indibidwal ang pagtataglay
ng sumusunod na pagpapahalaga at virtues upang maging karapat-dapat sa
paggalang at matutong gumalang sa dignidad ng sekswalidad:

1. Pagtitimpi at moderasyon –
• ang pagtititmpi ay mula sa salitang “timpi”, na ngangahulugan
ng pagpipigil sa sarili.
• Ang moderasyon ay pagiging katamtaman at mahinahon.

2. Paggalang sa karapatang-pantao- ang pagbibigay – ang pagbibigay


ng nararapat sa tao ay isang paraan ng paggalang. Tulad ng paggalang
sa babae bilang babae at paggalang sa lalaki batay sa kaniyang kasarian.

3. Ang charity ay isang Virtue na nangangahulugan ng kalinisan sa


puso tungo sa pag-ibig. - ang isang taong malinis ay napananatili ang
integridad ng kapangyarihan ng buhay at pag-ibig na nasa kaniya.
Nakatitiyak sa integridad na ito ang kaisahan ng tao. Ito ay laban sa
anumang ugali na makasisira dito. Ito ay kaloob ng Diyos, isang biyaya.
Hinihiling sa kalinisan ang pagpigil sa sarili (self-control) para sa kapuwa
may asawa man o wala. Ito ay paghubog sa mabuting pagkatao at sariling
pagtitiis (self-sacrifice). Ito ay kailangang-kailangang virtue para sa
pagpa-panatili ng kabutihan sa kanilang buhay pag-ibig.

KAHULUGAN NG SEKSWALIDAD
• Ang pagkilala sa dignidad ng sekswalidad ay pagkilala sa
kabuuan ng pagkatao sapagkat ang sekswalidad ay
mahalagang bahagi ng pagkatao.
• Ito ay kaloob ng Diyos at bilang regalo, ito ay ang “tanda,
lugar, at wika ng pag-ibig” at pangunahing paraan ng
pagkikipag-ugnayan sa sarili, sa lahat ng tao, at sa Diyos.
• Ang sekswalidad ay hindi lamang tumutukoy sa maselang
bahagi ng katawan ng tao. Ito ay tumutukoy rin sa
SIKOLOHIKAL, EMOSYONAL, PISIKAL, at
ESPIRITWAL na aspeto ng buong pagkatao.
• Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng ganitong
pananaw, maiiwasan ng tao ang mapanirang gamit sa seks.
SEKSWALIDAD AT KASAL
Ang sekswalidad na ugnayan ay nararapat lamang sa mag-asawa sapagkat ito ay
banal. Sapagkat ito ay banal, iniuutos ang paggalang sa dignidad ng sekswalidad
batay sa Likas na Batas Moral.
Ilang mga paglabag sa paggalang sa dignidad ng sekswalidad:

1. Premarital Sex – nagagawa ang pakikipagtalik nang malaya at walang


pananagutan sa isa’t-isa. Ayon kay Thomas Lickona, ang maaring maging bunga
nito ay ang hindi inaasahang pagbubuntis na magbubunga sa:
1. Maagang pag-aasawa
2. Walang kahandaan sa pananagutan
3. Paghinto sa pag-aaral
4. Pagbibigay kalungkutan sa pamilya
5. aborsiyon
• labag sa dignidad ng sekswalidad ang premarital sex sapagkat ang sekswal na
ugnayan ay maari lamang maganap sa mag-asawa pagkatapos kasal.
• ayon sa Medical Institute for Sexual Health, may anum na Sexually Transmitted
Diseases (STD) na banta sa kalusugan:
1. Human Papillomavirus 2. Gonorrhea
3. Chlamydia 4. Syphillis
5. Herpes 6. HIV at Aids
ANG DIGNIDAD NG SEKSWALIDAD NG TAO

• Ang pagiging lalaki o babae ng isang tao ay hindi isang


aksidente. Ito ay nilikha ng Diyos. Ito ang pinagmulan ng
dignidad ng sekswalidad ng tao: sinabi ng Diyos, “Ngayon,
likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating
wangis. Sila ang mamamahala sa mg isda, sa mga ibon sa
himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap,
malaki man o maliit.” (Genesis 1:26-27). Nilalang nga ng
Diyos ang tao ayon sa Kaniyang larawan, sila’y karaniwang
nilalang na isang lalaki at isang babae at sila’y pinagpala
Niya.
• Angkop dito ay ang pananagutan ng bawat tao na igalang
ang sariling kasarian at ang kasarian ng kapuwa sapagkat ito
ay nag-uugat sa Diyos na banal na nagbibigay ng dignidad
sa tao.
• Ang Sekswalidad ng tao ay regalo ng Diyos. Ipinagkaloob
ito ng Diyos upang mabuhay at makisalamuha at makipag-
2. Pornograpiya – binibigyang-diin sa pornograpiya ang katawan kaysa sa pagkatao
ng
isang tao. Sa iba’t-ibang uri ng media, may mga lumalabas na
imaheng malalaswa.

3. Prostitusyon – ito ay nakasisira o nakapipinsala sa dignidad ng tao na pumapasok

sa ganitong buhay kung saan ginagawa itong isang paraan ng


hanapbuhay, pagtanggap ng kabayaran sa pagbibigay ng sekswal na

kasiyahan. Sa ganitong paraan, nagiging bagay na pangkalakal ang


isang tao at ang kahalagahan nito ay nababatay sa pagbebenta ng
saril higit sa kaniyang dignidad bilang tao.
Upang lubos na maunawaan, lalo na ng tinedyer, ang dignidad ng sekswalidad,
kinakailangan ang pagkakaroon ng kaalaman sa halaga ng sekswalidad sa
pamamagitan ng:

1. Bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at anak; guro at mag-aaral


2. Tamang sex education sa pamilya at paaralan
3. Paglulunsad ng proyektong nagpapakita ng kagalingang pangkabataan sa
barangay tulad ng isports, sabayang ehersisyo, at iba pa
Thank you

You might also like