You are on page 1of 3

NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL

QUARTER III OF SAN AGUSTIN, INC. EsP 9

ARALIN: 2
KATARUNGANG PANLIPUNAN
Targeted Most Essential Learning Competencies (MELCs)

 Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapwa ang nararapat sa kaniya.
 Napatutunayan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.

Lesson Objectives

 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng katarungang panlipunan.


 Natutugunan ng mag-aaral ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.

Aralin 1: Katarungang Panlipunan

SUBUKIN
Basahin ang isang kasong hango sa tunay na buhay. Ito ay isang kaso ng homicide through reckless imprudence na
hinango mula sa Revised Penal Code. Suriin ang kaso at bigyan ng karampatang parusa ang kriminal sa pamamagitan ng pagbibigay
ng takdang panahon kung ilang taon siya dapat na mabilanggo. Dapat na maging tiyak sa bilang ng taong ibibigay bilang parusa sa
kriminal. Ang krimeng ito ay may katumbas na pagkabilanggo mula isa hanggang 12 taon. Tandaan na ang iyong personal na opinion
ang dapat na manaig at hindi ang reaksyong sinasabi ng ibang tao o ang pakiramdam mo hinggil sa dapat na maging ganito ang
reaksyon mo. Sa pagbibigay mo ng parusa, isipin na ang pagbibigay ng parole o pansamantalang pagpapalaya sa kriminal ay hindi
nasasakop ng gagawin mong pagpapasya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

People vs. Nocum, 4 O.G. No. 1485

Batay sa mga nakalap na ebidensiya, mga alas - 9:00 ng gabi, nagkaroon ng mainitang pag-aaway sina Federico
Bautista at Vicente Aurencio sa may kanto ng Mayhaligue ng Magdalena. Sa kagustuhang awatin ang mga nag-aaway, si
Gerardo Nocum, ang nasasakdal, ay sumigaw sa dalawa. Nang hindi siya pakinggan ng mga ito, bumunot siya ng isang
.45 caliber pistol at nagpaputok sa itaas nang dalawang beses. Patuloy pa rin ang pag-aaway. Kaya’t muli siyang
nagpaputok ng baril at ngayon ay pinatama sa lupa. Sa isang di inaasahang pangyayari, tinamaan ng ligaw na bala si
Honorato Santos ang biktima habang siya ay nagdaraan malapit sa lugar ng pag-aaway. Ang biktima ay madaling
isinugod sa Ospital ng St. Luke kung saan siya ay kaagad na namatay.

Narito ang posibleng paglalarawan sa nasasakdal/kriminal at sa kanyang biktima. Sa paglalarawan, sabihin o


ilagay ang tiyak na taon ng pagkabilanggo bilang hatol sa kriminal. Pangatwiranan ang sagot.

 Ang biktima na si Honorato Santos ay 35 taong gulang at isang pusakal na hoodlum. Kalalabas lang mula sa kulungan
sa kasong pagnanakaw at tangkang pagpatay. Nang mangyari ang insidente, maraming marijuana at shabu ang
nakapkap sa kanyang katawan.

 Ang suspek ay isang retiradong pulis. Siya ay aktibong miyembro ng Tanod Brigade sa kanilang lugar. Dahil sa
kanyang mahusay na pamumuno, napanatili niya ang katahimikan at kaayusan ng kanilang pamayanan. Hindi
siya gumagamit ng baril sa paglutas ng mga kaso noong bago pa man siya nagretiro. Ang nasasakdal ay
nanunungkulang Chairman ng bagong health center sa kanilang lugar na pinasisinayaan nang maganap ang
insidente.

 Ilang taon ang dapat na parusa sa suspek?

1. Ano ang naging reaksyon o sagot mo sa bawat sitwasyon?

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 1
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
OF SAN AGUSTIN, INC.
2. Naging makatwiran ba kayo sa inyong ginawang paghatol?

TALAKAYAN (DISCUSSION)

May Tatlong Uri ng Katarungan


1. Katarungang tumutukoy sa tungkulin ng bawat tao sa kanyang kapwa – Ito ang tinatawag sa Ingles na
commutative justice. Ito ang nagsasaayos ng mga tungkulin sa pagitan ng mga tao. Ipinag-uutos at hinihingi nito na
ingatan ang mga karapatan ng may-ari; ang pagbabayad ng mga utang at ang pagtupad sa mga obligasyon.

2. Katarungang tumutukoy sa legal na obligasyon ng mamamayan sa lipunan – Tinatawag ito sa Ingles na legal
justice. Halimbawa nito ay ang pagbabayad ng buwis at pag-iingat sa mga kagamitang pampubliko.
3. Katarungang tumutukoy sa tungkulin ng pamahalaan sa pagtugon ng pangangailangan ng mga
mamamayan – Ito ang distributive justice. Ang katarungang ito ay mararanasan sa pagitan ng gobyerno at
mamamayan kaugnay sa pamamahala ng mga bagay-bagay na ipamumudmod sa mga tao. Ito ay batay sa mga
pangangailangan ng mga tao. Tinutukoy rin dito ang tungkulin ng gobyerno na igalang at pangalagaan ang mga
pangunahing karapatang pantao at sibil na karapatan ng mga mamamayan.

Ang Katarungang Panlipunan at mga Elemento nito


1. Kainaman sa Buhay – Kabilang dito ang sapat na pagkain, pananamit, pagkakataong maghanapbuhay at mapaunlad
ang sariling kaalaman at kasanayan.

2. Dignidad at Pagkilala sa sarili – Ang dignidad ay dapat ipagkaloob sa lahat: maging sa mga maysakit, mahihirap,
maliliit na tao, mga billanggo, at mga taong hindi kinikilala sa lipunan dahil sa kanilang kasalanan. Napakahalaga sa isang
tao ang mabigyan ng pagkakataon upang siya ay maging ganap na tao at makahalintulad ng kanyang Lumikha.

3. Pakikilahok – Dapat ding ipagkaloob sa bawat tao ang karapatang makilahok sa paggawa ng sariling takbo ng
kanyang buhay. Ang karapatang ito ay tumutukoy rin sa pakikiisa ng mamamayan sa politikal, sosyal, kultural at pang-
ekonomiyang panukala para sa paghubog ng maunlad na lipunan.

4. Pagkakabuklod at pananagutan ng karapatan ng iba – Upang magkaroon ng makatarungang lipunan, nararapat


na ang bawat mamamayan ay nagkakaisa sa pagkalinga sa kapwa lalo na sa higit na nangangailangan.

GAWAIN 1 (Learning Activity)


1. Gumuhit ng mga simbolo na ginagamit sa pagpapahayag ng katarungan. Iguhit ang mga ito sa sagutang papel.
2. Bawat guhit, magbigay ng sariling opinion.
3. Ano ang pakahulugan mo sa konsepto ng katarungang panlipunan?

GAWAIN 2:

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon.


Ipaliwanag kung paano ka tutugon para maitaguyod ang katarungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Nakita ni Kim na kinuha ni Carrie ang kanyang test paper at pinalitan niya ito ng sagot nang umalis ang kanilang
guro.

2. Walang maibayad si aling Tina sa Bombay na pinagkautangan niya ng malaki. Dahil hindi na niya kayang bayaran
ang interes na ipinapatong nito, pumayag siya sa kagustuhan ng Bombay na down na magsilbi at manirahan ang
kanyang labingdalawang gulang na anak na babae.

Repleksyon:
1. Bilang mag-aaral, mayroon ka bang maitutulong sa pagkakagamit ng katarungang panlipunan? Magbigay ng
isang paraan na maaari mong isagawa.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 2
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
OF SAN AGUSTIN, INC.
2. Paano mananaig ang katarungan sa lipunang ginagalawan ng tao?

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 3

You might also like