You are on page 1of 4

QUARTER I ESP 10

ARALIN 1: Isip at Kilos-loob: Mataas na Antas ng Paggamit


Targeted Most Essential Learning Competencies (MELCs)
 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
 Nakikilala ang kaniyang kahinaan sa pagpapasya at makagawa ng kongkretong hakbang upang
malagpasan ang mga ito.

Lesson Objectives
 Maunawaan ang kahalagahan ng mapanaguatang paggamit ng isip at kilos-loob.
 Mapahahalagahan ang tunguhin sa paghahanap ng katotohanan at pagmamahal.

Aralin: Isip at Kilos-loob: Mataas na Antas ng Paggamit

SU BUKIN (Initial Task): Isulat ang titik ng bawat konsepto (a-p) sa nararapat na hanay sa tsart sa ibaba. Ang tsart ay
nagpapakita na ang isip ay ginagamit sa ag-unawa tungo sa katotohanan. Ang kilos loob naman ang nag-uudyok sa
tao sa pagkilos o paggawa tungo sa paglilingkod at pagmamahal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

ISIP Titik:____ _____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ _____

KILOS-LOOB Titik:____ _____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ _____

Piliin ang tamang sagot mula sa mga titik a-p sa ibaba. (hal. Isulat ang a sa hanay ng isip kung inaakala mong ito ay
para sa isip.

a. Humanap ng impormasyon.
b. Maging mapanagutan sa aksyong makakabuti sa lahat.
c. Mag-isip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng mga impormasyong nakalap.
d. Suriin at alamin ang dahilan ng mga pangyayari.
e. Magsaliksik ng mga karagdagang datos kung kulang ang impormasyon.
f. Tiyakin ang mabuti at masama, tama at mali, at ang tunay na pangyayari.
g. Malayang pumili ng gustong isipin o gawin.
h. Pagtugmain ang mga naoobserbahan sa paligid sa ibang ulat.
i. Siguruhing tama at moral ang gagawin.
j. Umasam, maghanap, mamili sa anumang naunawaan ng isip na gawin.
k. Huwag patalo ng kilos sa pagkahilig sa masarap o madali.
l. Isagawa o ilapat ang kaalaman at pagpapahalaga sa araw-araw na pamumuhay.
m. Maghusga at magpasya batay sa malinaw na pamantayan ng moralidad
n. Gamitin ang kalayaan nang may pananagutan sa kalalabasan ng pasya o kilos.
o. Disiplinahin ang sarili at pigilin ang matinding emosyon kung kailangan.
p. Magkaroon ng pagpupunyaging magbago upang umunlad.

TALAKAYAN (Discussion):
Mga Pangunahing Pag-unawa Tungkol sa Isip at Kilos-loob

Ang isip at kilos-loob ang kambal na kapangyarihan na napapabukod-tangi sa tao sa lahat ng nilalang. Ang tao
ay may malalim at mataas na antas ng isip at malayang kilos-loob uapng magmit niya ang tama sa pagpapasiya at pagkilos.
ISIP KILOS-LOOB
- malalim at mataas - malaya
- kakayahang sa pag-unawa, mag-isip,umalam, -kapangyarihang magpasya, pumili, nag-uudyok na

400457.nissai@gmail.com www.nissai1.wixsite.com/abantenissai
09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) www.facebook.com /NISSAI400457
Page | 1
QUARTER I ESP 10

Magsuri, tumuklas, magbigay kahulugan piliin ang mabuti


- may kakayahang maghusga at magtaya - likas na pagkagusto o pagkahilig sa mabuti
-paglimi ng mabuting kahihiligan

Ang karunungan ang bunga ng nahubog na isip at kilos loob batay sa katotohanan. Ngunit ang kilos-loob ay
puwede pa ring piliing mag-udyok sa tao na gumawa ng hindi mabuti. Ito ay dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman na
nakalap ng isip o dahil sa matitinding emosyong makakagulo sa kakayahan ng isip at kilos-loob sa pagpili ng mabuti.

May kapangyarihan ang tao na mag-isip kaya’t may kakayahan siyang alamin ang katotohanan. Ang katotohanan
ay batay sa kalikasan ng tao at ito ay para sa kabutihan ng lahat o nakararami. Kapag ang isang bagay ay totoo, tiyak itong
mabuti athindi ito nakasasakit sa materyal at espiritwal na katangian ng tao. Ang katotohanan ay naipapakita ng kabutihan.
Ito ay natatamo sa pagkakaroon ng mga mabubuting pagpapahalaga o kabutihang asal at mga prinsipyo sa buhay.

Ang Karaniwan o Normal at ang Mataas na Antas ng Isip at Kilos-loobng Tao

Ang tao ay may kakayahan sa pag-unawa; kakayahan sa wika, kamalayan; at sa pag-alan ng sariling pag-
iisip; imahinasyon; at pag-iisip sa hinaharap. Ang kakayahang ito ay nagdudulot ng malalim na pag-unawa o pag-
intindi, pagsasanib ng iba’t ibang pangyayari, at pag-uugnay ng mag ito sa sa sarling perspektibo at sa pagsuri sa sarili.
Mayroon siyang kakayahang magbigay kahulugan sa mga kaganapan at mga namamasdan. Sa mahigit na mataas na antas
ng paghahalaw, nakabubuo siya ng mas malalim na konsepto tungkol sa buhay, layunin, pagpapahalaga, moralidad,
pamayanan at katarungan.

Ang mataas na paggamit ng kilos-loob ay malayang pagpili na dulot ng mataas na kamlayan ng ating sariling pag-
iisip at pag-unawa ng kaalaman. Ang mataas na antas ng kaalaman ay nangangailangan ng paggamit ng malalim at mataas
na antas na pag-unawa sa sariling kamalayan. Ang mataas na paggamit ng ating isip ay kakayahang magbigay kahulugan,
limiin ang ang posibleng kalabasan ng isang kilos o desisiyon, at maimpluwensiyahan ang pagbuo ng kapasyahan. Kapag
may kakayahang ganito, napagpapasyahan natin ang maging mapanuri, mas mahusay, at maging mas matalas sa pag-iisip.

Kaya sa bawat pag-unlad nng ating kaalaman ay dapat patungo sa pag-unlad ng mga pagpapahalaga at ating
pagkatao. Malaking tulong ito sa pangangasiwa ng ating buhay. Ang antas ng ating paggamit ng ating kilos-loob ay
nagpapakita kunag gaano kabuti ang ating pagkatao.

*GAMITIN ANG SAGUTANG PAPEL PARA SA IYONG SAGOT…….

GAWAIN 1: Suriin ang dalawang larawan at sagutan ang mga tanong.

Tanong Tao Hayop


Ano ang mayroon sa bawat isa
upang makita ang babala?

400457.nissai@gmail.com www.nissai1.wixsite.com/abantenissai
09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) www.facebook.com /NISSAI400457
Page | 2
QUARTER I ESP 10

Ano ang mahalagang taglay ng


bawat isa upang maunawaan ang
sinasabi ng babala?
Ano ang kakayahang taglay ng bawat
isa upang sundin ang sinasabi sa
babala?
Ano ang inaasahang tugon ng bawat
isa sa babala?

Saan binatay ang pagtugon ng bawat


isa sa babala? Ipaliwanag

GAWAIN 2: Basahin at pag-aralan ang sitwasyon at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Sitwasyon: Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginagawa ito ay dahil crush niya din
pala niya ang crush mo.
Tanong:
1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito?

2. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong nararamdaman o emosyon?

3. Ano ang magiging epekto nito sa pagkakaibigan niyo?

4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo?

REPLEKSIYON:

1. Bilang mag-aaral ng NISSAI, paano mo maipamamalas ang mataas na antas ng paggamit ng isip at kilos-loob tungo
sa katotohanan, paglilingkod at pagmamahal?

2. Ano-ano ang iyong mga naging karanasan na nagpapakita ng paggamit ng iyong isip at kilos-loob?

Sanggunian:
Pagpapakatao 10(Batayang Aklat sa Edukasyon Sa Pagpapakato sa Sekondarya) REX Book Store pp.3-12
https;//books.google.com.ph

400457.nissai@gmail.com www.nissai1.wixsite.com/abantenissai
09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) www.facebook.com /NISSAI400457
Page | 3
QUARTER I ESP 10

Pangalan: _________________________________________________________ Sekyon___________

Sagutang Papel
ARALIN 1: Isip at Kilos-loob: Mataas na Antas ng Paggamit

SUBUKIN (Initial Task):

ISIP Titik:____ _____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ _____

KILOS-LOOB Titik:____ _____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ _____

GAWAIN 1:

Tanong Tao Hayop


Ano ang mayroon sa bawat isa
upang makita ang babala?
Ano ang mahalagang taglay ng
bawat isa upang maunawaan ang
sinasabi ng babala?
Ano ang kakayahang taglay ng bawat
isa upang sundin ang sinasabi sa
babala?
Ano ang inaasahang tugon ng bawat
isa sa babala?

Saan binatay ang pagtugon ng bawat


isa sa babala? Ipaliwanag

GAWAIN 2:

1. ___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.
2. ___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.
3. ___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.
4. ___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.

REPLEKSIYON:
1. ___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.
2. ___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.

400457.nissai@gmail.com www.nissai1.wixsite.com/abantenissai
09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) www.facebook.com /NISSAI400457
Page | 4

You might also like