You are on page 1of 3

NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL

QUARTER III OF SAN AGUSTIN, INC. EsP 9

ARALIN: 1
KATARUNGANG PANLIPUNAN: BATAYAN NG
KAPAYAPAAN
Targeted Most Essential Learning Competencies (MELCs)

 Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan.


 Nakapagsusuri ng mga paglabag ng mga katarungang panlipunan ng mga tagapamahalaat pamayanan.

Lesson Objectives

 Naipamamalas ng mag-aaralang pag-uanawa sa konsepto ng katarungang panlipunan


 Natutugunan ng mag-aaral ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.

Aralin 1: Katarungang Panlipunan: Batayan ng Kapayapaan

SUBUKIN
Basahin ang tula sa ibaba.
Makatarungan Ba?

Sa isang pagamutan, isang pasyente ang dinala,


Madungis, maputla, duguan, halos di makilala.
Isang mamang dukha ang nagdala sa kaniya,
Ni hindi inalintana kung sino ang walang malay na isinugod niya.

Ang kawawang pasyente hindi tinanggap,


Sa kaniyang kalagayan, hindi nilingap,
Sagot ng mga nars, walang impormasyong nakalap,
Walang kamag-anak, makialam ay mahirap.

Dahil sa awa, mamang nagdala agad-agad binuhat,


Naghanap ng ibang hospital na maaaring tumanggap.
Sa kanilang paghahanap, isang doktor ang naawa’t nahabag.
Tinulungan ang mama, pasyente ay binigyang lunas.

Sa pagsisiyasat, doktor ay umiling, sa pasyente’y napaiyak


Sapagkat kalagayan ay malubha, ang sakit ay kumalat.
Opera ay hindi sapat, milagro lang ang makakaligtas,
Kung sana agad tinaggap, pasyente ay hindi magdadanas.

Ito ba ay makatarungan. Pobreng pasyente hindi pakikialaman


Dahil ba hindi siya mayaman, pagkakaitan na siya ng karapatan
Hindi nga ba’t ibigay ang dapat mayaman man o mahirap?
Upang ang katarungan ay malasap, karapatan ay ibigay sa lahat.

Dapat nating isaalang-alang, dangal ng bawat isa ay igalang.


Walang dapat sino man ang pinapaboran sa lipunan.
Mahirap man o mayaman, hindi dapat pinagpipilitan.
Sino man ang nangangailangan, dapat pagtuunan.
Kalinga, kapayapaan, at katarungan pairalin sa lipunan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa binasang tula. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sa pagbasa mo ng tula, anong senaryo ang namuo sa iyong isipan?

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 1
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
OF SAN AGUSTIN, INC.
2. Paano mo ilalarawan ang mamang dukha? Makatarungan ba ang kaniyang ginawa?
3. Sa totoong buhay, may mga pangyayari kayang ganito sa ating lipunan?

TALAKAYAN (DISCUSSION)

Mga Prinsipyo ng Katarungang Panlipunan


1. Ang pag-unlad ng tao at ang kahalagahan ng trabaho –
Ang pagtatrabaho ay hindi lamang isang karapatan kundi isang tungkulin at pananagutan din. Mahalaga ang
hanapbuhay sa isang tao upang mapangalagaan niya nang mahusay ang kaniyang pagtugon sa sariling pangangailangan
at ng kaniyang pamilya.

2. Ang pagkiling o pagkandili sa mga mahihirap –


Ang pagkiling sa mahihirap ay isang kalayaan sa pagtupad ng pagkakawanggawa. Ang pagmamahal sa mga dukha ay
tungkuling tumulong sa mga nangangailangan, hindi lamang sa materyal na paraan kundi pati sa paglunas sa maraming
uri ng karukhaang kultural at espiritwal.
Ang karukhaan, pagsasamantala sa mahihirap o mahihina ay nagpapakita ng kawalan ng katarungan. Ito ay
nagsisilbing hamon sa ating pagka-Pilipino na tugunin ang sitwasyong ito sa pamamagitan ng isang tapat na
pananagutan sa katarungang panlipunan.

3. Ang ugnayan ng katarungan at pagmamahal –


Sa pag-ibig lamang nakakamit ang kaganapan ng katarungan. Ang katarungan ay ang pagbibigay ng higit pa sa
nakatakda o nauukol. Ang pag-ibig din ay ang nagbibigay ng higit pa sa nakatakda o nauukol. Ibig sabihin nito, hindi tayo
makapagmamahal hangga’t hindi natin natutugunan ang hinihingi ng katarungan.
Ang pag-ibig na titnutukoy rito ay hindi makasariling pagkakawanggawa gaya ng pagbibigay ng mayayaman ng
kanilang sobra. Bagkus, ang dapat mangibabaw ay ang damdaming makapagkawanggawa na hinihingi ng katarungan.
Ang ating ari-arian ay hindi para sa atin lamang kundi para sa lahat. Kaya kung tayo’y tumutulong sa mga dukha sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagay na kanilang kailangan, ibinabalik lamang natin ang nararapat sa kanila.

GAWAIN 1 (Learning Activity)


Gumawa ng sariling programa na maaari mong imungkahi sa pamahalaan upang maisulong ang karampatang
katarungan para sa bawat isa. Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

a. mga pamilyang walang disente at maayos na tirahan.


b. mga batang walang kakayahang makapag-aral dahil sa matinding kahirapan.
c. mga biktima ng hindi makatarungang pagpaparusa at karahasan.

GAWAIN 2:

Gumawa ng isang kredo ng katarungan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang panunumpa para sa pagbabantay ng
katarungan sa inyong lipunan. Ituloy ang nasabing kredo sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

KREDO NG KATARUNGAN

Ako si ___________________________________________ nangangako na mangangalaga at magtataguyod ng katarungang


panlipunan; itataguyod ko ang pagbabalanse sa lahat ng kilos ko at sikaping timbangin ang lahat sa pagbabahagi ko ng aking
____________________
______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
________.

Repleksyon:
1. Bilang kabataang tinaguriang pag-asa ng bayan, paano magiging matatag ang pundasyon mong tumimbang
sa batas ng tama at mali, at ng ikasiya at ikabubuti ng iyong karapatan?
Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.
For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 2
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
OF SAN AGUSTIN, INC.

2. Ano ang dapat isaalang-alang upang matamo ang katarungang panlipunan?

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 3

You might also like