Professional Documents
Culture Documents
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Li[punang Ekonomiya
Aralin
1 Lipunang Ekonomiya
Pangkalahatang Ideya
Napapansin mo ba ang sarili mo sa kasalukuyan? Nag-iiba na ba ang mga reaksiyon mo sa mga
nangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita at mga isyung nagingibabaw sa media? Kung oo ang sagot mo
sa mga tanong na ito, ibig sabihin ay lumalabas na sa iyong sarili ang iyong pagtingin, mayroon ka ng
pakialam sa lipunang kinabibilangan mo. Nakikilala mo na hindi ka lamang nabubuhay para sa iyong sarili at
para sa iyong pamilya, na mayroong mas malawak na mundong iyong kinabibilangan at ikaw ay isang
mahalagang bahagi nito. Kung hindi naman ang iyong sagot, huwag kang mag-alala at darating din ang
pagkakataong mababago ang iyong pananaw sa buhay. Maaaring naghihintay lamang ito ng tamang
pagkakataon. Maaaring makatulong nang malaki sa iyo ang mga aralin sa baitang na ito.
Ang modyul na ito ay mayroong isang aralin:
- Lipunang Ekonomiya
Layunin
Pagkatapos ng mga gawain ay kaya kong:
1. tukuyin ang mga sitwasyong nagpapakita ng lipunang ekonomiya.
Panimulang Pagtataya
Gawain 1. Pakiramdaman Mo ang Kabutihan ng Lipunan.
Panuto: Narinig mo na ba ang salitang ekonomiya? Ninanais mo bang magkaroon ng mabuting ekonomiya
ang tahanan at lipunang iyong kinabibilangan?
1. Isulat sa loob ng graphic organizer sa ibaba kung ano ang mga katangian ng mabuting
ekonomiya para sa iyo.
Aralin
LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa isang panig, may
nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung titingnan ang
tao sa kaniyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng iba. Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang
hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga taong mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba.
May mga taong yayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at mananatili sa kanilang
kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan ng mundo.
Isa sa mga gitnang posisyon ay ang posisyon ng pilosopong si Max Scheler. Para kay Scheler, bahagi
ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at 5 kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan
ang kakayahan nating maging isang sino. Ang taong matangkad ay sadyang may pangunguna sa basketbol
kaysa maliliit. Ang babae ay mas may taglay na karisma upang manghalina kaysa lalaki. May timbre ng boses
ang hinahanap upang maging tagapagbalita sa radyo. May linaw ng mata na hinihingi sa pagiging isang piloto.
Idagdag pa rito ang iba pang aspekto ng kasinohan ng tao: ang kaniyang kinagisnan, ang pagpapalaki sa
kaniya, ang mga koneksyon ng pamilya, ang kaniyang lahi, relihiyon, at iba pa. Ang lahat ng ito ay naglalatag
ng maaabot ng tao.
Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito, kailangang sikapin
ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan. Hindi dahil maliliit ang
manlalaro ng basketbol hindi na siya kailanman magiging mahusay at masaya sa kaniyang paglalaro. Hindi
niya maaabot ang naaabot ng matangkad ngunit mayroon siyang magagawa sa bukod-tangi niyang paraan na
magpapaiba sa kaniya sa matangkad. Kailangan lamang niya ng tiwala at pagkakataon.
Malabo? Gamitin nating halimbawa ang sitwasiyon sa klase. Maaaring si Elmer ang pinakamagaling sa
Math ngunit hindi nito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang tuturuan ng guro ng Math. Pagsisikapan pa rin
ng guro na ituro ang mga tuntunin sa Math sa kapuwa mabilis matuto at sa mga mag-aaral na kailangan ng
ibayong pag-akay. Subalit, upang higit pang mapaunlad ang husay ni Elmer, maaaring bigyan siya ng dagdag
na mga Math problems na kaniyang pag-aaralan. Tugma ito sa tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na
prinsipyo ng proportio, ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. Sa madaling
salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa
kakayahan, ayon sa pangangailangan.
Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na dapat ipamigay sa isandaang tao, ano ang
pinakamabisang paraan ng pagbabahagi nito? Bibigyan ba ang lahat ng tig-iisang tinapay o bibigyan ang mga
tao nang ayon sa kanilang hinihingi? Baka may ibang busog pa o kaya naman ay mahinang kumain. Baka may
ibang may sakit o mas gutom. Hindi ba’t pinakamabisa at masinop na paraan ang pagbabahagi ng tinapay
ayon sa huling batayan?
Una, tila tinatali ng tao ang kaniyang sarili sa bagay- ibig sabihin, kung hindi siya makakakuha ng
bagay, bumababa ang kaniyang halaga bilang tao. Kung hahayaan niya na ang iba lamang ang mabigyan ng
tinapay, para siyang nagpapalamang o para niyang binitiwan ang tinapay na karapatan naman niya talaga.
Pakiramdam niya ay nagpapaapi siya. Mali ang ganitong pananaw. Hindi sa tinapay nagkakaroon ng halaga
ang tao. Una ang halaga ng tao bago ang tinapay. May tinapay man o wala, may halaga ang tao. May yaman
man ang tao o wala, may halaga pa rin siya bilang tao. Ang tinapay ay nariyan upang siya ay busugin,
palakasin, at paginhawahin. May pangingibabaw siya sa tinapay; hindi ang tinapay sa kaniya. Ang kunin pa
niya ang tinapay ay pagsasayang na lamang sa tinapay. Ang pagpilit naman niyang kainin ang tinapay para
masabi lamang na hindi nasayang ang tinapay ay isang pagsira naman niya sa kaniyang sarili. Maaari pa itong
dahilan ng kaniyang pagkakasakit. Maling-mali ito.
Pangalawa, kailangan yatang balikan ang dahilan ng paggawa at pag-aari (ownership). Bakit nga
ba ako nagtratrabaho at nagmamay-ari ng mga bagay? Nagtratrabaho ba si Tatay para ipagmayabang niya sa
kaniyang kapitbahay ang kaniyang 6 pera? Bumibili ba si Nanay ng gamit sa bahay para ibandera sa iba ang
kanilang mga bagong appliances? Gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi upang makipagmayabangan sa
iba, ibagsak o pahiyain ang iba o makipagkompetisyon sa iba. Gumagawa siya dahil nais niyang ipamalas ang
kaniyang sariling galing. Nagtratrabaho siya upang maging produktibo sa kaniyang sarili.
Napakaganda ng salitang Filipino para sa trabaho. Ang tawag natin dito ay “hanap- buhay.” Ang
hinahanap ng gumagawa ay ang kaniyang buhay. Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa pera kundi para
ito sa buhay na hinahanap niya. Ang kaniyang pag-aari ay hindi lamang patunay ng kaniyang pagpapagal. Ito
rin ay ang mga gamit niya upang matulungan siyang mahanap ang kaniyang buhay. Mayroon siyang videoke
machine hindi para mag-ingay kundi para magamit niya sa kaniyang pagpapahinga at muling pagpapalakas.
Mayroon siyang telebisyon hindi upang ipagmalaki ang kaniyang kakayahang makabili ng mamahaling gamit
kundi upang malibang at makakakuha ng bagong kaalaman na makatutulong sa muli niyang pagbalik sa
pagtratrabaho. Mayroon siyang damit hindi para ipang-porma kundi dahil kailangan niya ito upang gawing
presentable ang kaniyang sarili sa trabaho at sa mga nakakasalamuha niya. Marapat na ipaalala sa sarili na
ang gamit sa paligid at yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na palakihin lamang ang yaman.
Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga layunin ng tao.
Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa
paggawa. Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitan na mayroon siya o wala, ang humuhubog sa tao. Ang
tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay
na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anomang ibinigay sa
kaniya ang kaniyang ikayayaman.
Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang Ekonomiya. Ginagawa rin nilang
isang malaking tahanan ang bansa- isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto,
manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang buhay.
Ebalwasyon
Ngayon, tapos ka na sa pagsasagawa ng modyul, suriin natin kung ano ang iyong natutunan.
3. Sino ang nagsabi na, “bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at
kahinaan”?
a. Dr. Manuel Dy b. Malala Yousafzai c. Martin Luther King d. Max Scheler
5. Mahalagang siguraduhin ng pamahalaan na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-
ekonomiya. Ano ang dapat nitong gawin?
a. Magbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.
b. Pangungunahan ang pangangasiwa at pamamahagi ng patas sa yaman ng bayan.
c. Sisikapin na bigyang trabaho ang bawat kasapi kahit hindi angkop sa kakayahan nito.
d. Tutulungan ang mga manggagawa nito sa paghanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.
6. Ano ang prinsipyong gagabay sa pamilya upang ang bahay ay magiging tahanan?
a. Prinsipyo ng Proportio c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
b. Prinsipyo ng Lipunang Pampulitika d. Prinsipyo ng Lipunang ekonomiya
7. Ano ang mabuting gawin ng mga tagapangasiwa ng Local Govenment Unit (LGU) upang malutas ang
problema sa kakulangan ng tubig?
a. Siguraduhing pantay ang rasyon ng tubig sa bawat barangay na nasasakupan.
b. Ayusin ang sirang tubo kung nag-uumapaw na ang tubig nito sa kalsada.
c. Siyasatin kung maayos ang mga koneksiyon ng tubo na daluyan ng tubig.
d. Maghanap ng panibagong pagkukunan ng tubig ng mga sirang tubo.