You are on page 1of 8

9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 1 Weeks 1 and 2
Modyul 1: LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG
PANLAHAT

Mga Inaasahan
Sa pamamagitan ng aralin na ito, inaasahan na maipamamalas mo ang pag-unawa sa lipunan
at layunin nito (ang kabutihang panlahat).
 Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat (EsP9PL-Ia-1.1)
 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa
pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan ( EsP9PL-Ia-1.2)
 Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang
kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga
puwersang magpapatatag sa lipunan (EsP9PL-Ia-1.3)
 Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan (EsP9PL-Ia-1.4)

Alam kong sabik ka nang umpisahan ang ating aralin, ngunit bago iyon ay dapat mo
munang sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Paunang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pamilya?


A. Kasapi sa isang samahan C. Pinakamaliit na yunit ng lipunan
B. Kinabibilangan ng iba’t-ibang tao D. Lipunan ang bumubuo sa pamilya
2. Ano ang tatlong elemento ng lipunan?
A. May layunin, kasiguraduhan, kasiyahan
B. Pinagpaplanuhan, masigasig, may pagkiling
C. Paggalang sa indibidwal, katarungan at kapayapaan
D. May prinsipyo, malinis at may nangungunang pinuno
3. Ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa_____.
A. Nakabubuti para sa nakararami
B. Nakabubuti para sa iilan lamang
C. Nakabubuti para sa lahat ng tao
D. Nakabubuti para sa nakaririwasa sa buhay
4. Ito ay isa sa pinakamahalagang sangkap ng elemento ng lipunan.
A. Pagkakaroon ng prinsipyo
B. Paggalang sa indibidwal
C. May lider na sinusunod
D. Pag-unlad ng lipunang kinabibilangan
5. Ang tao ang bumubuo sa lipunan.
A. Tama, sapagkat ang lipunan mismo ang tao.
B. Mali, dahil kaya ng tao mamuhay kahit walang lipunan
C. Mali, sapagkat ang tao hindi nangangailangan ng kapwa
D. Tama, sapagkat ang bawat institusyon ay pinatatakbo ng tao

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
Pagpapakilala ng Aralin
Ang Lipunan ay hango sa wikang Pilipino “Lipon” na ang ibig sabihin ay tipon
o sama-sama. Kung kaya’t ang lipunan ay sama-sama, lipon o binubuo ng mga tao mula
sa iba’t ibang uri at antas ng pamumuhay. Pinagkaloob ng Diyos ang lipunan sa tao upang
ito ang tumugon sa pag-unlad ng kanyang pagkatao, kabuoan at maging ng kanyang
kakayahan.

Mga Gawain
Gawain 1

Panuto: Bumuo ng isang pamayanan na iyong pangarap sa


pamamagitan ng alinman sa sumusunod na malikhaing paggawa.

a. Gumupit ng larawan mula sa dyaryo o magasin at idikit ito sa kahon sa


ibaba.
b. Iguhit o ilarawan ang pangarap mong pamayanan sa pamamagitan ng awit,
tula o kuwento. Ihanda ang sarili sa pagbabahagi nito sa klase.

Mga Tanong

1. Para sa iyo, ano ang pangarap mong pamayanan? Ipaliwanag.


2. Bakit mahalagang tayo ay magkaroon ng pangarap na pamayanan? Ano ang kinalaman nito sa
layunin ng lipunan? Pangatwiranan?

Bibigyan ka ng mga sumusunod na


Rubriks sa Pagwawasto
puntos
Angkop ang mga tula, awit at kwento sa
5 – taglay ang 3 pamantayan
konsepto
Mahusay ang pagkakalapat 3 - taglay ang dalawang pamantayan
Naipaliliwanag ng mabuti ang mga kasagutan 1 - isang pamantayan lamang ang naibigay

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang maikling kwento. Sagutan ang mga tanong tungkol dito.

Ang Modelong Pamayanan


ni Helen V. Diaz

Nagmula sa San Fabian Pangasinan ang magkababata na sina Liza at Lito. Nang
makapagtapos sila ng elementarya, si Liza ay lumuwas na ng Maynila kasama ang kanyang
pamilya upang doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Apat na taon na ang nakalipas nang
muli siyang dumalaw sa San Fabian. Laking tuwa ni Lito ng ito ay kanyang malaman kaya’t agad

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
siyang tumungo sa kamag-anakan na tinutuluyan ni Liza at magiliw niya itong inanyayahang
lumibot sa kanilang pamayanan. Laking gulat ni Liza sa namalas na pagbabago ng kanilang lugar.
“Hindi ko inaasahang ganito kaganda, kalinis at kaunlad na ang ating lugar” sambit ni Liza, “ah
yan ba, dahil iyan sa mga kabataan dito, kami na ang namamahala pagdating sa kalinisan ng ating
pamayanan”ang sagot ni Lito.
“Itong lupa na ating kinatatayuan ngayon ay ibinigay ni Don Fabian para sa mga taga- rito,
kuwento ni Lito. Napakalawak at maraming iba’t ibang tanim may mais at napakaraming gulay”
masayang sambit ni Liza “Oo naman, ang mga kabataan ang nagsipag- tanim niyan, tuwing Sabado
at bakasyon diyan kami abala at ang mga ina naman na nasa tahanan ang tulong-tulong na
nagdidilig araw-araw. Ang mga kabinataan ay katuwang naman ng mga ama sa pagtatag ng Bantay
bayan at salitan silang rumoronda gabi-gabi upang mapanatili ang kapayapaan sa ating
pamayanan.” kwento ni Lito.
“Tamang-tama Sabado bukas at anihan ng gulay sumama ka sa amin at mag-aani tayo,
matapos ang pag-ani ng mga kabataan, ito ay kanilang hahati-hatiin ayon sa pangangailangan ng
pamilya at ihahatid sa bawat tahanan” wika ni Lito. Dumating na ang araw ng bukas, masaya silang
nag-ani at nagbahay- bahay upang ipamahagi ang inaning gulay.

Mga Tanong:

1. Ano ang kabutihang dulot ng pagtutulungan ng tao sa kanilang pamayanan?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Paano ipinakita sa kuwento ang paggalang sa indibidwal, pagkakaroon ng katarungan at
kapayapaan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Game ka na ba?!
a. Buoin ang “jumbled letters” sa ibaba at isulat ang sagot sa patlang.
b. Matapos mabuo ang mga salita, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

 MILPAYA – ito ay binubuo ng nanay, tatay at mga anak at ito ay tinuturing na


pinakamaliit na yunit ng lipunan. ________________________________________
 MAHALPAANA- ito ay pinangungunahan ng pangulo ng bansa.
_____________________________________________________________________
 LANPAARA – dito nililinang ang ating karunungan.
_____________________________________________________________________
 MISBAHAN – dito nililinang ang ating espirituwalidad
.____________________________________________________________________
 LENGPAKE – dito tayo namimili ng pangunahing pangangailangan sa bahay.
______________________________________________________________

Mga Tanong:
1. Paano naitataguyod ng mga institusyong ito ang kabutihang panlahat sa pamilya,
pamayanan, paaralan at simbahan? Ipaliwanag._______________________________

_____________________________________________________________________

2. Ano ang maaaring maganap kung hindi tutupad o sususunod sa tungkulin nila ang mga
institusyong nabanggit? Ilahad________________________________________
_____________________________________________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
Tandaan natin
Kabutihang Panlahat –ito ang layunin ng lipunan, na maibigay ang serbisyo
para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng nakararami o ng iilan lamang.

Ang kabutihang panlahat ay binubuo ng tatlong mahalagang elemento:


(Compendium of the Social Doctrine of Church)
1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga
sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan ang
kanyang dignidad. Sa dignidad nakakabit ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang
at hayaang gamitin ng tao sa lipunan upang maging makatarungan ang isang lipunan.
Kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal ay
kinikilala, ginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanan ng pangkat. Ang pag-unlad ang kabuuang


pokus ng panlipunang tungkulin kailangang maibigay sa mga tao. Karaniwang sinusukat
ito, halimbawa sa pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan; epektibong
pampublikong kaligtasan at seguridad; kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa
mundo; makatarungang sistemang legal at pampolitika; malinis na kapaligiran at
umuunlad na sistemang pang-ekonomiya. Ang mga nabanggit ay mayroong malakas na
epekto sa kapakanan ng mga kasapi ng pangkat.

3. Ang kapayapaan. Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng


katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspeto ng buhay tulad ng
isip, kalooban, pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay
resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kaawalan ng kaguluhan.
Mayroong kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang
katarungan. (2015 Ed. Edukasyon sa Pagpapakatao 9)

4.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Matapos mong malaman ang layunin ng lipunan, bilang isang kabataan
paano mo gagampanan ang pagpapalaganap ng kabutihang panlahat? Isulat sa sagutang papel
ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon.

Habang ikaw ay namimili sa palengke, nakita mo na may nang-uumit o nagnanakaw ng


paninda.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Madalas ay umaga ka na kung umuwi mula sa mga kaibigan mo, kaya’t laging nagagalit
ang iyong mga magulang.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
Botohan ng Sanguniang Kabataan (SK), tumatakbo ang iyong kaklase na si Pedro sa
posisyon, ngunit kilala mo siyang nangungutang ngunit hindi nagbabayad at bully sa
inyong paaralan. Nilapitan ka niya at sinabing “aasahan ko ang boto mo friend”

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto Bibigyan ka ng mga sumusunod na puntos


Naaayon sa konsepto ang kasagutan 5 – taglay ang 3 pamantayan
Mahusay ang pagkakapaliwanag 3 - taglay ang dalawang pamantayan
Maayos at angkop ang mga pangungusap na 1 - isang pamantayan lamang ang naibigay
ginamit

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang layunin ng lipunan?


A. Kaayusan
B. Kasaganaan
C. Kahinahunan
D. Kabutihang panlahat
2. Ano ang pamilya?
A. Kasapi sa isang samahan
B. Lipunan ang bumubuo sa pamilya
C. Kinabibilangan ng iba’t ibang antas ng tao
D. Pinakamaliit na yunit ng lipunan
3. Ano ang tatlong elemento ng lipunan?
A. May layunin, kasiguraduhan, kasiyahan
B. Paggalang sa indibidwal, katarungan at kapayapaan
C. May prinsipyo, malinis at may nagungunang pinuno
D. Pinagpaplanuhan, masigasig, may pagkiling
4. Ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa_______.
A. Nakabubuti para sa lahat
B. Nakabubuti para sa nakakarami
C. Nakabubuti para sa iilan lamang
D. Nakabubuti para sa mayayaman
5. Ito ay isa sa pangunahing sangkap ng elemento ng lipunan.
A. Paggalang sa indibidwal
B. May lider na sinusunod
C. May sinusundan na batas
D. Pag-unlad ng lipunang kinabibilangan

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
Pagninilay

Panuto: Isulat ang iyong repleksyon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan


sa loob ng palaso.

Ano ang layunin ng lipunan?

Bilang bahagi ng inyong pamayanan, ano


ang maitutulong mo upang palaganapin
ang kabutihang panlahat?

Ano ang papel na ginagampanan ng pamilya,


paaralan at pamayanan sa pagkamit ng
kabutihang panlahat?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
SAGUTANG PAPEL
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan – Una at Ikalawang Linggo
Aralin 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Pangalan:________________________________________________
Guro:_______________________
Baitang at Pangkat: _____________________________

Paunang Pagsubok
1. 4.
2. 5.
3.

Gawain 1 Mga Tanong:


1. _______________________
_______________________
_______________________
_______________________
2. _______________________
_______________________
_______________________
_______________________

Gawain 2
1. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Gawain 3
a. ___________________________ d. ___________________________
b. ___________________________ e. ___________________________
c. ___________________________
Mga Tanong:
1. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Pag-alam sa Natutuhan
1. ____________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________________
Pangwakas na Pagsusulit
1. 4.
2. 5.
3.
Pagninilay
1. ____________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Una at Ikalawang Linggo

You might also like